Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ang Bahay Na Bigla Na Lang Nawala Isang Gabi

Nag-
iisang anak nina Mang Kanor at Aling Pacita si Jose kung kaya’t ginagawa nila ang
lahat para dito.
Nakatira ang maliit na pamilya sa isang baryo sa probinsya ng Santo Tomas. Simula
noong ipinanganak siJose ay doon na sila tumira.Hindi masyadong malaki ang
bahay nina Jose pero palaging malinis ang loob nito lalong-lalo na ang silidng nag-
iisang anak ng mag-asawa.Kahit hindi man marangya ang pamumuhay nila,
masasabing komportable ang buhay na ibinibigay ninaMang Kanor at Aling Pacita
kay Jose. Kaya lang, habang lumalaki ay tumitigas ang ulo ng kanilang anak.
“Wala pa si Jose? Anong oras na,” sabi ni Mang Kanor.
Dali-dali na bumihis ang mag-asawa at naglakat patungong baryo. Wala na kasing
masasakyan na dyip pagsumapit na ang alas diyes ng gabi. Sinundo nila si Jose sa
isang tyangge.
“Nagku
-kwentuhan lang naman po kami ng mga barkada ko. Wala namang masama doon,
uuwi ako kung
hindi man mamaya, e, bukas pag may dyip na,” sabi ni Jose.
Walang nagawa ang mag-asawa. Hinintay nila si Jose malapit sa tyangge na
tinatambayan ng grupo niyahanggang magpasya ang magbabarkada na umuwi.
Padabog pa si Jose noong dumating na sila sa bahay nila habang ang ama’t ina niya
ay pagod kakalakad.
Nagpatuloy ang ganung ugali ni Jose. Palagi siyang sinasabihan ng mga magulang
niya na umuwi agadpagkatapos ng klase pero wala ito sa kanya hanggang isang
gabi ay dumating ang hindi niya inaasahan.Mag-aalas onse na ng gabi nang
dumating si Jose sa kanila. Malayo pa lang ay tanaw na niya ang mga ka-baryo nila
na nagsisitakbuhan papunta sa kanilang bahay na may bitbit na balde.
“Jose ang bahay niyo nasusunog,” sigaw ni Mang Tonyo, ang karpentero na
nakatira malapit sa kanila.
Natulala si Jose. Naalala niya ang bilin ng mga magulang niya na umuwi ng maaga
at nami-miss na nilangmaghapunan kasama siya. Pumatak ang luha niya ng hindi
niya namamalayan.Madaling-araw na ng naapula ang apoy. Halos kusina na lang
nina Jose ang natira. Hindi na rin makilalaang katawan ng mga magulang niya.
Natagpuan ang mga ito sa kanilang hapag-kainan.
“Tay, Nay patawad,” ang nasabi ni Jose sa harap ng mga bangkay ng magulang niya
bago siya nagsimulang
humagulgol.

You might also like