Summative Test in AP 10

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

SUMMATIVE TEST IN AP 10

MULTIPLE CHOICE
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ilan sa mga MNCs at TNCs na pag-aari ng mga Pilipino ay nakarating sa iba’t ibang panig ng
mundo. Alin sa sumusunod ang hindi pag-aari ng Pilipino?

A. Jolibee B. McDonalds C. San Miguel Corporation D. Unilab

2. Ang sumusunod ay manipestasyon ng globalisasyon sa anyong teknolohikal at sosyokultural


maliban sa isa. Alin dito?

A. paggamit ng mobile phones C. pagsunod sa KPop culture

B. E-commerce D. pagpapatayo ng JICA building

3. Isa sa perspektibo o pananaw sa globalisasyon ay ang paniniwalang ito ay taal o nakaugat na sa


bawat isa. Ano ang totoo sa pananaw na ito?

A. Ang pananaig ng kapitalismo bilang isang sistemang pang-ekonomiya.

B. May tiyak na pinagmulan ang globalisayon at ito ay makikita sa pag-unlad ng tao.

C. Ang paghahangad ng tao sa maalwan o maayos na pamumuhay na nagtulak sa kanyang


makipagkalakalan.

4. Sino ang mga binansagang “economic migrants”?

A. Iyong mga naiwang miyembro ng pamilya ng mga OFWs.

B. Iyong mga tumakas mula sa kanilang bansa dahil sa matinding karahasan o di kaya ay kaguluhan.

C. Iyong mga naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang
kabuhayan.

D. Iyong mga eksperto na mas piniling mangibang-bansa dahil sa kawalan ng oportunidad sa bansang
pinagmulan

5. Ano ang maaaring maging negatibong epekto sa mga anak kung ang parehong magulang ay nasa
ibang bansa?

A. Ang mga anak ay maaaring mapariwara dahil sa kawalan ng oras ng mga magulang.

B. Ang mga anak ay makapagtatapos ng pag-aaral dahil sapat ang pangangailangang pinansiyal.

C. Mapahahalagahan ng mga anak ang lahat ng sakripisyo ng kanilang mga magulang para sa kanila.

D. Masisiguro ang magandang kinabukasan ng mga anak dahil sa pagsusumikap ng mga magulang na
nasa ibang bansa.

6. Ang pamilya ni Jun-jun ay nabubuhay sa pagsasaka, dahil sa mababang kita tuwing anihan kaya
napagpasyahan niyang mangibang bansa at iniwan na lang ang sakahan sa kanyang mga kapatid.
Hindi naman siya nangulila, sapagkat may komunikasyon naman siya sa mga ito. Alin sa sumusunod
ang naging epekto ng migrasyon sa buhay ni Junjun?

A. Ang pagtangkilik sa gawang dayuhan.

B. Ang posibilidad na maging dayuhan sa sariling bayan.

C. Ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng magkakapatid.

D. Ang pagbabago ng tradisyonal na pamilya sa transnasyunal na pamilya.

7. Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang suliranin tulad ng paglitaw ng iba’t
ibang anyo ng kontraktuwalisayon. Paano madaling naipataw ng mga kapitalista ang patakarang ito?
A. Sa pamamagitan ng kasunduan ng mga bansa sa pandaigdigang kalakalan

B. Binigay ito na probisyon ng pandaigdigang institusyon pinansyal sa Pilipinas.

C. Sa pamamagitan ng mga probisyon ng batas sa pamumuhunan, kalakalan, at batas paggawa.

D. Sa pamamagitan ng kasunduan ng mga kapitalista at mga collective bargaining unit.

8.Basahin ang dalawang pangungusap, tukuyin kung tama o mali ang ipinahahayag ng mga ito.
i. Ang globalisasyon sa internasyonal na pangangapital at dayuhang pautang ay naghanap ng isa
pang salik para sa kawalang-katatagan.

ii. Maaaring magpautang sa papaunlad na mga bansa ang mga pandaigdigang namumuhunan subalit
sa dakong huli biglang kukunin ang kanilang salapi kapag lumalala ang sitwasyon sa ekonomiya.

A. Ang mga pangungusap ay parehong mali.

B. Ang mga pangungusap ay parehong tama.

C. Ang unang pangungusap ay tama, samantalang ang pangalawa ay mali.

D. Ang unang pangungusap ay mali, samantalang ang pangalawa ay tama.

9. Isa sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng sistema ng mura at
flexible labor. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng mura at flexible
labor?

A. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga manggagawa sa pagpili ng
kanilang magiging posisyon sa kompanya.

B. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo sa


pagpapatupad ng malaking pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.

C. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa


pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga
manggagawa.

D. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa


pamamagitan ng pagpapatupad ng malaking pasahod at pagpapahaba sa panahon ng paggawa ng
mga manggagawa

10. Ang lahat ay tumutukoy sa epekto ng globalisasyon sa paggawa maliban sa isa. Ano ito?
A. Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard

B. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigdigang pamilihan.

C. Ang palagiang pangingibang bansa ng mga artista para magbakasyon o umiwas sa mga intriga na
ipinupukol sa kanila ng mga taong galit sa kanila.

D. Binago ng globalisasyon ang pook pagawaan at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng
iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa
paggawa.

11. Ano ang tawag sa pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor
upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon?

A. Subcontracting Scheme C. Mura at Flexible Labor

B. Kontraktuwalisasyon D. Underemployment

12. Ang kompanyang ABC ay kukuha ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad
na siyang gagawa ng mga serbisyong kailangan upang maisakatuparan ang inaasahang kalabasan ng
negosyo. Ano ang tawag dito?

A. fair trade C. pagtulong sa bottom billion

B. outsourcing D. subsidy

13. Basahin at suriin ang mga pangungusap sa ibaba.

I. Maraming mag-aaral na mga Vietnamese at Korean ang nagpupunta sa Pilipinas.

II. Sa paglago ng Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa, kaalinsabay nito ang pagdating ng
mga Indian bilang managers ng mga industriyang nabanggit.

Ano ang pangkalahatang obserbasyon sa migrasyon ang inilalarawan dito?

A. Migration transition B. Globalisasyon ng migrasyon

C. Peminisasyon ng globalisasyon D. Mabilisang paglaki ng globalisasyon

14. Ano ang brain drain?

A. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

B. Ang pandemya na kumitil sa buhay ng libu-libong tao sa buong mundo.

C. Ang pagpunta sa ibang bansa at pagkaubos ng mga manggagawang Pilipino.

D. Ang kawalan ng pag-asa sa buhay ng mga naiwan ng mga nasawi sa COVID-19.

15. Isa sa mga isyung kinakaharap ng bansa sa paggawa kaugnay ng paglaki ng unemployment at
underemployment ay ang paglaki ng job-mismatch? Bakit ito nangyayari?

A. Dahil sa kakulangan sa iba’t ibang kasanayan ng mga manggagawang Pilipino

B. Ang mga kursong pinili ng mga mag-aaral ay taliwas sa kanilang interes at kakayahan.

C. Dahil sa kulang ang kaalaman ng mga nagtapos sa kolehiyo batay sa itinakda ng kompanya.
D. Hindi makasabay ang mga nakapagtapos ng kolehiyo sa dapat na kasanayan at kakayahan na
kailangan ng kompanya.

16. Ano ang migrasyon?

A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar.

B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dahil sa kaguluhan ng mga mamamayan.

C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar na
pinagmulan.

D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa
isang lugar pansamantala man o permanente.

17. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng globalisasyon ang
bahay-pagawaan ng mga manggagawang Pilipino”?

A. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas

B. Pag-angat ng kalidad ng mga manggagawang Pilipino

C. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa

18. Ito ay tumutukoy sa pagpapalaki ng kita at tubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang


pasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa?

A. Subcontracting Scheme C. Mura at Flexible Labor

B. Kontraktuwalisasyon D. Underemployment

19. Ano ang kasunduang naging dahilan kung bakit ang mga nagsipagtapos ng mga engineering
degree sa Pilipinas ay hindi nagiging engineer sa mga bansang lumagda nito?

A. Bologna Accord C. Monroe Doctrine

B. K-to-12 Curriculum D. Washington Accord

20. Ito ay tumutukoy sa pangmalawakang integrasyon o pagsasanib ng iba’t ibang prosesong


pandaigdig.

A. Globalisasyon B. Migrasyon C. Transisyon D. Urbanisasyon

21.. Anong pangyayari ang lubos na nagpapabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?

A. Ekonomiya B. Globalisasyon C. Migrasyon D. Paggawa

22. Ang kompanyang ABC ay kukuha ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad
na siyang gagawa ng mga serbisyong kailangan upang maisakatuparan ang inaasahang kalabasan ng
negosyo. Ano ang tawag dito?

A. fair trade C. pagtulong sa bottom billion

B. outsourcing D. subsidy

23. Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. Ekonomikal B. Sikolohikal C. Sosyo-kultural D. Teknolohikal

24. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mga dahilan ng migrasyon?

i. digmaang sibil ii. pagkawasak ng pamilya

iii. kawalan ng trabaho sa pamayanan iv. mas magandang oportunidad sa ibang bansa

A. i lamang C. i, iii, at iv

B. i at ii D. i, ii, at iii

25. Alin sa mga sumusunod ang naging dahilan ng pagtaas ng ekonomiya sa Gitnang Silangan na
siyang dahilan sa pagtaas din ng pandarayuhang pagtatrabaho sa rehiyong ito noong 1973?

A. iba’t ibang proyektong konstruksyon

B. pag-unlad at pagtaas ng presyo ng langis

C. pangangailangan sa mga babaeng manggagawa

D. pagsabak sa Digmaang Golpo at ang pananakop ng mga Iraqi

26.Basahin ang dalawang pangungusap, tukuyin kung tama o mali ang ipinahahayag ng mga ito.

i. Ang globalisasyon sa internasyonal na pangangapital at dayuhang pautang ay naghanap ng isa


pang salik para sa kawalang-katatagan.

ii. Maaaring magpautang sa papaunlad na mga bansa ang mga pandaigdigang namumuhunan subalit
sa dakong huli biglang kukunin ang kanilang salapi kapag lumalala ang sitwasyon sa ekonomiya.

A. Ang mga pangungusap ay parehong mali.

B. Ang mga pangungusap ay parehong tama.

C. Ang unang pangungusap ay tama, samantalang ang pangalawa ay mali.

D. Ang unang pangungusap ay mali, samantalang ang pangalawa ay tama.

27. Ang pagpasok ng Pilipinas sa mga usapin at kasunduan sa mga pandaigdigang institusyong
pinansyal tulad ng IMF-WB at WTO ay lalong nagpahina sa kita ng mga lokal na magsasaka. Alin sa
sumusunod na pahayag ang sumusuporta dito?

A. Ang mga produktong agrikultural ay malayang naiaangkat sa ibang bansa.

B. Ang mga dayuhang produktong agrikultural ay malayang naibebenta sa mga lokal na pamilihan sa
mababang halaga.

C. Ang mga lokal na de-kalidad na produkto tulad ng mangga at saging ay itinatanim at nakalaan
lamang para sa ibang bansa.

D. Ang mga lupaing mainam na taniman ay sumasailalim sa land conversion at pinatatayuan ng iba’t
ibang dayuhang industriya.

28.. Si Lucy ay isang dating domestic worker sa Lebanon. Ayon sa kaniyang panayam, kinukulong siya
ng kaniyang amo sa loob ng bahay na sarado ang mga bintana at pinto. Inuutusan siyang gumising ng
alas-kuwatro ng umaga at matutulog ng ala-una ng madaling araw. Minsan, isang buong magdamag
siyang namalantsa ng mga damit ng kaniyang amo. Ano ang naging sitwasyon ni Lucy?

A. forced labor C. remittance

B. human trafficking D. slavery

29.. Ano ang ipinatupad na reporma ng pamahalaan ng Pilipinas noong 2010 upang maiakma ang
Kurikulum ng Basic Education ng bansa sa pamantayang global?

A. Bologna Accord C. Monroe Doctrine

B. K-to-12 Curriculum D. Washington Accord

30. Paano nagsimula ang migrasyon sa kulturang Pilipino?

A. Ang migrasyon sa kulturang Pilipino ay nagsimula sa pagdating ng mga dayuhan sa ating bansa.

B. Ang migrasyon sa kulturang Pilipino ay nagsimula sa pagdami ng mga Overseas Filipino Workers
(OFWs).

C. Ang migrasyon sa kulturang Pilipino ay nagsimula sa paglipat o pagdayo ng mga mamamayang


taga-baryo patungong lungsod.

D. Ang migrasyon sa kulturang Pilipino ay nagsimula sa mga batas na ginawa upang mapagtibay ang
ugnayang-panlabas ng bansa.

You might also like