Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

CALAMBA DOCTORS’ COLLEGE

National Service Training Program


Virborough Subdivision, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna
4027 Tel. Nos. (049) 545-9921 / 545-9922

March , 2024

Mahal na mga Magulang,

Magandang araw po sa inyo. Kami po ay nakikipag-ugnayan at nagbibigay imbitasyon para


sa inyong anak na makilahok sa aming nalalapit na proyektong may pamagat na "Crafting
Inner Abilities: Enhancing One's Capabilities to Aid the Community." Ang aming proyekto ay
nakatuon sa pagpapalago at pag-unlad ng mga abilidad ng mga kabataan, upang sila ay
magkaroon ng maagang edukasyon sa usaping pangkalusugan at kalaunan magamit ito
upang makatulong sa kanilang sariling tahanan at komunidad. Sa pamamagitan ng mga
nakapupukaw interes na mga gawain, magkakaroon ang mga kabataan ng pagkakataon na
palawakin ang kanilang kaalaman sa pangangalaga sa kalusugan, pagpapalaganap ng
makakalikasang gawi, pagpapabuti ng mga praktikal na kasanayang pangkalinisan, at
pagsusulong sa kabuang holistikong pag-unlad ng mga bata.

Ang aktibidad na ito ay isinasakatuparan upang tuparin ang pangangailangan para sa NSTP
sa ilalim ng Civil Welfare Training Service ng Calamba Doctors College. Ang proyekto ay
magtatagal ng anim na linggo, tuwing Sabado, sa oras na ika-8:00 ng umaga hanggang
10:20 ng umaga. Ang bawat miyembro po ay sinisigurado na gagawin ang lahat ng
kinakailangang hakbang upang masiguro ang kaligtasan ng inyong mga anak sa bawat
gawain. At ang proyekto po na ito ay wala pong bayad o anuman na dapat na inyong
alalahanin.

Nais po naming hilingin na punan at ibalik ang consent form upang ipahayag ang inyong
pahintulot para sa paglahok ng inyong anak. Lubos po kaming nagpapasalamat po sa inyong
konsiderasyon sa pagkakataon na ito para sa inyong anak. Umaasa po kami sa posibilidad
na makatrabaho kasama ang mga kabataan sa pagbibigay inspirasyon ng positibong
pagbabago para sa inyong komunidad.

Taos-puso,

NSTP BSN 1-C (Group 2)

Rekomendadong Aprobasyon nila:

Ma. Leticia D. Olarte Melani C. Quilloy


NSTP Facilitator NSTP Coordinator

Aprobado ni:

Hon. Aries B. Hizon


Barangay Captain

……………………………………………………………………………………………………………………………………………………

PARENTAL CONSENT

Nabasa ko at naintindihan ang sulat, at kinikilala ko ang itinakdang schedule para sa


susunod na anim na linggo. Ako ay sumasang ayon sa mga kapakinabangan na maaaring
mapakinabangan ng aking anak na si (pangalan ng
bata) mula sa kanyang paglahok sa nabanggit na mga aktibidad, at ako ay nagbibigay
permiso sa pagsali niya sa programang ito.

Lagda ng Magulang/Tagapag- alaga Contact Number

You might also like