Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

7

Learning Activity Sheet


sa FILIPINO
Kuwarter 3-Week 2 - MELC 3
PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA SALITA SA
PAMAMAGITAN NG PAGPAPANGKAT, BATAY
SA KONTEKSTO NG PANGUNGUSAP,
KONOTASYON AT DENOTASYON BATAY SA
KASINGKAHULUGAN AT KASALUNGAT

PAG-AARI NG PAMA
HINDI IPINAGB

REHIYON VI- KANLURANG VISAYAS


Kuwarter 3, Linggo 2

Learning Activity Sheet 3


Pangalan ng Mag-aaral:____________________ Taon at Pangkat: ____________
Petsa: ______________

FILIPINO 7 ACTIVITY SHEET


PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA SALITA SA PAMAMAGITAN NG PAGPAPANGKAT,BATAY SA
KONTEKSTO NG PANGUNGUSAP, KONOTASYON AT DENOTASYON
BATAY SA KASINGKAHULUGAN AT KASALUNGAT

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat, batay


sa kontekstong pangungusap, denotasyon at konotasyon, batay sa
kasingkahulugan at kasalungat nito.
F7PT-IIIa-c-13, F7PT-IIIh-i-16, F7PT-IIIi-11

II. PANIMULA (SUSING KONSEPTO)

 Denotasyon
- literal o totoong kahulugan ng salita,
- kahulugan ng salita na matatagpuan sa diksyunaryo
 Konotasyon
- Ito ay ang pansariling kahulugan ng isa o grupo ng tao sa isang salita.
- Iba sa pangkaraniwang kahulugan
Halimbawa:
 AHAS
Denotasyon: Uri ng hayop na gumagapang, makamandag na hayop
Namatay siya dahil kinagat ng makamandag na ahas.
Konotasyon: Taksil
Inahas ako ng aking matalik na kaibigan.
 Kasingkahulugan-ang tawag sa pares ng mga salitang magkapareho ang
kahulugan o ibig sabihin.
Halimbawa: maganda-marikit dala-bitbit
nasisiyahan-natutuwa nagmula-nanggaling
 Kasalungat- ang tawag kung ang pares na mga salita ay kabaliktaran ang
kahulugan o ibig sabihin.
Halimbawa: araw-gabi malinis-marumi
malamig-mainit mapagbigay-maramo

III. SANGGUNIAN
https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/konotasyon-at-denotasyon
https://www.academia.edu/31768383/
Filipino_konotasyon_at_denotasyon

IV. MGA GAWAIN


GAWAIN 1
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at tukuyin kung nasa Konotasyon o
Denotasyong pagpapakahulugan ang salitang may salungguhit. Isulat sa
patlang ang D kung denotasyon at K kung konotasyon.
(2 puntos bawat bilang kung tama ang sagot)

1. Bagyo
______ May bagyo raw bukas ayon sa ulat ng PAGASA.
______ Parang binagyo ang buhay niya nang mawala ang kaniyang ina.

2.Nagsunog ng Kilay
_____ Gabi-gabi siyang nagsusunog ng kilay para makakuha ng mataas na grado.
_____ Nahihiya siyang pumasok sa paaralan dahil nasunog ng kandila ang kaniyang
kilay.
3.Bola
_____ Huwag ka nang maniwala sa pambobola niya sa’yo.
_____ Niregaluhan ko ang aking kaibigan ng bola dahil mahilig siyang maglaro ng
basketbol.

4. Gintong kutsara
______Ang aking kaklase na anak ng Mayor ay may gintong kutsara sa bibig.
______ Binigyan ni Donnalyn ang kaniyang ina ng gintong kutsara na binili niya sa
France.
5.Niluto
_______Maraming nagsasabi na niluto ang Patimpalak sa pag-awit sa Barangay
kagabi.
_______Masarap ang nilutong pinakbet ng aking ina.
GAWAIN 2

Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang mabuo ang kahulugan ng salitang
nakasulat nang pahilis sa pangungusap. Isulat sa patlang ang tamang
sagot.

1. Ang wika ng bansa ay dapat nating pagyamanin sapagkat ito ang daan ng ating
pag-unlad at pagkakaisa.____________________

U A P A N N I R L

2. Ang ating Panginoong Diyos ay nakatunghay sa atin ano man ang ginagawa natin
dito sa mundo. ___________________

N K A I S D A M A

3. Ang mukha ng aking nakababatang kapatid ay kawangis ng aking ina.


________________

D A A K T U L

4. Nangingibabaw pa rin sa mga Pilipino ang pagiging masayahin kahit anumang


unos o pagsubok ang dumating.______________

I I U M L A R

5. Nais kong matanto kung bakit maraming mga Pilipino ang gustong pumunta sa
ibang bansa para magtrabaho.___________________

A A M L A N M

GAWAIN 3

Panuto: Pangkatin ang mga salitang nasa loob ng kahon ayon sa kinabibilangan
nito. Mula sa ginawang pagpapangkat, ipaliwanang ang kaisipan o kahulugan ng
mga salitang pinagsama-sama. Ibigay ang kanilang pagkakaiba at kahalagahan sa
buhay natin bilang tao.
ALAHAS PAMILYA BUHAY DIYOS
EDUKASYON SALAPI GINTO LUPAIN

KAYAMANAN KARANGYAAN
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
PALIWANAG: PALIWANAG:

REPLEKSIYON
Natutuhan ko sa pagbibigay ng kahulugan ng mga salita ay:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

SUSI SA PAGWAWASTO:

GAWAIN 1

1. D` 2.K 3.K 4.K 5. K


K D D D D

GAWAIN 2

1. PAUNLARIN 2.NAKAMASID 3. KATULAD


4. UMIIRAL 5. MALAMAN

GAWAIN 3

Ang wastong sagot ay di-tayak sapagkat ito ay naaayon sa sariling pananaw at


pagkakaintindi ng mga mag-aaral.

You might also like