Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
LIAN SUB-OFFICE
LIAN NATIONAL HIGH SCHOOL – 307706

PANGALAN: ______________________________________________________________PETSA:_______________________________________
ANTAS/SEKSYON: _______________________________________________________SCORE: _____________________________________

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 7

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga nakasaad sa bawat bilang. Isulat ang titik ng wastong sagot sa blanko.
__________1. Alin sa mga sumusunod na salita ang HINDI sumasaklaw sa kahulugan ng salitang Kolonyalismo at
Imperyalismo?
A. Pagkontrol C. Pakikipagkalakalan
B. Pag-iimpluwensiya D. Pananakop
__________2. Ano ang tumutukoy sa pamumuno ng isang malakas na bansa sa isang mahinang bansa?
A. Extraterritoriality C. Resident system
B. Kolonyalismo D. Sphere of influence
__________3. Maraming salik ang nagbigay daan sa pagdating ng mga kanluranin sa Asya. Alin sa mga sumusunod ang HINDI
kabilang sa mga dahilan ng pananakop kanluranin sa Asya?
A. Paghahanap ng ginto C. Pagpapalaganap ng kristiyanismo
B. Paghahanap ng Karangala D. Pagpapalaganap ng relihiyong Islam
__________4. Tinawid ni Marco Polo ang Gitnang Asya kasama ang kanyang tiyuhin hangang sa makarating sa Tsina. Alin sa
mga sumusunod ang naging tungkulin ni Marco Polo?
A. Siya ang nagsilbing hukbong militar sa Tsina
B. Naging mahusay na emperador ng dinastiyang Yuan
C. Nagpatupad ng kautusan sa pagbabawal ng opyo
D. Nanungkulan bilang tagapayo ng Dinastiyang Yuan
__________5. Ano ang naging mabuting epekto ng pananakop ng mga Kanluranin sa Asya?
A. Nagkaroon ng paghahalo ng mga lahi dahil sa mga naganap na kasalang katutubo at dayuhan
B. Pangunahing gampanin ng mga bansang Asyano ang tagatanggap ng mga produktong Kanluranin
C. Naturuan ang lahat ng Asyanong pamahalaan ang kanilang mga sarili sa panahon ng pananakop ng mga
Kanluranin
D. Nagkaroon ng pag-unlad sa sistema ng transportasyon at komunikasyon na nagdulot nang mabilis na
Pagluwas ng sa pandaigdigang pamilihan.
__________6. Isa sa mga dahilan na nagtulak sa mga kanluranin na magtungo sa Asya ay ang Krusada. Ano ang naging layunin
nito?
A. Upang makipagkilala sa mga Asyano
B. Upang makipagkalakalan sa mga karatig bansa
C. Upang mabawi ang banal na lugar; ang Jerusalem sa Israel
D. Upang maipagmalaki nila ang kanilang magagarang kasuotan at mayamang kultura.
__________7. Ano ang isinasaad ng prinsipyong merkantilismo?
A. Naniniwala sa pagsasapribado ng negosyo upang umunlad ang bansa
B. Naniniwala na kinakailangan ng maayos na negosyo upang umunlad ang bansa
C. Naniniwala na kailangan ng bansa ang pagkakaroon ng pagkakapantay- pantay
D. Naniniwala na ang tunay na kayamanan ng isang bansa ay ang kabuuang dami ng ginto at pilak na
mayroon ito.
__________8. Alin sa mga sumusunod na salitang Pranses ang may ibig sabihin na “Muling Pagsilang”?
A. Constantinople C. Merkantilismo
B. Krusada D. Renaissance
__________9. Nanguna ang Portugal sa panunuklas at panggagalugad ng mga lupain noong ika-15 siglo. Nakapagtatag sila ng
mga daungan sa India, Tsina at Hapon. Ano ang maaring implikasyon nito sa ibang mga kanluraning bansa?
A. Nakipaglapit ang mga Kanluranin sa Portugal
B. Nakipagpaligsahan ang mga Kanluranin na makarating sa Silangan
C. Inagaw ng mga Kanluranin ang mga daungang naitatag ang mga Portuges
D. Hinayaan na lamang ng mga Kanluranin ang Portugal na maangkin ang mga pulo sa Silangan

Brgy. Malaruhatan, Lian Batangas School ID:307706


Contact nos.: 09565127162 landline: (043) 740-8218
liannationalhighschool@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
LIAN SUB-OFFICE
LIAN NATIONAL HIGH SCHOOL – 307706

__________10. Pinakinabangan nang husto ng mga Kanluranin ang mga yamang likas ng mga bansa sa Timog at Kanlurang
Asya sa panahon ng pananakop. Ano ang maaaring positibong epekto nito sa mga bansang sinakop?
A. Natutong magtanim ang mga katutubo
B. Nagkaroon ng pagkakakitaan ang mga katutubo
C. Naturuan ang mga katutubo na maging negosyante
D. Nagpatayo ng mga tulay at kalsada ang mga mananakop
____________11. Napasakamay ng mga Ingles ang India nang magwagi ito sa digmaang Plassey laban sa Pransya. Nagpataw ng
buwis sa mga may ari ng lupa ang mga Ingles at ipinagbawal ang ilang mga katutubong paniniwala. Ano ang naging bunga
ng mga pangyayaring ito?
A. Amritsar Massacre B. Civil Disobedience C. Passive Resistance D. Rebelyong Sepoy
____________12. Ano ang tawag sa boluntaryong pagsunog sa katawan ng asawang babae sa ibabaw ng bangkay ng kanyang
asawa sa India?
A. Colony B. Holocaust C. Sati o Suttee D. Zionism
____________13. Alin sa mga sumusunod ang naging paraan ng mga kanluranin upang magtagal ang kanilang pananakop?
A. Pinagamit ang kanilang produkto
B. Nagtayo ng mga irigasyon at ipinaayos ang mga kalsada
C. Pinalitan nila ang paniniwala, pilosopiya, at pananampalataya ng mga Asyano
D. Nagpatayo sila ng mga ospital upang matugunan ang pangangailangan ng bansang sinakop
____________14. Alin sa mga sumusunod na epekto ng pananakop ng mga Europeo ang may magandang naidulot sa mga
Asyano?
A. Pagsilang ng mga Asyanong Middlemen na naging mangangalakal
B. Nagkaroon ng mababang posisyon ang mga katutubo sa pamahalaan
C. Paggamit ng mga Asyano ng produkto ng mga dayuhan at pagalugad ng likas na yaman
D. Pagpapatayo ng mga ospital para sa mga maysakit upang mabigyang lunas ang mga sakit na laganap
____________15. Ano ang naging masamang epekto ng mahabang panahon ng pananakop ng mga Kanluranin sa Asya?
A. Sumulpot ang mga kolonyal na lungsod
B. Nagpatuloy ang pagpapatayo ng mga pabrika
C. Nagpatuloy ang pag unlad ng mga bansang sinakop
D. Nasanay ang mga Asyano sa paggamit ng produktong dayuhan
____________ 16. Ano ang nilalaman ng “White Man’s Burden” na sinulat ni Rudyard Kipling?
A. Pagmamahal sa bayan ng mga Europeo
B. Mga batas tungkol sa pakikipagkalakalan
C. Bigyan ng tamang edukasyon ang mga Asyano
D. Ang mga Asyano ay obligasyon turuan at tulungan ng mga kanluranin
____________ 17. Bakit hinangad ng mga Kanluranin na makarating sa Asya?
A. upang makilala ng mga Kanluranin ang likas na yaman ng Asya.
B. Upang maging masigla ang kalakalan sa pagitan ng mga Asyano at Europeo.
C. Upang matuklasan ang mga hilaw na materyales na maaari nilang magamit na panustos sa kanilang industriya.
D. lahat ng nabanggit.
___________18. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinaka-angkop at tamang dahilan na nagbigay-daan sa pag-usbong
ng nasyonalismo sa Asya?
A. Ang pag-aalipusta, pagpapahirap sa bawat Asyano
B. Ang pagpapatayo ng mga hospital, paaralan at kalsada
C. Ang paggamit ng mga likas na yaman at pagkuha ng mga hilaw na materyales
D. Ang pananakop, pagpapasailalim sa kapangyarihan at pagsasamantala ng mga bansang kanluranin sa mga
bansang Asyano
____________19. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Sa tingin mo, ano ang kalagayan ng Asya kung
hindi sumibol ang damdaming nasyonalismo?
A. Magkakaroon ng matibay na pundasyon ang relasyon ng Kanluranin sa Asya
B. Magiging malaya pa rin ang Asya sapagkat aalis din naman ang Kanluranin sa Asya
C. Mananatili ang tanikala ng mga bansang Kanluranin sa lahat ng aspeto ng pamumuhay ng mga Asyano
D. Magiging mayaman pa lalo ang Asya dahil sa magagandang imbensyon na dadalahin ng mga Kanluraning bansa.

Brgy. Malaruhatan, Lian Batangas School ID:307706


Contact nos.: 09565127162 landline: (043) 740-8218
liannationalhighschool@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
LIAN SUB-OFFICE
LIAN NATIONAL HIGH SCHOOL – 307706

____________ 20. Ang pananakop, pagpapasailalim sa kapangyarihan at pagsasamantala ng mga bansang Asyano ang
nagbigay daan sa pag-usbong ng Nasyonalismo. Ano ang bahaging ginampanan ng Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang
Asya?
A. Nagbigay daan sa paglaya
B. Naging daan upang mas lalo nilang mahalin ang kanilang bansa
C. Nagsilbing sandata ng mga Asyano upang labanan ang pananakop
D. Nagbigay daan upang magbuklod ang dalawang uri ng pangkat sa India
____________ 21. Ang nasyonalismo ay isang kamalayan ng pagiging kabilang sa isang nasyon na may iisang lahi, kasaysayan
at kultura, wika at pagpapahalaga. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa manipestasyon ng nasyonalismo?
A. Dumami ang may pagtitiwala at pagmamahal para sa pamahalaan ng mga Kanluraning Bansa
B. Pagpapanatili nang pagkamamamayan o citizenship ng isang sa kanyang bansang kinabibilangan
C. Ang kahandaan ng isang tao na magtanggol at mamatay para sa kanyang bayan o pagiging makatwiran at
makatarungan
D. Pagkakaisa sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagbubuklod-buklod ng mga mamamayan sa isang kultura,
saloobin at hangarin
____________ 22. Ang pangunahing manipestasyon ng nasyonalismo ay ang pagkakaisa. Ito ay isa sa mga nagbigay daan para
ang mga Asyano ay matuto. Alin sa mga sumusunod ang tumutugon sa sitwasyon?
A. Mapagbigay sa mga naisin ng mga dayuhan
B. Maging mapanuri sa mga kagustuhan ng mga Kanluraning bansa
C. Pagiging handa sa mga panganib dulot ng maling pamamalakad ng mga Kanluraning bansa
D. Tumulong at bigyang halaga ang paniniwala ng mga mamamayan sa iisang kultura at hangarin
____________ 23. Si Mohandas Karamchand Gandhi ay isa sa mga nasyonalista sa Timog Asya na naghangad ng kalayaan. Siya
ang namuno upang ipaglaban ang hinaing ng mga Indian laban sa mga mananakop na Ingles. Alin sa mga pahayag ang
pagpapahalagang ginampanan ni Gandhi upang mapalaya ang India mula sa pananakop ng England?
A. Siya ang naging susi sa isang pagkilos na naganap sa Battle of Tobruk
B. Naging aktibo sa larangan ng pulitika at nakibatikos sa mga karahasang isinasagawa ng kanilang pinuno
C. Nagsagawa ng makasaysayang pagtatalumpati laban sa patuloy na pagkiling ng namumuno sa kanilang bansa.
D. Nagsagawa ang pag-aayuno o “hunger strike “upang makuha ang atensyon ng mga Ingles at mabigyan ng agarang
pansin ang kanilang kahilingang lumaya
___________ 24. Tunay na maraming lider Asyano sa Timog at Kanlurang Asya ang nagpamalas ng pagiging makabayan,
nagpunyagi at nagtagumpay na matamo ang ang kalayaan ng kani-kanilang mamamayan at bansa. Sino sa mga sumusunod
na nasyonalista ang hindi kabilang sa nagpakita ng nasyonalismo sa Kanlurang Asya?
A. Ayatollah Ruohollah Mousar Khomeini C. Mohammed Ali Jinnah
B. Ibn Saud D. Mustafa Kemal Ataturk
___________ 25. Naitatag ang All Indian Muslim League sa pangunguna ni Ali Jinnah noong 1906. Bakit ninais ni Ali Jinnah
na magtatag ng hiwalay na Liga sa mga Hindu?
A. Upang maging pinuno ng mga Muslim C. Upang magkaroon ng pantay na karapatan
B. Upang matamo ang kalayaan ng India D. Upang magkaroon ng hiwalay na estado pars sa mga Muslim
___________ 26. Bakit nagkaroon ng hiwalay na pagkilos ang mga Indian laban sa mga Ingles?
A. Dahil sa magkakaibang lahi C. Dahil sa magkakaibang pananampalataya
B. Dahi sa magkakaibang paniniwala D. Dahil sa magkakaibang kultura at tradisyon
___________ 27. Nanguna si Mohandas Gandhi sa layuning matamo ang kalayaan ng India. Hinimok niya ang pagboykot ng
mga Indian sa lahat ng produkto ng mga Ingles at sa lahat ng may kaugnayan sa Ingles. Bakit maituturing na isang
manipestasyon ng nasyonalismo ito?
A. Naging malaya ang mga Indian
B. Naipaglaban ng mga Indian ang kanilang karapatan
C. Nakita nila ang kahalagahan ng pagiging malayang mamamayan
D. Nagkaroon ng mataas na pagtingin ang mga Indian sa sarili nilang kultura
____________28. Humingi ng kalayaan ang Turkey sa pamumuno ni Mustafa Kemal. Paano nakamit ng Turkey ang pagiging
isang Republika?
A. Sa ilalim ng mandato ng France C. Sa paglagda ng Kasunduang Lausanne
B. Sa ilalim ng mandato ng England D. Sa paglagda sa Kasunduang Satyagraha

Brgy. Malaruhatan, Lian Batangas School ID:307706


Contact nos.: 09565127162 landline: (043) 740-8218
liannationalhighschool@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
LIAN SUB-OFFICE
LIAN NATIONAL HIGH SCHOOL – 307706

_____________ 29. Sa paggawad ng kasarinlan sa mga bansa sa Asya, nagkaroon ng pagkakataon ang mga Asyano na
pamunuan ang kanilang bansa. Ang pamahalaan ay maituturing na haligi ng lipunan. Alin sa mga sumusunod ang HINDI
kabilang sa tungkulin ng pamahalaan?
A. Naglilimita sa mga karapatan ng mga mamamayan laban sa pamamalakad ng pamahalaan
B. Nagsisilbing buhay ng bansa tungo sa katatagan, katahimikan at kaunlaran ng pamumuhay ng mamamayan
C. Nangangasiwa sa mga gawaing may kinalaman sa pamamahala sa loob ng isang maayos at matatag na lipunan
D. Nagbibigay proteksyon sa karapatan ng mga mamamayan laban sa mga mapang-abuso sa kanilang kapangyarihan
___________ 30. Ang pananakop ng mga Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya ay nagdulot ng malaking pagbabago at
impluwensiya. Paano ito tinanggap ng mga Asyano sa kasalukuyang panahon?
A. Ipinagmalaki ng mga Asyano ang mga gawaing Kanluranin
B. Nagkunwari ang mga Asyano sa kagandahang dulot ng pagbabago
C. Marami pa din ang nag-alsa para labanan ang mga pagbabagong dulot ng Kanluranin
D. Nagsanay ang mga tao na gumamit ng produktong dayuhan at gamitin sa maayos na paraan ang mga naiwan ng
mga mananakop
____________ 31. Ano ang pagkakatulad ng epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya?
A. Ito ang nagpaunlad at nagpayaman sa Asya
B. Hindi naisakatuparan ng mga mananakop ang kanilang hangarin sa Asya
C. Parehong nakapanakop, nakapagpalawak ng teritoryo at kapangyarihan
D. Lahat ng bansa sa Timog at Kanlurang Asya ay nasakop ng mga Kanluranin
_________ 32. Mula sa nasa ibabang larawan, ano ang pinakaangkop na pahayag ang nagpapamalas sa mga pamamaraang
ginawa ng mga kilalang lider upang maipakita ang pagmamahal sa kanilang bansa sa Timog at Kanlurang Asya?
A. Bawat Asyano ay nagpamalas ng kanilang pagsuporta sa
bayan
B. Ito ay nagsasaad ng pagiging malikhain sa pagbuo ng
nasyonalismo
C. ito ay bahagi ng pananakop kaya ito ay nagbunsod ng
pakikiisa
D. Nagkaisa sa pamamaraan ng pakikibaka sa paraan ng
pagsigaw sa EDSA nang magkakahawak kamay at pagbuo
ng samahan gamit ang armas, sulatin at pamamahayag ng
may pagmamahal sa bayan
__________33. Nang makamit ng India ang kalayaan mula sa Britanya noong 1947, nahati ito sa dalawang estado, ang
kalakhang India at Pakistan. Ano ang naging epekto nito sa katayuan ng bansa at mamamayan?
A. Nagkaroon ng kaguluhan sa pamumuno.
B. Nahimok na mag-alsa ang mga Muslim sa mga Hindu.
C. Nahati ang simpatiya ng mga mamamayan sa dalawang estado.
D. Nagsilikas ang karamihan ng mga mamamayan sa ibang bansa.
__________34. Paano nakaapekto ang Unang Digmaang Pandaigdig sa pagpasok ng mga Kanluraning bansa sa Kanlurang
Asya?
A. Ang lokal na pamamahala ay nasa kamay ng mga dayuhan
B. Pag-aari ng mga dayuhan ang kompanyang naglilinang ng langis
C. Pinamahalaan ng mga lokal na awtoridad ang aspektong pang-ekonomiya
D. Tuluyang nakalaya ang mga bansa sa Kanlurang Asya sa kamay ng mga dayuhan
___________35. Bakit muling naging daan ng hindi pagkakaisa ng mga Indian ang pagwawakas ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?
A. Pagkakahati ng India sa dalawang pangkat C. Pagnanais ng mga Muslim na mamuno sa India
B. Pagkakatatag ng Pakistan para sa mga Hindu D. Paghihiwalay ng mga Indian batay sa estado ng
buhay
___________ 36. Itinatag ni Theodor Herzl, isang Austro –Hungarian, ang Kilusang Zionismo sa Basel. Switzerland. Bakit
mahalaga para sa mga Hudyo ang pagkakatatag ng nasabing kilusan?
A. nagnanais ito na mapagkaisa ang mga Hudyo at Arab
B. nagbigay daan ito sa pagkamit ng kalayaan ng mga Hudyo

Brgy. Malaruhatan, Lian Batangas School ID:307706


Contact nos.: 09565127162 landline: (043) 740-8218
liannationalhighschool@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
LIAN SUB-OFFICE
LIAN NATIONAL HIGH SCHOOL – 307706

C. naglalayon itong makabalik ang mga Hudyo sa kanilang lupain


D. nagsilbing inspirasyon ito sa mga Hudyo upang bumuo ng sariling bansa
__________37. Paano mailalarawan ang kalagayan ng mga kababaihan sa India bago ang ika-19 na Siglo?
A. Aktibo sa politika C. Pantay ang katayuan ng babae at lalaki
B. Mababa ang katayuan ng mga babae D. Mataas ang edukasyon sa mga kababaihan
__________38. Alin sa mga sumusunod ang impluwensya ng relihiyong Hinduismo sa kalagayan ng mga kababaihan?
A. Ang pagsusuot ng babae ng burka
B. Ang pagsusuot ng mga babae ng kimono at Obid.
C. Ang pagsasagawa ng footbinding sa mga batang babae
D. Ang pagsasagawa ng Suttee o pagsusunog ng biyuda sa sarili kasama ng namatay na asawa
__________39. Ano ang pagbabagong naidulot ng mga samahang kababaihang sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya?
A. Nakalahok sa pulitika C. Naipaglaban ang kanilang karapatan
B. Naging aktibo sa mga kilusan D. Tumaas ang katayuan sa lipunan ng mga kababaihan
__________40. Alin ang tumutukoy sa samahang pangkababaihan na naglalayong ipaglaban ang karapatan upang magkaroon
ng pagbabago sa pamumuhay ng kababaihan?
A. Sorrogate B. Suffrage C. Suffragist D. Catholics Womens’ League
__________ 41. Ang samahan ng kababaihan sa Kanlurang Asya ay kumikilos sa tatlong paraan. Alin sa sumusunod ang HINDI
kabilang?
A. Pakikipagpaligsahan sa ibang kababaihan
B. Pagbibigay proteksyon sa kababaihan sa lahat ng larangan
C. Imulat ang mga kababaihan sa hindi pagbibigay ng pantay na karapatan
D. Ipaunawa sa daigdig na ang kababaihan sa Kanlurang Asya ay nakikipaglaban para sa Karapatan
__________42. Sa panig ng grupo ng kababaihan, pinag-aralan nila ang mga batas at polisiya na nagdudulot ng
diskriminasyon sa kababaihan. Humingi sila ng pagbabago tulad ng pantay na karapatan sa mga babae at makilahok sa
larangan ng pulitika. Anong katangian ng kababaihan ang ipinahihiwatig dito?
A. Makatwiran B. Mapagpakumbaba C. Matapang D. Matiyaga
__________ 43. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng samahang pangkababaihan?
A. Upang makilahok sa pulitika
B. Upang maitaguyod ang kanilang pamilya
C. Upang mahirang sa mataas na posisyon sa pamahalaan
D. Upang makapagdulot ng pagbabago sa pamumuhay ng karaniwang kababaihan
__________ 44. Ang hindi pantay na pagtingin sa mga kababaihan ay sinasabing wala sa mga aral ng Islam ngunit nananatili
pa ring mababa ang katayuan ng kababaihan sa lipunan. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng diskriminasyon sa mga
kababaihan?
A. Pagsusuot ng burka na tumatakip sa buong katawan ng mga babae
B. Sa usaping kasal, pinapayagan ang mga lalaki na magkaroon ng hanggang apat na asawa
C. Kawalan ng karapatan na bumuto, mag-aral, magtrabaho at tumanggap ng benepisyong pangkalusugan
D. Lahat ng nabanggit
__________45. Patuloy ang pag-angat ng ekonomiya ng mga bansa sa Asya. Bilang isang mag-aaral, paano mo higit pang
mapapaunlad ang ating bansa?
A. Magtrabaho agad ng maaga para makatulong sa pamilya
B. Mag-aral na mabuti at sumunod sa alituntunin ng paaralan
C. Huwag nang pumasok para hindi gumastos ang mga magulang
D. Pangunahan ng pamahalaan ang pagpapaunlad sa ating bansa
__________46. Sa pakikipagsapalaran na makamit ng India ang kasarinlan naging inspirasyon ng marami si Mohandas Gandhi
dahil sa kanyang katangi-tanging tahimik na paraan ng pagtutol upang matamo ang kalayaan. Anong anyo ng
nasyonalismo nabibilang ang pamamaraang ito?
A. Aktibong Nasyonalismo C. Pasibong Nasyonalismo
B. Defensive na nasyonalismo D. Mapagtanggol na nasyonalismo
__________ 47. Tunay na maraming mamamayang Asyano sa Timog at Kanlurang Asya ang nagpamalas ng pagiging
makabayan, nagpunyagi at nagtagumpay bilang isang Asyanong mamamayan. Paano mo maipapamalas ang pagmamahal
sa sariling bansa sa kasalukuyang panahon?

Brgy. Malaruhatan, Lian Batangas School ID:307706


Contact nos.: 09565127162 landline: (043) 740-8218
liannationalhighschool@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
LIAN SUB-OFFICE
LIAN NATIONAL HIGH SCHOOL – 307706

A. Pagiging makatao C. Pagiging makadiyos


B. Pagiging makabansa D. Pagiging makakalikasan
___________48. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng relihiyon ng isang tao?
A. Kinakailangan ito ng isang bansa
B. Upang hindi mapunta sa impiyerno
C. Dahil ito ang marka o pagkakakilanlan niya
D. Nagsisilbi itong gabay at patnubay sa ating pamumuhay
___________49. Alin sa mga sumusunod ang may katotohanan tungkol sa Edukasyon?
A. Ang Edukasyon ay makakatulong sa pag-unlad ng isang bansa
B. Ang Edukasyon ay isang kayamanan na hindi mananakaw kailanman
C. Ang Edukasyon ay maaaring magpa-angat sa pamumuhay ng isang tao
D. Lahat ng nabanggit
___________50. Paano nakakaapekto sa pag-unlad ng isang bansa ang kalidad ng edukasyon?
A. Hinuhubog nito ang kaisipan ng bawat tao
B. Walang mabuting maidudulot ang edukasyon
C. Tumutulong ito para maging isang mabuting tao para sa pag-unlad ng pamilya
D. Ito ang nagsasanay sa mga bata para maging isang mahusay na manggagawa sa hinaharap

Inihanda nina:

JEELENE G. BENITEZ
Teacher I

CYNTHIA I. ANZURES Binigyang Pansin:


Teacher I
ERLYN M. BAON PhD
Head Teacher III

Pinagtibay:

JORGE C. BAUTISTA
Principal II

Brgy. Malaruhatan, Lian Batangas School ID:307706


Contact nos.: 09565127162 landline: (043) 740-8218
liannationalhighschool@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
LIAN SUB-OFFICE
LIAN NATIONAL HIGH SCHOOL – 307706

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 7


TALAHANAYAN NG ESPESIPIKASYON

Kinalalagyan ng Aytem

Bilang ng Aytem
Bilang ng araw

Remembering

Understanding

Evaluating
Analyzing

Applying

Creating
Mga Kasanayan sa Pagkatuto/MELCs

13. Nasusuri ang mga dahilan at


paraan ng kolonyalismo at
imperyalismo ng mga Kanluranin sa
6
unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo)
pagdating nila sa Timog at Kanlurang
Asya
14. *Nasusuri ang mga salik,
pangyayaring at kahalagahan ng
3
nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa
sa Timog at Kanlurang Asya
15. *Natatalakay ang karanasan at
implikasyon ng digmaang pandaidig sa 3 13
kasaysayan ng mga bansang Asyano
16. Nasusuri ang kaugnayan ng iba’t
ibang ideolohiya (ideolohiya ng
malayang demokrasya, sosyalismo at 3 2
komunismo) sa mga malawakang
kilusang nasyonalista
2

7.
2

3 2

Brgy. Malaruhatan, Lian Batangas School ID:307706


Contact nos.: 09565127162 landline: (043) 740-8218
liannationalhighschool@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
LIAN SUB-OFFICE
LIAN NATIONAL HIGH SCHOOL – 307706

8.

6 6

3 6

TOTAL 24 50 5 16 11 16 2 0

Brgy. Malaruhatan, Lian Batangas School ID:307706


Contact nos.: 09565127162 landline: (043) 740-8218
liannationalhighschool@yahoo.com

You might also like