Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE FOR HEALTH EDUCATION 3

I. GENERAL OVERVIEW
Catch-Up Subject: Health Education Grade 3
Level:
Quarterly Theme: Sexual and Sub Peer Pressure
Reproductive Theme: and Its Negative
Health Effects
Time: 45 mins Date March 15, 2024
II. SESSION OUTLINE
Session Title: Peer Pressure
Session Objectives: Pagkatapos ng sesyon ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nauunawaan ang kahulugan ng peer pressure.


b. natutukoy ang mabuti at di-mabuting epekto nito
c. napapahalagahan ang wastong pag-iwas ng pamimilit sa
kaibigan

Key Concepts:
⮚ Ang peer pressure ay isang impluwensiyang ginagamit ng isang
grupo sa isang tao.
⮚ Ang impluwensiya ng kasamahan ay maaaring maging positibo o
negatibo.

References:
● DM 001 s.2024

● https://www.youtube.com/watch?v=M6LoRZsHMSs

● https://www.youtube.com/watch?v=MmTL3ZTGmH

● www.canva.com pictures

● www.google.com

Materials: TV, internet, laptop, bolang papel, activity card, marker at music

III. TEACHING STRATEGIES


Component Duration Activities and Procedures
Friday Routine 5 mins.
⮚ Magpapaawit ng Action Song
Exercise/
Dynamic (“KUNG IKAW AY MASAYA”)
Stimulator https://www.youtube.com/watch?v=M6LoRZsHMSs

Current Health 5 mins.


⮚ News Analysis
News Sharing
(Panonood ng Peer Pressure Documentary)
https://www.youtube.com/watch?v=MmTL3ZTGmHM

-Itanong:
▪ Tungkol saan ang napanood na balita?

▪ Naranasan niyo na bang pinilit na gumawa nang


masama dahil sa udyok ng mga kaibigan?
▪ Bakit kaya maraming naliligaw nang landas dahil sa
barkada?
(Ang mga bata ay magbibigay ng reaksiyon tungkol sa
napanood na impormasyon.)

Health Sessions 25 mins.


Pagbasa ng Kuwento:

May isang batang mag-aaral sa elementarya ng


Lungsod Mandaluyong. Isang araw, habang nasa loob ng
klase, nagsumbong si Ben sa kaniyang guro na kinuha ni
Jerry ang kaniyang lapis. Nilapitan sila ng guro at
tinanong, “Ano ang nangyari? Kinuha mo ba Jerry ang
lapis ni Ben? “Hindi po,” ang sagot ni Jerry. Hindi
umaamin si Jerry na kinuha niya ang lapis. Kaya
nagtanong ang guro kung may nakakita ba sa pangyayari.
Ang sabi ni Ana, nagsisinungaling po si Jerry. Nakita ko
po na kinuha niya ang lapis ni Ben. Kinausap ng guro si
Jerry nang mag-isa sa labas ng silid-aralan. Nang bumalik
na si Jerry sa klase, ibinalik niya ang kinuhang lapis kay
Ben at humingi ito nang paumanhin sa kaniya. Ang wika ni
Jerry, “Patawarin mo ako Ben. Napilitan lang akong kunin
ang lapis mo dahil inudyukan ako nila Aljun, Totoy at Dino
na kunin ko raw ang lapis mo para maging magkaibigan
kami kapag nakuha ko ito. Hindi ko na uulitin. Patawad.”
Agad na pinatawad ni Ben si Jerry.

Mga Tanong:

1. Saan nangyari ang kuwento?


2. Sino-sino ang tauhan ng kuwento?
3. Ano ang ginawa ni Jerry?
4. Bakit nagsisinungaling si Jerry?
5. Sino ang nag-udyok kay Jerry na kumuha ng lapis
ni Ben?
6. Tama ba ang ginawa ni Jerry na magsinungaling?
7. Kung ikaw si Jerry, kukunin mo rin ba ang gamit ng
iyong kaklase? Bakit?

A. Pagbuo ng Word Puzzle


Panuto: Hulaan ang nasa larawan. Ayusin ang
jumbled words sa ibaba.

1. NIGAPANIYORIL 2. YAPANGONGOP

3. KITNAPANA 4. KAWNAPAGNA

5. TAKANPAG

B. HALINA’T MAGLARO TAYO


“Role Playing”
Ipagawa sa mga bata ang sumusunod na eksena
sa pamamagitan ng role-playing. Ipakita ang masamang
dulot ng:
● pagliban sa klase o pag-cutting classes
● pagsisinungaling sa magulang o guro

● pangungupit

● pangongopya ng sagot kapag may pagsusulit

● hindi paggawa ng takdang-aralin


(Ipoproseso ng guro ang role-playing na ginawa ng mga
mag-aaral.)

C. POSTER MAKING
Bumuo ng 4 na pangkat. Bawat pangkat ay
gagawa ng poster tungkol sa pag-iwas sa:
1. pagliban sa klase o pag-cutting classes
2. pagsisinungaling sa magulang o guro
3. pangungupit
4. pangongopya ng sagot kapag may pagsusulit
5. hindi paggawa ng takdang-aralin

D. ANG AKING REAKSIYON


Itaas ang Happy Face na hawak ninyo kapag
ang mga larawan ay nagpapakita ng mabuting
impluwensiya sa inyo at Sad Face naman
kung hindi.

1.

2.
3.

4.

5.

Reflection and 10 mins.


● Itanong:
Sharing
1. Ano ang inyong naging karanasan sa ginawa
nating gawain?
2. Ano ang gagawin mo kapag pinilit ka ng mga
kaibigan mo na lumiban o mag-cutting sa klase?
3. Si Liza ay pinipilit ng mga kaibigan niyang
mamasyal na lang sa kalapit na parke kaysa
pumasok sa paaralan. Ano ang nararapat niyang
gawin?
4. Inuutusan ka ng iyong kaibigan na mangupit sa tray
ng kantina. Ano ang dapat mong gawin?
5. Nakatutulong ba sa inyo ang iyong kaibigan? Sa
paanong paraan?
(Iproseso ang bawat sagot ng mga mag-aaral.)

Wrap Up 5 mins.
● Pagsulat ng Pangako
Inihanda ni:

MA.THERESA N. AUSTRIA-Dalubguro I

IREL V. ALMANON-Guro III

FLORNILYN C. GALONO-Guro I

Mandaluyong Addition Hills Elementary School

Iniwasto: Sinang-ayunan:

VALENTIN C. SAGUN JR. LUCIA M. LLEGO


Dalubguro I Punongguro II

Sinuri :

JOSELIN S. BALANE LEOPOLDO A. MIRANDA JR.


Tagamasid Pampurok Pansangay na Tagamasid, MAPEH

RUBY E. BANIQUED
EPS, Learning Resource Management System
Pinagtibay:

ALYN G. MENDOZA
Punong Superbisor ng Edukasyon
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum

You might also like