Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Filipino at Mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Inklusibong

Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan”

Ang Wika sa Buhay ng Tao


Sa pangaraw-araw na buhay ng tao may particular na wika ang umiiral sa kanilang lugar
gaya ng Pampanga na ang wika ay “Pampangueño o Kapampangan”. Sa aking pagsulat ng
sanaysay ay mga katanuang ang nais kong sagutin at ito ay kung ano ba ang wika at paano na
katutulong ang wikang katutubo sa pagpapahayag ng kapayapaan, seguridad, at sa
makatarungang Panlipunan. Ang wika ay isang instromento na ating ginagamit upang ating
maipahayag ang ating saloobin, opinion, ideya, impormasyon at mensahe na ating nais
ipahayag sa ating kausap; maaari ring magamit ang wika hindi lamang sa pagsasalita kung
hindi pati isa pagsusulat. Mayroong dalawang uri ang wika at ito ang “verbal and non-verbal na
kung saan mas ating napapalawak ang ating kaalaman sa wika. Napakalawak ang sinasakop na
pag-aaral ukol sa wika kung kaya maraming mga dalubhasa ang nagbigay ng sarili nilang
pananaw ukol sa wika, pero kung bibigyan ko ng sariling pagkakahulugan ang wika: “Ang wika
ay isang makapangyarihang instrumento na maaring makasakit o makabuti sa isang tao”, dahil
ang mga salitang ating binibitawan ay mahirap ng bawiin sapagkat ito ay tumatatak sa puso’t
isipan ng isang tao.Sa kabilang dako ang wika ay mas kilala sa pakikipag komunikasyon ngunit
mas nais kong laliman pa ang pagpapakahulugan dito sa gamit ng pagpapahayag nang
kapayapaan, segirdad at Makatarungang Panlipunan. Ang Kapayapaan, ito ay ginagamit sa
paglalarawan ng isang mapayapang bansa na malaya tulad ng ibong may kakayahang lumipad
ngunit sa likod nito maaari rin nating masabi na ang tao mismo ang maaaring maging simbolo
ng kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng paggamit ng wika o katutubong wika. Nagiging
daan ang isang tao tungo sa kapayapaan kung ang mga wini-wika niya ay may mabuting asal at
makatarungang gumagalng sa pakikipagusap sa kapuwa. Sa usapin rin ng seguridad mai-
uugnay ang wika dahil ang seguridad ay may kakambal na “pangako” na ating
mapoprotektahan ang mamayan, dapat nating ipabatid sa kanila kung paano tayo magiging
ligtas sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga halimbawa sa paraan ng pagsasalita. Ang
isang mainam na halimbawa ng wika sa seguridad ay ang paglalagay ng “password” sa ating
telepono at lalo na sa social media, sa paraang ito ay masasabi natin na hindi nawalala ang
wika sa ating buhay. Ang “inklusibong pagpaptupad ng katarungang panlipunan ay siyang
pangunahing trabaho ng gobyerno maging ang mamamyan dahil ang bawat tao sa isang
lipunan ay ginawaran ng karapatang magpahayag ng sariling opinion at salawikain ukol sa
nangyayari sa kanyang paligid, at ang makatarungang panlipunan ay makakamit kung ikaw ay
may wikang alam dahil ang wika ay siyang gagamitin mo upang magkaroon ng boses at ng
marinig nila ang sigaw ng mga mamamayan na tunay na nangangailangan ng tulong, at sa
ganong paraan ay masasabi natin na ang ating bansa ay tunay na payapa, ligtas at hindi
lamang makatarungang lipunan kundi isang makatarungang bansa.
Sa madaling sabi ang wika ay napakalawak pa ang maaari nating talakayin gaya ng
pagiging bihasa sa wikang katutubo, pagtuturo, pakiki-pag-usap, pagpapahayag, dito rin maaari
nating palawakin ang tungkol sa makatarunagang panlipunan sa paaraang maging abogado,
Ang abogado ay siyang naglilitis ng kaso ag hatid ng hustisya at pag bibigay katarungan pero
hindi lamang ang pagiging abogado ang maaaring maging impluwensya ng pagiging
makatarungan sapagkat ang pagiging simple, magalang at mabuting tao ay sapat na upang
magkaroon tayo ng makatarunang bansa.
Ang wika ay maaaring magamit sa liturhiya, at propesyon natin sa buhay. Sa aking
pagsusulat nang sanaysay na ito ay gumamit ako ng mga wikang aking nakasanayan na sa
araw-araw na pamumuhay kung kaya ang wika ay hindi maaaring mawala sa ating buhay.
Filipino at Mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Inklusibong
Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan”

Filipino o Ingles man ating gamitin ay maitutturing wika parin ngunit huwag sana nating
kalimutan na gamitin at palawigin ang ating paggamit ng katutubong wika, dahil sa tulong ng
mga wikang ito ay mas napagbubuklod natin ang bawat isa,saan mang lalawigan: mapa Luzon,
Visayas, at Mindanao. Sa pagbubuklod ng mga wikang ito ay pumili tayo ng ating pambasang
wika upang mapadali ang aitng pakikipagkomunikasyon sa bawat isa at ito ang wikang Filipino.
Ang wikang Filipino ay nagmula sa diyalektong Tagalog na siyang gamitin ng bawat tao,
kalaunan ay pinalitan ito ng “Pilipino” at sa pagdaan ng taon ay nagging “Filipino” na ang
nagging katawagan sa ating wika dahil kung ating titignan sa diksyonaryo ang salitnang
“Pilipino” ay siyang tumutukoy sa ating mamamayan ng bansang Pilipinas.
Sa kasalukuyan ay mas lalo na nating napapayabong ang ating wika gaya ng mga
wikang banyaga, katulad ng Chinese, Korean, at iba pa. Marami naring mga pag-aaral na
nagtuturo ng iba-ibang wika na makakatulong sa pagkakaroon ng inklusibong mundo. Sa
ngayon ay may mga wikang unti-unti ng namamatay at hindi nakikilala dahilan ng hindi
paggamit ng mga ito, kung kaya nais ko sanang magkaaroon kayo ng bagong kaaalaman sa
sanaysay na ito at simulant ng manaliksik palo patungkol sa wika dahil ang wika ay mas higit na
malawak at malalim pang pag-aaral at isa lamang ang aking sanaysay.

- John Edward B. Balingit

You might also like