Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Department of Education

Region III-Central Luzon


Schools Division of Bulacan
Balagtas District
BALAGTAS CENTRAL SCHOOL
Wawa, Balagtas, Bulacan

ARALING PANLIPUNAN 5
Lagumang Pagsusulit Bilang 2

Unang Markahan

Layunin Blg. Ng Araw Bahagdan Blg. Ng Aytem Kinalalagyan ng


Aytem
*Natatalakay ang
pinagmulan ng
unang pangkat ng
tao sa Pilipinas
a. Teoryang 3 30% 1-10 1-10
Austronesyano
b. Mitolohiya
c. Relihiyon
(AP5PLP-Ie-5)
Nasusuri ang paraan
ng pamumuhay ng
mga sinaunang 7 70% 11-25 11-25
Pilipino sa
Panahong Pre-
Kolonyal
(AP5PLP-lf-6)
Kabuuan 10 100% 25 1-25

Inihanda ni: Binigyang Pansin ni:

GINA C. VENTURINA NORA J. ADRIANO


Teacher III Principal IV
Department of Education
Region III-Central Luzon
Schools Division of Bulacan
Balagtas District
BALAGTAS CENTRAL SCHOOL
Wawa, Balagtas, Bulacan

Araling Panlipunan 5
Lagumang Pagsusulit Blg.2
Unang Markahan

Pangalan: __________________________________________________ Iskor:____________


Baitang at Pangkat:___________________________________________ Petsa:____________

I. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba at isulat ang tamang sagot sa
guhit bago ang bilang.
_____1. Anong teorya ang ipinakilala ni Wilheim Solheim II na sinasabing galing sa katimugang
bahagi ng Pilipinas ang ating mga ninuno?
A. Teoryang Bigbang B. Teoryang Ebolusyon C. Teoryang Galactic D. Teoryang
Nusantao

_____2. Sino sa mga sumusunod ang pinaniniwalaang lumikha sa mga sinaunang Pilipino ayon
sa relihiyon?
A. Babaylan B. Diyos o Bathala C. Lakan D. Sultan

_____3. Ayon sa relihiyong Kristiyano at Islam, nilikha ng Diyos o Allah ang unang dalawang tao
na sina
A. Adan at Eba B. Abraham at Sarah C. Malakas at Maganda D. Samson at
Delilah

_____4. Ano ang dahilan ng pagpapalawak ng teritoryo ng mga Austronesian?


A. Pananakop B. Pakikipagkalakalan C. Pakikipagkaibigan D. Pagpapakilala ng relihiyon

_____5. Alin sa mga sumusunod na bansa ang binanggit ni Peter Bellwood kung saan nagmula
ang mga Austronesyano ang mga ninuno ng mga Pilipino?
A. Taiwan B. Mexico C. Amerika D. Saudi Arabia

_____6. Ayon sa mitilohiya, sino-sino ang dalawang nilalang ang nagmula sa malaking kawayan?
A. Adan at Eba B. Malakas at Maganda C. Adan at Maganda D. Malakas at Eba

_____7. Ito ay tawag sa paniniwala at pagsamba sa Diyos na lumalang ng langit at lupa kabilang
ang unang tao sa mundo.
A. Alamat B. Mitolohiya C. Relihiyon D. Teorya

_____8. Alin sa mga sumusunod ang sumusuporta sa paniniwalang ang mga tao ay nagmula sa
loob ng kawayan?
A. Teorya B. Agham C. Mitolohiya D. Relihiyon

_____9. Ano ang naging batayan ni Peter Bellwood sa kanyang teoryang Austronesyano sa mga
bansa sa Timog-silangang Asya?
A. Paniniwala B. Kasuotan C. Wika D. Pisikal na Kaanyuan
_____10. Isang banal na aklat ng mga “Kristiyano” na naglalaman ng kwento sa pinagmulan ng
unang ng tao sa mundo.
A. Koran B. Bibliya C. Vedas D. Pasyon

_____11. Paano namuhay ang mga sinaunang Pilipino namuhay sa mga yungib?
A. pangingisda at pagmimina C.pangangaso at pangangalap ng pagkain
B. paghahabi at paggawa ng bangka D. pagtatanim at pagsasaka

_____12. Ito ay ang panahon kung saan pinakinis ng mga sinaunang tao ang mnga magagaspang
na bato at namuhay sa tabi ng dagat at ilog.
A. Panahong Paleolitiko C. Maagang Panahon ng Metal
B. Panahong Neolitiko D. Maunlad na Panahon ng Metal

_____13. Ang panahong ito ay pinaniniwalaan nabuhay ang Taong Tabon sa Palawan at Taong
Callao sa Cagayan. Nanirahan din sila sa mga yungib.
A. Panahon ng Lumang Bato C. Maagang Panahon ng Metal
B. Panahon ng Bagong Bato D. Maunlad na Panahon ng Metal

_____14. Ito ang panahon kung saan ang mga sinaunang tao ay nagkaroon ng permanenting
tirahan na may tiyak na mapagkukunan ng kanilang pagkain.
A. Panahon ng Lumang Bato C. Maagang Panahon ng Metal
B. Panahon ng Bagong Bato D. Maunlad na Panahon ng Metal

_____15. Ito ay panahon na higit na napaghusay ng mga Pilipino ang kanilang galing sa paggawa
ng kasangkapang metal.
Panahon ng Lumang Bato C. Maagang Panahon ng Metal
B. Panahon ng Bagong Bato D. Maunlad na Panahon ng Metal

II. Kilalanin ang mga pahayag na tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang tao
kung ito ay naglalarawan sa mga sumusunod na Panahon: Isulat ang titik ng tamang sagot sa
guhit bago ang bilang.

A. Panahong Paleotiko (Lumang Bato)


B. Panahong Neolitiko (Bagong Bato)
C. Panahon ng Metal

_____16. Nanirahan ang mga unang tao sa mga yungib.


_____17. Natutunan nilang gumamit ng mga palamuti tulad ng jade.
_____18. Nagsimula silang nanirahan sa mga lugar na malapit sa ilog at dagat.
_____19. Nabuhay sila sa pangangaso at pangangalap ng pagkain.
_____20. Natutong gumawa ng palayok at banga ang mga sinaunang tao.
_____21. Nagsimulang maghabi sa pamamagitan ng backloom.
_____22. Napaunlad nila ang mga kasangkapang yari sa metal tulad ng kampit, gulok at kutsilyo.
_____23. Gumawa sila ng mga bangka na magagamit sa pangingisda.
_____24. Gumawa sila ng irigasyon na magagamit sa pagsasaka ng palay.
_____25. Nagkaroon ng antas o nahati ang mga mamamayan sa iba’t ibang pangkat.

-END OF THE TEST-


SUSI SA PAGWAWASTO

1. D

2. B

3. A

4. B

5. A

6. B

7. C

8. C

9. C

10. B

11. C

12. B

13. A

14. B

15. D

16. A

17. C

18. B

19. A

20. B

21. C

22. C

23. B

24. B

25. C

You might also like