Sesyon 11 Gawain para Sa Mga Guro - Docm

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sesyon 11 - Gawain para sa mga Guro

Panuto: Basahin ang kuwento. Gumawa ng balangkas ng pagkakasunod -


sunod ng pangyayari gamit ang grapikong medyum sa pahina 2. Gamitin din
ang mga hudyat sa pagsunod- sunod.

Nagtaka ako kay Nanay sapagkat ang nag-iisa naming plastik na pulang upuan ay lagi niyang
inilalabas ng bahay bago matulog. Kailangan daw ilabas ang mga upuan para may makain
kami, matagal pa daw kasi makauuwi si Tatay mula sa kanyang trabaho.

“Po? Ilalaba lang ang upuan, may pagkai na tayo? May magic po ba ang upuan?“ ang usisa
ko kay Nanay.

Ngumiti lang si Nanay at yumakap nang mahigpit sa akin.

Pagkagising ko ay tinawag ako ni Nanay, handa na raw ang almusal. Paborito ko ang inihain
ni Nanay - may sinangag, itlog at sinabawang sardinas. Masaya kaming nag-agahan ni
Nanay, yon nga lang wala pa rin po si Tatay.

Ang kinain namin ay galing daw sa magic upuan. “Salamat Panginoon, nuong isang linggo na
namin kakainin ni Nanay ag ibinigay ng magic upuan”.

Pero tila po binibiro lamang ako ni Nanay. Ngunit bakit pati mgakapit-bahay namin ay
gumagaya rin kay Nanay? Inilalabas din nila ang kanilang mga upuan, iba nga lang ang mga
kulay?

May magic nga ba talaga ang upuan? Pwede po kaya humiling sa kanya ng kahit ano?

Ngunit mas matutuwa ako kung si Tatay ang ibibigay ng magic upuan. Mahigit isang buwan
na kasi siyang hindi umuuwi.

Pakalipas ng isang linggo, bago ilabas ni Nanay ang magic upuan ay kinausap ko ito na
bukod sa pagkain ay isama rin niyang ibigay si Tatay. Para mas mabisa, nanalingin din ako sa
Panginoon.

Kinabukasan laking gulat ko sapagkat pagdungaw ko sa bintana ay nariyan na si Tatay. May


pasan siyan isang sakong bigas at si Nanay naman ay bitbit ang pulang upuan at isang ba na
puno ng pagkain.

Sabik na sabik akong yumakap kay Nanay at Tatay. Talagang may magic po ang upuan.
Pangalan:
Distrito / Paaralan:

Sesyon 11
Pagtuturo ng Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari
“Magic Upuan”

You might also like