Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

9

Learning Activity Sheet


Filipino 9
Kuwarter 4–Linggo 7-MELC 20
Paghahambing ng mga Katagian ng Isang Ina
Noon at sa Kasalukuyan Batay sa Napaood na
Dulang Pantelebisyon o Pampelikula

REHIYON VI-KANLURANG VISAYAS


Learning Activity Sheet (LAS)

i
Filipino 9
Learning Activity Sheet (LAS) 20
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaang naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang


magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 –
Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet Q4-Filipino 9

Manunulat: Lucila Y. Plaza


Tagasuri : Alicia M. Geroso
Tagalapat : Eldiardo E. Dela Pena
Division of Division Assurance Team:
Diana P. Agupasa Perly M Mapa
Cynthia C. Caspe Rosie C. Cabus
Marie Antoniette M. Villar
Division of Escalante City Management Team:
Clarissa G. Zamora.,CESO VI
Atty. Fevi S. Fanco,EdD
Ivy Joy A. Torres, PhD
Jason R. Alpay
Alicia M. Geroso
Regional Management Team:
Ramir B. Uytico
Pedro T. Escobarte, Jr.
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV

ii
MABUHAY!

Ang Filipino 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa


pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Capiz sa
pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang
Visayas sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD).
Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang
ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan
ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na


mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon
sa kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang
ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi
habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:


Ang Filipino 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang
matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng
edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-
kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang
komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto
sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating
masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:


Ang Filipino 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang
matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa
iyong paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at


makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti
ang mga panuto ng bawat gawain.

iii
Kuwarter 4, Linggo 7
Learning Activity Sheets (LAS) Blg.20

Pangalan:_________________________Grado at Seksiyon:______________

Petsa: _____________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 9

Paghahambing ng mga Katangian ng Isang Ina Noon at sa


Kasalukuyan Batay sa Napanood na Dulang Pantelebisyon
o Pampelikula

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda:

Naihahambing ang mga katangian ng isang Ina noon at sa kasalukuyan batay sa


napanood na dulang pantelebisyon o pampelikula. (F9PD-IVh-g-59)

II. Panimula

“ Igalang natin ang mga Ina!


Mahaba ang listahan ng mga katangian ng isang ina. Siya ang ilaw ng tahanan,
wala siyang hindi gagawin para sa ikabubuti ng anak. Kaya niyang gawin ang
lahat, kaya niyang tiisin ang lahat, hindi siya magsasawang magbigay at hindi
kailan man mauubusan ng pagmamahal dahil walang siyang tatumbas. Ang
nagbibigay liwanag sa simpleng tahanan ay ang ina.

( Kabanata XXI sa NOLI ME TANGERE )

Takot noon si Sisa nang makita niya ang mga Gwardia Civil sa
kanilang bahay . Pinipilit na palabasin ang kaniyang mga anak na
nagnakaw ng pera sa kumbento. sinabi niyang hindi niya nakita. Dahil dito
siya ang dinakip ng mga Gwardia Civil . Lumuhod si Sisa at
nagmamakaawa na huwag siyang isama ngunit hindi pinakinggan.

Walang nagawa si Sisa kundi sumama. Sa kanilang paglalakad ay


nakatingin sa kanila ang mga tao at kinukutya pa ito. Halos mamatay si
Sisa sa kahihiyan sa oras na iyon.

Dalawang oras napiit si Sisa sa himpilan. Tanghali na nang malaman


ng alperes na nakulong na si Sisa at agad na pinautos na palayain siya.
Pinagtulakang palabas si Sisa sa kuwartel sapagkat ayaw na niyang
kumilos sa kinakukulungan. Nang napansin na niyang nasa gitna na siya
ng lansangan ay nagmamadali siyang lumakad pauwi. Nang marating ang
kanilang bahay ay tinawag niya ang mga pangalan ng anak “Basilio…..

4
Kuwarter 4, Linggo 7

Crispin..? Nagpagala-gala si Sisa . Umiiyak nang kaawa-awa. Minsan ay


umaawit at kinakausap ang lahat ng bagay.

Si Sisa ay larawan ng isang tipikal na inang Pilipina. Bagama’t ang


kanilang pamilya ay kapos sa buhay, masasalamin sa akdang siya ay tutok
sa kaniyang mga anak. Gagawin niya ang lahat alang-alang sa kabutihan at
kapakanan ng kaniyang mga supling. Di maitatatwang sa kasalukuyan, ang
tipikal na imahe ng isang ina bilang tagapagpangalaga ng tahanan at ang
mga anak ay unti-unti nang nabago bunga na rin ng impluwensiya ng mga
pagpahalagang kanluranin at sanhi na ng mga pagbabago sa buhay ng
pamilyang Pilipino. Sa panahon natin ngayon, tanggap na ang mga ina ng
tahanan na dapat ay siyang inaasahang mag-aaruga at magpalaki sa mga
anak sa loob ng tahanan ay aalis ng bahay araw-araw upang
maghanapbuhay. Marami na rin sa kanila ngayon ang napipilitang
magtungo sa ibang bansa upang doon ay magtrabaho. Kaya dapat nating
igalang ang mga mga ina “Karapatan ng mga kababaihan ay pahalagahan,
pagkat sila ang hiyas ng ating bayan”

III. Mga Sanggunian:

Aralin 14 “Ang kuwento ng isang Ina” ( Kabanata XXI)


Aklat 2 NOLI ME TANGERE pp. 645 - 646

IV. Mga Gawain:

Gawain : Panoorin Mo! Ihambing Mo!

Panuto: Panoorin ang iilang Movie Trailer na may kauganyan ng isang Ina maging
noon at sa kasalukuyan.
https://www.youtube.com/watch?v=qFIpOscxBIk
https://www.youtube.com/watch?v=L9luOBLGFbo

Gawain 1: Bumuo ng isang masusing paghahambing ng mga katangian ng


Ina noon na masasalamin sa katauhan ni Sisa at ng katangian ng Ina sa
kasalukuyan batay sa iyong napanood sa dulang pantelebisyon o
pampelikula.

1. Paghambingin ang Ina noon at sa kasalukuyan


2. Ibigay ang kani-kanilang mga katangian

5
Kuwarter 4, Linggo 7

Mga Katangian ng mga Ina Noon Mga Katangian ng Ina sa Kasalukuyan


( Si Sisa bilang isang Ina) Batay sa Napanood

Rubrik sa Pagtataya
Makatotohanan-------------------------------------5 puntos
Maliwanag at maayos ang paglalahad-------5 puntos
Malinaw at wasto ang bararila/gramatika----5 puntos
________________
Kabuoan: 15 puntos

Gawain 2:

Sa nagawang paghahambing sa pagsasanay 1, ano ang mga


katangian ang nais mong tularan? Bakit? (5 puntos)
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________.

Rubrik
Maayos ang pagkakalahad-----------------------3 puntos
Malinaw at wasto ang bararila/gramatika-----2 puntos
______________
Kabuoan: 5 puntos

Tandaan:

“ Igalang natin ang mga Ina!


Mahaba ang listahan ng mga katangian ng isang ina. Siya ang ilaw ng
tahanan, wala siyang hindi gagawin para sa ikabubuti ng anak. Kaya
niyang gawin ang lahat, kaya niyang tiisin ang lahat, hindi siya
magsasawang magbigay at hindi kailan man mauubusan ng pagmamahal
dahil walang siyang katumbas. Ang nagbibigay liwanag sa simpleng
tahanan ay ang ina.
6
Kuwarter 4, Linggo 7

V. Repleksiyon

Ang natutuhan ko sa araling ito___________________________________________


________________________________________________________________________,
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

VI. Susi ng Pagwawasto:

Nakadepende sa sagot ng mag-aaral


Gawain 2:

Responsable
Martir
Responsable Mapagtiis
Mapagmahal Mapagmahal
Nagtratrabaho para sa pamilya Mapag-aruga
Ngayon Noon

Halimbawang sagot:
pelikula
Ang kasagutan ay nakadepende sa napanood na dulang pantelebisyon/

Gawain 1:

You might also like