Bugtong at Alamat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

1. Heto na ang magkapatid, nag- 15.

Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y


uunahang pumanhik. gumagapang pa.
Sagot: Mga paa Sagot: Kalabasa

2. Dalawang batong itim, malayo ang 16. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot
nararating. na ang balat.
Sagot: Mga mata Sagot: Ampalaya

3. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa 17. Munting tampipi, puno ng salapi.


rin makita. Sagot: Sili
Sagot: Tenga
18. Ulan nang ulan, hindi pa rin mabasa
4. Nakatalikod na ang prinsesa, ang ang tiyan.
mukha’y nakaharap pa. Sagot: Dahon ng gabi
Sagot: Balimbing
19. Puno ko sa probinsiya, puno’t dulo
5. Tatlong bundok ang tinibag, bago ay may bunga.
narating ang dagat. Sagot: Puno ng Kamyas
Sagot: Niyog
20. Gulay na granate ang kulay, matigas
6. Hindi Linggo, hindi piyesta, naglawit pa sa binti ni Aruray, pag nilaga ay
ang bandera. lantang katuray.
Sagot: Dahon ng saging Sagot: Talong

7. Isang pamalu-palo, libot na libot ng 21. Sa maling kalabit, may buhay na


ginto. kapalit.
Sagot: Mais Sagot: Baril

8. Bahay ni Gomez, punung-puno ng 22. Maliit na bahay, puno ng mga patay.


perdigones. Sagot: Posporo
Sagot: Papaya
23. May puno walang bunga, may dahon
9. Nang maglihi’y namatay, nang walang sanga.
manganak ay nabuhay. Sagot: Sandok
Sagot: Puno ng Siniguelas
24. Hayan na si kaka bubuka-bukaka.
10. Kumpul-kumpol na uling, hayon at Sagot: Gunting
bibitin-bitin.
Sagot: Duhat 25. Nagtago si Pedro nakalabas ang ulo
Sagot: Pako
11. Isda ko sa maribeles nasa loob ang
kaliskis
Sagot: Sili

12. Sinampal ko muna bago inalok.


Sagot: Sampalok

13. Baboy ko sa parang, namumula sa


tapang.
Sagot: Sili
14. Nang munti pa ay paruparo, nang
lumaki ay latigo.
Sagot: Sitaw
26. Dumaan ang hari, nagkagatan ang 39. Alalay kong bilugan, puro tubig ang
mga pari. tiyan.
Sagot: Zipper Sagot: Batya

27. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa 40. Nagbibihis araw-araw, nag-iiba ng


akin. pangalan.
Sagot: Sumbrero Sagot: Kalendaryo

28. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan. 41. Itapon mo kahit saan, babalik sa
Sagot: Kamiseta pinanggalingan.
Sagot: Yoyo
29. Kung kailan mo pinatay, saka pa
humaba ang buhay. 42. Hindi hayop hindi tao, nagsusuot ng
Sagot: Kandila sumbrero.
Sagot: Sabitan ng sombrero
30. Walang sala ay ginapos, tinapakan
pagkatapos. 43. Nagbibigay na, sinasakal pa.
Sagot: Sapatos Sagot: Bote

31. Kaban ng aking liham, may tagpi 44. Isang butil ng palay, sakop ang
ang ibabaw. buong buhay.
Sagot: Sobre Sagot: Bumbilya

32. Dikin ng hari, palamuti sa daliri. 45. Hinila ko ang baging, sumigaw ang
Sagot: Singsing matsing.
Sagot: Kampana o Batingaw
33. Isang hukbong sundalo, dikit-dikit
ang mga ulo. 46. Isang pirasong tela lang ito,
Sagot: Walis sinasaluduhan ng mga sundalo.
Sagot: Watawat
34. Huminto nang pawalan, lumakad
nang talian. 47. Panakip sa nakabotelya, yari lata.
Sagot: Sapatos Sagot: Tansan

35. Hiyas akong mabilog, sa daliri 48. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot
isinusuot: sa tiyan mo.
Sagot: Singsing Sagot: Sinturon

36. Malambot na parang ulap, kasama ko 49. Araw-araw nabubuhay, taon-taon


sa pangangarap. namamatay
Sagot: Unan Sagot: Kalendaryo

37. Ako’y aklat ng panahon, binabago 50. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay
taun-taon. walang sinabi.
Sagot: Kalendaryo Sagot: Bayong o Basket

38. Maraming paa, walang kamay, may


pamigkis sa baywang ang ulo’y
parang tagayan, alagad ng kalinisan.
Sagot: Walis
Alamat ng Durian

Ang ninuno ng tribo ng mga Bagobo na ngayo'y naninirahan sa kagubatan ng Mindanao ay mga
sakop ni Datu Duri. Ang kahulugan ng duli ay tinik pagka't siya ay laging nagbibigay ng ligalig
sa kanyang mga kaaway.

Iilan pang taon ang nakalilipas sa kanyang pagka-Datu nang siya ay nagkaroon sa kanyang
kabiyak ng isang tagapagmana ng kaharian. Ang bata'y pinangalanang Durian, na ang gustong
sabihi'y munting tinik.

Nagpakita sa Datu ang Dakilang Bathala at ipinaalam sa ama na ang kanyang anak ay
mabubuhay ng labingsiyam na taon lamang.

Lumakad ang mga araw. Nag-ugat sa puso ni Durian na mahalin ang sakop ng kanyang ama. Sa
di-kawasa ay dumating ang malungkot na sandali. Ang sinabi ng Dakilang Lumikha ay natupad.
Si Durian ay nagkasakit. Sinuman sa kaharian ay walang makapagbigay ng lunas. Ang Datu ay
nalungkot at nawalan ng lakas na harapin ang katotohanan.

Hiniling ni Durian sa kanyang ama na kapag siya'y namatay ang kanyang bangkay ay doon
ilibing sa ilalim ng durungawan ng kanyang ina upang maipagdasal ang kanyang kaluluwa sa
lahat ng sandali. Ito ay natupad.

Sa ikasiyam na araw ay napansin sa libing ni Durian na may halamang sumisibol.

Nagtumulin ang mga taon. Lumago ang halaman, yumabong ang sanga hanggang sa ito'y
namulaklak at namunga.

Isang araw, tinikman ni Datu Duri ang isang hinog na bunga. Nagsisunod ang mga kawal sa
palasyo pati ng mga nasasakupan. Nakita nilang ang balat ng bunga ay manipis at maliit ang
buto. Ang laman ay malasutla at matamis. Naniwala ang mga taong ito'y ibinigay ni Bathala
bilang isang alaalang tagapagpagunita hinggil kay Durian noong nabubuhay pa siya.

Si Datu Duri ay matandang-matanda na. Isang taksil ang naggulo sa mga alipin upang pag-
imbutan ang kanyang kapangyarihan at kayamanan. Ito'y si Sangkalan. Sa huli'y siya ang naging
datu. Kanyang dinigma at pinasuko pati ang mga Bilaan at Manobos.

Napag-alaman ng Dakilang Bathala ang kasakiman ni Sangkalan. Kanya itong pinarusahan.


Pinawalan ang kidlat at kulog. Nakatutulig na putok ang arinig pagkatapos ng ilang saglit may
nakitang mahiwagang liwanag na nakabalot sa punong-kahoy na nakatayo sa libingan ni Durian.

Siniyasat ni Sangkalan at ng mga tao ang puno. Ang mga bunga ay nagkaroon ng malaki at
maraming tinik na katulad ng rimas. Nagalit si Sangkalan at isinumpa ang Diyos. Pinagpalaluan
ang Kanyang karunungan.

Noon di'y nangalaglag ang lahat ng mga bunga ng punong-kahoy at natabunan ang katawan ni
Sangkalan. Nadurog ang kanyang bungo at nalamog ang buong katawan. Noon di'y itinanghal na
bangkay si Sangkalan. Ang mga tao ay nasiyahan sa nangyari.

Nang buksan ng mga tao ang ilang bunga ng punong-kahoy, kanilang nakitang ang balat ay
makapal at ang buto ay malaki, ngunit ang laman nama'y matamis. Nakatawag ng pansin ang
masama nitong amoy.
Iyan ang kauna-unahang puno ng Durian.

Alamat ng Araw, Buwan at mga Bituin

Noong unang panahon ang mundo ay pawang nababalot ng kaliwanagan. Laging magkasama
and mag-asawang araw at buwan. Hindi matiwasay ang pagsasama ng mag-asawa dahil hindi
binibigyan ng kapantay na karapatan ng araw ang kanyang asawang si buwan. Isa namang
hulwarang ina at martir si buwan sa kanyang asawa at kahit na alam nyang hindi na tama ang
inaasal ng kanyang asawa ay sinusunod pa din niya ito, kahit anu pang hirap ng iniuutos ng
naghahari-hariang si araw.

Nagbalak mamasyal si araw ngunit bago sya umalis ay inutusan niya ang asawang si buwan na
ipaglaga siya ng isang punong palayok ng gabi. Marahan namang ipinaliwanag ng buwan na
hindi maaring mapuno ang palayok kahit na lagain ang mga dahon ng gabi sapagkat uurong
lamang ang mga ito kapag naluto. sinigawan na lamang siya ng araw at iginiit pa din ang utos
nito na sa kanyang pagbalik ay dapat niyang maabutan ang isang palayok na puno ng nilagang
dahon ng gabi.

Naluha ang buwan sapagkat hindi maaaring mangyari ang ninanais ng asawa, ngunit inani pa din
nya ang mga halamang gabi na kanyang matatanaw at nilaga. Nang makarating ang araw ay
hindi pa rin puno ang palayok gaya ng inutos nya. Ipinaliwanag ng buwan na hindi talaga maari
ang gustong mangyari ng araw at galit na sinigawan ang asawa sa pagkukulang nito.

"Lagi ka na lang ganyan! Hindi ka marunong sumunod sa kautusan. Noong nakaraan ay inutusan
kitang palitan ng ibang kulay ang asul na karagatan, at pantayin naman ang mga bundok at burol
sa kanluran ngunit ano ang iyong ginawa? Ipinagkibit-balikat mu na lang ang kautusan ko." galit
na sinisi ng araw ang asawang si buwan.

Napuno na ang salop at galit na sinagot ng buwan ang mapang-abusong asawa. "Asawa mo ako
at hindi utusan. Ako ay iyong kapantay. Kung ituturing mu din lang akong utusan ay mabuti
pang maghiwalay na tayo!", maluha luhang pagtatapos ng asawa.

"Kung ayan ang kagustuhan mu ay susundin ko", pagmamataas ng asawang araw.

"Sa aking pag-alis ay isasama ko ang mga anak natin. Ako ang ina nila."

"Isasama sila, para ano? Mamatay sa lamig mo?" ang paghahamon at panunukso ng araw.

"Kung sa iyo sila sasama ay mamatay lamang sila sa init mo!" ang mariing pagtutol ng asawa.

"Ako ang ang ama, sa akin sila!" dabog ng araw at hinila ang ngayo'y umiiyak na mga batang
bituin.

"Ako ang tunay na nagmamahal sa kanila, at kayakap nila. Sa akin sila sasama!" Paghatak naman
ng inang buwan sa mga anak niyang bituin.

Sa kanilang pag-aaway at paghila sa mga bata ay nahulog sa kalawakan ang kanilang mga anak.
Agad na hinabol ng ina ang mga anak na patuloy na lumalayo patungo sa kalawakan habang ang
amang araw ay magiting at mapangmataas na tumayo lamang sa kanyang trono para sa
pagbabalik ng kanyang asawa at mga anak.
Ito ang dahilan kung bakit magiting na nakatanglaw ang mainit na araw sa tanghaling tapat,
habang sa gabi naman ang buwan ay nagbibigay ng malamlam na liwanag sa karimlan ng gabi
kasama ang kanyang mga anak sa bituin sa kalangitan.

You might also like