Gawain-sa-Filipino-8 Test

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAGSASANAY SA FILIPINO

(Basahing mabuti ang mga panuto. Kopyahin at sagutan sa ½ crosswise na papel.)


Pagsasanay 1:
Panuto: Tukuyin ang sanhi at bunga sa pangungusap. Salungguhitan ang sanhi at bilugan ang bunga sa
mga sumusunod na pangungusap.
1. Nahulog ang bata sa kanal dahil hindi niya tinitignan ang kaniyang dinaraanan.
2. Pangarap ni Marie na maging guro kaya nag-aral siyang mabuti.
3. Maraming nagkakasakit kasi hindi malinis ang kanilang kapaligiran.
4. Bunga ng pagputol ng mga punongkahoy, madalas na bumabaha sa ibang lugar.
5. Hindi nakadalo si Angel sa pagtitipon sapagkat nagkaroon siya ng sakit.
6. Dahil sa kahirapan kaya maraming nagugutom na bata.
7. Nagtutulungan ang pamilya ni Mang Jose kaya nakaraos sila.
8. Pinag-aralang mabuti ni Juan ang leksiyon kagabi kaya nakakuha siya ng mataas na marka.
9. Nadapa ako dahil nasira ang aking sapatos.
10. Madalas naghuhugas ng kamay ang bata kaya hindi siya dinadapuan ng sakit.
Pagsasanay 2:
Panuto: Gamit ang mga wastong hudyat sa pagsulat ng sanhi at bunga, punan ng angkop na sanhi at bunga
na may kaugnayang sa sinundang detalye na naibigay ang mga pahayag na nasa ibaba.

1. Sanhi: Makinig ng mga balita sa telebisyon o radyo


Bunga:__________________________________________________

2. Sanhi:___________________________________________________
Bunga: para makaiwas sa sakit.

3. Sanhi: Sumunod sa mga patakaran


Bunga:__________________________________________________

4. Sanhi: Matutong dumiskarte sa buhay


Bunga:____________________________________________________________

5. Sanhi:_____________________________________________________________
Bunga: kaya nagkagulo sa ayuda ng gobyerno.

You might also like