Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

MY DOG IS MY SUPERHERO

Ako si Lucy noong bata pa lang ako ay wala akong kalaro sapagkat ako ay nag iisang anak ng
aking mga magulang. Isang araw pinasama ako mamalengke ng aking ina, "Lucy dalian mo na
ang pagbibihis at aalis na tayo baka maiwan tayo ng jeep" at agad naman tumugon si Lucy ng "
Opo Inay patapos na po".
Pumunta na ang mag ina sa palengke at habang abala ang nanay ni Lucy sa pamamalengke
ay may nakitang maliit na maruming tuta si Lucy sa tambakan ng bulok na gulay at itlog agad
niyang nilapitan at kinuha, " Hi bakit nandyan ka saan ang nanay mo kawawa ka naman".
At nung patapos na mamalengke ang ina nakita niya ang anak na kinakausap ang tuta nilapitan
ni Lucy ang kanyang nanay at tinanong kung pwede ba niyang iuwi ang tuta dahil kawawa daw
ito, at ang sabi naman ng Inay ay "Anak baka may nanay din ang tuta na iyan, pero sige kunin
na natin dahil wala naman tayong alaga" at kinuha na nga nila ang tuta at inuwi sa bahay.
Pagkauwi nila sa bahay ay masaya si Lucy at nagpasalamat sa Inay, " Inay maraming salamat
po at pumayag kayo na dalhin natin pauwi ang tuta, papangalanan ko po siyang Sky"," Wow
anak ang ganda naman ng binigay mong pangalan" sabi ng kaniyang Ina. "Opo Inay, sige na po
at papakainin ko na po si Sky mukhang nagugutom na po kasi siya", "Oh sige anan pakainin
muna at may gagawin pa ako". Pinakain na ni Lucy ang tutang si Sky at hanggang sa naging
matalik na magkaibigan si Lucy at Sky, ai ito'y masayang nagsasama ng ilang taon. Isang araw
naisipan ni Lucy na mamasyal sa Plaza kasama si Sky at silay masayang naglalaro. Huminto
na munaa sila sa kanilang paglalaro dahil si Lucy ay nakaramdam ng pagod, umupo na muna
sila at nagpahinga.
Habang sila ay nakaupo may nakita si Lucy na nagbebenta ng Ice Cream at agad naman itong
bumili, habang nakatayo at hinihintay ni Lucy ang Ice Cream niya ay may isang lalaking
umaaligid sa kanya, napansin niya rin ito at isinawalang bahala na niya dahil ang akala niya ay
wala lang itong gagawin. Hanggang sa lumapit na ang lalaki kay Lucy at kinuha niya ang bag
nito agad itong tumakbo ng mabilis at si Lucy naman ay natataranta kung ano ang kaniyang
gagawin, at nakita ni Lucy na si Sky ay hinahabol na ang lalaki at hanggang sa nadapa ang
lalaki dahil sa kanyang kakatahol at nakuha ang bag ni Lucy, nang makuha niya ito ay agad
namang nakatakas ang lalaki na takot na takot kay Sky dahil sa kakatahol nito sa kanyaa, agad
namang pinuntahan ni Lucy si Sky at niyakap niya ito dahil kung hindi dahil sa kanyaa nakuha
na ng lalaki ang bag nito.
Pagkatapos ng nangyaring iyon ay umuwi na sila sa bahay at pagkauwi nila nadatnan ni Lucy
ang kanyang nanay na nagluluto, kinwento ni Lucy sa Inay ang nangyari sa kanya sa plaza at
sobrang saya ng Inay dahil walang nangyari sa kanilang dalawa at agad namang pinuntahan ng
nanay ni Lucy si Sky dahil kanya rin itong niyakap at sabay sabi ng Inay kay Lucy na " Anak
hindi ka talaga tayo nagkamali na kunin ang pusa bukod sa ito'y magandang alagaan ito ay
nakakatulong pa sa atin" at agad naman nag tugon si Lucy sa kanyang Inay ng " Opo nga inay
parang kapatid ko na po sya at mahal na mahal ko po iyan dahil kung hindi po talaga dahil sa
kanya nakuha napo ng lalaki ang bag ko" at sabay nilang niyakap ng mahigpit ang tutang si
Sky.

You might also like