Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PODCAST ISKRIP - BAITANG 10 (FILIPINO)

SDO LUNGSOD MASBATE


T.P. 2023-2024
KWARTER 3, Aralin 6
Paksa: Pag-aantas ng mga salita batay sa sidhi ng damdamin.
Pagbibigay kahulugan sa Simbolismo at Talinhaga ng Tula
MELCs Code #: (F10PT-IIIc-78), (F10PB-IIIc-82)
Haba/Tantiyang Takbo ng Oras: 15 minuto
Manunulat ng Iskrip at Gurong Podcaster: KING ACE C. FRANCO
AUDIO
PANGKALAHATANG INTRODUKSYON

May mga damdamin na hindi man nasasambit ng dila, ngunit kayang bigkasin ng mga sukat at tugma.

Kumusta ka kaibigan, oks na oks ka lang ba diyan?

Ako si G. King Ace C. Franco ang iyong gurong podcaster na sasamahan ka sa labinlimang minuto ng pagkatuto
at kaalaman. Kaya Lodicakes ‘No na? G na ba? Kung G ka na, tara na at sama-sama tayong maglakbay sa daigdig ng
karunungan!

Ihanda na ang bolpen at kwaderno. Buksan ang iyong teynga at samahan mo akong tuklasin ang pag-aantas ng
mga salita batay sa sidhi ng damdamin at pagbibigay-kahulugan sa mga simbolismo at talinhaga ng tula sa Kwarter 3,
Aralin 6.
INTRODUKSYON NG ARALIN

Ang paksang – aralin natin sa araw na ito ay ang mga Simbolismo at Talinhaga ng tula kasama na rin ang antas
ng salita batay sa damdaming ipinapahayag. Pero bago ang lahat, tayo muna ay magbabalik-tanaw sa mga sumusunod
na mga salita para higit na malinang ang ating TALASALITAAN.

Oh siya, huwag na nating patagalin pa at simulan na natin ang BALIK-ARAL tungkol sa naging leksyon natin noong
nakaraang markahan.

Ang tula ay isang anyo ng panitikan na may matatalinhagang pagpapahayag ng isipan at damdamin.Mababasa sa tula
ang mga kaisipang naglalarawan ng kagandahan,kariktan, at kadakilaan.

Matutulad sa isang awit ang tula. Isa sa mga elemento ng tula ay ang kariktan.
Ang kariktan ay tumutukoy sa paggamit ng matatalinhagang salita,mga salitang may malalalim na ibig ipakahulugan at
mga tayutay tulad ng pagwawangis, pagtutulad at iba pa.

Ang tayutay ay sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita,kung kaya’t magiging malalim at piling- pili
ang mga salita rito. Tinatawag din itong palamuti ng tula dahil ito ang nagpapaganda dito. May apat na pangkalahatang
uri ang tula:tulang pandamdamin o liriko,tulang pasalaysay, tulang padula, at tulang patnigan.

Mayroon akong ilalahad na mga kahulugan ng iba’t ibang elemento ng tula.


1. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
2. Ito ang magkakatulad na tunog sa huling pantig ng bawat taludtod.
3. Ito ang itinuturing na pinakapuso ng tula.
4. Ito ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula.
5. Ito ang kahulugan ng tula o ang ipinahihiwatig ng may akda.

Hayan, oh di ba? May bago ka na namang naidagdag sa alkansiya ng mga salita. Dahil sa napagtagumpayan
mo ang pagpapayaman ng iyong bokabularyo at pagbabalik tanaw sa mga nakaraang aralin, isang dumadagundong na
pagbati sa’yo!

Ngayon dadako na tayo sa ating pagsasanay na sigurado akong mapapasabi ka ng “Oh Wow, awit may natutuhan na
naman ako sa’yo Ginoo!” Ang galing mo!

ABSTRAKSIYON

Handa ka na bang kilalanin ang mga Tula at ang mga Elemento nito? Oh wag ka nang sumagot, alam ko naman
na handa ka na at gustong-gusto mong paunlarin ‘yang karunungan mo!

Naks! Sana all.

Sa yugtong ito ay aalamin natin ang damdaming namayani sa isang tula. Maging ang pag-aantas ng mga salita batay
sa tindi ng damdamin.

Babasahin ko ang tulang “Gabi”ni Ildefonso Santos. Pagkatapos ay tutukuyin mo ang damdaming namayani sa akda.
Magbigay ka rin ng mga kawangis/kasingkahulugan na salita at ayusin ang mga salita ayon sa antas ng damdaming
ipinahahayag. Handa ka na ba? Kunin muna ang iyong Bolpen at kwaderno. Hawak mo na ba ito? Kung oo, making
ng mabuti para matuto sa huli.

Gabi

ni: Ildefonso Santos


Habang nagduruyan ang buwang ninikat
sa lundo ng kanyang sutlang liwanag,
isakay mo ako. Gabing mapamihag,
sa mga pakpak mong humahalimuyak!

Ilipad mo ako sa masalimsim


na puntod ng iyong mga panganorin;
doon ang luha ko ay padadaluyin
saka iwiwisik sa simoy ng hangin!

Iakyat mo ako sa pinagtipunan


ng mga bitui’t mga bulalakaw,
at sa sarong pilak na nag-uumapaw,
palagusan mo ako ng kaluwalhatian!

Mula sa tulang binasa ko, magbabanggit ako ng dalawang salita at ito ay hahanapan mo ng kasingkahulugan na
salita at isasaayos batay sa sidhi ng damdamin.

Ang unang salita ay NAG-UUMAPAW. Ano sa tingin mo ang mga kawangis nitong salita? Tama! Ang mga
kasingkahulugan ng salitang nag-uumapaw batay sa sidhi ay, Maraming-marami, Punong-puno, at Sumusobra.

Ang ikalawang salita naman ay ang KALUWALHATIAN. Ano naman sa tingin mo ang kasingkahulugan na salita
nito batay sa sidhi? Tama ka ulit! Ang mga kawangis nito ay ang mga salitang karangalan, susundan ng katanyagan at
kadakilaan.

Ang galing! Napakadali mong natutunan agad ang pag-antas ng mga salita batay sa sidhi ng damdamin. Kaya ngayon
dadako na tayo sa ikalawang bahagi ng ating aralin.
Muli akong magbabasa ng mga linya sa tula at ikaw bilang isang mahusay na tagapakinig ay bibigyang
pagpapakahulugan mo ang mga linyang babanggitin ko. Handa ka na ba? Bakit ka naman hindi magiging handa eh isa
kang magaling at mahusay na bata! Apir!

Heto na, ang unang linya ay “Habang nagdiriwang ang buwang ninikat”, ano sa tinigin mo ang kahulugan ng
talinhagang ito? Wow. Nakuha mo ang kahulugan nito ay pagnanais na makatulog ng mahimbing. Oh diba? Ang galing
at napakamatalinhaga ng may akda.

Oh eto pa ang isa. Ano sa tingin mo ang kahulugan ng linyang “Gabing mapamihag sa mga pakpak mong
humahalimuyak” ? Tama ka na naman! Ang ibig ipakahulugan nito ay… ang pagnanais ng may akda na
makapagpahinga na sa gabi dahil siya ay pagod na at nais ng magpahinga. Hiniling ng may-akda na makatulog siya ng
mahimbing sa ilalim ng sikat ng buwan na tila ba kay bango ng paligid kaya nasambit niyang humahalimuyak.

Kapag gabi, wala tayong ibang magagawa kundi ang matulog at makapagpahinga naman sa trabaho sa buong
maghapon kaya nasabi niyang ang gabi ay mapamihag.

Siyempre ang panghuling bibigyang pagpapakahulugan natin ng Simbolismo at Talinhaga ay ang linyang:

At sa sarong pilak na nag-uumapaw


Palagusan mo ako ng kaluwalhatian

Ang ibig lamang ipakahulugan natin ay ang pagnanais muli ng may akda na sana’y makapagpahinga na siya sa
kalalaliman ng gabi kung saan ang mga sarong pilak o ang mga bituin sa lain ay kasalukuyang nagniningning sa
kalangitan.

Oh manghang-mangha ka na ba sa naipamalas na talinhaga ng may-akda? Sa iyong palagay kaya mo ring bigyang


pagpapakahulugan ang Simbolismo at Talinhaga ang isang tula sa sarili mo lang? Kung ako ang tatanungin mo,
malakas ang paniniwala ko na kayang-kaya mo!

Tandaan mo lang lagi na para mas madaling matukoy ang kahulugan ng mga Simbolismo at Talinhaga kung paulit-
ulit mong babasahin at nanamnamin ang bawat saknong at taludtod ng tula.

GAWAIN

Para sa higit na pagpapaunlad at pagpapayaman ng kaalaman sa pagtukoy sa antas ng salita batay sa sidhi ng
damdamin. Kasama na rin sa iyong napayaman ang pagbibigay-kahulugan sa Simbolismo at Talinhaga. Kunin ang
iyong Sanayang Papel sa Kwarter 3, Aralin 6 at sagutan ang Pagtataya.

At kung sakali na nahihirapan ka o kaya nama’y may hindi ka naintindihan, maari mong i-play muli ang Audio
File. Chillax ka lang, libre naman ‘yan! Huwag kang mag-alala, maraming bagay ang mahirap lang sa umpisa ngunit
kapag ika’y nasanay na ay nagiging madali na.

Lods, bago ka sana sumagot ‘wag kang sisimangot, at kapag ika’y nayamot isipin mo nalang na para sa iyong
kinabukasan ang iyong ginagawa kaya “PADAYON LANG!”

EXTRO
Tanggapin mo ang aking taos-pusong pagbati at ika’y nakaabot sa bahaging ito. Sa muli, ako si G. Kingkoy
Franco na naninawala na walang Sagutang Papel na mahirap sa batang matindi ang kapit sa pangarap.
Kaya tandaan lagi ang katagang “Kadi kag mamati, Batang Ciudadanong Masbateňo, sa aton Podcast an pag –
adal todo kag diretso, tunay pa kag sigurado! Hanggang sa muli! Paalam!

You might also like