Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIVISION OF ROMBLON
District of Concepcion
THIRD PERIODICAL TEST IN FILIPINO 6
2022-2023

Pangalan: ____________________________Baitang: ________________Score: _____

Para sa bilang 1-3.


Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa binasang
teksto at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

Pinsala ni Ulysses sa imprastraktura at agrikultura abot na sa P10 bilyon

MANILA, Philippines — Aabot na sa P10 bilyon ang halaga ng pinsalang iniwan ng


bagyong Ulysses sa imprastraktura at agrikultura. Ayon kay National Disaster Risk Reduction
and Management Council spokesperson Peter Galvez na ang pinsalang iniwan ng naturang
bagyo sa sektor ng agrikultura ay pumapalo na sa P4 billion, habang sa imprastraktura ay nasa
P6.1 billion. Mababatid na mahigit 70 katao ang binawian ng buhay nang manalasa ang
bagyong Ulysses, at ilang ari-arian din ang nasira, nang dumaan ito sa ilang bahagi sa Luzon.
Bukod dito, halos kalahating milyon ang nawalan ng bahay dahil sa epekto ng bagyo.
Nakaranas ng malawakang pagbaha ang Cagayan Valley matapos na magpakawala ng tubig
ang Magat Dam mula sa kanilang reservoir para maiwasan na pumalo ito sa kanyang spilling
level.
Hango mula sa: Pilipino Star Ngayon

______1. Sino ang nagsabi na ang pinsalang iniwan ng bagyong Ulysses sa sektor ng
agrikultura ay pumapalo na sa P4 bilyon habang sa imprastraktura ay nasa P6.1 bilyon?
A. Si Peter Galvez B. Si Mike Enriquez
C. Si Arnold Clavio D. Si Ivan Mayrina
______2. Ano ang nangyari sa mga lugar na napinsala ng bagyong Ulysses?
A. Nakaranas ng malawakang init.
B. Nakaranas ng malawakang pagbaha.
C. Nakaranas ng malawakang pag-ulan ng yelo.
D. Nakaranas ng malawakang pag-ulan ng apoy.
______3. Ano ang nangyari sa bahay ng mga taong hinagupit ng bagyo?
A. nasira B. gumanda C. nagiging mas matibay D. nagiging kaakit-akit tingnan

Para sa bilang 4-8.


Basahin ang sumusunod na infomercial, at Sagutin ang mga tanong tungkol dito. Piliin ang titik
ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.

“Pantawid Pamilya”
Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang hakbang ng pambansang
pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao ng ating mga kababayan. Nagbibigay
ito ng kondisyunal na tulong pinansyal para sa pinakamahirap na Pilipino upang pabutihin ang
kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang may edad 0 hanggang 18 taong gulang.
Kailangang matupad ng mga pamilya ang mga kondisyon ng pamahalaan upang maibigay sa
kanila ang tulong pinansyal. Halaw ito sa programang Conditional Cash Transfer (CCT) ng mga
bansa sa Latin America at Africa, na naialpas sa kahirapan ang milyun-milyong tao sa buong
mundo. Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang punong ahensya ng
pamahalaan na namamahala sa 4P’s. Ipinapatupad ang 4P’s sa lahat ng 17 rehiyon ng Pilipinas,
saklaw ang 79 probinsiya, 143 lungsod, 1 484 munisipalidad. Nitong Hunyo 24, 2015, umabot
na sa 4 436 732 ang mga rehistradong pamilyang benepisaryo, kung saan 555,861 ang mga
pamilyang katutubo at 221, 145 ang may isa o higit kasaping may kapansanan (PWD).
_____4. Ano ang paksa ng inyong napanood o pinakinggan?
A. Pantawid Pamilyang Pilipino Program
B. Department of Social Welfare and Development
C. Condition Cash Transfer
D. Social assistance
_____5. Anong ahensya ng pamahalaan na namamahala sa 4P’s.?
A. DPWH B. DepEd C. DSWD D. DOH
_____6. Anong kondisyunal na tulong ang ibinibigay ng pamahalaan para sa pinakamahirap na
Pilipino?
A. Kondisyunal na mabigyan ng trabaho
B. Kondisyunal na tulong pinansyal
C. Kondisyunal na tulong pang-ekonomiya
D. Wala sa nabanggit
_____7. Ang mga batang may edad ______________ taong gulang ay saklaw ng programang
4P’s.
A. 0 hanggang 15 B. 0 hanggang 16
C. 0 hanggang 17 D. 0 hanggang 18
_____8. Kailan umabot ng 4,436,732 ang mga rehistradong pamilyang benepisaryo, ng 4P’S?
A. Hunyo 24, 2015 B. Hunyo 24, 2016
C. Hunyo 24, 2017 D. Hunyo 24, 2018

Para sa bilang 9-10


Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa
binasang teksto at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

ANG PAMAHALAANG SULTANATO

Bago dumating ang mga Muslim sa Mindanao, mayroon nang maliliit na


pamayanang tinatawag na banwa sa Sulu. Ang mga banwa ay pinamumunuan ng mga datu o
raha. Noong 1450, si Abu Bakr ay naglayag mula Sumatra papunta sa Sulu. Noong lumaon
pinakasalan niya si Paramisuli na anak ni Raha Baginda. Nang mamatay si Raha Baginda, si Abu
Bakr ang humalili sa kanya bilang raha. Sa pamumuno niya, pinag-isa ang mga banwa at
bumuo ng isang sultanato sa Sulu. Ito ay kalipunan ng mga banwa na pinamamahalaan ng
isang sultan. Si Abu Bakr ang kauna-unahang sultan ng Sulu. Ang sultan ang pinakamataas na
pinuno ng pamahalaang sultanato. Siya ang punong tagapagpaganap, hukom, taga-
pagbalangkas ng mga batas, at pinuno ng mga mandirigma. Dahil sa lawak ng tungkuling
ginagampanan ng isang sultan, siya at tinutulungan ng ruma bichara, kadi, ulama, panglima,
pandita at imam. Ang ruma bichara ay isang lupon ng tagapayo na binubuo ng raha muda o
tagapagmana ng sultan, maharaja adinda o pangalawang tagapagmana ng sultan, mga datung
mayayaman at makapangyarihan, sharif at iba pang taong iginagalang. Tinatalakay at
pinagpapasyahan ng lupon ang mga bagay na may kinalaman sa batas, pananalapi at
pangangalakal. Ang kadi ay isang tao na nagpapaliwanag ng tunay na kahulugan ng Koran at
tinitiyak niya na hindi labag sa aral ng Islam ang mga batas. Ang ulama ay iskolar ng relihiyon
at nagbibigay payo sa sultan ukol sa relihiyon. Ang panglima ay mga pinunong tagapaganap ng
Sultan o tagapagpatupad ng mga batas na pinagtibay na sa mga masjid o distrito. Sila ang may
kapangyarihang maningil ng buwis. Ang pandita ay tagapayong panrelihiyon ng panglima. Ang
imam ay katulong naman ng pandita sa pangangasiwa ng mga distrito. Nagtagumpay ang
sultanato ng Sulu upang pag-isahin ang iba’t-ibang pangkat etniko gaya ng mga Tausug,
Samal, Yakan at mga Badjao. Nasa ilalim ng pangangasiwa ng sultanato ng Sulu ang Tawi-tawi,
Basilan, dulong timog ng Zamboanga, Palawan at Sabah na nasa dulong hilaga ng Malaysia.
Tumagal ng limang dantaon ang sultanatong ito.

_____9. Lugar ng Sulu na kung saan pinamumunuan ng datu o raha.


A. Banwa ng Sulu B. Pangutaran C. Sumatra D. Talipao
_____10. Sino ang naglalayag mula Sumatra papunta sa Sulo noong 1450 naging raha banwa
ng Sulu?
A. Abu Bakr B. Ismael C. Raha Baginda D. Sharif kabungsuan
Para sa bilang 11-13
Panuto: Basahing mabuti ang kuwento. Isulat ang titik ng iyong sagot ayon sa hinihinging
impormasyon sa nakalarawang balangkas sa patlang bago ang bilang.

Ang Mahiwagang Bulaklak ng Matandang Babae


Noong unang panahon, may isang matandang babae na may magandang hardin ng
mga bulaklak sa tabi ng lawa. Malapit ang matandang babae sa mga mangingisdang
naninirahan sa kalapit na baryo. Madalas na bumibisita ang mga mangingisda at ang kani-
kanilang pamilya sa matandang babae upang magbigay ng isda kapalit ng ilang magaganda at
mababangong bulaklak mula sa hardin. Naniniwala ang mga mangingisda na mayroong angking
kapangyarihan ang matandang babae dahil palaging nagliliwanag ang kapaligiran na may
kasamang magandang babae at duwendeng tumutulong sa pag-aalaga ng tanim. Sinubukan
nilang tanungin ang matanda ngunit sinabi lang nito na wala siyang kasama. Isang araw, may
mag-asawang bumisita sa baryo at nakita nila ang magandang hardin. Pumasok sila at pumitas
ng bulaklak ng walang pahintulot. Nakita sila ng matanda at pinakiusapang umalis ngunit
pinagkatuwaan lamang nila dahil sa pangit nitong anyo. Dahil sa kalapastanganan ng dalawa,
ginawa silang magandang kulisap. Noon din ay nagbago ang anyo ng dalawa na naging
paruparo at nakita lamang ng taumbayan na may kakaibang kulisap na aali-aligid sa mga
bulaklak.

____11. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?


A. Magandang babae, mangingisda at mag-asawa
B. Matandang babae, mangingisda at mag-asawa
C. Matandang binibini, mangingisda at mag-anak
D. Matandang babae, mangingisda at mag-anak
_____12. Saan naganap ang mga pangyayari?
A. Sa may tabi ng dagat. C. Sa may tabi ng lawa
B. Sa may tabi ng ilog D. Sa may tabi ng sapa.
_____13. Bakit naging magandang kulisap ang mag-asawa sa kuwento?
A. Dahil sila ay magalang sa matandang babae.
B. Dahil sila ay masunurin sa matandang babae.
C. Dahil sila ay nagpaalam na mamitas ng bulaklak.
D. Dahil sa kalapastanganang ginawa ng mag-asawa.
Para sa bilang 14-15.
Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa binasang
teksto at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.
______14. Bakit madaling umiyak ang mga babae kaysa mga lalaki?
a. Dahil mas emosyonal sila.
b. Dahil gusto lamang nila ito.
c. Dahil duwag ang mga babae.
d. Dahil masayahin ang mga babae.
______15. Paano nakatutulong ang pag-iyak sa ating kalusugan?
a. Nakapagpapakinis ito ng balat.
b. Nakakatanggal ito ng sakit sa puso.
c. Nakakataba ang palaging pag-iyak.
d. Nakapagpapagaan ito ng bigat na ating nararamdaman, dahil inilalabas nito
ang stressful hormones.
______16. Anong uri ng panlapi ang pa-at-hin sa salitang pasayahin?
a. unlapi b. Gitlapi c. Hulapi d. Kabilaan
______17. Anong uri ng panlapi ang –in- sa salitang hiniram?
a. unlapi b. Gitlapi c. Hulapi d. Kabilaan
______18. Anong uri ng panlapi ang –han- sa salitang umpisahan?
a. unlapi b. Gitlapi c. Hulapi d. Kabilaan
______19. Anong uri ng panlapi ang –um- sa salitang umpisahan?
a. unlapi b. Gitlapi c. Hulapi d. Kabilaan
______20. Anong uri ng panlapi ang –um- sa salitang lumangoy?
a. unlapi b. Gitlapi c. Hulapi d. Kabilaan
______21. Anong uri ng panlapi ang ka–at-han- sa salitang kabayanihan?
a. unlapi b. Gitlapi c. Hulapi d. Kabilaan

______22. Sa pangungusap na “Hindi ko palalampasin ang matatamis na prutas sa Davao”.


Anong dalawang salita ang pinag-uugnay ng pang-angkop na nasa
pangungusap?
a. matatamis na Davao c. palalampasin at prutas
b. matatamis at prutas d. prutas at Davao
______23. Matulin____tumakbo si Lydia de Vega.
a. at b. g c. na d. ng
______24. Ang mga mag-aaral ay matatalino ____ mga bata.
a. at b. g c. na d. ng
______25. Sa pangungusap na “Heto na, tikman mo. Ano ba ang mas masarap, ang adobo __
ang mechado?” Anong pangatnig ang angkop para mabuo ang diwa nito?
a. at b. dahil c. ngunit d. o
______26. May nasagap kang balita tungkol sa deborsyo na ito ay legal. Paano mo ito sasabihin
sa iyong kaibigan na tutol sa mga ganitong usapin?
A. Sabihin sa kanya ng may basehan.
B. Makipagtalo sa kanya na walang basehan.
C. Iparamdam sa kanya na natuwa ka sa iyong narinig.
D. Kumbinsihin siya na magandang balita na ginawang legal ang diborsyo.
______27. Kapag may nakikipagtalo sa iyo tungkol sa isang bagay, at pakiramdam mo ay mali
siya sa kanyang mga sinasabi, ano ang dapat mong gawin?
A. Huwag husgahan kaagad at pakinggan ang kanyang mga pahayag.
B. Sabihin kaagad na mali siya sa kaniyang mga sinasabi.
C. Huwag na lang siyang pakingggan at balewalain.
D. Iwanan na lang siyang nagsasalita.
______28. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng isang katotohanan?
A. Ayon sa Bibliya, masama ang pagsisinungaling.
B. Sa Baguio raw dapat magtayo ng buhay-bakasyunan.
C. Sa tingin ko, mas sikat na artista si Angel Locsin kaysa kay Marian Rivera.
D. Kung ako ang tatanungin, pinakamagaling na mang-aawit si Regine Velasquez.
______29. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng isang opinyon?
A. Lahat ng buhay ay humihinga.
B. Sinakop ng mga Amerikano ang Pilipinas.
C. Ang isa dagdagan ng dalawa ay magiging tatlo.
D. Para sa akin, si Hanna ang pinakamaganda sa tatlong magkakapatid.
______30. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naglalarawan ng isang katotohanan?
A. Hindi mapasubalian C. Hindi nababago
B. Tanggap ng lahat ng tao D. Hindi maaaring mapatunayan
______31. Alin sa mga sumusunod na parirala ang may wastong pang-angkop na ginagamit?
A. balong na malalim C. mabuti na Pilipino
B. mabait na kaibigan D. mabuting na kapatid
______32. Ito ay halimbawa predikatibong pangungusap.
A. Alas dos na. B. Naku po! C. Pogi ang bata. D. Mamaya na,
33-34 Panuto: Tukuyin kung anong uri ng tula ang nababasa.

_____33.

A. Akrostik B. Cinquain C. Diamante D. Haiku

______34.
A. Akrostik B. Cinquain C. Diamante D. Haiku

_______35. Suriing mabuti ang bawat pangungusap kilalanin ang pahayag na katotohanan.
I. Maraming bagyo ang paparating sa bansa kung magtatapos na ang taon ito
ang sabi-sabi nila.
II. Sa ulat ng PAGASA, ang Pilipinas ay hinagupit ng magkasunod na bagyo na
tinatawag na Bagyong Ofel, Roly at Tonyo.
III. Ayon sa Alkalde ng lugar ang mga nasalanta ng bagyo ay nakatanggap ng sapat na
tulong.
IV. Ang sabi nila kinakailangang magdasal para tumigil ang bagyo.
A. II at III ay katotohanan C. I at IV ay katotohanan
B. I at II ay katotohanan D. I at III ay katotohanan.
_______36. Suriing mabuti ang bawat pangungusap kilalanin ang pahayag na opinyon.
I. Sa datos mula sa DOH mayroon na tayong 439,834 naitala na kaso sa
araw ng Disyembre 06, 2020.
II. Ayon sa pahayag ng Department of Health ang COVID-19 ay isang
nakakahawang sakit dulot ng SARS-CoV-2, isang birus na may kaugnayan sa SARS CoV.
III. Para labanan ang COVID-19, ang sabi nila ay kumain lang tayo ng saging at palakasin
ang resistensiya.
IV. Sabi nila naitala ang unang kaso ng COVID-19 sa Wuhan, Tsina.
A. I at II ay Opinyon B. II at III ay Opinyon C. III at IV ay Opinyon D. II at IV ay Opinyon
________37. Suriing mabuti ang bawat pangungusap kilalanin ang pahayag na katotohanan.

I. Ang akala nila lahat ng Pilipino ay marunong magsalita ng ating Pambansang


Wika.
II. Pinapatunayan ng Proklamasyon Bilang 19, ang selebrasyon ng Linggo ng
Wika sa Agosto 13-19.
III. Ang Buwan ng Wika ay taunang pagdiriwang sa Pilipinas na ginaganap tuwing buwan
ng Agosto ayon sa Philippine Star News.
IV. Sa nakikita ko bawat Pilipino ay nagsusuot ng Filipiniana at Barong Tagalog
tuwing Buwan ng Wika.
A. II at III ay katotohanan C. I at IV ay katotohanan
B. I at II ay katotohanan D. I at III ay katotohanan
_______38. Nagbago ang isip ni Mang Isko at binawi ang kasunduang pagbebenta
kay G. Lirio ng bahay at loteng nasa tapat ng bahay nina Aling Tinay at Mario.
A. Si Mario at ang kanyang mga kaibigan ay makikiusap kay G. Lirio na
humanap ng bagong tirahang malapit sa kanila.
B. Si Mario at ang kanyang mga kaibigan ay magpapaalam kay G. Lirio bago
sila umalis.
_______39. Walang nakapagturo kay Mario at sa mga kaibigan niyang tumugtog ng
instrumenting pangmusika.
A. Tatanda na silang pangarap na lamang ang matutong tumugtog ng
instrumentong pangmusika.
B. Magkanya-kanya silang mag-aral tumugtog ng instrumenting pangmusikang
gusto nila.
_______40. Nabalitaan ng mga kabataan sa kabilang barangay na nag-aaral ng
pagtugtog ng instrumentong pangmusika si Mario at ang mga kaibigan nito.
A. Pagtatawanan nila ang mga ito dahil hindi nila akalaing mag-aaral sa
pagtugtog ng instrumentong pangmusika.
B. Sasama sila sa mga ito para mag-aral ding tumugtog ng instrumentong
pangmusika.
________41. Nalaman ng mga magulang sa lugar na nalipatan ni G. Abad na ito’y
nagaalok ng libreng pag-aaral sa pagtugtog ng instrumentong pangmusika.
A. Magpapasalamat sila sa magandang pagkakataong ibibigay nito sa mga
bata.
B. Magtataka sila kung bakit ibibigay nito nang libre ang inaalok na
pagtuturo sa mga
bata.
42-50. Panuto: Gawan ng lagom o buod ang ulat na may 3-5 pangungusap batay sa rubric sa
ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Lagom o buod:

Ulat ni Liza
Isang malakas na lindol ang yumanig sa Davao del Sur noong ika-6 ng Setyembre,
2020. Ito ay may lakas na 6.4 magnitude. Dahil sa lakas ng pagyanig, maraming mga bahay at
gusali ang nasira. Gumuho ang mga lupa sa iba’t ibang bahagi ng Davao del Sur. Sa takot,
nagsilikas ang mga tao sa ligtas na lugar. Nagpadala ng tulong ang pamahalaan sa mga
nasalanta ng lindol. Maraming mga pribadong indibidwal at grupo ang nagbigay ng mga relief
goods. Ang iba naman ay nagbigay ng tulong pinansyal. Sa panahon ng sakuna, dapat lahat
tayo ay alerto at laging handa.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGSULAT NG TALATA


3 2 1
Nilalaman
 Pagsunod sa uri at anyong hinihingi
 Lawak at lalim ng pagtalakay
Balarila
 Wastong gamit ng wika/salita
 Baybay, bantas, estruktura ng mga pangungusap
Organisasyon
 Lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga idea.
 Pagkakaugnay ng mga idea.
KEY TO CORRECTIONS FIL. VI
1. A
2. B
3. A
4. A
5. C
6. B
7. D
8. A
9. A
10. A
11. B
12. C
13. D
14. A
15. D
16. D
17. B
18. C
19. A
20. B
21. D
22. B
23. B
24. C
25. D
26. A
27. A
28. A
29. D
30. D
31. B
32. A
33. A
34. B
35. A
36. C
37. A
38. A
39. A
40. B
41. A
42-50. Guro ang magpapasya gamit ang rubriks

You might also like