Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/Antas 9

(Pang-araw-araw na Tala Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao


sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
UNANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunan at layunin nito (ang kabutihang panlahat).

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang pangkabuhayan,
pangkultural at pangkapayapaan.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. a. Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat. EsP9PLIa-1.1
Isulat ang code ng bawat b. Nakabubuo ng isang recipe para sa isang matiwasay na lipunan.
kasanayan c. Nakapagpapahayag ng damdamin ukol sa isang matiwasay na lipunan sa pamamagitan ng pagguhit.

II. Nilalaman Layunin ng Lipunan-Kabutihang Panlahat


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Pagtuturo: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 TG p. 1-4

2. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul para sa Mag-aaral: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 1-5


Pang-Mag- aaral

3. Mga pahina sa Teksbuk


4. Karagdagang Kagamitan mula sa http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883
portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Lyric Video ng awiting “Ako’y Isang Mabuting Pilipino” ni Noel Cabangon https://www.youtube.com/watch?v=hkfOuCzJl78

Panturong Biswal: LCD projector, laptop, speaker, Manila paper, marker at bondpaper

III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang 1. Habang pinatutugtog ang isang instrumental music, magkaroon ng pagbabalik gunita habang nakapikit ang mga mag-
aralin at pagsisimula ng aaral. Isa-isahin ang mga pananagutan sa sarili at sa kapwa. Ipaalala ring mahalagang mamulat ang bawat mag-aaral sa
bagong aralin. lipunang kanilang ginagalawan upang makamit ang kabutihang panlahat. Tumawag ng mga mag-aaral na magbabahagi ng
kanilang mga realisasyon. (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)

2. Pasagutan sa notbuk ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin.


(Gawin sa loob ng 7 minuto) (Reflective Approach)

B. Paghahabi sa layunin ng aralin at A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
pagganyak 1. Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat.
2. Nakabubuo ng isang recipe para sa isang matiwasay na lipunan.
3. Nakapagpapahayag ng damdamin ukol sa isang matiwasay na lipunan sa pamamagitan ng pagguhit.

B.Tingnan ang bawat larawan at tukuyin ang ipinakikitang sitwasyon ng lipunan sa kasalukuyan.
Ipalarawan ang opinyon ng mga mag-aaral ukol dito. Tumawag ng dalawa hanggang tatlong mag-aaral na magbabahagi. (Gawin
sa loob ng 5 minuto) (Integrative Approach)
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Pakinggan at panoorin ang awiting isinulat at inawit ni Noel Cabangon na may pamagat na “Ako’y Isang Mabuting Pilipino”.
sa bagong aralin https://www.youtube.com/watch?v=hkfOuCzJl78. Tumawag ng mga mag-aaral na magsasagot ng mga katanungan na nasa
ibaba. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Integrative and Reflective Approach)

Tanong:
1. Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang responsableng mamamayan?
2. Ano-ano ang mga pananagutan ng isang indibidwal sa ating lipunan?
3. Paano ito nakatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat o common good?
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Gamit ang Powerpoint Presentation, talakayin ng guro ang mga sitwasyon sa bansa kung saan kapansin-pansin ang hindi
paglalahad ng bagong kasanayan #1 pagkakasundo o pag-aalitan ng mga tao, kaguluhan sa pulitika at opisyal ng gobyerno, negosyo, kahirapan, gutom, sakuna at
mga isyung nagpapakita sa kalagayan ng kasalukuyang lipunan at sagutin ang sumusunod na tanong. (Gawin sa loob ng 10
minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
1. Mulat ka ba sa mga nangyayari sa lipunan sa kasalukuyan? Pangatuwiranan.
2. Hindi man tuwirang nabibigkas ng maraming tao ay marami rin ang nangangarap ng matiwasay na lipunan at marahil ay isa ka
sa mga ito. Paano nga kaya magkakaroon ng katiwasayan sa lipunan? Magbigay ng halimbawa.
3. Ano kaya ang maipapayo mo? Bakit?
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Pangkatin ang klase sa limang pangkat. Bigyan ng Manila paper at marker ang bawat isang grupo. Gumawa ng isang recipe
paglalahad ng bagong kasanayan #2 para sa Matiwasay na Lipunan. Sundin ang gabay na direksyon sa ibaba. Pumili ng isang miyembrong magbabahagi ng natapos
na gawain. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
Sigurado akong nakakita ka na ng recipe para sa pagluluto ng isang pagkain. Malinaw na nakasulat dito ang mga sangkap at ang
sukat ng mga ito. Nakasulat din ang malinaw na detalye ng paraan ng pagluluto nito. Kung isusulat natin ang recipe para sa
matiwasay na lipunan, ano kaya ang sangkap nito at paano kaya ito makakamit? Gagawin mo iyan sa gawaing ito: Recipe para sa
Matiwasay na Lipunan. Ang magiging nilalaman nito ay ang sumusunod:
 Sangkap na kinakailangan upang matiyak ang katiwasayan ng lipunan
 Mga tiyak na sukat nito, katulad ng tasa, kutsara o kutsarita, kilo, gramo, at iba pa.
 Pamamaraan kung paano magagamit ang mga sangkap na inilagay (hal. Ilagay ang katarungan sa isang malaking
lalagyan at haluan ito ng pagmamahal. Matapos itong
mapagsama-sama ay budburan ito ng bukas na komunikasyon)

F. Paglinang sa Kabihasahan (Tungo Sagutin ang sumusunod na tanong sa notbuk. Ibahagi ang kasagutan sa klase:
sa Formative Assessment) 1. Ano ang iyong naging realisasyon matapos maisagawa ang gawain?
2. Ano ang pinakamahalagang sangkap sa pagkakaroon ng matiwasay na lipunan? Ipaliwanag.
3. Ano ang pinakamahalagang pamamaraan sa pagkakaroon ng matiwasay na lipunan? Ipaliwanag.
G. Paglalapat sa aralin sa pang-araw- Itala sa notbuk ang mga pansariling pamamaraan upang makamit ang kabutihang panlahat.
araw na buhay (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
1.
2.
3.
4.
5.
H. Paglalahat sa aralin Sa pamamagitan lamang ng lipunan makakamit ng tao ang layunin ng kanyang pagkakalikha sapagkat binubuo ang tao ng lipunan
at binubuo ng lipunan ang tao. Ang tunay na tunguhin ng lipunan ay ang kabutihan ng komunidad na nararapat bumalik sa lahat ng
indibidwal na kasapi nito at ito ang tunay na kahulugan ng kabutihang panlahat.
I. Pagtataya ng Aralin Isulat ang mga katangian ng isang matiwasay na lipunan sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan. Gumawa ng drawing nito
sa isang bondpaper. Mahalagang maglakip ng maikling paglalarawan sa ginawang representasyon. (Gawin sa loob ng 10
minuto) (Constructivist Approach)

Kraytirya:
a. Pagiging malikhain 40%
b. Kaangkupan sa Paksa 30%
c. Pagkakatugma sa ninanais na paglalarawan 20%
d. Kalinisan 10%
J. Karagdagang gawain para sa A. Magsagawa ng pananaliksik sa alinmang sumusunod na pamamaraan: maaaring sa silid- aklatan, internet o interview
takdang-aralin at remediation tungkol sa mga kasalukuyang kalagayan, katangian, kontribusyon at layunin ng sumusunod na institusyong panlipunan:
 Paaralan
 Simbahan
 Pamilya
 Negosyo
 Pamahalaan
B. Pagkatapos nito, gumawa ng isang komprehensibong ulat tungkol dito o isang dokumentaryo o pagsasadula ang bawat
pangkat.
C. Maghanda para sa presentasyon ng ginawang pananaliksik.
IV. MgaTala

V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag- aaral
na nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong nang
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan sa tulong
ng aking punongguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda nina: Iwinasto ni:


MILAGROS G. MAMUNGAY
Ulong- Guro III
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/ Antas 9
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo Petsa/Oras Markahan Una
IKALAWANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunan at layunin nito-ang kabutihang panlahat.

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang pangkabuhayan,
pangkultural at pangkapayapaan.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. a. Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan.
Isulat ang code ng bawat EsP9PLIa-1.2
kasanayan b. Nakabubuo ng komprehensibong ulat o dokumentaryo o pagsasadula tungkol sa ginagawa ng 5 institusyong panlipunan upang
makamit ang kabutihang panlahat (paaralan, simbahan, pamilya, negosyo, pamahalaan).
c. Napahahalagahan ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga hadlang at mga kondisyon sa pagkamit ng
layunin ng lipunan.

II. Nilalaman Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Pagtuturo: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 TG p. 5

2. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul para sa Mag-aaral: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 5-16


Pang-Mag- aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883
sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Isang sanaysay mula sa Internet
http://sanaysaynigorio.blogspot.com/2009/02/walang-nagbago-kahit-maraming-pagbabago.html Panturong Biswal: LCD projector,
laptop,colored papers, marker
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Gamit ang Powerpoint Presentation, pasagutan ang mga tanong sa ibaba bilang pagbabalik-aral sa mga pagkatuto tungkol sa
aralin at pagsisimula ng kanilang pananaw sa matiwasay na lipunan at sa mga sangkap o elementong kailangan upang makamit ang isang matiwasay na
bagong aralin. lipunan. Tumawag ng ilang mag- aaral upang makakuha ng mga sagot. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Ano-ano ang mga katangian na dapat taglayin ng isang responsableng mamamayan?
2. Ano-ano ang ang mga pananagutan ng isang indibidwal sa ating lipunan?
3. Paano ito nakatulong sa pagkamit ng isang matiwasay na lipunan?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin at A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
pagganyak 1. Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa pamilya,
paaralan, pamayanan o lipunan.
2. Nakabubuo ng komprehensibong ulat o dokumentaryo o pagsasadula tungkol sa ginagawa ng 5 institusyong panlipunan
upang makamit ang kabutihang panlahat (paaralan, simbahan, pamilya, negosyo, pamahalaan).
3. Napahahalagahan ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga hadlang at mga kondisyon sa pagkamit ng
layunin ng lipunan.

B. Isagawa ang larong charade, pagbalik-aralan ang iba’t ibang institusyong panlipunan na nakasulat sa colored paper.
Hatiin sa dalawang grupo ang buong klase, kababaihan at kalalakihan, para sa paglalaro. Ilalarawan ang bawat institusyong
nakuha sa pamamagitan ng paggalaw lamang ng katawan at pagpapakita ng iba’t ibang simbolo na nagpapahiwatig ng nais
tukuying institusyon. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist/Collaborative Approach)
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Mula sa isinagawang paglalaro, itala sa bawat kolum ang ilang mga detalye na naglalarawan sa mga institusyong panlipunan.
sa bagong aralin Pasagutan ang mga tanong sa ibaba. Ibahagi ng lider ng dalawang grupo ang natapos na gawain. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Collaborative/Constructivist Approach)

Paaralan Simbahan Negosyo Pamilya Pamahalaan


1. Ano-ano ang mga katangian ng mga institusyong nabanggit?
2. Ano-ano ang tunguhin at layunin ng bawat sektor na naglalarawan ng pagkamit ng kabutihang panlahat?

D. Pagtalakay ng bagong Basahin ang sanaysay na ipapakita mula sa isang Powerpoint Presentation. Sagutan sa notbuk ang mga
konsepto at paglalahad ng tanong. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) WALANG NAGBAGO, KAHIT
bagong kasanayan #1 MARAMING PAGBABAGO ni Gregorio V. Bituin Jr.

Sagutin ang sumusunod na katanungan:


1. Sa iyong palagay, ano ang damdamin ng sumulat ng sanaysay tungkol sa kalagayan ng ating lipunan sa kasalukuyan?
Pangatuwiranan.
2. Ano-ano ang papel ng mga pulitiko sa ating lipunan at paano sila nakaaambag sa pagkamit ng ating lipunan ng kabutihang
panlahat?
3. Ayon sa may akda, ano ang pwede mong gawin upang makamit ang isang lipunang makatao upang ang bawat indibidwal
ay makinabang?
E. Pagtalakay ng bagong konsepto Hatiin ang klase sa 5 pangkat na tutukoy sa limang institusyong panlipunan. Mula sa naging resulta ng pananaliksik, ang bawat
at paglalahad ng bagong kasanayan pangkat ay magsasagawa ng isang komprehensibong ulat o dokumentaryo o pagsasadula. Ipakita sa kabuuang paglalahad ang mga
#2 sagot sa mga tanong sa itaas. Gamitin ang kraytirya na nasa ibaba. (Gawin sa loob ng 15 minuto) (Collaborative Approach)
Unang Pangkat: Paaralan Pangalawang Pangkat:
Simbahan Ikatlong Pangkat: Pamilya Ikaapat na
Pangkat: Negosyo Ikalimang Pangkat: Pamahalaan
Kraytirya:
a. Malinaw na layunin ng institusyon na napili - 40%
b. May angkop at makabuluhang kaalaman tungkol sa institusyon na napili - 30%
c. May hindi pangkaraniwang nilalaman na nakapupukaw ng interes at nakadaragdag sa kabuluhan ng dokumentaryo
- 20%
May kawili-wiling simula, lohikal at malaman na pagtalakay ng nilalaman – 10%
F. Paglinang sa Kabihasahan Suriin ang kasalukuyang kalagayan, katangian, kontribusyon at layunin ng sumusunod na institusyong panlipunan at sumulat ng
(Tungo sa Formative maikling paglalarawan sa bawat isang institusyon o sector ng lipunan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
Assessment)  Paaralan
 Simbahan
 Pamilya
 Negosyo
 Pamahalaan

G. Paglalapat sa aralin sa pang- Pasagutan ang tanong. Isulat sa notbuk ang sagot. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
araw-araw na buhay
Kung gusto mong matanggap ang kabutihan mula sa lipunan, paano ka naman tutugon sa hamon ng kabutihang panlahat?

H. Paglalahat sa aralin Ang tunay na paggalang sa dignidad ng tao ay nangangailangan ng pagkamit sa kabutihang panlahat. Ganap lamang na
masasabing tunay na kinikilala ang dignidad ng tao kung nananaig sa lahat ng pagkakataon ang kabutihang panlahat. Ang lahat ng
tao ay nararapat na magmalasakit upang lumikha o sumuporta sa mga institusyong panlipunan at paunlarin ang kalagayan ng buhay
ng bawat indibidwal na sumasalamin sa lipunan. Mahirap pa itong isipin at ganap na yakapin sa kasalukuyan ngunit lahat ng bagay,
gaano man ito kahirap ay magagawa kung talagang nais. Sabi
nga, “Kung gusto, may paraan; kung ayaw, palaging may dahilan.”
I. Pagtataya ng Aralin Sagutan ang sumusunod na tanong. 2 puntos bawat tanong (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)
1. Ano ang layunin ng bawat sektor ng lipunan?
2. Ano ang kontribusyon nito sa lipunan?
3. Ano ang nakikitang tunguhin ng mga ito sa kasalukuyan?
4. Ano ang kasalukuyang kalagayan nito sa ating bansa? Ano ang ginagawa nito tungo sa pagkamit ng kanilang layunin?
Mayroon ba itong nagiging impluwensiya sa mga mamamayan at naiambag na tulong sa pag-unlad ng lipunan?
5. Nakatutulong ba ito sa pagkamit ng layunin ng lipunan? Magsulat ng komprehensibong
paliwanag
J. Karagdagang gawain para sa Basahin ang bahaging Pagpapalalim sa LM pahina 6-15.
takdang-aralin at remediation
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag- aaral na
nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong-guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/Antas 9
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo Petsa/Oras Markahan Una
IKATLONG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunan at layunin nito (ang kabutihang panlahat).

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang
pangkabuhayan, pangkultural at pangkapayapaan.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. a. Napangangatuwiranan na ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat sa
Isulat ang code ng bawat pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang magpapatatag sa lipunan. EsP9PLIb-
kasanayan 1.3
b. Nakabubuo ng Batayang Konsepto gamit ang graphic organizer.
c. Nakapagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng pag-unawa at pagsagot sa mga mahahalagang tanong na
may kinalaman sa paksa.

II. Nilalaman Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Pagtuturo: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 TG p. 5-8

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-


Mag- Modyul para sa Mag-aaral: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 6-16
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa
portal ng http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Mga larawan ng mga kilalang personalidad sa telebisyon mula sa mga magazines Video Clip mula sa internet
- “Huwag Maliitin ang Maliit sa Ating Lipunan” https://www.youtube.com/watch?v=a8PN54yIB20
Panturong Biswal: LCD projector, laptop, Manila paper

III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin Sa pagbabalik-aral sa nakalipas na talakayan, magbibigay ang guro ng iba’t ibang palatandaang naglalarawan sa iba’t ibang
at pagsisimula ng bagong institusyong panlipunang tinalakay sa nakalipas na araw, unahan sa pagsagot ang bawat mag-aaral sa institusyong tinutukoy nito.
aralin. Ang bawat tamang sagot ay may kapalit na sampung puntos para sa performance task. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Collaborative Approach)

1. Dito tayo unang natuto. Publiko man o pribado. Nahahasa rin ang ating talino. Kaya dapat pangalagaan ito.
Nagsisilbing pangalawang tahanan ko. – Paaralan
2. Ang kabuuan ng mga Kristiyano. Binubuo ito ng mga taong kasal o binyagan na may konkretong paniniwala sa Kristong
pinagmulan – Simbahan
3. Ang kailangan para sa ikabubuti ng mamamayan. Ito ay mahalaga para na rin sa kapakanan ng taong bayan – Pamahalaan
4. Ay isang gawain na bunga ng pagtaya ng isa o higit pang mga mangangalakal ng kanilang pawis, pag-iisip at salapi
upang kumita at mapalago ang perang pinagsikapan mo – Negosyo
5. Ang tinaguriang pinakamaliit na sangay ng lipunan. Dito, maaari ring mabalangkas ang isang pamahalaan o gobyerno –
Pamilya

B. Paghahabi sa layunin ng aralin at A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
pagganyak 1. Napangangatuwiranan na ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat sa
pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang magpapatatag sa lipunan.
2. Nakabubuo ng Batayang Konsepto gamit ang graphic organizer.
3. Nakapagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng pag-unawa at pagsagot sa mga tanong.

B. Mula sa mga inihanda ng guro na fashion magazines, ipakita ang mga larawan ng kinikilalang personalidad katulad nina:
Kris Aquino, Coco Martin, tambalang JaDine at KathNiel at marami pang iba. Tumawag ng mag-aaral upang sagutin ang
sumusunod na katanungan. Ibigay ng guro ang tunay na kahulugan ng pagiging sosyal para sa pagsisimula ng isasagawang
pagtalakay. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Paano ninyo mailalarawan ang taong sosyal? Patunayan.
2. Sa mga larawang ipinakita, masasabi mo bang sila ay sosyal?
3. Ano-ano ang kanilang mga katangian kung bakit sila ay tinuring mong sosyal?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Panoorin ang videoclip mula sa YouTube ”Huwag Maliitin ang Maliit sa Ating Lipunan” Video Clip mula sa internet :
sa bagong aralin https://www.youtube.com/watch?v=a8PN54yIB20 Sagutin ang sumusunod na katanungan: (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)

1. Tungkol saan ang napanood mong video?


2. Anong mahalagang aral ang napulot ninyo na may kaugnayan sa ating aralin?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Hatiin ang klase sa lima. Basahin at talakayin ng mga miyembro ng bawat pangkat ang mga sanaysay at sagutan ang mga tanong
paglalahad ng bagong kasanayan sa Manila paper. (Gawin sa loob ng 15 minuto) (Collaborative Approach)
#1
Pangkat 1- Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat

Sagutin ang mga tanong:


1. Anong lipunan ang iyong kinabibilangan?
2. Ano ang inyong nagkakaisang layunin?
3. Sino sa iyong kasama sa lipunan ang bahagi rin ng iyong komunidad?
4. Naranasan mo na ba ang tumulong sa iyong kapwa – tulad ng pagbabahagi ng iyong baon para sa isang matandang
nagugutom o pagbibigay ng iyong mga damit para sa mga nasalanta ng kalamidad?
5. Sa ganitong pagkakataon, nakaakit ka ba ng kapwa mo mag-aaral na tumulong? Nakaramdam ka ba ng
galak dahil sa iyong ginawa?
6. Ano ang magandang maidudulot ng iyong ginawa para sa lipunan?

Pangkat 2-Kabutihang Panlahat

Sagutin ang sumusunod na katanungan:


1. Naharap ka na ba sa isang sitwasyon kung saan mas nanaig ang kabutihan ng nakararami kaysa sa kabutihang
panlahat?
2. Nakasaksi ka na ba ng pagkakataon na may nagsakripisyong iilang tao para lamang mapagbigyan ang mas
nakararami?
Pangkat 3- Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat
Sagutin ang mga Tanong:
1. Bilang isang kabataan, ano na ba ang nagawa mo para sa bansa o sa iyong komunidad?
2. Mayroon ka bang kayang gawin ngunit hindi mo pinagsisikapang gawin?
3. Ano kaya ang maitutulong ng munting magagawa ng mga kabataan para sa bansa?
Pangkat 4-Mga Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat

Sagutin ang katanungan:


1. Kung gusto mong matanggap ang kabutihan mula sa lipunan, paano ka naman tutugon sa hamon ng kabutihang panlahat?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Isagawa ang pangkatang pag-uulat ukol sa mahahalagang konsepto mula sa binasang sanaysay at pagbabahagi ng sagot sa
paglalahad ng bagong kasanayan #2 mga tanong. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective/Collaborative
Approach)
F. Paglinang sa Kabihasahan (Tungo Sagutan sa notbuk ang sumusunod na tanong. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
sa Formative Assessment) 1. Ano ang maitutulong ng mga sektor ng lipunan na nabanggit sa pagkamit ng layunin ng lipunan?
2. Ano ang maaaring maganap kung hindi matutupad ng mga sektor na ito ang kanilang mga tungkulin sa lipunan?
3. Paano matitiyak na makatutulong ang lahat ng sektor na ito upang gawing matiwasay ang lipunan?
4. Kung magkakaroon ng iisang layunin ang lahat ng sektor na nabanggit, ano kaya ang layunin na ito?
5. Paano makatutulong ang mga sektor na ito ng lipunan sa pagkamit ng kaganapan ng iyong pagkatao?
G. Paglalapat sa aralin sa pang-araw- Tukuyin at itala ang mga paraan kung paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat. Ipaliwanag kung bakit
araw na buhay mahalagang ito ay makamit at mapanatili. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)
H. Paglalahat sa aralin Ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral na
pagpapahalaga ay mga puwersang magpapatatag sa lipunan.
I. Pagtataya ng Aralin Punan ng mahahalagang salita ang patlang upang mabuo ang Batayang Konsepto. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
(Reflective/Constructivist Approach)

Batayang Konsepto:

Ang pagsisikap na at ang

sa
pamamagitan ng
ng…

ay mga puwersang magpapatatag ng

J. Karagdagang gawain para sa 1. Magsagawa ng isang survey tungkol sa mga suliraning kinakaharap ng komunidad o pamayanan kasama ang mga
takdang-aralin at remediation miyembro ng dating pangkat. Ang suliranin ay maaaring pangkapaligiran, pangkapayapaan, pangkaayusan o pang-
edukasyon. Maaaring may iba pang makita sa proseso ng pagsasagawa nito. Maghanda para sa pagbabahagi ng resulta
ng survey.
2. Magdala rin ng sumusunod: sinulid, karayom, telang may sukat na 1 x 1 na talampakan - anumang kulay, pintura

IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag- aaral na
nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang


aking naranasang
solusyunan sa tulong ng
aking punong-guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuhong nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/Antas 9
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo Petsa/Oras Markahan Una
IKAAPAT ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunan at layunin nito (ang kabutihang panlahat).

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang
pangkabuhayan, pangkultural at pangkapayapaan.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. a. Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang
Isulat ang code ng bawat pangkabuhayan, pangkultural at pangkapayapaan. EsP9PLIb-1.4
kasanayan b. Nakapagbabahagi ng isinagawang survey tungkol sa mga pangunahing suliraning kinakaharap ng sariling
pamayanan.
c. Nakagagawa ng quilt na naglalaman ng mga simbolo at sangkap para sa isang matiwasay na lipunan na nagtataguyod
ng kabutihang panlahat
d. Nakapagsasagawa ng isang proyekto batay sa pangangailangan ng pamayanan.
e. Nakapagsusuri ng mga pagkakataong nangibabaw ang kabutihang panlahat at kabutihang pansarili o kabutihan ng
nakararami.

II. Nilalaman Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Pagtuturo: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 TG p. 8-12

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang- Modyul para sa Mag-aaral: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 16-20
Mag- aaral

3. Mga pahina sa Teksbuk


4. Karagdagang Kagamitan mula sa http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883
portal ng
Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo Panturong Biswal: laptop, LCD projector, Manila paper, marker

III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin 1. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang mga naging sagot sa journal na sumasagot sa tanong na:
at pagsisimula ng bagong Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?
aralin. 2. Matapos ang pagtawag sa ilang mag-aaral, bigyang diin ng guro na ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at
mapanatili ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagsasabuhay
ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang magpapatatag sa lipunan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach)

B. Paghahabi sa layunin ng aralin at A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
pagganyak 1. Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang
pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan.
2. Nakapagsasagawa ng survey ng mga pangunahing suliraning kinakaharap ng sariling pamayanan.
3. Nakagagawa ng quilt na naglalaman ng mga simbolo at sangkap para sa isang matiwasay
na lipunan na nagtataguyod ng kabutihang panlahat
4. Nakapagsasagawa ng isang proyekto batay sa pangangailangan ng pamayanan.
5. Nakapagsusuri ng mga pagkakataong nangibabaw ang kabutihang panlahat at kabutihang pansarili o
kabutihan ng nakararami.
B. Hatiin ang klase sa limang pangkat, ang bawat pangkat ay magsasama-sama upang bumuo ng isang human chair kung saan
ang bawat miyembro ng pangkat ay magsisimula sa pagtayo sa pabilog na linya hanggang wala ng espasyo na naghihiwalay
sa isa’t isa. Dahan-dahan silang uupo hanggang sa maramdaman ng bawat isa na komportable na sila sa pagkakaupo sa tao
sa kanilang likuran: Gabay ang mga ipag-uutos ng guro tulad ng sabay-sabay na paghakbang sa kaliwa at sa kanan,
hanggang sila ay mabuo ng umiikot habang nakaupo sa isa’t isa. Sagutin ang sumusunod na tanong. (Gawin sa loob ng 5
minuto) (Reflective/Collaborative Approach)

1. Ano ang naramdaman mo matapos ang gawain?


2. Ano-anong mga realisasyon ang nabuo sa inyong isipan matapos ang isinagawang gawain na maaaring ihalintulad sa
pagbuo ng isang matiwasay na lipunan?
3. Ano-anong mga suliranin kung mayroon man ang inyong kinaharap sa pagsasagawa ng gawain at paano ninyo ito
naresolba?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa A. Sa isinagawang pangkatang gawain na human chair, iproseso ng guro ang mga ibinigay na kasagutan ng mag-aaral
sa bagong aralin upang mabuo ang konseptong:

Ang ginawang human chair ay maihahalintulad sa lipunang binubuo ng iba’t ibang uri ng tao. May kanya-
kanyang kontribusyon upang maisagawa ang mga mithiin na magdudulot ng katiwasayan ng lipunan.

B. Gumawa ng pangkalahatang ulat sa naging resulta ng survey na ibinigay bilang takdang aralin tungkol sa mga suliraning
kinaharap ng komunidad o pamayanan. Pumili ng tatlong suliranin sa
mga nakalap at iranggo ang mga ito batay sa kahalagahan. Tawagin ang lider ng bawat pangkat at iulat sa klase ang
kinalabasan ng survey. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Gamit ang dating pangkat, magsagawa ng pagsusuri sa mga pagkakataon sa iyong buhay bilang isang mag-aaral at kabataan
paglalahad ng bagong kasanayan kung saan napangibabaw mo ang kabutihang panlahat at mas napangibabaw mo ang kabutihan ng iyong sarili o ng iilan kaysa
#1 sa kabutihang panlahat. Maglaan ng panahon upang mag-usap para sa pagbabahagi ng mga karanasan. Magpasya kung sino
ang makapagbahagi ng karanasang tunay na tutugon sa hinihingi ng gawain. Ilista ang mga ito gamit ang pormat sa ibaba.
(Gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative/Constructivist Approach)

Pagkakataong Nangibabaw ang Naging Bunga Paraan kung paano ito mas
Kabutihang Panlahat mapagyayaman
1.
2.
3.

Pagkakataong Nangibabaw ang Naging Bunga Nararapat gawin upang mas


Kabutihang Pansarili o Kabutihan ng mapanaig ang kabutihang panlahat
Nakararami
1.
2.
3.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Bumuo ng isang quilt. Ito ay pinagsama-samang piraso ng mga tela na pinagdugtong-dugtong sa pamamagitan ng pagtatahi.
paglalahad ng bagong kasanayan Ang bawat isang kasapi ng pangkat ay kailangang magbahagi ng mahalagang sangkap na kinakailangan upang matiyak na
#2 makakamit ang tunay na layunin ng lipunan - halimbawa, paggalang sa karapatang pantao. Matapos makapagbahagi ang lahat
ay kailangang ilagay ang mga sangkap na naibahagi sa isang piraso ng telang may sukat na 1 x 1 na talampakan. Maaaring
gumamit ng kahit na anong klase ng tela o kung anomang kulay.
Mahalagang makaisip ng isang simbolo na kakatawan dito upang may maiguhit ding larawan sa telang gagamitin. Maaaring
gumamit ng pintura upang maipinta ang simbolo at ang sangkap na napili. Maaari rin namang gumamit din ng mga
pinagdugtong-dugtong na retaso ng tela. Maaaring gamiting gabay ang halimbawa sa kanan: Ang tema ng quilt na ito ay para
sa kapayapaan.
Matapos ang pagdidisenyo sa mga piraso ng tela ay pagdugtong-dugtungin upang mabuo ang quilt. Matapos ito ay ilagay o
isabit sa isang bahagi ng silid-aralan o sa labas ng silid upang maipakita sa lahat ang mahalagang mensaheng ipinapakita nito.
(Gawin sa loob ng 15 minuto)
(Constructivist Approach)

F. Paglinang sa Kabihasahan Sumulat ng isang pagninilay gabay ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa journal. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
(Tungo sa Formative Approach)
Assessment) Ano-ano ang konsepto at Ano ang aking pagkaunawa at Ano-anong hakbang ang aking
kaalamang pumukaw sa akin? reyalisasyon sa bawat konsepto at gagawin upang mailapat ang mga
kaalamang ito? pang- unawa at reyalisasyong ito sa
aking buhay?
G. Paglalapat sa aralin sa pang-araw- Isulat sa notbuk ang sagot. Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
araw na buhay Approach)
Ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa pagkamit ng tunay na layunin ng lipunan? Ipaliwanag ang bawat isa.

H. Paglalahat sa aralin Ang lahat ng tao ay nararapat na magmalasakit upang lumikha o sumuporta sa mga institusyong panlipunan at paunlarin
ang kalagayan ng buhay ng bawat indibidwal na sumasalamin sa lipunan. Marahil bilang isang mag-aaral, iniisip mong masyado
pang maaga para masubok kung kaya mo nang pairalin ang kabutihan sa iyong lipunang ginagalawan sa kasalukuyan. Ngunit
mahalagang maunawaan mong bawat tao sa lipunan, anuman ang kaniyang katayuan sa buhay at edad ay mayroong
pagkakataong magbahagi ng kaniyang magagawa upang matiyak na makakamit ang kabutihang panlahat.

I. Pagtataya ng Aralin Kompletuhin ang pahayag. Isulat sa sagutang papel. Isang puntos sa bawat konseptong may kaugnayan sa isinagawang
talakayan. Limang puntos ang pinakamataas. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

Isang mahalagang sangkap na kinakailangan upang matiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan ay ang…

J. Karagdagang gawain para sa Batay sa naging resulta ng survey na ibinahagi ng bawat pangkat, bumuo ng plano para sa pagsasakatuparan ng isang
takdang-aralin at remediation proyektong tutugon sa pinakaunang suliraning naitala. Gamitin ang sumusunod na pormat: (Gawin sa loob ng 10 minuto)
(Constructivist Approach)
Isaalalng-alang ang sumusunod:
1. Ano ang pangkalahatan at tiyak na layunin sa pagsasagawa ng proyekto?
2. Tunay bang may pangangailangan ang sektor na iyong mapipili?
3. Tugma ba ang isasagawang gawain para sa pangangailangan? Ano ang mga kagamitang kakailanganin upang
maisagawa anag proyekto? Kakayanin ba ito ng mga mag-aaral na katulad ninyo?
4. May ibang tao bang makatutulong sa pagsasakatuparan ng inyong proyekto?
5. Sino-sino ito at paano makikipag-ugnayan sa kanila?

Isagawa ang proyekto ayon sa plano. Tiyaking maidodokumento ang lahat ng mga pangyayari sa pagsasakatuparan ng
proyekto.

Pangalan ng Proyektong Pampamayanan: Mga


Layunin (Batay sa uri ng proyekto – pangkapaligiran, pangkapayapaan, pangkaayusan, o pang-edukasyon):

Gawain Panahong Ilalaan Mga Taong Inaasahang Mga Puna


Sangkot o Kasali Output (Remarks)

Humanda para sa pagbabahagi ng isinagawang proyekto.


IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng mag- aaral na
nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo


ang nakatulong nang lubos? Paano
ito nakatulong?

F. Anong suliraninang aking


naranasang solusyunan sa tulong
ng aking punong-guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuhong nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?

You might also like