Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

SPOKEN POETRY:NATIONALISMO AT PATRIOTISMO

Bayan Kong Pinagmulan

Isinulat ni: CASIM A. L.


Marahil, Marahil lingid na sa ating kaalaman,
Ang ating Pinagmulan, ang lupang tinubuan,
Lupang handang ipaglaban sa kahit anong,

Uring hamon na darating sa ating buhay,


Bagyo ma’t unos digmaan ma’t kolonyalismo,
Ngunit Pilipinas ko ay di nagpatinag,
Basta’t hangarin ay kapayapaan.

Lupa, lupang nagpamulat sa ating mga mata,


Upang ating gampanan ang tungkulin sa bayan,
Maging aking magulang, si ina’t ama sila’y,
Naging katuwang ko sa buhay,

Sapagkat, tanong ko lang tayo ba’y di na nakalimot,


Sa nakaraan? Di nga ba natin na kakalimutang ang,
Kadalamhatian, pagkamuhi ma’t pagdurusa ng,
Ating mga ninuno na lumalaban para sa inang bayan,
Naaalala mo pa ba kapatid?

Masakit mang iisipin tayo ay nalulong at binubuhay ng,


Modernong panahon, nakakalimutan, kalimutang mga,

Panahon ‘di na maiibabalik pa magpa hanggang,


Kasalukuyan panahon, panahong puno ng hidwaan, sakitan,
Ma’t pagtatalo upang itayong muli ang bandila ng,
Pilipinas na ating inaasam-asam sa Kasalukuyan,
Panahon, panahong puno ng panindigan at pagkakaisa,
Maipaglaban lamang ang kapayapaan ng ating bansa.

Pilipanas,aking mahal na bansa, ikaw ay nalagasan ng poot,


Mapaniil at kasakiman dulot ng mga dayuhan,
Ngunit, sanggalang at pagmamahal ng pilipino’y,

Matatag iaalay ang buhay para sa iyo, oh bayan ko,


Makamit lamang ang katarungan para sa Iyong kalayaan.
Pilipinas Kong mahal, ‘di kita tatalikuran ‘yan ang,
Pangakong di matitinag at muling mapatayo ang,

Iyong bandirang nakasablay sa Iyong kinatatayuan.


Tayo ay naniniwala,naniniwalang maiibabalik mga,
Nakaraan puno ng pagkabaluktot ng mga sistemang,

‘Di maipaliwang, Pilipino’y ‘di nagpatinag kalapastanganang,


Gawaing maaaring makasira sa bayan, nawa ay ating,
Pagyamaning mabuti mga pamana’t habilin ‘di bibitawan,
Magpa hanggang kailan man.

You might also like