LP For Filipino 7 Mabangis Na Lungsod

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A
Schools Division of Quezon Province
Calauag West District
CALAUAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Calauag, Quezon

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO - GRADO 7

“MABANGIS NA LUNGSOD”
Ni Efren R. Abueg
(Kuwento)

Inihanda ni:

G. JOHN HENRY S. VALMORES


Gurong Nagsasanay

Nabatid ni:

G. JOHN REY S. FALLER


Gurong Tagapgsanay
Masusing Banghay-Aralin sa Filipino – Grade 7
I. LAYUNIN
A. Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang salita sa tulong ng
Jumbled letters na huhulaan ng mga mag-aaral.
B. Nabubuod ng mga mag-aaral ang kwento sa pamamagitan ng dula na
kanilang isasagawa.
C. Naibibigay ng mga mag-aaral ang kanilang opinyon sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga gabay na tanong.
D. Naibibigay ng mga mag-aaral ang sari-sarili nilang opinyon sa
pamamagitan ng debate na kanilang isasagawa.
E. Nakalalahok nang masigla sa mga aktibidad na may kaugnayan sa paksa.

II. PAKSANG ARALIN


A. Pamagat: Mabangis na Lungsod
Akda ni Efren R. Abueg
B. Sanggunian: PANITIKANG FILIPINO 7, pp. 33-36
C. Mga Kagamitan: Pisara, panulat, manila paper, laptop at iba pang
Pantulong biswal

III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


GAWAING – GURO GAWAING – MAG-AARAL

A. AKTIBITI
1. Pagganyak
Pamagat: SHARADE!
(Bubunot ang guro sa class card ng limang mag-aaral at ang mabubunot
ay siya ang mag aaksyon kung anong salita ang sasabihin sa kanya ng guro,
ang mga mag-aaral na hindi mabubunot ay sila ang huhula kung ano ang
inaaksyon ng nabunot na mag-aaral.)
Mga salita:
 Kumain
 Bumili
 Tahanan
 Pag-aaral
 Maglaro
Ano ang masasabi ninyo sa ating Masaya po at nakakabitin sana
isinagawang aktibidad? po lahat kami ay nagkaroon ng
pagkakataon na manghula. Madali
lang din po namin nahulaan ang
mga salita na dapat naming
mahulaan.
Ano ang napansin ninyo sa Napansin po namin na ang mga
aktibidad na isinagawa natin? salita na hinuhulaan ay kadalasang
ginagawa ng isang normal na bata.

Kapag sinabing bata, ano-ano Kadalasang problema po ng


ba ang kadalasan na problema ng mga bata ay kung paano kami
mga bata. makapaglaro sa cellphone at kung
paano kami makakabili ng mga
bagay na gusto naming.
Alam nyo ba, na lahat ng mga
salita na nabanggit sa ating aktibiti
na isinagawa ay hindi naranasan ng
ating pangunahing tauhan sa
kwento sa paksa na ating
tatalakayin.
Ngunit bago natin tunghayan
ang nangyari sa kwentong ating
tatalakayin, ay alamin muna natin
ang mga salitang maaaring
makasagabal sa ating aralin.

2. Talasalitaan
Panuto: Magpapakita ang guro ng mga kahulugan ng isang salita at
Jumbled letters huhulaan lamang ng mga mag-aaral kung ano ang salita
na mabubuo mula sa gulo-gulong mga letra.
1. Ito ay malalim na antas ng pagpapakahulugan sa salitang sindak.
OTKAT = TAKOT
2. Ang salita na kasingkahulugan ng salita na ito ay pagal.
OGADP = PAGOD
3. Ang ibig-sabihin ng salita na ito ay hikahos.
AHIMPAR = MAHIRAP
4. Ito ay karaniwang tumutukoy sa isang nakakatakot na hayop na
kumakain ng walang pag-aalinlangan sa anumang uri ng bagay, hayop
o tao.
SIGMABNA = MABANGIS
5. Ang kasingkahulugan ng salita na ito ay walang kaalaman sa isang
bagay.
WAMUNG = MUWANG
6. Ito ay Isang daanan.
GULASAN = LAGUSAN
7. Ang salitang ito ay nangangahulugang marikit.
ADANMAG = MAGANDA
8. Ang kasingkahulugan ng salita na ito ay lubos na kinaiinisan.
MALKUS = SUKLAM
9. Ito ay tumutukoy sa isang kaugalian ng tao na ganid.
KIMSA = SAKIM
10. Ang kasingkahulugan ng salita na ito ay kubli.
OGNAGTA = NAGTAGO

Paano gagamitin ang mga salita 1. Ako ay nasindak sa aking nakitang


sa ito sa isang pangungusap. galit na aso sa aking daraanan.
2. Labis ang pagal na aking
nararamdaman dahil sa labis na
pagtakbo.
3. Ako ay naghihikahos sa aking pag-
aaral upang magkaroon ng
magandang buhay.
4. Ako ay tumakbo ng mabilis dahil sa
mabangis na hayop na aking nakita.
5. Ako ay walang kamuwang-muwang
dahil sa ako ay bata pa lamang.
6. Labig akong natuwa ng makita ang
lagusan palabas ng eskwelahan.
7. Isang marikit na dalaga ang aking
nakita habang ako ay naglalakad.
8. Nasusuklam ako sa iyo dahil sa
kasinungalingan na pinagkakalat
mo.
9. Labis ang kanyang pagkasakim sa
pera kaya naman marami ang galit
sa kanya.
10. Ako ay nagkubli sa isang madilim na
silid upang hindi ako makita ni inay.

B. Analisis
1. Presentasyon ng Akda
(Bubunot ang guro sa class card ng isang mag-aaral na babasa sa unang
parte ng kwentong tatalakayin at matapos na mabasa ang unang parte ay
pipili ang bumasa ng kasunod na magbabasa para sa susunod na parte ng
kwento, at magpapaulit-ulit lamang ito hanggang sa matapos na basahin ang
kwento.)

Ilahad ang pamagat ng Ang pamagat po ng kwento na


kwentong ating pinanuod at sino ating tinalakay ay Mabangis na
ang sumulat nito. Lungsod at ito po ay sinulat ni Efren
R. Abueg.

2. Pagtalakay sa Akda
Sino-sino ang mga tauhan sa Sina Adong, Bruno at Aling
kwento? Ebeng.

Saan madalas na nakatambay si Sa tapat ng simbahan ng


Adong upang mamalimos? Quiapo.
Bakit ang simbahan ang naging Dahil po sa tapat ng simbahan
buhay ni Adong? siya namamalimos at ang mga tao
na lumalabas mula sa simbahan ang
nagbibigay sa kanya ng mga barya
para siya ay makakakan.
Bakit napilitan si Adong na Dahil po sa labis na kahirapan at
manlimos? wala siyang magulang na
magtataguyod para siya ay may
makain sa araw-araw.
Habang namamalimos si Adong Hindi po siya pinapansin at
ano ang nagiging tugon sa kanya ng nakikita pa niya na pinandidirihan at
mga dumadaan? kinasusuklaman siya ng mga taong
dumadaan sa kanyang harapan.
Sino ang tao na laging Si Bruno po, kinukuha niya ang
kumukuha ng mga napapalimusan pera kay Adong upang mayroon siya
ni Adong at ano ang dahilan bakit maipangbisyo at maipangsugal.
niya ito ginagawa?
Ano ang ginawa ni Adong noong Umalis si Adong at tumakbo
malaman niya mula kay Aling Ebeng nang tumakbo hanggang sa siya ay
na parating na si Bruno? makalayo mula sa simbahan at
upang hindi maabutan ni Bruno.
Ano ang ginawa ni Bruno ng Sinaktan at binugbog nang
maabutan niya si Adong? binugbog ni Bruno si Adong
hanggang sa siya ay mawalan na ng
malay.
Kung kayo ang nasa kalagayan Kung ako ang nasa kalagayan ni
ni Adong ano ang inyong gagawin Adong ay aalis ako sa tapat ng
upang makatakas sa mabangis na simbahan upang hindi na ako
mundo? mahanap ni Bruno at titigil na rin sa
panlilimos, iisip ako ng iba pang
paraan upang makahanap ng
maayos na trabaho upang makakain
sa araw-araw.

Ano ang gintong aral ng Ang aral na mapupulot sa


kwentong ating tinalakay? kwentong Mabangis na Lungsod ay
ang karapatan na ipaglaban ang
sarili laban sa mga masasama sa
paligid at sa mga mapang-aping tao.

C. Abstraksyon
1. Paglalahat
(Ipapangkat ng guro sa dalawang grupo, at ibubuod ng unang pangkat ang
simula ng kwento at ang pangawalang pangkat ay sa wakas ng kwento.
Upang mabuod ang kwento ay isasadula ng mga mag-aaral ang parte na
nakatalaga sa kanilang pangkat.)

2. Paglalapat
(Ang guro ay may inihanda na mga papel, sa bawat papel ay may nakasulat
na “TAHANAN” at “PAARALAN” ang bawat pangkat ay bubunot sa mga papel
na hawak ng guro at ang salita na mapupunta sa kanilang pangkat ay
magbibigay ng limang mga kadalasang nagiging problema nila sa tuwing sila
ay nasa kanilang tahanan o paaralan at ilalagay din ang mga posibleng
solusyon sa mga problema naitala. At pipili ng isang representante ang bawat
pangkat upang basahin sa unahan ang mga isinulat nila sa papel.)

D. Aplikasyon
1. Pagpapahalaga
(Magpapapanood ang guro ng video clip na may kaugnayan sa paksa.)

Tungkol saan kaya ang video clip na Ang video clip po na ating pinanood
ating pinanood? ay tungkol sa isang bat ana
binubully sa paaralan.
Sino sa inyo ang naranasan ng Ako po madalas po akong inaasar
asarin ng kapwa kaklase? ng aking mga kaklase.
Alam ninyo ba na sa simpleng pang- (Nakikinig)
aasar ay maaari itong humantong sa
bullying kagaya ng nangyari sa
video, noong simula ay inaasar lang
din yung bata na nasa video pero
noong tumagal ay humantong na ito
sa pananakit.
Sa inyong palagay, ano kaya ang Sir malungkot po sila dahil wala
nararamdaman ng mga tao na naman po silang ginagawang
nakakaranas ng bullying? masama pero bigla-bigla nalang sila
ibubully ng ibang tao.
Kung kayo ang nasa kalagayan ng Isusumbong po namin sa aming
bata sa video ano ang gagawin guro, at yung guro na po ang bahala
ninyo upang hindi na kayo ibully ng na pagsabihan ang kaklase ko na
iba ninyong kaklase? nambubully po sa akin.
Nararapat lamang na alam natin
kung ano yung tama at dapat nating
gawin sa oras na tayo ay makaranas
ng bullying, hindi dapat tayo
padalos-dalos ng kilos na makikipag-
away agad tayo sa oras na
maranasan natin ito. Dahil
napakalaki ng posibilidad na mas
lalong maging magulo ang sitwasyon
sa oras na kayo ay makipag-away at
magkakaroon din ito ng masamang
epekto sa inyo.

E. Pangwakas na Pagtataya/ Ebalwasyon


Panuto: Piilin ang titik ng tamang sagot.
1. Sino ang may akda ng Mabangis na Lungsod?
a. Rene O. Villanueva
b. Efren R. Abueg
c. Rogelio R. Sikat
2. Saang lugar namamalimos si Adong?
a. Sa tapat ng simbahan sa Malabon
b. Sa tapat ng simbahan sa Quiapo
c. Sa tapat ng simbahan sa Caloocan
3. Sino ang kumukuha ng pera ni Adong?
a. Si Ogor
b. Si Bruno
c. Si Aling Ibing
4. Bakit namamalimos si Adong?
a. Upang may maipangsugal ang magulang
b. Upang may makain sa araw-araw
c. Upang makabili ng mga gusto niya
5. Ano ang ginawa ni Adong upang hindi makuha ni Bruno ang pera niya?
a. Lumakad palayo
b. Pinagtaguan si Bruno
c. Nagmatigas kay Bruno
6. Bakit pinandidirihan at kinasusuklaman si Adong ng mga tao na dumadaan?
a. Dahil sa kanyang kasuotan
b. Dahil sa masama ang ugali nito
c. Dahil sa iniisip ng mga tao na nanlilimos si Adong upang may
maipangsugal ang magulang
7. Anong ginawa ni Bruno kay Adong matapos niya na maabutan ito?
a. Binugbog
b. Pinagsabihan
c. Kinuha lahat ng pera
Essay: Kung ikaw ay makakita ng isang tao na binubully o binubugbog ano ang iyong
gagawin? Ipaliwanag ang iyong kasagutan. 8 puntos.
IV. TAKDANG – ARALIN
Magsaliksik ng mga maaaring magawa ng isang mag-aaral gaya ninyo upang
maiwasan ang pangbubully sa paaralan.

Inihanda ni:
Valmores, John Henry S.

You might also like