Edukasyon Sa Pagpapakatao: Unang Markahan - Modyul 2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2:
Mga Tungkulin ng Nagdadalaga o Nagbibinata

(Ikatlong Linggo – Ika-apat na Linggo)

0
IKATLONG LINGGO
MODULE 2: Mga Tungkulin ng Nagdadalaga o
Nagbibinata

Alamin

Layunin:

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang:

A. Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng paglinang ng mga


angkop na inaasahang kakayahan o kilos sa pagtitiwala sa sarili.

B. Natutukoy ang mga iba’t-ibang paraan upang mapaghandaan ang mga


inaasahang kakayahan o kilos na kung saan matutugunan ang kanilang mga
tungkulin bilang kabataan para sa paghahanda sa susunod na yugto ng
buhay.

C. Nakabubuo ng isang talaan ng mga tungkulin bilang kabataan upang


makagawa ng angkop na hakbang sa paglinang ng limang inaasahang
kakayahan o kilos.

Subukin

Paunang Pagtataya

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang T kung ito ay makatutulong sa


pagpapaunlad ng sarili at M kung hindi.

1. Natututong ipahayag ang pagtutol sa mga bagay na labag sa kabutihan.


2. Marunong magpasalamat sa Panginoon sa lahat ng mga biyayan
natanggap.
3. Pipilitin mo ang iyong kaibigan na sa lahat ng pagkakataon ay sumunod
sa gusto at paniniwala mo.
4. Ibabahagi mo ang mga inpormasyon tungkol sa iyong kaibigan na
ikapapahamak niya balang araw.
5. Nauunawaan at natatanggap mo ang sarili ng ibang tao kung kilala at
tanggap mo ang iyong sarili.
6. Sasabihin mo sa kaibigan mong lalaki na mahina siya kapag iiyak
dahil sa labis na kalungkutan.
7. Bilang isang nagdadalaga o nagbibinata dapat hubugin ang tiwala
sa sarili at ang kakayahan pagpasiya.
8. Ang pagkilala sa talento, hilig, kalakasan at kahinaan na makatutulong
sa pagpapaunlad ng iyong pagkatao.
9. Ang mga magulang o mga awtoridad at mga eksperto ay hadlang
sa iyong pagpapasya.
10. Ang mga kawanggawa o pagtulong sa pamayanan ay para lang sa
mga nakatatanda.

1
Balikan

Panuto: Tukuyin ang pagbabagong nagaganap sa bawat sitwasyon. Titik lang


ang isulat sa sagutang papel.

A. Pisikal B. Pandamdamin C. Panlipunan


D. Pangkaisipan E. Moral

1. Nahihiya na si Ana na makipaglaro ng habulan sa mga kabataang


lalaki mula nang siya ay nasa paaralang sekundarya na.
2. Unti-unti nang nababawasan ang pagiging malikot ni Manuel tuwing
siya ay nakikipag-usap sa mga babae.
3. Nagsisimba na nang maayos si Marie at hindi na naglalaro sa loob ng
simbahan.
4. Noong nasa paaralang elementarya pa si Jose ay palagi siyang lumiliban
sa klase. Ngayong nasa paaralang sekundarya na siya, naisip niyang mag-
aral nang mabuti upang magkaroon siya ng magandang kinabukasan.
5. Nahihiya na si Fe kapag siya ay pinagagalitan ng kanyang ina lalo na kung
mayroon silang bisita sa kanilang bahay.

Batay sa gawain sa itaas, ang isang nagdadalaga o nagbibinata ay may


maraming pagbabagong nagaganap sa sarili. Ito ang mga dahilan kung
minsan nahihiya siya dahil naninibago sa mga pangyayaring nagaganap sa
sarili. Bunsod sa mga pagbabagong ito ay ang pagbabago ng mga kakayahan
at pagkilos.
Ating tuklasin kung ano ang inaasahan sa isang kabataan na katulad
mo at ang mga tungkulin na kaakibat nito.

2
ARALIN 1: ANG MGA INAASAHANG KAKAYAHAN
AT KILOS NG NAGDADALAGA AT NAGBIBINATA

Tuklasin at Suriin

Panuto: Ayusin ang mga letra sa loob ng kahon at isulat ang nabuong salita
sa sagutang papel.
GAM-LARAA URSOK
1 YAHUBPHANA

Ang tinedyer ay (a)_____________ ng mabuti


upang makapasa at makapagtapos ng
(b)___________ o magkaroon ng magandang
(c)_____________.

GAP-WAANU HALMANI
2
PAGPAANTGGP

Ang (a)_____________ sa mga kalakasan at


(b)________________ ng mga kahinaan ay daan
upang (c)_____________ at pahalagahan ang
sarili dahil dito mas madali ang pagtanggap at
pagpapahalaga sa iba.
NAIBIGKA ATNUY GGATNAP
3

Ang gusto ng isang tinedyer ay magkaroon ng


mga (a)______________ na mapagkakatiwalaan
kung kaya ipakikita niya na (b)_______________
niya ang isang tao bilang (c)______________ na
siya.

PAGGPAPAAAHLA ABYAG
4 UNLPAARIN

Ang pamilya ang unang nagturo ng mga


(a)________________. Ang mga ito ay dapat
(b)________________ upang may
(c)_______________ ka sa mabuting asal.

3
GGANPBBAGAO AAYMHI
5 NAGMAT

Lahat ng kabataan ay nagbabago kaya huwag


(a)___________________ o maging insekyur sa
(b)_____________________ nangyayari. Ang
kailangan ay mga (c)________________________
paraan upang mapamahalaan ang mga
pagbabagong ito gaya ng ehersisyo,
masustansyang pagkain, malinis na
pangangatawan.
WAPKA WAINAG
6 TANMAGAUPAN

Ang pagtulong sa (a)____________ at


pakikibahagi sa (b)______________ ng paaralan
o di kaya sa barangay ay makatutulong ito
upang malinang ang pagiging
(c)__________________ ng isang nagdadalaga o
nagbibinata.

YONSISDE KAATUUBBIM
7 GUNIMANGSU

Ang isang kabataan na kagaya mo ay


kailangang masanay sa paggawa ng
(a)____________________ na tama at
(b)____________________ sa sarili at sa iba.
Kung nalilito kailangang
(c)_____________________ sa mga nakakatanda
o mas nakakaalam.

Paano mo haharapin ang mga inaasahang kakayahan o kilos bilang


nagdadalaga o nagbibinata?

4
B. Basahin ito.
Ang Kwento ng Posporo

Narinig ko lang ito sa sermon ni Father Mario Sobrejuanite, ang kwento


ng posporo. For sure kayo ay makakarelate dito.

“Madilim at siksikan sila sa loob ng kaha ng posporo. Ayaw masilawan


ng araw ang bawat isa sa kanila. Sa takot na kapahamakang mangyari sa
kanila. Hindi nila alam kung bakit kailangan nilang malagasan ng
kasamahan, dahil hindi na bumabalik ang kanilang kaibigang posporo. Isang
araw, may isang matapang na posporo. Sabi niya, gusto kong malaman ano
mayroon sa labas, gusto kong ako ang mabunot. Sabi ng isang kasamahan,”
Huwag! Nakakatakot sa labas, nakakasilaw, baka ano pang mangyari sa’yo
sa labas! Dito ka na lang, sama-sama tayong ligtas”.

Ngunit hindi nakinig ang disididong posporo na gustong mabunot.


“Hindi, kung ayaw ninyo, ako na lang sana ang mabunot, gusto kong makita
kung ano pa ang mayroon sa labas, maaari rin namang may magagandang
bagay doon”. Hindi nagtagal ay muling nagbukas ang kaha, sumilip ang
nakakasilaw na liwanag sa madilim na loob ng kahon. At nabunot ang
posporo na disididong malaman ang kung ano pa ang nasa labas ng kaha.
Gaya ng inaasahan ng mga naiwang posporo, hindi na bumalik ang kaibigan
nila. Sabi ng isa, “sabi ko sa inyo eh, mas ligtas tayo dito, hindi na siya
bumalik”. Makailang sandali lang, nagbukas na naman ang kaha at bumunot
ng posporo. Sa pagkakataong iyo’y nabunot si posporong ayaw magpabunot.
Takot na takot at nanlalamig siya. At tuluyan na nga siyang nakawala sa
madilim na kahang iyon. Nangangatog habang hawak siya, at isang nag-aalab
na apoy ang sa ulo niya’y nagningas. Siya ay tuwang tuwa dahil sa nakita
niya. Nagsilbi siyang liwanag sa madilim na panulukan at sinindihan ang
isang kandila gamit ang apoy sa ulo niya. Doon niya nasabi sa kanyang sarili
na napakasaya sa pakiramdam na ako pala ay isang liwanag na ang silbi ko
ay nagbibigay tanglaw sa madilim na panulukan.
At gamit siya, inilawan niya ang isang kandila at lalo siyang napamalas
sa kagandahang kanyang nakita. Maaliwalas dahil sa liwanag”.

5
Ang kwento ng posporo ay parang kwento din ng buhay ng tao. Minsan,
takot tayo na sumubok na makilala natin ang ating sarili. Dahil ang sa alam
lang natin ang ating limitasyon. Ngunit gaya ng kwento ng posporo, may
kanya kanya tayong liwanag. Na nais magningas sa puso natin. Ngunit
pinapaimbabawan tayo ng takot at duda.

Parang tao, na may mababang tiwala sa sarili. Takot na diskubrehin


ang mayroon pa sa atin. Dahil ang tanging alam lang natin ay hanggang doon
na lamang ang ating makakaya. Kaya nananatili sa ganoong estado ang ating
paniniwala sa buhay. Ang resulta, hindi marunong makihalubilo, mahiyain,
matatakutin at higit sa lahat, sarado ang buhay sa ibang tao.

Ngunit kung gaya tayo ng disididong posporo na malaman kung ano pa


ang mayroon sa labas, masasabi natin sa ating sarili na hindi lang pala sa
apat na kanto kaha umiikot ang buhay natin. Dahil marami pang
oportunidad ang naghihintay sa atin. Walang masama kung ating
susubukan.
Ang kahinaan ng tao ay nababalutan ng takot at pagkamuhi. Ngunit
kung ating babaguhin ang pananaw sa buhay, magiging maaliwalas at
punung puno ng positibong pananaw ang ating sarili, gaya na lang ng isang
nagniningas na posporo.
(https://arvinvalencia.wordpress.com/2013/07/09/ang-kwento-ng-
posporo/)
Mahalagang maunawaan ang mga inaasahang kakayahan o kilos
upang may gabay ka, may motibasyon na gawin ang mga ito at malinang ang
kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon.
Napag-aralan natin na kailangang buong-buo ang iyong tiwala sa sarili
at sa iyong mga kakayahan. Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay
nangangahulugan ng pagkakaroon ng positibong pagtingin sa iyong mga
kakayahan. Sa pamamagitan ng positibong pag-iisip, mapatataas mo ang
iyong tiwala sa sarili at magkakaroon ka ng positibong pananaw at damdamin
tungkol sa iyong sarili. Isipin mo ang iyong mga kakayahan para sa iyong
sarili: huwag palaging umasa sa opinyon ng ibang tao, lalo na ang pagtataya
sa iyong mga kabiguan at tagumpay.

Si Havighurst ay nagbigay ng walong inaasahang kakayahan at kilos


na dapat malinang ng isang nagdadalaga o nagbibinata (Hurlock, 1982, p.11).
Ito ay ang mga sumusunod:
1. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature
relations) sa mga kasingedad.
2. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki.
3. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang
pamamahala sa mga ito.
6
4. Pagtamo at pagtanggap ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa.
(Desiring and achieving socially responsible behaviour).
5. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasiya.
6. Paghahanda para sa paghahanapbuhay.
7. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya.
8. Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga (values) na gabay sa mabuting
asal.

Isaisip

Panuto: Sagutin sa isang buong papel ang mga katanungan.


1. Aling bahagi ng kwento ay iyong nagustuhan? Bakit?
2. Anong magandang maidudulot kung may tiwala ka sa sarili?
3. Ano ang mahalagang aral na natutunan mo sa kwento?

Isagawa

Panuto: Gumawa ng isang Linggong dyornal na naglalaman ng mga


magagandang mensahe para sa iyong sarili.

Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado Linggo


Halimbawa:
Magaling
ako sa
pagguhit

Tayahin
Kopyahin ang graphic organizer sa ibaba sa sagutang papel. Lagyan ng
angkop na sagot ang kahon sa kanan at sagutin ang tanong sa ibaba.

Ang paglinang ng a.
mga angkop na inaasahang
kakayahan at kilos sa ay b.
panahon ng pagdadalaga o nakatutulong
sa….
pagbibinata c.

7
IKA-APAT NA LINGGO
ARALIN 2: TUNGKULIN NG NAGDADALAGA O
NAGBIBINATA

Balikan
Ano-ano ang mga inaasahang kakayahan at kilos ng isang nagdadalaga
o nagbibinata?

Tuklasin at Suriin

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang mga tungkulin na ipinapakita sa


mga larawan at sagutin ang tanong na nasa ibaba.

• Bakit may mga tungkulin tayo na dapat gampanan?

MGA TUNGKULIN NA DAPAT GAMPANAN


1. Sarili. Mahirap isalin sa ibang tao ang responsibilidad kung hindi ito
nasimulang ilapat sa sarili. Kailangang magtiwala sa sarili, paunlarin ang
talento at kakayayahan at gamitin sa wastong paraan, gamitin sa
makabuluhang paraan ang mga hilig.

2. Bilang Anak. Mayroon ka ng sapat na edad upang makibahagi sa iyong


pamilya at sa tahanan. Tungkulin mong mahalin, igalang at pagkatiwalaan
ang iyong mga magulang.

3. Bilang Kapatid. Ang mabuting pakikitungo sa iyong mga kapatid ay


makatutulong upang matuto kang makitungo nang maayos sa iyong kapwa.

4. Bilang Mag-aaral. Tumingin ka sa malayong hinaharap pero gawin mo ang


lahat ng iyong makakaya ngayon. Mag-aral ng mabuti at sikapin na
magkaroon ng mataas na marka at paghandaan ang kinabukasan.

8
5. Bilang Konsyumer ng Midya. Kaya mo bang gamitin ito nang may
pananagutan ang Midya (Media) lalo na sa mga social media gaya ng
Facebook, Instagram at iba pa? Gamitin ang mapanuring pag-iisip (critical
thinking) sa paggamit ng midya. Lalo na ngayon na laganap ang fake news
sa social media.

6. Pamayanan. Ang isang kasapi ng pamayanan ay malugod na tumutugon


sa kanyang mga tungkulin para sa kapakanan nito.
Makibahagi at makipag-ugnayan sa inyong barangay upang makatulong para
sa kaunlaran ng iyong barangay o pamayanan.

7. Kalikasan. Mahalagang ilapat sa buhay ang anumang natutuhan sa


paaralan o di kaya sa midya lalo na sa siyensya gaya ng pagtitipid ng
kuryente, pag-aalaga sa kalikasan upang maiwasan ang polusyon at kung
ano man na makasisira nito.

8. Mananampalataya. “Prayer can move mountains”. Isaisip na mahal tayo ng


Diyos. Ang panalangin ay para sa papuri, pasasalamat at pinakamahalaga ay
ang pag-aalay sa Kanya ng lahat ng ating mga gawain. Magtiwala na
gagabayan ka palagi ng Diyos.

Palaging tandaan na kung may inaasahang kakayahan o kilos mayroon


din itong kaakibat na gawain o mga responsibilidad na dapat gampanan.

Ang mga inaasahang kakayahan o kilos ay magiging makabuluhan lang


kung ito ay lilinangin o pauunlarin. Ang magampanan o ang paggawa ng mga
tungkulin ay paraan upang mapaunlad mo ang iyong sariling kakayahan.

Isaisip

• Nauunawaan mo na ba kung ano ang mga inaasahang kakayahan o


kilos?
• Napagtanto mo ba kung paano mo ito maisasakilos o magagampanan?
• Napag-isipan mo ba na ang mga inaasahang kakayahan o kilos ay
nagpapakita ng iba’t-ibang tungkulin o responsiblidad?

9
Isagawa:

Panuto: Gawain 1: Basahin ang bawat aytem sa kulum. Lagyan ng Marka


(1-4) ang bawat pangungusap kun sumang-ayon sa iyong araw-araw na
aktibidad. Isulat ito sa papel.

HINDI KAILANMAN (1) BIHIRA (2) MINSAN (3) PALAGI (4)

Mga Tungkulin MARKA


1. Pagpost nag picture sa Facebook ng may pananagutan
2. Pagpapaalam sa magulang o kasambahay sa pupuntahang mga
lakad
3. Pag-iwas na makasagutan ang kapatid
4. Pagsasauli ng hiniram na gamit sa paaralan (hal. aklat)
5. pagligo araw-araw
6. Pagsisimba tuwing araw ng Linggo o araw ng pagsamba
7. Pag-iisip bago sumabay sa uso
8. Maging pinuno sa mga kaibigan na magkaroon ng programa para
sa kalikasan
9. Pagtulog nang maaga
10. Pagsunod sa payo ng mga magulang
11. Pagpaparaya sa kapatid kung kinakailangan
12. paggamit ng tiktok pa may dangal at pananagutan
13. Paglilinis ng sariling bakuran o ng bahay
14. Pagsunod sa utos at aral ng Diyos
15. Pinag-iisipan muna ang bibilhing produkto
16. Pagbabahagi ng kaalamang natutuhan mula sa paaralan tungkol
sa kalikasan
17. Pag-iwas sa pag cheating sa pasulit
18. Pagtulong sa mga gawaing-bahay
19. Pakikinig sa payo ng nakatatandang kapatid
20. Pagpasok sa paaralan araw-araw
21. Pakikilahok sa programa ng barangay
22. Pagtulong sa kapwang nangangailangan
23. Paggamit ng mga teknolohiya (hal. internet) nang may disiplina
24. Paggamit muli (reuse) ng mga plastic bag
25. Pagtanggap sa sariling kahinaan
26. Pagsagot nang may paggalang sa mga nakatatanda (hal.
magulang) kapag tinatanong
27. Pagpapaalam sa kapatid bago gamitin ang kanilang gamit
28. Pagpapasa ng mga proyekto sa takdang araw
29. Paghihiwa-hiwalay ng basura sa tahanan
30. Kuwain nag wastong pagkain
31. Pagtingin hindi sa tatak (brand) ng isang produkto kundi sa
kalidad nito

10
32. Pagbasa ng bibliya
33. Pagiging malinis sa katawan
34. Paggamit ng wasto sa social media na may pananagutan
35. Pagpapalawak ng pasensya sa pagkukulang ng mga kapatid
36. Pagtulong sa kapwa lalo na sa pulubi
37. pagbasa nag mga aklat
38. Pag-iwas na makapanakit ng kapwa
39. Pag-iwas sa pagtangkilik sa mga pekeng produkto tulad ng cd
tape, sapatos, atbp.
40. Pakikiisa sa kampanya para sa isang proyekto na kasama ang
iyong pamilya

Gawain 2: Panuto: Pagkatapos mo lagyan ng marka sa Gawain 1, ilipat ang


iskor o puntos sa tsart sa ibaba at isulat ang kabuuang iskor.

Sa Sarili Bilang Kapatid Bilang mag-aaral


Bilang Anak (BA)
(S) (BK) (BMA)
5 2 3 4
9 10 11 17
25 18 19 20
30 26 27 28
33 40 35 37
Item Item Item Item
No. Total: _____ No Total: _____ No Total: _____ No Total: _____

Bilang Bilang Bilang


Ang Tungkulin sa
konsyumer ng tagapangalaga mananampalataya
Aking Pamayanan
midya (media) ng kalikasan (BM)
(TBP)
(BKM) (BTK)
1 15 8 6
7 21 13 14
12 22 16 31
23 31 24 36
34 29 24 38
Item Item Item Item
No Total: _____ No Total: _____ No Total: _____ No Total: _____

11
Gawain 3: Panuto: Pagkatapos mong isulat ang kabuuang iskor ng lahat ng
mga dimensyon sa tungkulin, gumawa ng bar graph. Gawing ang tsart sa
ibaba at isulat ito sa papel.
Score
Hal. BAR Graph ng Tungkulin
20
18
16
14
12
10
8
6
4
2
18 S BA BK BMA BKM TBP BTK BM

Iskor Antas ng Pagtupad ng Tungkulin

16-20 Napakahusay at responsabling pagtupad ng mga tungkulin


11-15 Mahusay ang pagtupad ng mga tungkulin
Paalaala na bigyan ng pansin ang sarili tungkol sa pagtupad ng mga
6-10 tungkulin

Kailangang matutuhan ang mga paraan ng pagtupad ng mga


1-5 Tungkulin

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang natuklasan mo?
2. Aling dimensiyon sa mga tungkulin ang may pinakamataas na
marka at pinakamababang marka? Ipaliwanag.
3. Paano mo mapaunlad ang iyong sarili upang magampanan ang mga
tungkulin bilang isang mabuting kabataan?

Pagyamanin
Panuto: Nakalista sa kahon ang iyong mga tungkulin. Punan ng
angkop na sagot bawat kolum. Isulat sa sagutang papel.
Pamamaraan ng maayos
Mga Tungkulin mo bilang
Tiyak na tungkulin na pagtupad ng
nagdadalaga/nagbibinata
tungkulin
1.Sa sarili Halimbawa: Halimbawa: Paghahanda
Paggawa ng iskedyul at pag-aayos ng mga
para sa araw-araw kakailanganing gamit sa
(halimbawa: oras sa gabi pa lamang gaya ng
paggising, almusal, pag- damit, mga gamit sa
aral, paglaro, at iba pa) paaralan at iba pa.

12
Mga Tungkulin mo bilang Tiyak na tungkulin Pamamaraan ng maayos
nagdadalaga/nagbibinata na pagtupad ng
tungkulin
2. Bilang anak
3. Bilang kapatid
4. BIlang mag-aaral
5. Bilang konsyumer ng
midya (media)
6. Ang Tungkulin sa
Aking Pamayanan
7. Bilang tagapangalaga
ng kalikasan
8. Bilang
mananampalataya

Pangkalahatang Pagsubok

Panuto. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap/talata at sagutin


ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel ang titik ng wastong sagot.

1. Ang mga sumusunod ay mahalagang layunin ng inaasahang kakayahan


at kilos sa bawat yugto at pagtanda ng tao maliban sa________________
A. nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat
yugto ng buhay
B. nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa
mga bagong sitwasyon
C. nagtuturo sa isang nagdadalaga/nagbibinata ng mga nararapat na
gawin na akma sa kanilang edad
D. nagsilbing pagganyak o motibasyon upang gawin ng isang
nagdadalaga/nagbibinata ang inaasahan sa kanya ng lipunan

2. Ano ang mangyayari sa isang taong hindi makayanang tanggapin ang


sariling kahinaan?
A. magagalak C. masisiyahan
B. malulungkot D. matutuwa
3. Kapag ikaw ay nakakita ng isang matandang tumawid sa “pedestrian lane”
na mahinang lumakad, ano ang iyong gagawin?
A. magmamano at bigyan ng pagkain
B. pagtatawanan ang mahinang paglakad
C. sigawang “Hoy matanda! Sa bukid ka maglakad”.
D. aalalayan at itawid ng maayos sa kabilang daan

13
4. Bakit mahalaga ang pagtamo sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata
ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad
A. upang masisiguro niya na mayroong tao na tatanggap sa kanyang mga
kalakasan at kahinaan.
B. upang magkaroon siya ng mga kalaro na magtuturo sa kanya ng mga
pakikipag- ugnayan sa mga kasing-edad.
C. upang mapatunayan sa lahat ng tao na may kakayahan siyang
makipag-ugnayan ng maayos sa kanyang kasing-edad.
D. upang magkaroon siya ng makakasundo na tutulong sa kaniya upang
matanggap sa isang pangkat na labas sa kanyang pamilya.
5. Ang tungkulin ng tao ay dapat magsimula sa_________________.
A. magulang C. pamilya
B. paaralan D. sarili
6. Ano ang magagawa mo upang mapabuti ang iyong kakayahan?
A. madaling pagkatuto C. magdasal araw-araw
B. gumawa ng kabutihan D. madalas na pagsasanay
7. Ang kinakailangan upang mapaunlad ang sariling pagkatao ay
ang_____________
A. kakayahan C. pag-aaral
B. kapamilya D. magulang at paaralan
8. Paano malinang ang inaasahang kakayahan at kilos?
A. ibahagi C. ipakita sa pamilya
B. ipagmalaki D. paunlarin at ibahagi
9. Paano mo mapapaunlad ang sarili batay sa iyong taglay na kakayahan?”
A. sanayin lamang ito kung may kompetisyon sa taglay na kayang gawin
B. maging gustong mapuri sa lahat ng tagumpay
C. magiging mahina sa taglay na kakayahan
D. paghusayin ang taglay na kakayahan

10. Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-ugnayan kung handang


ipaalam ang lahat sa kapwa. Ang pangungusap ay____________.
A. tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala sa kapwa
B. tama, dahil ito ay magiging simula ng isang damdamin
C. mali, dahil sa kasapi ng pamilya lamang ang nararapat na
makaaalam sa lahat ng sikreto
D. mali, dahil mahalagang magkaroon ng limitasyon upang hindi
magamit ang mga impormasyon tungkol sa sarili laban sa kanya sa
hinaharap.

14
Susi ng Pagwawasto

c) sumangguni b) makabubuti 7. a) desisyon

c) mapanagutan b) gawain 6. a) kapwa

b) pagbabagong c) tamang 5. a) mahiya

4. a) pagpapahalag b) paunlarin c) gabay


B 5.
D 4. c) tunay b)tanggap 3. a) kaibigan
E 3.
C 2. b) pagtanggap c)mahalin 2. a) pag-unawa
C 1.
c) hanapbuhay 1. a) mag-aaral b) kurso
Balikan Aralin I: Tuklasin at Suriin

Tayahin: pahina 8 (ang mga sagot ay maaaring magkaiba)


Isagawa: pahina 8 (ang mga sagot ay maaaring magkaiba)
Isaisip: pahina 8 (ang mga sagot ay maaaring magkaiba)

Pagyamanin: pahina 13-14: magkakaiba ang sagot ayon sa karanasan ng mga mag-aaral
Isagawa: (Gawain 1, 2, at 3) pahina 11: magkakaiba ang sagot ayon sa karanasan ng mga mag-aaral
Isaisip: pahina 10: magkakaiba ang sagot ayon sa pag-unawa sa mag-aaral
Tuklasin at Suriin (pahina 9) tanggapin ang ibang mga sagot ngunit may koneksyon sa mga larawan
Aralin 2:

Sanggunian

A. Aklat

Alata, Eden Joy P. Caslib, Bernardo Jr., N. Serafica, Janice Patria J. Pawilen,
R.A (2018). Understanding The Self. Manila, Philippines, Rex Book
Store. Inc.
Carandang, Ma. Lourdes A. Ventura, Elizabeth R. Parr, Rachel An R.
Carandang, Christopher Franz A. (2016). Personal Development.
Mandaluyong, Philippines, ANVIL Publishing Inc.
Cox, Maria Gina G. (2016). Personal Development. Manila, Philippines, JFS
Publishing Services.
Edrad, Mark David C. and Revuelto, Rey M. (2016). A Walk-through
Adolescence. Manila, Philippines, St. Augustine Publications Inc.
Inlow Baettie, Linda C. (2000). Becoming Me: A Journey towards Sel-
Discovery for the Child, Adolescent and Adult. Canada. Kopacetic
Ink.
Nuncio, Elizabeth M. et al. (2017). Personal Development Beyond Selfies.
Mandaluyong City, Philippines. Anvil Publishing Inc.

15
Reyes, Christopher G. (2018). Personal Development for Senior High
School. Quezon, Philippines. GBT Great Book Trading,
Roldan, Amelia S. 2003. On Becoming a Winner: A Workbook on
Personality Development and Character Building. AR Skills
Development and Management Services (SDMS), Paranaque City,
Metro Manila
Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Modyul para sa mag-aaral (Learner’s
Manual) pahina 14 – 24, 91, 95-97, 101-111,113

Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Bilang1, pahina 3-


4/12

Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Bilang15, pahina


3/7

Twila G. Punzalan et al.,2013. Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao


ng Sekundarya 7. Sampaloc, Manila, Philippines. Rex Bookstore

B. Maikling Kwento
https://arvinvalencia.wordpress.com/2013/07/09/ang-kwento-ng-
posporo/

Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Bilang15, pahina


3/7

C. Video
https://www.youtube.com/watch?v=y6oXC-SdUnM

https://www.youtube.com/watch?v=V67XyAwBw8w

D. Mga larawan:
https://www.google.com/search?q=tungkulin+bilang+mag+aaral+black+and
+white+picture&tbm=isch&ved=2ahUKEwjGk4iKrrTqAhX_yIsBHarrDk0Q2-
cCegQIABAA&oq=tungkulin+bilang+mag+aaral+black+and+white+picture&g
s_lcp=CgNpbWcQAzoECAAQHjoGCAAQCBAeUOelAliG4wJgk-
gCaABwAHgAgAGBAYgBzhWSAQQwLjI0mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc
&sclient=img&ei=SNwAX8bPIf-
Rr7wPqte76AQ&bih=529&biw=1280&rlz=1C1CHBF_enPH892PH892&safe=a
ctive#imgrc=eO5ORBBeFTwyyM&imgdii=uxPUPtxkJwWVTM

https://www.google.com/search?q=inaasahang+kakayahan+at+kilos+bilang
+kabataan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiIpbfLtpTqAhUFzIsBHeS7ATcQ2-
cCegQIABAA&oq=inaasahang+kakayahan&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIAB
AYOgQIIxAnOgUIABCxAzoECAAQQzoHCAAQsQMQQzoCCABQgIABWJq5AW
CfyQFoAHAAeACAAZ4BiAGGFpIBBDAuMjCYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWlt
Zw&sclient=img&ei=PR7wXsiSHoWYr7wP5PeGuAM&bih=529&biw=1280&rl
z=1C1CHBF_enPH892PH892#imgrc=oZCLVXGebo401M

16
https://www.google.com/search?q=clipart+pagpapasya+black+and+white&t
bm=isch&hl=en&safe=active&chips=q:clipart+pagpapasya+black+and+white,
online_chips:pamilya&rlz=1C1CHBF_enPH892PH892&safe=active&hl=en&ve
d=2ahUKEwik6MORu7TqAhVRTZQKHbsXDz4Q4lYoAXoECAEQFw&biw=126
3&bih=529#imgrc=skeG2tFe9uASIM
https://www.google.com/search?q=angkop+na+kilos+ng+isang+tinedyer&rlz
=1C1CHBF_enPH892PH892&sxsrf=ALeKk00C0gw9EeBuuJ8J6lxo1e7HtMbv
xg:1592213681483&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiYoJCXw
oPqAhXMdXAKHRrWByUQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1280&bih=578#imgrc=
skeG2tFe9uASIM&imgdii=S7oZDW6eZ-RazM

https://www.google.com/search?q=TAMANG+PAG-
AALAGA+SA+SARILI&rlz=1C1CHBF_enPH892PH892&sxsrf=ALeKk00nsW9ts
iGHaM-
T9Nx9LwZr5vpwOg:1592650732269&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2
ahUKEwjfm5epnpDqAhVLBogKHVx2Ad4Q_AUoAXoECAwQAw&biw=1280&b
ih=578#imgrc=n-YRbtQzMgxptM

https://www.google.com/search?q=Pagtulong+kabataan+clipart+black+and
+white+picture&tbm=isch&ved=2ahUKEwjri47SmbTqAhUHe5QKHWOuAMo
Q2-
cCegQIABAA&oq=Pagtulong+kabataan+clipart+black+and+white+picture&gs
_lcp=CgNpbWcQA1DHZ1jxzAFgp9gBaABwAHgAgAG8AogB-
iGSAQgwLjE3LjYuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=2sY
AX-
u2Hof20QTj3ILQDA&bih=578&biw=1280&rlz=1C1CHBF_enPH892PH892#i
mgrc=Ks-uI3sYvNhCLM&imgdii=zHXsbrQGmxgOBM

https://www.google.com/search?q=kung+ginagawa+ang+dapat&rlz=1C1CH
BF_enPH892PH892&sxsrf=ALeKk03jtkCLId4TU3azY_1yaUrFDA5hgQ:15927
95135542&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiozoOiuJTqAhVjN
KYKHU8VDqEQ_AUoAXoECAsQAw&biw=1280&bih=529#imgrc=C1nJc6Am
hH3ncM

https://arvinvalencia.files.wordpress.com/2013/07/match.jpg

https://www.google.com/search?q=posporo&safe=active&rlz=1C1CHBF_enP
H892PH892&sxsrf=ALeKk00a8nM2d04jKD5gMHSVi7AzPapVNA:159390735
0067&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjigJ_L57TqAhVly4sBHc
PKAkUQ_AUoAXoECBwQAw&biw=1280&bih=529#imgrc=XkX3eGQDmo9Ws
M

17

You might also like