Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

DELFIN M.

GERALDEZ ELEMENTARY SCHOOL


IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5
TAONG PANURUAN 2023-2024

Pangalan: Petsa:
Baitang/Seksyon: Iskor:

PAKIKINIG
Panuto: Pakinggang mabuti ang kuwentong babasahin ng guro. Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ang
bahagi ng kuwento ay nasaksihan at ekis (x) naman kung hindi.

1. Bumaba ang matandang babae mula sa magarang kotse.


2. Nanlilimahid at marungis ang batang naglalaro sa daanan.
3. May laruang iniabot sa mga bata ang matandang lalaki upang ibigay sa kanila.
4. Mapagbigay ang matandang lalaki.
5. Pinagkaguluhan ang matanda ng mga taong nakasaksi sa kanyang ginawa.

PAGSASALITA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang ipinapahayag ng bawat bilang. Piliin at isulat sa patlang
ang letra ng tamang sagot.

6.Alin sa mga pangungusap ang mayroong angkop na pang-abay?


A. Si Jeffrey ay manlalaro ng track and field.
B. Napiling manlalaro si Jeffrey sa track and field.
C. Magaling maglaro ng track and field si Jeffrey.
D. Si Jeffrey ay masaya dahil napili siyang manlalaro ng track and field.
7. Masaya ang pamilya Santos na namamasyal sa Luneta. Ang mga salitang
nakasalungguhit ay tinatawag na .
A. pang-uri at pang-abay na pamaraan
B. pang-uring panlarawan at pang-abay na panlunan
C. pang-uring pamilang at pang-abay na pamanahon
B. pang-uring pantangi at pang-abay na pamanahon
8. Tuwing umaga nagpupunta sa ang aking nanay upang mamili ng ilulutong
ulam para sa karinderya. Ano ang angkop na pang-abay na panlunan sa pangungusap?
A. mall B. groseri C. palengke D. pasyalan
9. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang nagsasaad ng pang-abay na pamaraan?
A. Matulungin si John.
B. Talagang matulungin si John.
C. Maingat na tinulungan ni John sa pagtawid ang ale.
D. Kaninang umaga tinulungan ni John ang ale sa pagtawid.
10. Ang sumusunod ay nagpapakita ng katotohanan maliban sa isa.
A. Tuwing buwan ng Disyembre ating ipinagdiriwang ang Pasko.
B. Ipinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan tuwing buwan ng Hulyo.
C. Ipinagdiriwang naman ang Araw ng Manggagawa tuwing Mayo.
D. Tuwing Agosto ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika.
11. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng opinyon?
A. Para sa akin, mahusay na pangulo si Noynoy.
B. Totoong naiproklama siya bilang pangulo.
C. Si Pangulong Benigno Aquino rin ang nagpatupad ng K+12 Education Program.
D. Batay sa kronolohikal na bilang, si Benigno Simeon Cojuangco Aquino III ay panlabing-
limang pangulo sa Pilipinas.
12. Sina Ariel at Warren ay naghanda ng masarap na meryenda para sa panauhin.
Alin ang kumpletong simuno at panaguri na ginamit sa pangungusap?
A. Ariel- naghanda
B. Sina – masarap na meryenda
C. Warren – naghanda ng meryenda
D. Sina Ariel at Warren - naghanda ng masarap na meryenda para sa panauhin.
13. Piliin ang angkop na mga salita na kukumpleto sa panaguri. Ang Marikina ay kilala sa
paggawa ng .
A. matibay na sapatos B. makapal na tsinelas
C. magandang sandalyas D. may kalidad na bakya
14. Ano ang katangian ng simuno?
A. tema ng pangungusap
B. kilos sa pangungusap
C. tumutukoy sa pangungusap
D. pinag-uusapan sa pangungusap
15. Si Rina ay nais magsaliksik tungkol sa bansang Egypt. Gusto niyang malaman kung nasaan
ang eksaktong lokasyon at lawak nang nasasakupan nito. Anong sanggunian ang maaari
niyang gamitin?
A.diksyunaryo B.ensiklopediya C.almanac D.atlas
16. Gustong magbasa ni Pedro tungkol sa pinakabagong balita. Anong
pangkalahatang sanggunian ang dapat niyang gamitin?
A.ensiklopediya B.pahayagan C.almanac D.atlas
17. Teknolohiyang maaaring pagkunan ng impormasyon gamit ang kompyuter o tablet.
A. atlas B. almanac C.internet D. diksyonaryo
18. Tumutukoy ito sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari batay sa paglipas ng panahon.
A. banghay B.kuwento C.timeline D.kasaysayan
19. Isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo o puwedeng pasubalian ng iba.
A. pagpapaliwanag B.pangangatwiran C. katotohana D.opinyon
20. Kapag mayaman ang isang pamilya,masayahin at nagkakaisa ang mga miyembro nito.
A. pagpapaliwanag B. Pangangatwiran C. katotohanan D. opinyon
21-22. Punan ng wastong pang-angkop ang bawat patlang upang mabuo ang kaisipan.
21. Mahusay mang-aawit si Sarah Geronimo.
A. nang B. ng C. na D. g
22. Dali-dali umuwi ng bahay si Aling Nilda nang malamang may mataas na lagnat ang
kanyang asawa.
A. nang B. ng C. na D. g
PAGBASA
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang.
23. Ayusin ang sumusunod na gawain nang may tamang pagkakasunod-sunod sa pamamaraan
ng paghuhugas ng pinggan. Piliin ang pinakawastong sagot.
A. Banlawang mabuti ang mga pinggan.
B. Ilagay ang mga tuyong pinggan sa dish rack organizer.
C. Patuyuin ang mga pinggan gamit ang malinis na basahan.
D. Tanggalin ang mga natirang pagkain sa mga pinggan bago ito sabunin.
A. DACB B. ABCD C. BCDA D. ADCB
24. Ayusin ang sumusunod na gawain nang may pagkakasunod-sunod sa paghahanda
ni Anna sa kanyang Online Class.
A. Naligo at nagbihis saka nagwisik ng pabango.
B. Tumungo si Anna sa kusina upang magmumog at mag-almusal.
C. Tumunog ang alarm, agad bumangon, inayos ang higaan at nagdasal si Anna.
D. Kinuha ang kanyang kuwaderno, bolpen at umupo na sa harap ng kanyang kompyuter.
A. CDAB B.CBAD C.ABCD D.BCDA
25. Ang pagbabahagi ng pangyayaring nasaksihan ay tumutukoy sa pag- uulat kung kailan at saan
naganap ang mga pangyayari na kailangang maibahagi o maipahayag.
A.mali B. Tama C.di sigurado D. wala sa nabanggit
26. Ang mga tauhan sa pelikula ay pawang mga bida lamang, at hindi masyado kinikilala ang
karakter ng kontrabida.
A.mali B.tama C.di sigurado D. wala sa nabanggit
27. Ang panonood ay kagaya rin ng pagbabasa ng isang kuwento na parehong may bahaging
kasukdulan.
A.mali B.tama C.di sigurado D. wala sa nabanggit
28. Sa pagsusuri ng pelikula dapat alamin ang kanyang karakter batay sa mga dayalogo at
galaw nito sa pelikula.
A.mali B.tama C.di sigurado D. wala sa nabanggit
29. Ito ang panahon at lugar kung saan naganap ang kuwento o pelikula.
A. wakas B.tauhan C.tagpuan D.pangyayari
30. Ang pag-uulat tungkol sa napanood ay isang pagpapahayag ng mga mahahalagang
kaalamang naitala, nakuha o natutuhang aral na nagbibigay ng kabatiran o impormasyon sa
mga manonood.
A.mali B.tama C.maaari D. di sigurado
31. May dugong maharlika ang napangasawa ni Jillian. Ano ang kasingkahulugan ng salitang
maharlika?
A.mayaman B.mahirap C.dukha D.pobre
32. Salat sa maraming bagay ang aking matalik na kaibigan. Ano ang kasalungat ng salitang
salat?
A. sagana B. kaunti C. kulang D. walang -wala
33. Maraming dalubhasang doktor ang naninirahan na sa ibang bansa. Ano ang
kasingkahulugan ng salitang dalubhasa?
A. sikat B.matibay C.matatag D.eksperto

34-36. Panuto: Basahin ang pangungusap at bumuo ng tanong na angkop gamitin sa mga salita o
pariralang nasa loob ng panaklong. Piliin ang pinakawastong sagot.

34. (Araw ng Lunes) ay nakita ng ina na malungkot si Ruben. nakita ng


ina na malungkot si Ruben?
A. Sino B.Ano C.Saan D.Kailan
35. (Sa kanilang tahanan) makikitang malungkot at nag-aalala si Ruben sa darating na pasukan.
makikitang malungkot at nag-aalala si Ruben sa darating na pasukan.
A.Sino B. Ano C.Saan D.Kailan
36. (Si Aling Cora) ang ina ni Ruben. ang ina ni Ruben?
A.Sino B. Ano C.Saan D.Kailan

37-40 Panuto: Tingnan ang isang halimbawa ng pormularyo (Form). Ito ay kard na ginagamit sa
aklatan. Pag-aralan ito at ibigay ang mga hinihinging impormasyon.

DepEd Library Author: Title:


Number of Books : Date Borrowed :
Name of Borrower: Name of School:

37. Alin sa mga mahahalagang impormasyon ang hindi makikita sa kard na ginagamit sa
aklatan?
A. Title B. Author C. Pages D. Date Borrowed
38. Ano ang dapat ilagay sa title?
A.Pangalan ng paaralan B. Pangalan ng hihiram C.Pangalan ng
may-akda D. Pamagat ng aklat na hihiramin
39. Anong mahalagang impormasyon ang ilalagay sa author?
A.Pangalan ng paaralan B. Pangalan ng hihiram C.Pangalan ng
may-akda D. Pamagat ng aklat na hihiramin
40. Anong mahalagang impormasyon ang ilalagay sa Name of Borrower?
A.Pangalan ng paaralan B. Pangalan ng hihiram C.Pangalan ng
may-akda D. Pamagat ng aklat na hihiramin
41. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag ng pag-iisip at damdamin ng isang tao sa
pamamagitan ng pagsasatitik ng mga sagisag o simbolo ng mga tunog ng salita.
A. pakikinig B. pagsasalita C. pagbasa D. pagsulat
42. Uri ng liham na nagbibigay ng suhesyon hinggil sa isang paksa o isyu.
A. Liham pangkaibigan B. Liham pasasalamat
C. Liham na naghahanap trabaho D. Liham na nagbibigay ng mungkahi
43. Ito ay uri ng sulatin na kinapapalooban ng mga salitang kinikilala, tanggap ng
nakararami, at kadalasang ginagamit sa paaralan.
A. email B. messenger C. sulating pormal D. sulating di pormal
44. Ito ay isang tradisyunal na pahayag o mensahe sa pamamagitan ng pagsulat mula sa isang
tao patungo sa isa pang tao na kadalasan ay nasa malayong lugar.
A. telepono B. text C. liham D. messages
45. Ito ay uri ng sulatin na hindi gaanong sumusunod sa tamang pamantayan at mga
tuntunin sa pagsulat.
A. email B. messenger C. sulating pormal D. sulating di pormal

46-50 PAGSULAT

Panuto: Basahing mabuti ang salaysay at gamitin ang mga tanong na nakasulat sa ibaba, malaking
letra at wastong bantas sa pagtatanong.

Inutusan si Ate Nellie ng kanyang nanay na bumili sa groseri. Habang siya ay namimili, naisip
niyang kumuha ng ilang junk foods at isinama ito sa basket kahit wala ito sa listahan. Nang siya ay
malapit na sa cashier, nalaman niyang kulang ang dala niyang pera para sa mga pinamili. Dahil dito,
iniwan niya ang mga junk foods at umuwi na lamang sa kanila.

46. Ano

47. Sino

48. Saan

49. Kailan

50. Bakit

You might also like