Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

EL FILIBUSTERISMO

(Buod ng bawat Kabanata)

Dr. Jose Protacio Rizal Mercado Y. Alonzo Realonda

Inihanda ni: Bb. Mae R. Villamejor


References: https://noypi.com.ph/el-filibusterismo-buod/
I. Kaligiran ng El Filibusterismo
 Ang El Filibusterismo o “Ang Paghahari ng Kasakiman” o “The Reign of Greed” ay isang nobela na
karugtong ng isa pang nobela na Noli Me Tangere. Ito ay sinimulang isulat ng ating pambansang
bayani na si Dr. Jose Rizal sa Calamba, Laguna.
 Isinulat ang ilang bahagi ng nobela sa Paris, Madrid, at Biarritz. Natapos sulatin ni Rizal ang buong
nobela noong 1891.
 Ang El Filibusterismo ay higit na tumutuon sa paghihimagsik hindi katulad ng Noli Me Tangere na
mayroong tema na romansa.

KABANATA 1 – Sa Ibabaw ng Kubyerta

Naglalayag ang Bapor Tabo sa may Ilog Pasig, isang umaga ng Disyembre at patungong Laguna.
Nasa ibabaw ng kubyerta ang mga makakapangyarihan na tao tulad nina Don Custodio, Donya
Victorina, Kapitan Heneral, Padre Salvi, Padre Irene, Ben Zayb, Donya Victorina, at Simoun.

Napapasama si Simoun sa mga mayayaman dahil kilala nila ito bilang isang maimpluwensiyang
alahero. Kilala siya sa buong Maynila dahil naiimpluwensiyahan ito ng Kapitan Heneral.

Upang mapawi ang pagkainip sa mahaba at mabagal na biyahe, napag-usapan nila ang pagpapalalim
ng Ilog Pasig. Iminungkahi ni Don Custodio na mag-alaga ng itik. Sinambit naman ni Simoun na
kailagang gumawa nang tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng lawa ng Laguna at sa Maynila.

Sandaling nagkainitan sina Don Custodio at ang ilang prayle dahil sa magkaiba nilang suhestiyon at
mithiing ipatupad. Ayaw naman ni Donya Victorina na makapag-alaga ng pato sa kanilang lugar dahil
darami raw ang balut na pinandidirihan niya.

Aral: Ang buhay kung minsan ay isang Bapor Tabo. Nasa itaas ang may kapangyarihan. Ngunit hindi ito
nangangahulugan na ligtas na sila sa mga suliranin dahil sila mismong nasa taas ay ang gumagawa ng
kanilang mga intindihin.

KABANATA 2 – Sa Ilalim ng Kubyerta

Nagtungo si Simoun sa ilalim ng kubyerta. Masikip at siksikan doon dahil may mga pasahero
at naroon din ang mga bagahe at kargamenrto.

Naroon si Basilio na isang mag-aaral ng medisina at si Isagani na isang makata mula sa


Ateneo. Kausap nila si Kapitan Basilio. Napag-usapan nila ang balak ng mga mag-aaral
tungkol sa pagtuturo ng wikang Kastila na hindi naging matagumpay.

Napag-usapan din ng dalawa ang nobya ni Isagani na si Paulita Gomez, pamangkin ni Donya
Victorina de Espadaña.

Maya-maya pa ay lumapit si Simoun kina Basilio at Isagani. Ipinakilala ni Basilio si Simoun kay
Isagani. Nagwika si Simoun na hindi siya nadadalaw sa lalawigan nina Basilio at Isagani dahil
mahirap ang lugar at walang bibili ng alahas.

Nagpatuloy ang usapan ng tatlo hanggang sa inalok ni Simoun ng serbesa ang dalawa.
Tumanggi sila at sinabi ni Simoun na ayon daw kay Padre Camorra, kaya mahirap at tamad
ang mga tao sa kanilang lugar ay panay tubig ang iniinom at di alak.

Aral: Sinisimbolo ng ilalim ng Kubyerta ang diskriminasyon ng lipunan, na ang mahihirap ay


laging nasa ilalim. Ang hindi nila batid ay walang pinipiling katayuan sa buhay ang pagiging
mahusay at kapakipakinabang.
KABANATA 3 – Mga Alamat

Nauwi ang usapan sa ibabaw ng kubyerta sa mga alamat. Nagsimulang ikuwento ng Kapitan
ang alamat ng Malapad-na-Bato. Ayon sa alamat, itinuturing daw na banal ng mga katutubo
ang lugar at tahanan ng mga espiritu.

Ngunit nang manirahan daw dito ng mga kriminal ay nawala ang pangamba sa mga
kaluluwang naroon. Sa mga tulisan na natakot ang mga tao.

Si Padre Florentino naman ang nagsalaysay ng alamat ni Donya Geronima. Nagkaroon dawn g kasintahan ang
Donya ngunit naging arsobispo ito sa Maynila. Sinundan daw ng babae ang katipan at kinulit sa alok na kasal.
Upang makapagtago, nanahan ang dalawa sa isang yungib malapit sa Ilog Pasig.

Nakuwento din ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa Intsik na muntik nang patayin ng isang buwaya.
Naging bato daw ang buwaya nang dasalan ng Intsik ang santo.

Nabaling naman ang usapan sa lugar kung saan namatay si Ibarra. Ipinaturo ni Ben Zayb kung
saan iyon banda sa Ilog Pasig. Natahimik at namutla naman si Simoun.

Aral: Mahilig ang mga Pilipino sa mga alamat. Sa mga kuwentong ganito ay nababatid ang
malikhaing dahilan ng pagkakabuo ng isang bagay na lubhang nakaaaliw at kapupulutan din
ng aral.

KABANATA 4 – Si Kabesang Tales

Anak ni Tandang Selo si Kabesang Tales. May tatlong anak naman ang Kabesa na sina Lucia, Tano, at Juli.
Pumanaw si Lucia dahil sa malaria.

Naging marangya ang buhay nila dahil sa sipag ni Tales. Magbubukid siya at umasenso sa kaniyang tubuhan.

Ninais niyang pag-aralin si Juli ng kolehiyo upang makapantay ang kasintahang si Basilio.
Gayunman, tinaasan sila ng buwis sa tubuhan hanggang sa inangkin ng mga prayle. Dinala ito
sa korte ngunit natalo siya.

Nakulong naman si Tales nang magdala ito ng patalim at may nakitang pera sa kaniya.
Pinatutubos naman siya sa halagang 500. Upang may pantubos sa ama, isinanla niya ang laket
na bigay ng kasintahan na noong ay pagmamay-ari ni Maria Clara.
Ngunit di ito sapat kaya namasukan siyang katulong kay Hermana Penchang noong bisperas
ng Pasko. Dahil sa masalimuot na nangyari sa kanilang pamilya ay hindi na nakapag-aral pa si
Juli na pangarap ng kaniyang ama para sa dalaga.

Aral: May mga buhay na nasisira ang pagiging ganid at mapanglamang sa kapuwa. Katulad
ng kuwento ni Kabesang Tales na nagsusumikap ngunit pinabagsak ng makasariling interes
ng mga prayle.

You might also like