Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Philippine Christian University

Senior High School

MGA URI NG TEKSTO URI


Pormal May seleksyon at
Sa pag-uumpisa ng aralin, dapat organisasyon.
maunawan na ang pagbabasa ay hindi Di-Pormal Simpleng kuwentuhang
lamang dapat nauuwaan ang nilalaman pang-araw araw.
ng teksto. Natutukoy din dapat nito ang PANANAW
konteksto at nakakapagbigay ng ideya at Unang Personal ang tono (Ako,
interpretasyon na magagamit sa pang- Panauhan akin, kami, natin, tayo).
araw araw na pamumuhay ng mga Ikatlong May distansya (sila, niya,
mambabasa. Ang mga sumusunod na uri Panauhan kanila, siya, nila).
ay makakatulong upang madaling
maunawaan ang mga tekstong Mga Katangian ng Mabisang
babasahin: Tekstong Nagsasalaysay
• Nakapupukaw-pansin sa
1. TEKSTONG NARATIBO
Pamagat – taglay nito ang
Likas sa mga tao ang pagiging maikli, kawili-wili,
pagsasalaysay ng mga kaganapan sa kapana-panabik, may
buhay ng bawat tao. Ang simpleng misteryo, orihinal at hindi
kamustahan ng mga magkakaibigan ay katawa-tawa.
masasabing nagsasalay na ito ng mga • Ayos ng Pagsasalaysay – sa
pangyayari sa kaniyang buhay o pagkukuwento ay hindi
partikular na araw. maiiwasan ang paggamit ng
mga flashback o
Ang mga tekstong naratibo ay foreshadowing, kaya hindi
tinatawag ding tekstong nagsasalaysay. palaging kronolohiko o
magkakasunod-sunod ang
Mga Konsepto pagsasalaysay.
• Isang anyo ng pagpapahayag • Kaisahan – mahalaga ang
na may layuning magsalaysay pagkakaroon ng kaisahan ng
o magkuwneto ng mga tauhan, pook, at
pangyayari o kawil ng mga pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari. pangyayari sa kuwento.
• Iniiwasan din dito ang mga
maliligoy na salita upang Mga Gabay sa Pagsulat ng Tekstong
maiangkop ang Nagsasalaysay
pagpapahayag sa mga 1. Pagpili ng Paksa – sa pagpili ng
pangyayaring isinasalaysay. paksa ay mahalagang dapat
• Higit itong nakakaapekto sa maliwanag ang pag-aayos ng
damdamin o emosyon ng mga kaganapan at mga salitang
isang manunulat at magbibigay ng karagdagang
mambabasa. paliwanag o detalye.
2. Panauhan – mahalagang
matukoy kung una o ikatlong
panauhan ang gagamitin sa
Philippine Christian University
Senior High School

pagsasalaysay. 2. TEKSTONG PROSIDYURAL


3. Pagtukoy sa iba pang layunin –
bukod sa layuning Sa bawat kaganapan sa buhay
makapagsalaysay ng mga ng isang tao, hindi maitatanggi na may
kuwento, mahalagang matukoy sinusunod itong proseso sa
ang iba pang layunin. pagpapadaloy ng kaniyang mga
Halimbawa, nais bang magturo, gawain. Katulad na lamang ng
manghikayat o manlibang ng pagluluto, may sinusunod na hakbang
mga mambabasa. upang walang makaligtaan at hindi
4. Gamit na Salita – sikaping ang magdulot ng kalituhan.
mga salitang ginagamit ay
umaangkop sa mga pahayag, Nararapat na maunawaan na sa
tono, at pananaw na tekstong prosidyural ay may mga
mauunawaan ng mga detalyeng sunod-sunod at may
mambabasa. kaisahan sa paglalahad ng
5. Konsistent – tiyakin ang mga impormasyon.
inilalahad na impormasyon,
damdamin, pananaw Mga Konsepto
(panauhan), mga salitang • Mahalaga ang pagkakaroon
ginagamit ay hindi nagbabago sa ng maayos na pagkakasunod-
simula hanggang sa wakas ng sunod ng paglalahad ng mga
salaysay. pangyayari upang hindi
makalikha ng anomang
kalituhan.
• Tumutukoy ang prosidyural sa
pagsusunod-sunod ng mga
hakbang o prosesong
isasagawa. Kinakapaloob nito
ang pagbibigay ng direksyon,
tuntunin, at maging ang
panuto.
• Ginagamit sa
pagpapaliwanag ng prosesyo
na may pag-iingat na
ipinapakita ang mga hakbang
habang tinitiyak na walang
nakaligtaang hakbang sa
kabuuan ng proseso.
Philippine Christian University
Senior High School

Mga Uri ng Tekstong Prosidyural 3. TEKSTONG IMPORMATIBO

Sekwensiyal Pagsusunod-sunod Ang mga impormasyong


ng mga pangyayari nababasa sa mga teksto ay
sa isang salaysay. sistematikong binubuo, hinahanay,
Ginagamit ng mga at pinag-uugnay ng mga ideya
salitang tulad ng upang magkaroon ng malinaw na
“una, pangalawa, ugnayan sa pagbabalangkas ng
pangatlo, at mga kaisipan, ideya, saloobin,
susunod.” katotohanan, at mga impormasyon.
Kronolohikal Pagkakasunod-
sunod ng mga Sa lahat ng pagkakataon,
mahahalagang dapat maihatid sa tao ang mga
detalye ayon sa impormasyon na kailangan niyang
pagkaganap nito. malaman upang magamit niya sa
Karaniwang pang-araw araw na pamumuhay.
gumagamit ng tiyak Karapatan niyang malaman ang
na petsa o araw mga impormasyon tungkol sa
upang ipabatid kaniyang sarili, pamilya, komunidad,
kung kailan at pamayanan.
naganap ang mga
pangyayari. Layunin ng Tekstong Impormatibo
a. Maging daluyan ng
makatotohanang
impormasyon
• Obhektibo ito kaya
limitado lamang ang
mga di-
mauunawang
kaisipan sa isang
paksa.
• Kailangang
magkaroon ng
tamang pagsusuri
ang mambabasa sa
mga impormasyon
sapagkat
magbibigay ito ng
sensitibong
paghahanay ng mga
kaisipan na madaling
paniwalaan ng
mambabasa.
• Nagtitiwala ang
mambabasa sa
Philippine Christian University
Senior High School

tekstong ito sapagkat


batid niyang marami 4. TEKSTONG PAGLALARAWAN
at makatotohanan
ang mga • Nagtataglay ng impormasyong
impormasyon na may kinalaman sa limang
makukuha sa teksto. pandama: paningin, pandinig,
b. Ang pagiging maingat ang panlasa, pang-amoy, at
isa sa mga katanigang pandama.
dapat taglayin ng isang • Maaari din nitong paksain ang
mambabasa. mga may kinalaman sa pisikal na
c. Alisin at bigyan ng tamang katangian ng isang tao, lugar,
paglilinaw ang mga bagay, at pangyayari. Madali
katanungan, agam-agam, itong makilala sapagkat ito ay
o pag-aalinlangan na tumutugon sa tanong na “ano.”
bumabalit sa isipan ng • Sa pamamagitan nito nalilikha sa
bumabasa hinggil sa mambabasa ang isang
paksang tinatalakay. madetalyeng imahinasyon.
• Pangunahing layunin ng isang
Katangian ng Tekstong Impormatibo tekstong paglalarawan ay ang
• Naglalahad it ong mga makabuo ng isang malinaw na
mahahalagang biswal, larawan, at imahen upang
impormasyon, bagong mapakutang ang pagkakilanlan
kaalaman, bagong nito.
pangyayari, bagong
paniniwala, mga Uri ng Paglalarawan
bagong impormasyon,
at tiyak na detalye. 1. Karaniwang Paglalarawan
• Nagbibigay ito ng mga • Literal at Pangkaraniwang
impormasyong gumagamit ng
nakapagpapalawak ng paglalarawan.
kaalaman at
nagbibigay-linaw sa • Payak o simple lamang ang
mga paksang inilalahad paggamit ng mga salita
upang mawala ang upang maibigay ang
alinlangan. kaalaman sa nakita,
• Naglalahad ng mga narinig, nalasahan,
datos na nakatutulong naamoy, at
sa paglilinaw ng mga nararamdaman sa
konsepto. paglalarawan.

2. Masining na Pagpapahayag

• Di-literal ang paglalarawan


at ginagamitan ng
matatalinghaga o
idyomatikong
pagpapahayag.
Philippine Christian University
Senior High School

• Malayang nagagamit ang TEKSTONG NANGHIHIKAYAT


malikhaing imahinasyon
upang mabigyan ng buhay Konsepto
ang isang imahen o • Tumutukoy sa
larawan. paglalarawan ng tunay o
karaniwang pagtanggap
Halimbawa: sa isang pananaw na
narinig at nabasa.
Paningin Kay tangkad • Ang panghihikayat ay pag-
mo, para kang impluwensya sa kaisipan,
poste. saloobin, damdamin,
paniniwala, nais, at pag-
Pandinig Nabibingi ako uugali ng isang tao.
sa sobrang hina • Ginagamit ng isang may-
ng boses mo. akda upang kumbinsihin
ang mga mambabasa na
Panlasa Halos mapaso
tama o tiyak ang kaniyang
ang dila ko sa
isinulat.
anghang Bicol
• Literal na pagtutulay at
Express na ulam
pagpasa ng paniniwala ng
namin kanina.
may-akda sa kaniyang
Pang- Masusuka na mambabasa. Naglalahad
amoy ako sa baho ng ito ng mga pahayag na
kanal sa labas. nakakaakit at
nakahihikayat sa
damdamin at isipan ng
mga mambabasa
sapagkat may sapat na
ebidensya o katibayan sa
paglalahad ng paksa.

Layunin ng Tekstong Nanghihikayat


• Maglahad ng isang paksa
na may patnubay at
totoong datos.
• Subhektibo dahil ang tuon
ng paksa ay sariling
paniniwala ng may-akda
na lohikal na ipinaliliwanag.
Philippine Christian University
Senior High School

Paraan ng Manunulat upang TEKSTONG NANGANGATUWIRAN


Makapanghikayat ayon kay Aristotle
Mayroong mga ideya na nararapat
1. Ethos – tumutukoy sa ipabatid sa mga mambabasa, at
kredibilidad ng manunulat. tagapakinig. Ang mga ideya ay
Ang kaniyang sariling maaaring isulong upang
paniniwala, saloobin, makapagbigay kaalaman sa ibang
damdamin, pag-uugali, at tao. Gayon din, pagkakataon ito
ideolohiya sa kaniyang upang makapagbigay ng opinyon
isinulat ay impluwentsiya ng upang maantig ang mambabasa na
kaniyang karakter. nagiging dahilan upang kumilos ang
isang tao.
2. Logos – pagiging rasyunal
ng isang manunulat ang Mga Paraan ng Pangangalap ng
paraan na ito. Karagdagan Ebidensya/Katibayan
pa, nauugnay ang logos sa 1. Surbey
mismong ginagamit na - Pagbuo ng mga tanong na
salita ng manunulat na tila may kaugnayan sa paksang
may nais patunayan. pinag-aaralan.
- Kinakailangan ipaliwanag ng
3. Pathos – ang emosyon o mananaliksik ang
damdamin tungkol sa isang metodolohiya o pamamaraan
paksa ay ang paraan na ginagamit sa mga taong
ginagamit ng may-akda kalahok sa surbey.
upang mahikayat ang mga 2. Pagmamasid
mambabasa. - Tumutukoy sa panonood at
pagtingin sa isang sitwasyon.
Kinakailangan ang mga
bagay na naoobserbahan ay
itinatala.
3. Paggamit ng Opinyon
- Personal na paaghuhusga,
pagtataya, paniniwala at
kaisipan.
- Sa paggamit ng opinyon ng
mga eksperto ay
kinakailangan ng paggamit
ng simbolo ng “sipi” kung
tuwirang ginagamit ang mga
ideya nito.
Philippine Christian University
Senior High School

Mga Apela sa Hindi Angkop na


Pangangatuwiran

1. Pagtuligsa sa Tao (Ad Hominem)


- Nangangahulugang para “sa
tao” ang terminong Latin an
Ad Hominem.
- Personal itong pambabatikos
sa pagkatao ng kalahok sa
usapan.
2. Taktika sa Paglihis sa Totoong Isyu
(Red Herring)
- Paglihis ng usapan sa tunay
isyung pinag-uusapan na
nagbibigay kalituhan sa mga
taong kalahok.

Sanggunian

Mga Libro

Ancheta, R., & Macaran W. (2017). Pagbasa at


Pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa
Pananaliksik. Pahina 81-85

Bandril, L., Palma, Tang-Bautista, A., Villanueva,


V. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang
teksto tungo sa Pananaliksik. Pahina 62-73, 90-
101.

You might also like