Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 67

Republic of the Philippines

City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

College of Education Arts and Sciences

Programa: BSED major in Math/Science, BPED, Filipino and BEED
Koda ng Kurso: GEC 11
Pamagat ng Kurso: FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA
Deskripsyon ng Kurso:
Ang FILDIS ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayansa
malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat at pananaliksik sa wikang Filipino sa ibat - ibang
larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng
mga mamamayang Pilipino. Nakatuon ng kursong ito sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat,
gamit ang mga makabuluhang pananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng pagsasagawa
ng pananaliksik na nakaugat sa mga suliranin at realidad ng mga komunidad ng mga mamamayan
sa bansa at maging sa komunidad ng mga Pilipino sa iba pang bansa.
Inaasahang Matutunan:
Sa pagtatapos ng kurso, inaasahang matutunan ng mga mag - aaral ang mga sumusunod:
KAALAMAN
1. Mailalarawan ang ugnayan ng mga function ng wikang Filipino bilang wikang Pambansa, wika
ng bayan, at wika ng pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng sambayanan.
2. Maisa - isa ang mga suliraning local at nasyonal ng komunidad na kinabibilangan.
3. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki - pakinabang na sanggunian sa
pananaliksik.
4. Makapagmungkahi ng mga solusyon sa mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga
komunidad at sa buong bansa, batay sa pananaliksik.
5. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang at bansa Pambansa,
pagpaptibay ng kolektibong identidad at pambansang kaunlaran.
6. Malikhain at mapanuring mailapat sa pananaliksik ang pliling makabuluhang konsepto at
teoryang local at dayuhan na akma sa konteksto ng komunidad at bansa.

KASANAYAN
1. Maisapraktika at mapaunlad pa ang mga batayang kasanayan sa pananaliksik.
2. Makapagbasa at makapagbuod ng impormasyon, estadistika, datos at iba pa. Mula sa
babasahing nakasulat sa Filipino sa ibat ibang larangan.
3. Makapagsalin ng mga artikulo, pananaliksik atbp. na makapag ambag sa patuloy na
intelekwalisasyon ng wikang Filipino.
4. Makapagsaliksik hinggil sa mga sanhi at bunga ng mga suliraning local at nasyonal gamit ang
mga tradisyonal at modernong mga sanggunian.
5. Mkapagbalangkas ng mga makabuluhang solusyon sa mga suliraningb local at nasyonal.
6. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyon at modernong
midyang akma sa kontekstong Pilipino. Ng lipunang Pilipino.

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

7. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon nmg impormasyon at analisis

na akma sa ibat ibang konteksto.
8. Makapagsagawa ng pananaliksik sa Filipino sa ibat -ibang larangan.
9. Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinang diskurso at pananaliksik na
nakaugat sa mga realidad ng lipunang Pilipino.
10. Makabuo ng papel o artikulo na maaaring ibahagi sa isang forum o kumprehensiya at/o
ilathala sa isang akademikong journal.

HALAGA
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng mga Pipilino sa ibat – ibang larangan.
2. Malinang ang adhikaing makibahagi sa pagbabagong panlipunan.
3. Maisaalang - alang ang kultura at ipa pang aspektong panlipunan sa pagsasagawa ng
pananaliksik.
4. Makapag - ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at
mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang wika ng
pananaliksik na nakaayon sa pangangailangan ng komunidad at bansa.

Grading Rubric:

Maikling Pagsusulit 20%

Gawaing Pangklase 40 %
Takdang Aralin 10%
Markahang Pagsusulit 30%
___________________
100

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

Learning Module
Bilang at Layunin sa Paksa Kagamitan sa Ebalwasyon
Pamagat Pagkatuto Pagtuturo at
ng Modyul Pagkatuto

Module 1: Maipaliliwanag ang Kalikasan ng PowerPoint Ipaliwanag

ugnayan ng wikang Wikang Filipino Presentation ang mga
Filipino bilang wikang Bilang Wikang Libro sumusunod na
Pambansa na nakaugat Pambansa katanungan:
sa pangangailangan ng Internet: (1 - 3)
sambayanan. https://prezi.com
/1ltogkuvd2fn/an
g-kalikasan-ng-
wikang-
pambansa/

Module 2: Maipapaliliwanag ang Mga Sitwasyong PowerPoint Sumulat ng

ugnayan ng Pangwika sa Presentation maikling
pagpapalakas ng Pilipinas Libro sanaysay
wikang Pambansa, hinggil sa
pagpapatibay ng Internet: wikang
kolektibong identidad https:// Filipino Bilang
at pambansang www.slideshare. Wika ng
kaunlaran. net/ Pambansa,
NicoleAngelique Wika ng
Pangilinan/mga- Bayan, at Wika
sitwasyong- ng Edukasyon
pangwika-sa- at
pilipinas-grade- Pananaliksik.
11 200 mga salita
kasama na ang
mga pantukoy
at pangatnig

Module 3: Naipapaliwanag ang Filipino Bilang PowerPoint Sagutin ang

Filipino ay hindi Disiplina Presentation mga
lamang midyum ng Libro sumusunod
pagtuturo o disiplina, gamit ang
ito ay isang matalinong
pambansang Chomsky, Noam. pag - iisip.
pananagutan “Noam Chomsky: 1. Paano at

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

Corporate Bakit ang

business models Filipino ay
are hurting naging
American didiplina?
universities.” 2. Paano pa
Salon. 10 Oktubre mapapalagana
2015. Web. 19 p at
Mayo 2015. mapapaunlad
Cruz, Isagani. ang paggamit
“21st Century ng wikang
Literature.” Filipino sa
Philippine Star. Ibat- Ibang
23 Oktubre 2013. larangan?
Web. 19 Mayo 3. Sang ayon
2015. < ka ba sa pag -
http://www.philst alis ng
ar.com/education- asignaturang
and-home/2013/1 Filipino sa
0/24/1248724/21s antas
t-century- Konlehiyo?
literature>. Pangatwiranan.
Levy, Francesca
at Jonathan
Rodkin. “The
Bloomberg
Recruiter Report:
Job Skills
Companies Want
But Can’t Get.”
Bloomberg. Web.
19 Mayo 2015.
Bernales,
Rolando, Filipino
sa Iba’t ibang
Disiplina, Mutya
Publishing House,
Inc 2019

Module 4: Naiisa - isa ang mga Filipino sa Powerpoint Kapanayamin

wikang panturo sa Syensya, Presentation ang isang
kanyang larangan. Matematika, propesora sa
Nakapagsasagawa ng Inhenyeriya at iba Bernales, Matematika,
isang panayam sa pang kaugnayan Rolando, Filipino Syensya,

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

isang propesora na larangan. sa Iba’t ibang Medisina,

kaugnay sa larangang Disiplina, Mutya Inhenyeriya,
kayang tinuturo. Publishing House, Humanidades,
Inc 2019 Agham
Panlipunan o
sa iba pang
larangang
kaugnay ng
mga nabanggit
ukol sa
kanyang
pagtuturo ng
kanyang
disiplina. Ituon
ang panayam
sa sumusunod
1. Wikang
Panturo sa
kanyang
larangan.
2. Kalakasan
sa paggamit ng
wikang
Filipino sa
kanyang
larangan
3. Kahinaan sa
paggamit ng
wikang
Filipino sa
kanyang
larangan
4. Mga
Suhestiyon
upang
mapalakas ang
mga kahinaang
nabatid sa
panayam.

Paalala:
Online:
Pangkatang
Gawain: Iulat

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

ang nakalap na
impormasyon
sa klase buhat
sa ginawang
pakikipanayan.
Gumawa ng
Powepoint
Presentation.

Offline:
Matapos ang
panayam,
sumulat ng
isang kritikal
na sanaysay
ukol sa mga
impormasyong
nakalap.

Module 5: Natutukoy ang mga Mga Hanguan ng Powerpoint Tukuyin kung

Hanguan ng Impormasyon o Presentaion anong
impormasyon o datos. Datos kategorya ng
https:// batis ng
www.academia.e impormasyon
du/35858045/ o sanggunian
Pangangalap_Ng_ ang
Datos inilalarawan ng
sumusunod na
pahayag. Isulat
sa patlang ang
titik na
katumbas ng
inyong sagot.

Module 6: A. Makapagsasalin ng Mga kasanayan ng Powerpoint Basahin ang

mga artikulo, Akademikong Presentaion maikling talata
pananaliksik atbp. Na Pagsulat at pagkatapos
makapag - aambag sa gawan ito ang
patuloy na https:// ibat - ibang
intelektwalisasyon ng prezi.com/ paraan ng
wikang Filipino. otr9qmpa6pzm/ pagkuha ng
B. Natutukoy ang Iba’t filipino-report/ tala. Katulad
ibang paraan ng ng presi, hawig
pagkuha ng tala at salin. Ilapat

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

ang natutunan
sa modyul na
ito.

Module 7: Natutukoy ang Pagpili at PowerPoint Ilimita ang

hanguan ng paksang Paglimita ng Presentation mga
pampananaliksik Paksa sumusunod na
Naiisa - isa ang mga Bernales, paksa upang
pagpili ng paksang Rolando, Filipino makapagdesen
pampananaliksik at sa Iba’t ibang yo ng isang
mga batayan sa Disiplina, Mutya mahusay na
paglilimita ng paksa. Publishing House, pamagat
Inc 2019 pampananaliks
ik. Isulat ang
inyong sagot
sa mga patlang
na kasunod ng
bawat aytem.

Module 8: Nakagagawa ng Pagbabalangkas at PowerPoint A. Gumawa

balangkas hinggil sa Pagbuo ng Presentation ng Balangkas
anumang paksa na Konseptong Papel hinggil sa
may mga katangian. anumang
https:// paksa na may
Naiisa isa ang mga uri www.academia.e mga
ng Balangkas du/31543594/ sumusunod na
Natutukoy ang mga Pagbuo_ng_Kons katangian.
bahag I ng konseptong eptong_Papel a. Paksang
papel. Balangkas
b. May
dalawang ulo
ng balangakas
c. May
tigdalawang
suportang
ideya bawat
ulo ng
balangaks.
d. May hindi
kukulangin sa
dalawang
kaugnay na
ideya bawat
suportang

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

ideya.

B. Bumuo ng
konseptong
papel na
pananaliksik
na nais gawin.
Gawing gabay
ang natutunan.
(Pangkatang
Gawain)

Module 9: Maisaalang - alang Mga Batayang https://doku.pub/ A. Punan ang

ang kultura at iba pang kaalaman sa documents/mga- kasunod na
aspektong panlipunan Metodolohiya sa batayang- talahanayan
sa pagsasagawa ng Pananaliksik- kaalaman-sa- ang mga
pananaliksik. Panlipunan metodolohiya-sa- hinihinging
pananaliksik- impormasyon,
Malilinang ang panlipunan-
adhikaing makibahagi z0xj7grm7gln
sa pagbabagong
panlipunan

Module 10: Natutukoy ang mga Pamamaraan sa PowerPoint Magsaliksik at

pamamaraan sa Pagtitipon ng Presentation pumili ng
pagtitipon ng datos Datos dalawang
Magsaliksik at pumili https:// pananaliksik
ng dalawang www.academia.e na
pananaliksik na du/31543594/ matatagpuan sa
matatagpuan sa aklat o Pagbuo_ng_Kons aklat o internet
internet eptong_Papel at punan ang
mga kasunod
na tahanayan
ng mga
impormasyon
tungkol sa mga
pananaliksik
na napili.
Parehas
lamang ang
pormat ng

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

panaaliksik II.

Module 11: Naiisa - isa ang mga Pamamaraan sa PowerPoint Gawaing Pang-
pamamaraan sa Pagsusuri ng Presentation online:
pagsusuri ng datos. Datos Magkakaroon
Bernales, ng palabunutan
Rolando, Filipino tungkol sa 8
sa Iba’t ibang pamamaraan sa
Disiplina, Mutya pagsusuri ng
Publishing House, datos.
Inc 2019 Pagkatapos ay
humandang
isagawa at
iulat ito ng
naka
powerpoint.
Gawing gabay
ang nasa
modyul at
natutunan.

Gawaing
offline: Pumili
ng isang
pamamaraan sa
pagtitipon ng
datos
pagkatapos
gumawa ng
isang
halimbawa
nito.

Module 12: A. Natutukoy ang mga Mga Bahagi ng https:// 1.Pagkasundua

bahagi ng pananaliksik Pananaliksik: prezi.com/ n sa klase jung
B. Nakagagawa ng ANG v1cyf8cawyn9/ kalian, ipapasa
isang burador ng PAMANAHONG mga-bahagi-ng- sa inyong guro
bahagi ng papel - PAPEL pananaliksik-ang- ang burador ng
pananaliksik. pamanahong- sumusunod na
papel/ bahagi ng
papel
Bernales, pananaliksik.
Rolando, Filipino Itala katapat ng

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

sa Iba’t ibang bawat bahagi

Disiplina, Mutya ang petsang
Publishing House, inyong
Inc 2019 napagkasundua
n.

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

DETAILED LEARNING MODULE

Pamagat: Kalikasan ng Wikang Filipino Bilang Wikang Pambansa
Module No. 01____

I. Introduksyon:
Ang assignaturang Filipino sa Ibat - ibang Disiplina ay isa sa mga produkto ng mahaba at
masalimuot na pakikibaka para sa wika at bayan, mula sa silid aralan, paaralan, dalubhasa at
Pamantasan, hanggang sa larangan. Produkto ito ng pakikibaka laban sa patakarang nagtangkang
pumatay sa wikang Filipino sa kolehiyo.
Layunin ng Pagkatuto
Maipaliliwanag ang ugnayan ng wikang Filipino bilang wikang Pambansa na nakaugat sa
pangangailangan ng sambayanan.

II. Paksa

A. Kalikasan ng Wikang Filipino Bilang Wikang Pambansa

Artikulo VIV, seksyon 6 - isinaad dito na ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika
sa Pilipinas at sa iba pang wika.

Idekonstrak natin ang probisyong ito.

1. Malinaw kung ano ang itatawag sa wikang Pambansa ng Pilipinas at ito ay Filipino.
2. Ito ay isang Wikang nasa proseso pa rin ng paglilinang.
3. May dalawang saligan ng pagpapayabong at pagpapayaman sa wika at ito ay:
a. ang umiiral na wika sa ating bansa o ang mga dayalek
b. Iba pang mga wika o ang mga wikang dayuhan na nakaimpluwensiya/ nakaiimpluwenaiya sa
ating kabihasnan tulad ng Ingles, kastila, Intsik at iba pa.

Nobyembre 9, 1937- Ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na

noo'y ipinahahayag na ang Tagalog ay siyang halos lubos na nakatutugon sa mga hininhingi ng
Batas ng Komonwelt Blg. 184, kaya't itinagubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ay
pagtibayin bilang saligan ng wikang pambansa.

Disyembre 30, 1937- Pangulong Quezon- ipinahayag na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas na
batay Sa Tagalog.

Agosto 13, 1959 - Pinalalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, na nagsasaad na kailan ma't tutukuyin ang Wikang Pambansa,
ang salitang PILIPINO ay siyang gagamitin.

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

Tagalog- ginawang saligan ng Wikang Pambansa sa dahilang ito'y nahahawig sa maraming

wikain sa bansa.

Marso 16, 1971 - Nilagdaan Ni Pres. Ferdinand E. Marcos ang kautusang Tagapagpaganap Blg.
304 na nagpapasubali sa Surian ng Wikang Pambansa at nililiwanag ang kanyang mga
kapangyarihan at tungkulin.

1987- Sa Artikulo XIV, Sek. 9 ng Konstitusyong 1987 isinasaad: Dapat magtatag ng Kongreso ng
isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon
at mga desiplina magsasagawa, mag - uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at
iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.

Sa Deskripsiyan ng KWF - ipinagdidiinan na ang wikang Filipino ay buhay at dahil nga buhay ito
ay dinamiko.

Totoo namang nanghihiram ang wika natin sa mga di katutubong wika o mga wikang dayuhan
lalo na para sa mga konseptong walang direktang katumbas sa ating wika. Sa panghihiram ng
wika ay inaari na rin natin ang salitang hiniram na maaaring nang walang pagbabago o may
pagbabago sa baybay. Mas akmang gamitin ang salitangh

Salitang Hiram

Ingles Pranses Intsik Latin Kastila

kompyuter tsuper pansit aquarium silya
Taxi kudeta lomi gymnasium libro
Fax siopao Modus kubyertos
operandi
cellphone sibuyas

5,000 - salitang hiram sa Kastila;1,500 - Sa Ingles; 1,500 sa Intsik; at 3,000 sa Malay.

Paglalapi At Pagtatambal - Ayon sa Surian ng Wikang Pambansa, maman daw ang Tagalog sa
pamamagitan nito.

Noong 1996 (Pormal na deskripsiyon ng FILIPINO bilang wikang pambansa.)

Sa Resolusyon 96-1 ng Komisyon sa Wikang Filipino ay ganito ang batayang deskripsiyon ng

Filipino: Ang Filipino ay katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay. Ang Filipino ay
dumaraan sa propeso ng paglinang sa pamamgitan ng mga panghihiram sa mga wika sa Pilipinas
at mga at mga di katutubong wika at ebolusyon ng ibat ibang barayti ng wika sa ibat ibang
saligang sosyal.At para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

III. Kagamitan sa Pagtuturo at Pagkatuto

PowerPoint Presentation
Libro

IV. Ebalwasyon
Mungkahing Gawain: Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan

1. Paano mailalarawan ang Kalagayan ng wikang Filipino bilang wikang Pambansa, wika ng
bayan, at wika ng edukasyon.

V. References

2. Paano naiuugnay ang pagpapalakas ng wikang Pambansa sa pagpapatibay ng kolektibong

identidad at pagkakamit ng pambansang pagkakaisa at kaunlaran?

https://prezi.com/1ltogkuvd2fn/ang-kalikasan-ng-wikang-pambansa/

3. Paano ka makapag -aambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng

makabuluhan at nakaayon sa pangangailangan ng komunidad at bansa?

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

V. Batayan sa Pagtuturo
Internet: https://prezi.com/1ltogkuvd2fn/ang-kalikasan-ng-wikang-pambansa/
Aklat: Filipino sa Iba’t ibang Disiplina

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

DETAILED LEARNING MODULE

Pamagat: Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas
Module No. 02___

I. Introduksyon:
Bagamat halos isang siglo na nang simulang buuin at paunlarin ang Filipino, nananatili ang
posisyong mapaggiit nito. Bukod sa politika ng pagpapalanong pangwika sa Pilipinas, sari -
saring hamon ang kinahaharap nito sa gitna ng pagbabago ng panahon at modernisasyonng
lipunan. Ang mayamang kultura, kasaysayan at makulay na politika sa bansa ang nagbubunsod ng
pagbabago sa sitwasyon ng polisiyang pangwika sa edukasyon at iba pang aspekto ng lipunan.
Layunin ng Pagkatuto
Maipapaliliwanag ang ugnayan ng pagpapalakas ng wikang Pambansa, pagpapatibay ng
kolektibong identidad at pambansang kaunlaran.

II. Paksa
Ang mayamang kultura, kasaysayan at makulay na politika sa bansa ang nagbubunsod ng
pagbabago sa sitwasyon ng polisiyang pangwika sa edukasyon at iba pang aspekto ng lipunan.
1. Multilingguwal at Multikultural ang Pilipinas. Arkipelago ang ating bansa, kung kaya’t
nagdudulot ng pagkakaiba - iba ng wika at kultura. Mahigit na magkaugnay ang wika at kultura
kung kaya’t nasasalamin sa wika ang anumang katangiang pisikal at kultural ng bansa.

Mcfacland(2004) - ayon sa pag – aarl niya may lagpas isang daang magkakaibang wika ang
Pilipinas.

Nolasco - ayon sa kanya. Mayroong humigit kumulang 170 na ibat ibang wika sa ibat ibang pulo
sa Pilipinas.

Batay sa sensus noong 2000 ayon kay Nolasco

21.5 milyon - pinakalaganap na wika sa Pilipinas batay sa dami ng tagapagsalita.

18.5 milyon - Cebuano
7.7 milyon - Ilocano
6.9 milyon - Hiligaynon
4.5 milyon - Bikol
3.1 milyon - Waray
2.3 milyon - Kapampangan
1.5 milyon - Pangasinan
1.3 milyon - kinaray-a
1.3 milyon - Tausog
1 milyon - Maranao
1 milyon - Maguindanao

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

85% - kabuuang populasyon ay mayn kakayahang magsalita ng pambansang wika.

74% - ayon kay Gonzales 1988, nakaiintindi sila ng wikang ingles kapag kinakausap sila gamit
ito.

2. Ingles ang lehitimong wika sa Pilipinas. Sa lkabila ng pagkakaroon ng pambansang wika sa

Pilipinas, nananatiling makapangyarihanng wika ang Ingles sa ating lipunan. Itinuturing na
ikalawang wika ng nakararamingh Pilipino ang Ingles.

Social Weather Station - ayon sa SWS halos 76% nmg mga Pilipinong nasa sapat na gulang ang
nagsabing nakauunawa at nakapagsasalita sila ng Ingles.

75% - ang nagsasabing nakapagbabasa sila ng wikang ingles.

61% - naman ang nagsasabing nakapagsusulat sila sa wikang Ingles.
38% - ang nagsasabing nag- iisip sila gamit ang wikang ingles.

Ayon kay Macaro (2014) ng British Council at Direktor ng University of Oxford, lalong
dumarami ang mga akademikong institusyon sa buong mundo na gumagamit ng Ingles upang
ituro ang mga akademikong asignatura dahil sa kagustuhang isabay sa internasyonal na standard
ang propayl ng mga unibersity.

Gonzales (2003), ayon sa dating kalihim ng kagawaran ng Edukasyon, kapansin - pansin na hindi
tugma ang polisiya at aktwal na implementasyon niyo. Ayon pa sa kanya bilang Pambansa at
opisyal na wika, nararapat na paunlarin ang paggamit ng Filipino sa mga paaralan, ngunit hindi
ito nangyayari.

Bourdieu (1991) - sa kanyang aklat na Language and Symbolic Power, tinukoy niya ang
lehitimong wika sa isang lipunan bilang wikang ginagamit sa pag - unlad ng Sistema ng
edukasyon at pagpapagana ng Sistema ng paggawa. Ibig sabihin pinag -iisa at pinatatag ng
wikang ito ang ekonomiya at politika ng isang bansa.

De Quiros (1996) - ayon sa kanya, hindi lamang komunikasyon ang pangunahing gamit ng wika,
kundi susi o instrumenting ito upang makapaghari sa isang tiyak na lipunan. Binalik niya ang
kasaysayan kung paanong naging intrumento ang wika ng kolonyalismo sa Pilipinas. Naging
mabisa ang ang pagtuturo ng mg amerikano ng Ingles sa pamamagitan ng pampublikong
edukasyon.

3. Wikang Global ang Wikang Filipino. Ang kalagayang Pang ekonomiya sa bansa ang
nagtutulak sa mga Pilipinong magtrabaho sa ibang bansa at maging Overseas Filipino Workers
(OFW). Sa ganitong kalagayan hindi maiwasan ang paglaganap ng wika at kulturang Pilipino sa
ibat - ibang bahagi ng mundo.

2.3 milyon - ayon sa Index of Survey on Overseas Filipinos noong 2014 ang nasa ibat - ibang
panig ng mundo.

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

Ayon sa American Community Survey 2013 - pangatlo ang Filipino sa mga wikang may
pinakamaraming magsasalita sa Estados Unidos, bukod sa Ingles. Pumangatlo ang Filipino na
may1.6 milyong gumagamit sa Espanyol na nagtala ng 38.4 tagapagsalita at Chinese na may
halos 3 milyong tagapagsalita.

Hindi maikakailang lumaganap na nga ang paggamit ng wikang Filipino sa ibat - ibang bahagi ng
mundo. Ilan sa mauunlad na Departamento ng Filipino at mga kaugnay na programa ang
matatagpuan sa University of Hawaii - Manoa at Philippines Studies Program sa Osaka
University sa Japan. Bukod dito, itinuturo ang Filipino bilang asignatura sa ibat - ibang
unibersidad at kolehiyo sa ibang bansa nagtuturo ng Filipino bilang programa o asignatura.

4. Ang Filipino ay Wika sa Social Media. Binago ng social media ang pamamaraan ng
pamumuhay ng milyon - milyong Pilipino. Bukod sa naging porma ng komunikasyon hindi rin
maitatatwa na simbolo ng panlipunang istatus ang access sa intrnet.

Wearesocial.com (2015) - mula sa 100.8 milyon na kabuuang populasyon sa Pilipinas.

44.2 milyon o 44% bahagi ng populasyon ang aktibong gumagamit ng internet.
40 milyon o 40% naman ang may aktibong account sa ibat – ibang social media sites.
30 milyon o 30% ang may aktibong social media mobile accounts.
Mula 2013 - 2015 - nakapagtala ng 18% na pagtaas sa bilang ng aktibong gumagamit ng internet.

Social Media - ay tumutukoy sa grupo ng internet- based applications na ginawa batay sa Web
2.0, kung saan naging possible na ang pagkontrol at kontribusyon ng mga gumagamit ng internet
sa nilalaman ng ibat - ibang social media sites.

III. Kagamitan sa Pagtuturo at Pagkatuto

PowerPoint Presentation
Libro

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

IV. Ebalwasyon
Sumulat ng maikling sanaysay hinggil sa wikang Filipino Bilang Wika ng Pambansa, Wika ng
Bayan, at Wika ng Edukasyon at Pananaliksik. 200 mga salita kasama na ang mga pantukoy at
pangatnig

V. Batayan sa Pagtuturo
https://www.slideshare.net/NicoleAngeliquePangilinan/mga-sitwasyong-pangwika-sa-
pilipinas-grade-11

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

DETAILED LEARNING MODULE

Pamagat: Filipino Bilang Disiplina
Module No. 03

I. Introduksyon:
Bilang tugon, maraming beses na ring ipinaliwanag ng mga iskolar na Pilipino na nagtaguyod sa
Filipino ang mga dahilan at patunay na disiplina ang Filipino na nagtataglay ng angking
karunungan.
Layunin ng Pagkatuto
Naipapaliwanag ang Filipino ay hindi lamang midyum ng pagtuturo o disiplina, ito ay isang
pambansang pananagutan

II. Paksa

Ang Filipino ay hindi lamang midyum ng pagtuturo o disiplina; ito ay isang pambansang
pananagutan. Ang papel ay kritikal na paglilimi sa sistema ng edukasyon na pinaiiral sa
kasalukuyan, samantalang iginigiit ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagpapatupad ng bagong
kurikulum kaugnay ng K to 12. Ano ang mga konsekuwensiya ng agarang pagpapatupad ng
batas? Ano ang magagawa ng guro sa panitikan at wika, gayong inalis o kinalos ang mga ito sa
kolehiyo? Ano ang parikala ng bago sa pagbabagong inaasam sa edukasyon ng ika-21 siglo?
Isang pauna ang papel sa direksiyong tinatahak ng pamahalaan at mga institusyon, samantalang
hindi humuhupa ang tinig ng sumbat at pagtutol.

May tatlong klase ng mga guro ang dumadalo sa ganitong panayam na ubod ng optimismo
ang pamagat:
1. Una ay mga gurong naghahanap ng saysay o katuturan sa pagtuturo ng Filipino bilang
panitikan at bilang disiplina sa pangkalahatan, sa panahong pinaliit nang lalo ang halaga nito.
2. Ikalawang grupo ay mga gurong pinagtuturo ng bagong kurikulum sa Filipino at nginunguya pa
ang spiral approach ng K to 12
3.ikatlo ay mga gurong naghihingalo na ang kalagayan, dahil hindi natitinag ang mga
administrador ng eskuwelahan, katulad ng Kolehiyong Miriam, na tanggalin ang mga guro sa
trabaho gamit ang
K to 12, saka muli silang pagaplayin nang walang seguridad at iba pang benepisyo

Dalawang layunin sa pagtupad sa panayam:

1) Maghain ng kritikal na paglilimi sa sistema ng edukasyon na pinaiiral sa kasalukuyan, at sa
kinabukasan;
2) Aluhin ang sarili at himukin ang mga kapuwa guro na ang Filipino ay hindi lang midyum ng
pagtuturo, o disiplina; ang Filipino ay pambansang pananagutan, kung ang edukasyon ay may
puwang pa bilang pananagutan ng isang bansang may mukha pa ng hiyang nakikilala.

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

Sa bagong kurikulum ng Department of Education, ang dating Core Subjects sa kolehiyo ay

ibinaba na sa Grades 11 at 12. Ang Panitikan ay isinailalim sa area ng Humanities bilang 21st
Century Literatures from the Philippines and the World, at kung tama ang pagkaunawa, hindi
kasama ang 20th century, o ano pang mas maagang panahon, tulad ng klasikong panitikan ng mga
Griyego at Romano, mga dula ni Shakespeare, mga nobela ni Dostoevsky, mga kuwento nina
Katherine Anne Porter at Estrella Alfon.

Bakit ika-21 siglo? Dalawang bagay ayon sa propesor at kolumnistang si Dr. Isagani Cruz.
1. Una: “Simply because SHS students were all born in or just before the 21st century. This
century is their century. For them, the 20th century is what the 19th century is to us teachers.”
2. At isa pa: “Just as the British writer Virginia Woolf said of the turn of the 20th century,
namely, that “on or about December 1910 human character changed,” something major happened
to literature on or about December 2000.” (Cruz)

Non-sequitur ang unang dahilan. Nakalimita sa ika-21 siglo ang pagaaralan ng mga estudyante
dahil ito ang kanilang panahon. Labinlimang taon ito na magsasantabi sa mga naunang siglo ng
kasaysayan ng mundo, at nalikha ng tao, ng mga bansa, at sari-saring kultura at panahon, na
magpapayaman sana sa hungkag, o magpapalawak sa makitid.

Ched Memorandum Bilang 20 noong 2013 - ang memo ay naglalaman ng mga bagong
asignatura dapat kunin ng mga mag - aaral sa antas/ kolehiyo isa rin ang pagbabagong dala ng
Batas k - 12 na nilagdaan ni Benigno Aquino III. Malinaw sa nasabi ng memo buhat sa ched na
wala nang asignaturang Filipino sa antas-– kolehiyo sapagkat ang mga ito ay ibinaba na sa antas
senior high school.

Pamabansang Samahansa Sikolohiyang Pilipino (PSSP) - Batay sa patakarang pangwika ang

wikang Filipino ay wikang pagdudukalan ng pagkakakilanlang Pambansa. Nakapaloob sa wikang
ito ang kabihasnan at kulturang Pilipino.

Pamantasang Ateneo de Manila (Ateneo) na pinamagatang Ang Paninindigan ng Kagawaran ng

Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila sa suliraning Pangwika sa kasalukuyan na inilathala
sa Manila Today laban sa suliraning pangwika na ibinunsod ng CHED Memo Bilang 20,
Disiplina ang Filipino. Hindi lamang ito isang midyum sa pagtuturo ng asiganturang Filipino.
Lumikha ito ng sariling larang ng karunungan na nagtatampok sa pagka - Pilipino ng anumang
usapin sa loob at labas ng akademya.

Kolehiyo ng Arte at Literatura ng UP - Diliman na pinamagatang Pahayag para sa

Pagpapatibay ng Wikang Filipino bilang mga sabjek sa Kolehiyo, Departamento ng Filipino at
Panitikan ng Pilipinas ay binanggit ang tatlong p;angunahing punto na nagpapatunay na ang
Filipino ay higit pa sa pagiging midyum ng komunikasyon.
1. Ang Wikang Filipino ay itinuturing na kasaysayan ng bansa. Umunlad ito bilang ganap na
disiplina at pananaw sa pakikipag - ugnayang pandaigdig. Maunlad ito dahil sa pagkakaroon nito

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

ng ibat - ibang sub- erya at dahil interdisiplina at transdisiplina na ugnayan nito sa ibang larangan
gaya ng panitikan, antropolohiya, kasaysayan, pilosopiya, sikolohiya at politika.
2. Ang Wikang Filipino ang pagkakakilalan ng mga Pilipino. Ito ay nagbibihis sa pagiging
Pilipino ng bawat isa. Sa katunayan, pananaw at kamalayan ang wikang Filipino. Dahil nasa
wika mismo ang kaalaman sa sariling pisikal at di pisikal na daigdig, Hindi lamang usapin ng
wikang panturo ang Filipino kundi usapin higit ng pagkilala sa pagka - Pilipino.

3. Ang wikang Filipino ay susi sa kaalamang bayan dahil nasa wika ang kaalamang patuloy
na hinubog at humuhubog sa bayan.

III. Kagamitan sa Pagtuturo at Pagkatuto

Powerpoint Presentation

IV. Ebalwasyon:
Sagutin ang mga sumusunod gamit ang matalinong pag - iisip.
1. Paano at Bakit ang Filipino ay naging didiplina?

2. Paano pa mapapalaganap at mapapaunlad ang paggamit ng wikang Filipino sa Ibat- Ibang

larangan?

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

3. Sang ayon ka ba sa pag - alis ng asignaturang Filipino sa antas Konlehiyo? Pangatwiranan.

V. Batayan sa Pagtuturo
Chomsky, Noam. “Noam Chomsky: Corporate business models are hurting American
universities.” Salon. 10 Oktubre 2015. Web. 19 Mayo 2015.
Cruz, Isagani. “21st Century Literature.” Philippine Star. 23 Oktubre 2013. Web. 19 Mayo 2015.
< http://www.philstar.com/education-and-home/2013/10/24/1248724/21st-century-literature>.
Levy, Francesca at Jonathan Rodkin. “The Bloomberg Recruiter Report: Job Skills Companies
Want But Can’t Get.” Bloomberg. Web. 19 Mayo 2015.
Bernales, Rolando, Filipino sa Iba’t ibang Disiplina, Mutya Publishing House, Inc 2019

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

DETAILED LEARNING MODULE

Pamagat: Filipino sa Syensya, Matematika, Inhenyeriya at iba pang kaugnayan na
larangan.
Module No. 04___
I. Introduksyon:
Bagamat marami nang patunay na may kakayahang magamit ang Filipino bilang wika ng
pananaliksik at pagtuturo sa larangang teknikal gaya ng Syensya, Inhenyeriya at Matematika,
Marami pa ring agam - agam ang ilang mga iskolar na Pilipino sa tunay na kakayahan nito bilang
wika ng karunungan sa mga babanggit na disiplina na hindi gaya ng Niponggo/ Nihonggo, Ingles,
Pranses at Aleman.
Layunin ng Pagkatuto
Naiisa - isa ang mga wikang panturo sa kanyang larangan.
Nakapagsasagawa ng isang panayam sa isang propesora kaugnay sa larangang kayang tinuturo.

II. Paksa

Filipino sa Syensya, Matematika, Inhenyeriya at iba pang kaugnayan na larangan.

Sa katunayan, halos lahat ng teksbuk sa mga nasabing asignatura ay nasusulat sa wikang Ingles at
ang karamihan sa mga gurong Pilipino na nagtaguyod ng mga disiplinang ito ay bihirang
gumamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo.

1. Filipino sa Syensya. Sa kabila ng masaklap na katotohanang ito, patuloy pa rin naman ang
KWF, ang sentro ng Wikang Filipino ng UP – Diliman, maging ang mga Propesyunal sa
samahang pangwika sa pagsasagawa ng mga panayam, kumprehensiya, pagsusulat at pagsasalin
sa mga sanggunian at paglalahalang pananaliksik sa mga larangang teknikal gamit ang wikang
Filipino sa tulong na rin ng mga iskolar na naniniwala sa kakayahan ng wikang itong magamit sa
nabanggait na mga larangan.
2. Filipino sa Matematika. Sa kabilang banda. Matibay ang paniniwala ni Atty. James Domingo
ng Kolehiya ng Akawntansi ng UST Sa kakayahan ng wikang Filipino bilang midyum sa
pagtututro ng mga asignatura sa kursong Akawntansi. Ayon sa kanya sa loob ng isang taon din ng
paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo, lubos na nauunawaan ng mga mag – aaral niya na ibat
ibang konseptong pang akawtansi.
3. Filipino sa Inhenyeriya. Isang pundasyon at malaking patunay ang ginawang
eksperimentasyon ni Carlito M. Salazar (1995) ng DLSU Manila sa kakanyahan ng Filipino
bilang wika ng karunungan nang gagamitin niya ito bilang midyum sa pagtuturo ng mga
asignatura sa inhenyeriya gaya ng Process Design in Chemical Engineering Heat Transfer,
Computer Calculations at Mementum, transfer.

Mas madaling matutunan ang mga terya at konseptong pang Inhenyeriya gamit ang Filipino.
A. Mas Buhay at impormal ang talakayan.

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

B. Mas nakikiisa ang mga mag – aaral sa talakayan sa klase.

C. Nawawala ang tensiyon sa klase.
D. Nawawala ang anumang sagabal sa komunikasyon sa pagitan ng propesor at mga mag – aaral.
E. Hindi na doble ang dapat intindihin ng mga mag - aaral mahirap na ang teknikal na asignatura,
mahirap pa ang mag salin nito sa Ingles.
F. Mas madaling iugnay ang mga teoryang pang inhenyeriya sa pang – araw – araw na buhay at
G. Napapatibay ang damdaming nasyonalismo.
4. Filipino sa Medisina. Malaki rin ang ginagampanang tungkulin ng wikang Filipino sa larangan
ng Medisina o Panggagamot. Ito ang nagsisilbing pangungunahing instrument ng mga doctor sa
kanilang panggamot sa mamamayang Pilipino na nasa marhinalisadong sitwasyon o maging mga
nasa gitnang uri man.

Dr. Luis P. Gatmaitan - (Kilala bilang Tito Dok sa larangan ng Panitikan) sa nagtataguyod ng
wiang Filipino sa larangan ng Medisina sa pamamagitan ng kanyang mga kwentong pambata na
nasusulat sa wikang Filipino. Sa pamamagitan ng kanyang mga Kwentong pambata na
tumatalakay sa pag - iingat ng kalusugan at pagpapahalaga rito ay naipauunawa agad niya sa mga
musmos ang at pagpapahalaga rito ay naipauunawa agad niya sa mga musmos ang pagpapahalaga
rito ay naipauunawa agad niya sa mga musmos ang Kahalagahan ng kalusugan gamit ang wikang
nauunawaan nila sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan.

Ilan sa mga pamagat ng mga nalikha niya kwento ay ang sumusunod.

a. May mga Lihim Kami ni Ingkong
b. Waaah! Nakagat Ako ng Aso
c. Ayan na si Bolet Bulate
d. Ngii! Ang Kati – Kati ng Ulo Ko.
e. Naku, ang Pula ng Mata Ko!
f. Aruy, May Bukbok ang Ngipin ni Ani
g. Ay! May Bukbok ang Ngipin ni Ani
h. KRAAK! Nabali ang Buto ni Fredie!
Estado ng Wikang Filipino sa mga nabanggit na Disiplina.
1. Filipino sa Humanidadaes. Binigyan - kahulugan ng College of Arts and Sciences ng
University of South Florida. Ang Humanidades bilang isang disiplinang nakatuon sa pag - aaral
tungkol sa sangkatauhan. Pangunahing layunin nito na suriin ang pundamental na Gawain ng tao
gamit ang pitong sining gaya ng pagpipinta, eskultura, aekitektura, musika, literature, pelikula at
teatro.
2, Filipino sa Agham Panlipunan. Taliwas sa larangang teknikal, hindi maikakailang malayo na
ang narrating ng wikang Filipino s Agham - Panlipunan, Sa katunayan, buhay na buhay ito sa pag
– aaral ng kasaysayan, Antropolohiya, Ekonomiks, Sosyolohiya, Sikolohiya, Pilosopiya at maging
sa Politika.
Dr. Emerita S. Quito - Sa DLSU - Manila, pinangunahan niya ang pagsasa- Filipino ng
pagtuturo ng Pilosopiya.

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

Dr. Florentino Timbreza - isang iskolar na nagtataguyod at naniniwala sa yaman at kakayahan

ng wikang Filipino bilang wika ng Pilosopiya.
3. Filipino sa Pamahayagan. Hindi maikakailang Malaki ang ginagampanan ng
pahayagan( pahayagan, telebisyon, radyo) sa bansa. Sa Katunayan, ito ang pangunahaing
intrumento upang makakuha ng mga impormasyon ang mga Pilipino sa mga nangyayari sa loob at
labas ng bansa – magmula sa mga isyung panlipunan, sakuna, hanggang sa mga balitang
nagbibigay aliw sa sambayanan. Sa pagpapakahulugan, ang pahayagan ay siang gawaing
kinapapalooban ng pangangarap ng impormasyon, pagsusulat, pag – eedit, paglilimbag at
pagsasahimpapawid ng mga balita sa pamamagitan ng radyo, telebisyo, pahalagan o magazine.
Saklaw nito ang tatlong Gawain gaya ng:
a. Pagsulat sa pahayagan at magazine
b. Pagsasalita na karaniwang nagaganap sa radyo sa pamamagitan ng pagbabalita at
c. Pampaningin na tumutukoy sa pagbabalita sa telebisyon, pagkokomentaryo, pagaanunsiyo at
iba pa.

III. Teaching and Learning Materials and Resources

Powerpoint Presentation

IV. Ebalwasyon
Kapanayamin ang isang propesora sa Matematika, Syensya, Medisina, Inhenyeriya,
Humanidades, Agham Panlipunan o sa iba pang larangang kaugnay ng mga nabanggit ukol sa
kanyang pagtuturo ng kanyang disiplina. Ituon ang panayam sa sumusunod
1. Wikang Panturo sa kanyang larangan.
2. Kalakasan sa paggamit ng wikang Filipino sa kanyang larangan
3. Kahinaan sa paggamit ng wikang Filipino sa kanyang larangan
4. Mga Suhestiyon upang mapalakas ang mga kahinaang nabatid sa panayam.

Paalala:
Online: Pangkatang Gawain: Iulat ang nakalap na impormasyon sa klase buhat sa ginawang
pakikipanayan. Gumawa ng Powepoint Presentation.

Offline: Matapos ang panayam, sumulat ng isang kritikal na sanaysay ukol sa mga impormasyong
nakalap.

V. Batayan sa Pagtuturo
Bernales, Rolando, Filipino sa Iba’t ibang Disiplina, Mutya Publishing House, Inc 2019

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

DETAILED LEARNING MODULE

Pamagat: Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos
Module No. 05__

I. Introduksyon:
Ang mga batis ng impormasyon o sanggunian ay makakategorya sa tatlo primary, sekondarya at
tersyarya. Ang hangganan ng bawat kategorya ay hindi gaanong malinaw, ngunit ang pagkilala sa
bawat isa ay makatutulong sa pangangalap ng impormasyon o datos.
Layunin ng Pagkatuto
Natutukoy ang mga Hanguan ng impormasyon o datos.

II. Paksa
Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos
Hanguan Primarya (Primary Sources) - ayon kay Mosura, et al. 1999
a. Mga indibidwal o awtoridad,
b. Mga grupo o organisasyon,c. Mga kinagawiang kaugalian,d. Mga pampublikong kasulatan o
dokumento,
Hanguang Sekundarya (Secondary Sources)
- ito naman ay ang mgaa. Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensayklopedia, taunang-ulat o
yearbook, almanac at atlas,b. Mga nalathalang artikulo sa journal, magasin, pahayagan at
newsletter,c. Mga tisis, disertasyon, at pag-aaral sa pisibility, nailathala man, ang mga ito o hindi
at,d. Mga monograp, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa.
Hanguang Elektroniko o Internet
Sa internet ay maaari ka ring magpadala ng liham-electroniko o e-mail sa alin mang panig
ngmundo. Samakatwid, mas mainam ito kumpara sa pagpapadala ng impormasyon
sapamamagitan ng koreo na aabutin ng ilang araw at sa pagpunta sa mga silid-aklatan sa
malalayong lugar o kaya’y pangangalap ng mga datos gamit ang telepono, maari ring makausap
ng mabilis ang ating nais na kausapin.
Gaano kahalaga ang impormasyong manggagaling sa internet? Ano-ano ang sukatan
ngkahalagahan nito?
a. Anong uri ng website ang iyong tinitingnan?
1. Ang web page Uniform Resource Locators (URLs) na nagtatapos sa .edu ay mula sainstitusyon
ng edukasyon o akademiko.

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

Halimbawa: www.gcic.edu 2.
2. Ang .org ay nangangahulugang mula sa isang organisasyon at ang .com ay mula sakomersyo o
bisnes.
Halimbawa: www.knightsofcolumbus.org
3. Ang .gov ay nangangahilugang mula sa institisyon o sangay ng pamahalaan.
Halimbawa: www.makaticity.gov
b. Sino ang may akda?
Mahalagang malaman kung sino ang may-akda ng isang impormasyon sa internet nang
sa gayo’y masuri kung ang informasyon ay wasto at kumpleto.

c.Ano ang layunin?

Alamin ang layunin ng may akda kung bakit naglunsad o naglabas ng website.
d.Paano inilahad ang impormasyon?
Ang teksto ba ay pang-advertising o opinyon lamang? Alamin din kung may bias atprejudice ang
teksto.
e. Makatotohanan ba ang teksto?
Alamin kung opisyal o dokyumented ang teksto. Pag-aralan kung ang pagkakasulat aymaayos o
kung wasto ang baybay at gramatika.
f. Ang impormasyon ba ay napapanahon?
Mainam kung ang impormasyon ay napapanahon. Marapat na nakalagay ang petsa
ngpinakahuling revisyon ng akda nang sa gayon ay malaman kung ang akda ay bago ohindi.
Pangangalap ng Impormasyon o Datos:
Tukuyin kung anong uri ng informasyon o datos ang kailangan gayundin ang klasifikasyon kung
saan maaaring matagpuan ito sa silid-aklatan.
Halimbawa:Tanong: Ano ang obsesyon?

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

May tatlong (3) yugto ng pananaliksik sa silid-aklatan.

Yugto 1: Panimulang Paghahanap
Panimulang paghahanap ng kard katalog, sangguniang aklat, bibliograpi, indeks at hanguang
elektroniko o internet.
Pansinin ang mga sumusunod na uri:
A) Kard ng Paksa C) Kard ng Pamagat
B) Kard ng Awtor

Yugto 2: Pagsusuri

Pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing, skimming at scanning ng mga aklat at artikulo at

ngpagpili ng citation mula sa mga babasahin.Gamitin ang mga sumusunod na gabay na tanong sa
pagsusuri ng mga nakalap na sanggunian:
A) Ano ang kaugnayan nito sa paksa?
B) Mapagkakatiwalaan ba ang may-akda at tagapag-lathala?
C) Makatotohanan ba ito?

Yugto 3: Pagbasa at Pagtala

Pagbabasa at pagtatala mula sa aklat, sanaysay,artikulo, computer prinouts at iba pang

sanggunian.

PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS

A. DISENYO AT METODO
Ipinapaliwanag ang disenyo o metodo sa pagsasagawa ng pananaliksik na maaaring palarawan,
historikal o kaya’y eksperimental.
B. POPULASYON AT LUGAR NG PANANALIKSIK
Naglalaman ng tiyak na bilang ng mga kasangkot sa pag-aaral, tiyak na lugar at anghangganan ng
kaniyang paksang tatalakayin sa pananaliksik pati na ang tiyak na panahongsakop ng pag-aaral.
C. KASANGKAPAN SA PANGANGALAP NG DATOS
Inilalahad ng mananaliksik ang mga detalye sa paraan ng pangongolekta ng datos
nakinakailangan o ginamit upang matugunan ang mga suliraning ipinapahayag sa pag-aaral.
Interbyu: Kahulugan, Layunin, at Kahalagahan
Ang interbyu ay isang uri ng pasalitang diskurso ng dalawang tao o ng isang pangkat at
isangindibidwal-interbyuwer at interbyuwi.
Layunin:Ang layunin ng interbyu ay makakuha ng mga mapanghahawakang mahalagang
impormasyonmula sa interbyuwi hinggil sa tiyak na paksa. Mangyari pa, upang maging mas

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

matibay angimpormasyon, kailangang maging maingat sa pagpili ng

interbyuwi.Kahalagahan:Isang napakamakabuluhang paraan ng pagkuha ng mga impormasyon na
magagamit sapagsulat ng papel pampananaliksik.
Pagpili ng Interbyuwi:
1) May malawak na kaalaman
2) Relayabol
3) Abeylabol
Ang Sarvey-Kwestyoneyr
Ayon kay Good (1963), ang kwestyoneyr o talatanungan ay listahan ng mga planado at pasulatna
tanong kaugnay ng isang tiyak na paksa, naglalaman ng mga espasyong pagsasagutan ngmga
respondente at inihanda para sagutan ng maraming respondente. Ang kwestyoneyr ayisang set ng
mga tanong na kapag nasagutan nang maayos ng kailangang bilang ng pinilingrespondente ay
magbibigay ng mga impormasyong kailangan upang makumpleto ang isangpananaliksik.
(Calderon at Gonzales, 1993).Ang kwestyoneyr ang pinakamabisa at pinakamadaling instrumento
ng sarbey.
Mga Tagubilin sa Paggawa ng Kwetyoneyr
Upang matiyak ang tagumpay sa pangangalap ng mga datos at impormasyon sa
pagsasarvey,iminumungkahi naming isaalang-alang at tupdin ang mga sumusunod na tagubilin sa
paggawang kwestyoneyr:
Ø Simulan ito sa isang talata ang magpapakilala sa mananaliksik, layunin ng
pagsasarvey,kahalagahan ng matapat at akyureyt na sagot ng mga respomdente, takdang-araw
nainaasahang maibabalik sa mananaliksik ang nasagutang kwestyoneyr, garantiya ng
anonimiti,pagpapasalamat, at iba pang makatutulong sa paghikayat sa respondente ng
koopersasyon.
Ø Tiyaking malinaw ang lahat ng panuto o direksyon.
Ø Tiyaking tama ang gramar ng lahat ng pahayag sa kwestyoneyr.
Ø Iwasan ang mga may-pagkiling na katanungan.
Ø Itala ang lahat ng posibleng sagot bilang mga pagpipilian.
Ø Tiyaking nauugnay ang lahat ng tanong sa paksa ng pananaliksik.
Ø Iayos ang mga tanong sa lojikal na pagkakasunod-sunod.
Ø Iwasan ang mga tanong na mangangailangan ng mga konfidensyal na sagot o mganakahihiyang
impormasyon.

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

Ø Ipaliwanag at bigyang-halimbawa ang mga mahihirap na tanong.

Ø Iayos ang mga espasyong pagsasagutan sa isang hanay lamang. Iminumungkahing ilagay iyon
sa kaliwa ng mga pagpipilian.
Ø Panatilihing anonimus ang mga respondente

III. Kagamitan sa Pagtuturo at Pagkatuto

Powerpoint Presentaion

IV. Ebalwasyon:
Tukuyin kung anong kategorya ng batis ng impormasyon o sanggunian ang inilalarawan ng
sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang titik na katumbas ng inyong sagot.
_________ 1. Sang mga aklat at artikulo sa ensayklopidya at mga publikasyong para sa
sirkulasyong pangmasa ay nabibilang sa kategoryang ito.
_________ 2. Ang mga datos mula sa hanguang ito ay magagamit at mapagkakatiwalaan katulad
ng kanilang mga nakalimabag na counterpart.
_________ 3. Ang mga hanguang ito ang pinagmumulan ng mga raw data upang masulit ang
haypotesis at masuportahan ang mga haka.
_________ 4. Ang mga hanguang ito ay kinapapalooban ng mga ulat pampananalikaik na
gumagamit ng mga datos mula sa mga hanguang primarya upang malutas ang mga suliraning
pampananaliksik.
_________ 5. Ang mga mananaliksik ay umaasa na ngayon sa internet upang makaakses ang mga
hanguang pang aklat, mga ulat ng pamahalaan at iba pang database, mga tekstong primarya mula
sa reputableng tagapaglathala, pahayagan, maging mga iskolarling dyornal na abeylabol online.
_________ 6. Binabasa ito ng mga mananaliksik upang hindi mapag - iwanan sa kani - kanilang
larangan at upang magamit ang mga datos na nabasa sa paraang pagpapatunay o kaya ay
pagpapabulaanan.
_________ 7. Kinapapalooban ito ng mga aklat at artikulo na lumalagom at nag - uulat tungkol sa
mga naumang hanguan para sa pangkalahatang mambabasa.
_________ 8. Kung gagamitin ng mga datos mula sa mga hanguang tersyarya upang suporatahan
ang isang iskolarling argumento, maaaring hindi mapanaligan ang mga mambabas ang
pananaliksik.
_________ 9. Sa kasaysayan, halimbawa, kinapaplooban ito ng mga dokumento mula sa panahon
o taong pinapaksa, mga bagay - bagay, mapa, maging kasuotan.

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

_________ 10. Sa mga unang yugto ng pananaliksik, maaaring gamitin ang mga hanguang ito
upang maging pamilyar sa paksa.
V. Batayan sa Pagtuturo:
https://www.academia.edu/35858045/Pangangalap_Ng_Datos

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

DETAILED LEARNING MODULE

Pamagat: Mga kasanayan ng Akademikong Pagsulat
Module No. 06_

I. Introduksyon:
Ang kasanayan sa Akademikong Pagsulat ay nakapagbibigay ng pagkakataong matukoy at lawak
ng larangang nais talakayin. Nakapagbibigay din ng pagkakataong makatukoy at makaisip ng mga
paksang nais saliksikin (areas of inquiry).

Layunin ng Pagkatuto
A. Makapagsasalin ng mga artikulo, pananaliksik atbp. Na makapag - aambag sa patuloy na
intelektwalisasyon ng wikang Filipino.
B. Natutukoy ang Iba’t ibang paraan ng pagkuha ng tala

II. Paksa
Paraan sa Pagtatala ng mga Datos
1. Ang Gamit ng Tala, Note Cards o Reference Cards
2. Salin
3. Sintesis
Sa pagtatala maaaring pumili ng ibat - ibang paraan ng pagkuha ng tala - paggawa ng buod,
tuwirang sipi, presi, hawig at pagsasalin sa ibang wika.

TUWIRANG SIPI
1.Pinakamadaling pagtatala
2. Kopyahin ang ideya sa kard
3. Ipaloob sa panipi ang sipi upang matandaan na ito ay tuwirang sipi
4. Tiyakin na wasto at hindi nagbabago sa proseso ng pagkopya.

Kasunod ng tuwirang sipi, madalas ding gamitin ang paggawa ng buod o summary sa pagkuha ng
tala, presi at hawig.

BUOD - isang uri ng pinaikling bersyon ng isang panulat

- taglay nito ang pangunahing ideya ng manunulat
- may bahagyang pagdedetalye upang mabigyan ng pangkalahay ang ideya ng
mambabasa.

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

PRESI
- tiyak na paglalahad ng mahahalagang ideya ng isang mahabang prosa o berso
- gamit ang sariling wika ng nagbabasa
- walang komentaryo o interpretasyon
- may parehong mood o punto de vista ng orihinal na akda
- higit na maikli sa orihinal na nang may 5% hanggang 40%
- kung gagamit ng aktwal na salita ng awtor ay kailanagang ipaloob ang mga ito sa panipi

Kagandahan ng paggamit ng Presi:

1.praktikal ang gamit nito sa pang-araw-araw
2. binibigyang pansin lamang nito ang mga tampok at mahalahgang ideya

Katangian ng mambabasa:
kasanayan sa kritikal na pagbasa
epektib na pagsulat ng pangungusap na tiyak at malinaw
1. Basahing mabuti ang akda upang matukoy ang sentral na ideya at maipaghiwalay ang mga
mahahalagang ideya at ang mga detalyeng maari nang isantabi
2. Basahin nang ilang ulit ang akda upang masundan ang ayos ng paglalahad at matukoy ang mga
ideyang binibigyang diin. Isulat ang mga salita at pariralang naglalaman ng mahahalagang ideya.
3. Isulat ang presi ayon sa mga talang ginawa. Gamitin ang sariling salita sa halip na ang salita ng
may-akda.
4. Ihambing ang iyong presi sa orihinal na akda.

HAWIG o PARAPHRASE
- paglalahad ng mga ideya gamit ang higit na payak na salita ng nagbabasa
- maaaring higit na mahaba sa orihinal na akda
- pinapanatili ang punto de vista at panauhan ng orihinal na akda

Ang paggawa ng hawig ay mahusay na pagsasanay sa pagbasa, pagpapayaman ng talasalitaan at

pagbuo ng mga pangungusap.
1. Basahin nang mabuti at maingat ang akda at unawain mabuti ang lahat ng ideya dito.
2. Gumawa ng hawig gamit ang iyong salita. Hindi dapat isama ang mga personal na palagay o
pananaw sa paggawa ng hawig.
3. Ihambing ang iyong hawing sa orihinal na akda. Gumawa ng rebisyon kung kinakailangan at
saka isulat ang iyong pinal na hawig.

SALIN
- Mahalaga ang pagsalin sapagkat hindi naman lahat ng mga sulatin ay naisulat sa Filipino.
- Napapanatili ang orihinal na ibig sabihin ng akda.
- Hanggang maaari, walang idinadagdag o ibinabawas sa isang salin.
- Ipinapanatili ang istruktura ng pangungusap.
- Kailangan gumamit ng tesauro o diksyunaryo upang mahanap ang mga salitang aakma sa
akda.

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

- Dapat mapanatili ang tono o mood ng akda.

SINTESIS
- Pagsusuma ng mga mahalagang paksang tinalakay sa isang akda.
- Madalas ilagay sa bandang huli ng akda upang mabuhol ang pangunahing puntong
pinatunayan sa isang akda.

III. Kagamitan sa Pagtuturo at Pagkatuto

Powerpoint Presentaion

IV. Ebalwasyon
Basahin ang maikling talata at pagkatapos gawan ito ang ibat - ibang paraan ng pagkuha ng tala.
Katulad ng presi, hawig at salin. Ilapat ang natutunan sa modyul na ito.
Si Severino Reyes, dakilang dramatista. Sa kanyang artikulong “Ang Dulang Tagalog” ang isa
sa una, kung hindi man unang, nakapansin sa kaibhan ng lugar na pinagtatanghalan, batay sa
lugar na pinagsasagawaan nito. Ayon kay Reyes, “Ang duplo ay tinatawag kong kakambal ng
sining ng moro - moro pagkat may malaking kaugnayan ang dalawa lamang ay hindi
itinatanghal ang duplo. Ito ay dinaraos lamang sa looban o sa kamaligan lamang ginagawa.
Walang kasuotan, walang tiyak na kilos - sining pagkat lahat ay malayang lumahok.” Ginamit
ni Reyes ang pag - iiba batay sa kosepto ng pagtatanghal o “tanghal” at pagdaraos o “daos” sa
pagkakataong ito. Ang paghahating ito ay kumilala sa pagpapahalagang nakakabit sa dula batay
sa lugar o espasyo ng pagsasadula, kung saan ito ginaganap at ang mga kaakibat na proseso at
salik sa kabuuang larawan ng pagsasadulang ito. Ang konsepto ng “tanghal” at “daos” ay
napagtatakda rin ng mga katangiang padula tulad ng kasuotan, kagamitang ginagamit, ang
proseso sa paglikha nito, ang antas ng partisipasyon ng mga komunidad, kung sa pagiging atista
(Kilos - sining) o sa pagiging manonood at ang kabuung dinamiko ng pakikilahok n g madla
rito bilang isang pangyayarving
“itinatanghal” o “idinaraos lamang”.

Presi:

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

Madalas, natatagpuan ang bigas sa mga anyong pandula na isinasagawa ng mga mamamayang
may tuwirang ugnayan sa paglinang nito. Ang mga awitin at ritwal na isinasagawa upang
matiyak ang mabuting ani ay gumagamit ng mga palay na may nakakabit pang bigas bilang
kasangkapan sa pagsasagawa ng ritwal. Halimbawa nito ang ritwal na pandiwata ng mga
tagbanua. Ang babaylan na nangunguna sa ritwal ay may hawak na mga tangkay ng palay
bilang pahingi ng masaganang ani at mabuting biyaya sa mga mamamayan. Nakasabit din sa
loob ng bahay ng babaylan ang mga sasa ng niyog. Nakaayos sa isang maliliit na bangkang
gawa sa kahoy ang mga sumusunod na alay.: mga plato ng bigas, kakaning gawa sa bigas,
alahas, nganga, luya, at sibuyas. Kasama ng mga alay na ito na ito ang alak na gawa sa bigas na
pinaniniwalaang gusting - gusting ng mga ispirito nais nilang tawagan sa ritwal na ito. Ang mga
bigas, kakanin at alak na gawa sa bigas (basi) ay bahagi ng mga iniaalay ng babaylan sa isang
sayaw na umabot sa tila pagsapi ng mga ispiritu sa kanya.

Hawig:

Built in Manila of wood and nipa, roofed with corrugated iron or thatch and in provinces,
entirely of nipa, the theater is an eyesore. The average provincial playhouse is arranged like a
circus tent, tiers of wooden seats which rise without backs from the pit. The house is barn like
structure, usually set in a heavy bay of banana or long fronded palms ang sealed inside with the
squali (sawali) whitewashed. The place is on the whole filthy, with colonies of ants, all colors
and sizes and degrees of ferocity, fly creep and crawl everywhere; huge cockroaches quaker
and tiger fly and gnaw like rats; lizards, green, gray and black and sometimes striped, live on
walls and posts,
Gliding with inconceivable rapidly after the festive roaches and moth, with a joyful song.

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

Salin:

V. Batayan sa Pagtuturo
https://prezi.com/otr9qmpa6pzm/filipino-report/

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

DETAILED LEARNING MODULE

Pamagat: Pagpili at Paglimita ng Paksa
Module No. 07

I. Introduksyon:
Ang pananaliksik ay isang mahalagang gawain na hindi maiiwasan ng mga mag-aaral. Karaniwan
na ang pagpapagawa ng mga pamanahong papel sa iba’t ibang asignatura bilang isa sa
pangangailangang akademik. Ang mga hanguan ay makakatulong upang mapalawak, mapadali at
maisakatuparan ang gawaing pagsulat.
Layunin ng Pagkatuto
Natutukoy ang hanguan ng paksang pampananaliksik
Naiisa - isa ang mga pagpili ng paksang pampananaliksik at mga batayan sa paglilimita ng paksa.

II. Paksa
Ilan sa mga maaaring paghanguan ng paksang pampananaliksik at ang sumusunod.
1. Sarili. Maaaring humango ng paksa sa mga sariling karanasan, mga nabasa, napakinggan,
napag - aralan at natutunan. Nangangahulugan ito na maaaring simulan sa sarili ang pag - iisip ng
mga paksang napagpipilian.
2. Dyaryo at Magasin. Maaaring paghanguan ng paksa ang mga napapanahong isyu sa mga
pangmukhang pahina ng mga dyaryo at magasin o mga kolum, liham sa editor at iba pang
seksyon ng mga dyaryo at magasin tulad ng lokal na balita, bisnes, entertainment at isports.
3. Radyo, TV at Cable TV. Maaaring uri ng programa sa radyo at tv ang mapagkukunan ng
paksa. Mas maraming programa sa cable dahil 24 na oras na balita, isports at mga programang
edukasyonal.
4. Mga Awtoritidad, Kaibigan at Guro. Sa pamamagitan ng pagtatanong sa ibang tao, maaaring
makakuha ng mga ideya upang mapaghanguan ng paksang pampananaliksik.
5. Interest. Isa ito sa pinakamadali, mabilis, malawak at sofistikadong paraan ng paghahanap ng
paksa.
6. Aklatan - Bagamat tradisyunal na hanguan ito ng paksa, hindi pa rin mapasusubalian ang
yaman ng mga paksang maaring mahango sa aklatan. Dito matatagpuan ang ibat - ibang paksang
nauugnay sa anumang larangang pang akademya.

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

Ilang Konsiderasyon din ang dapat isaalang alang sa pagpili ng paksang pampananaliksik
gaya ng sumusunod.
1. Kasapatan ng Datos. Kailangang may sapat nang literatura hinggil sa paksang pipiliin.
Magiging labis na limitado ang saklaw ng pananaliksik kung mangilan - ngilan pa lamang ang
mga aveylabol na datos hinggil doon.
2. Limitasyon ng Panahon, Magiging konsiderasyon sa pagpili ng paksa ang limitasyong ito.
May mga paksa na mangangangilangan ng mahabang panahon, higit pa sa isang semester upang
maisakatuparan.
3. Kakayahang Pinansyal. Isa pang programa ito sa pagpili ng paksa. May mga paksang
mangangailangan ng malaking gastusin, na kung titipirin ay maaaring maisakripisyo ang kalidad
ng pananaliksik. Kailangang pumili ng paksang naaayon sa kakayahang pinansyal ng
mananaliksik.
4. Kabuluhan ng Paksa. Ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang walang kabuluhan
ay humahantong sa isang pananaliksik na wala ring kabuluhan.
5. Interes ng Mananaliksik. Magiging madali para sa isang mananaliksik ang pangangalap ng
mga datos kung ang paksa niya ay naayon sa kanyang kawilihan o interes.
Maaaring gamitinng Batayan sa Paglilimita ng paksa ang mga sumusunod.
1. Panahon 6. Propesyon o Grupong Kinabibilangan
2. Edad 7. Anyo o uri
3. Kasarian 8. Partikular na halimabawa o kaso
4. Perspektiba 9. Kumbinasyon ng dalawa o higit pang batayan
5. Lugar

Pansinin kung paano nilimita ang ibat - ibang paksa ayon sa mga nabanggit na batayan.
Batayan ng Paglilimita Pangkalahatang Paksa Nilimitang Paksa
a. Panahon Karapatan ng mga kababaihan Karapatan ng mga kababaihan
sa Panahon ng Komonwelt
b. Edad Mga Imbentor na Pilipino at Mga Batang Imbentor na
ang Hinaharap ng teknolohiya Pilipino (Edad 13 - 17) at ang
sa Pilipinas Hinaharap ng teknolohiya sa
Pilipinas
c. Kasarian Ang mga NGO bilang Ang Papel ng mga
Tagapuno ng kakulangan sa kababaihan sa NGO Bilang
Serbisyo mg Pamahalaan Tagapuno ng kakulangan sa
serbisyo ng pamahalaan
Perspektibo Epekto ng Globalisasayon sa Epekto ng Globalisasyon sa
lipunanng Pilipino ispiritwal na Pamumuhay ng

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

mga Pilipino.
Lugar Mga naiibang tradisyong Mga naiibang tradisyong
pangkapistahan sa pangkapistahan sa malolos
katagalugan
Propesyon o Grupong Pag - aaral ng wika ng mga Pag - aaral ng wika ng mga
kinabibilangan bakla baklang parlorista
Anyo o uri Persepsyon sa kababaihan sa Persepyon sa larangan ng
larangan ng panitikang Panulaang Ilokano
Ilokano
Partikular na Halimbawa o Epektong pangkapaligiran ng Epektibong Pangkapaligiran
Kaso Turismo sa PILIPINAS sa mga Beach Resorts sa
Pilipinas: kaso ng Puerto
Galera
Kombinasyon Atityud ng mga estudyante sa 1. Preperensya ng mga
1. Perspektiba mga programng kultura estudyante
2. Uri 2. Preperensya ng mga
3. Lugar estudyanteng nasa unang taon
4. Anyo 2. Preperensya ng mga
estudyanteng nasa unang taon
3. Preperensya ng mga
estudyanteng nasa unang taon
sa unibersidad ng Makati
4. Preperensya ng mga
estudyanteng nasa unang taon
sa unibersidad ng Makati sa
mga dulang panteatro sa
kampus.

III. Kagamitan sa Pagtuturo at Pagkatuto

Powerpoint Presentaion

IV. Ebalwasyon:
Ilimita ang mga sumusunod na paksa upang makapagdesenyo ng isang mahusay na pamagat
pampananaliksik. Isulat ang inyong sagot sa mga patlang na kasunod ng bawat aytem.
1. Brain Drain at Epekto nito sa larangan ng Syensya at Teknolohiya sa bansa.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

2. Preperensya ng mga kabataan sa Pag - inom ng alak.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Ang Kulturang Muslim at kanilang mg paniniwala.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Pag - aangkop ng mga taga Bikol sa Teknolohiya.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________
5. Pagtutol ng mga Mamamayan sa relokasyon
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________
6. Epekto ng ekonomiya ng mga Urban Development Project
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
7. Epekto ng Pedophilia sa mga Biktima
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
8. Preperensiya ng mga Estudyante ng panonood ng pelikula.

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
9. Mga Paraan ng Pamamahala Tauhan ng kompanyang Industriya.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
10. Pananaw sa Pag -aasawa ng mga Pari.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
V. Batayan sa Pagtuturo:
Bernales, Rolando, Filipino sa Iba’t ibang Disiplina, Mutya Publishing House, Inc 2019

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

DETAILED LEARNING MODULE

Pamagat: Pagbabalangkas at Pagbuo ng Konseptong Papel
Module No. 08___

I. Introduksyon:
Ang Pagbabalangkas ay pagbuo ng sistematikong paghahanay ng mga ideya upang malinaw ang
kanilang ugnayan. Madalas itong tukuyin bilang gulugod ng isang papel sapagkat nasasalamin sa
isang mahusay na papel ang masinop at masinsing pagbabalangkas ng mga ideya.
At sa konseptong papel ay nakasaad ang pangkalahatang balak sa isasagawang pananaliksik.
Nakalahad din dito ang pangkalahatang larangan ng paksaing nais talakayin, ang tulak o rasyonal
ng papel na nais isagawa, ang layuning nais tugunan ng pagtalakay, ang pamamaraan o
metodolohiya ng pagsisiyasat nais isagawa, ang inaasahang maging resulta ng isasagawang
pananaliksik at panimulang sarbey ng sanggunian at kaugnay na pag - aaral. Maikli lamang ito,
maaaring dalawa hanggang tatlong pahina lamang.
Layunin ng Pagkatuto

Nakagagawa ng balangkas hinggil sa anumang paksa na may mga katangian.

Naiisa isa ang mga uri ng Balangkas
Natutukoy ang mga bahag I ng konseptong papel.

II. Paksa

Pagbabalangkas

Ang pagbabalangkas ay pagbuo ng sistematikong paghahanay ng mga ideya upang malinaw ang
kanilang ugnayan. Madalas itong tukuyin bilang guligod ng isang papel sapagkat nasasalamin sa
isang mahusay ang masinop at masinsing pagbabalangkas ng mga ideya.

Maaaring makilala sa ganitong anyo.

Pamagat ng Pananaliksik/Papel I. Panimula

Punong ideya o Panimulang Haka A. Panukalang Pahayag
Balangkas: B. Paglalahad ng Suliranin
I. (Unang Ulo ng Balangkas) C. Kabuluhan ng Pananaliksik
a. Suportang Idehya D. Layunin ng Pananaliksik
1. (Kaugnay na ideya) E. Saklaw at Delimitasyon
2. (Kaugnay na Ideya) F. Metodolohiya
b. Suporatang detalye II. Kahulugan ng mga Katawagan
1. kaugnay na ideya III. Katawan

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

2. kaugnaya na ideya A. Intoduksyon sa Negosyo

II. Pangalawang Ulo ng Balangkas B. Kasaysayan ng pagnenegosyo sa Pilipinas
a. Suportang ideya C. Datos/Buhay ng mga negosyanteng Tsino
1. Kaugnay na ideya 1. Unang kapanayam
2. Kaugnay na ideya 2. Ikalawang kapanayam
b. Suportang Ideya D. Datos/Buhay ng mga negosyanteng
1. Kaugnay na ideya Pilipino
2. Kaugnay na ideya 1. Unang kapanayam
2. Ikalawang kapanayam
3. Ikatlong kapanayam
IV.Pagtalakay at Pagsusuri ng
Resulta/Panayam
V. Konklusyon

Ang ulo ng balangkas ay tumutukoy sa pinakamalawak na konsepto sa pananaliksik.. Sa

pangkalahatan., itinutukoy itong introduksyon, katawanng pael at pagkatapos/konklusyon ng
pananaliksik.
Tatlong Uri ng Balangkas
1. Balangkas na Talata - ay paghahanay nang isa – isang mga deya. Iniisa -isa lamang ang mga
ideya at walang gasinong pansing ibibigay sa ugnayan at isang ifdeya sa kasunod pa.
2. Balangkas na Paksa - ay gumagamit ng karaniwang anyo ng balangkas na nagpapakita ng
antas at suson na ugnayan ng mga ideya. Makikilala ito ito sa gamit ng mga salita o parirala sa
paghahanay ng mga datos at konsepto.
3. Balangkas na Pangungusap - ay gumagamit ng buong pangungusap sa paghahanay ng mga
datos at konsepto sa balangkas. Maaaring gumamit ng pangungusap na pasalaysay, kun g tiyak na
ang datos na ilalagay o di kaya ay pangungusap na patanong, kung nasa pa lamang ng pagbuo ng
mga datos nan ais kalapin.
Ang Konseptong Papel ay tinatawag ding prospektus, panimulang pag - aarl o panukalang
pananaliksik. Ipinapaliwanag, nililinaw at inoorganisa rito ang mga ideya sa pagsulat.
Pangunahing bahagi:
1. Tiyak na Paksa - Isa sa mga tinitiyak sa pagbubuo ng akademikong papel ay ang pagpili at
pagtiyak ng paksa o larangan ng pagsisiyasat na nais isagawa.
2. Rasyunal - Sa pagtitiyak ng mga paksang nais talakayin at sa larangang kinabibilangan ng
paksaing nais siyasatin, mangyayaring maihanay ang mga motibasyon at inspirasyong nagtulak sa
pagtatangi ng napiling paksain. Ang dahilan sa pagpili sa paksang pag-aaralan ang nakapaloob sa
bahaging ito. Tinatalakay na rin dito ang magiging esensya ng pag-aaral sa mga tao, grupo o
institusyong pinatutungkulan nito.

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

3. Layunin - ang pagtukoy ng layunin ng pagsisiyasat ay maaaring maihayag sa pamamagitan ng

isang katanungang nagbubukas ng pinto ng pagsisiyasat. Dito nakatala ang mga hangarin ng
mananaliksik sa pagsasagawa ng isang partikular na pag-aaral.
4. Panimulang Haka
Pagbuo ng panimulang tugon sa suliraning nais tuntunin Hindi dapat na maging tiyak sapagkat ito
ay pagtantiya lamang sa posibleng kahihinatnan ng pagsisiyasat at pananaliksik.
5. Sarbey ng mga Sanggunian
Ang panimulang sarbey ng sanggunian o kaugnay na pag-aaral ay listahang bibliyograpikal ng
mga pag-aaral na makatutulong sa pagpapahusay ng pagsisiyasat. Ito ay bahagi ng pagtitiyak na
ang isasagawang pag-aaral at pananaliksik ay nagmumula sa mga nagawa nang pananaliksik at
nakabatay sa mga kaalamang lalong pagyayamanin ng isasagawang pagsisiyasat at pananaliksik.
6. Metodo o Pamamaraan ng Pananaliksik
a pangkalahatan, maaaring uriin ang mga metodo sa ilang pangunahing pamamaraang ginagamit–
ang pananaliksik sa mga aklatan at arkibya, pagsasagawa ng field work, pag-eeksperimento sa
laboratoryo o sa isang kontroladong espasyo. Inilalahad sa bahaging ito ang mga pamamaraan sa
pangangalap ng datos o kung paano bubuuin ang isang pag-aaral.
III. Kagamitan sa Pagtuturo at Pagkatuto
Powerpoint Presentation
IV. Ebalwasyon
A. Gumawa ng Balangkas hinggil sa anumang paksa na may mga sumusunod na katangian.
a. Paksang Balangkas
b. May dalawang ulo ng balangakas
c. May tigdalawang suportang ideya bawat ulo ng balangaks.
d. May hindi kukulangin sa dalawang kaugnay na ideya bawat suportang ideya.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________

B. Bumuo ng konseptong papel na pananaliksik na nais gawin. Gawing gabay ang natutunan.
(Pangkatang Gawain)

______________________________________________________________________________-

https://www.academia.edu/31543594/Pagbuo_ng_Konseptong_Papel

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

Pamagat: Mga Batayang kaalaman sa Metodolohiya sa Pananaliksik-Panlipunan

Module No. 9____

I. Introduksyon:
Mahalaga ang pagsasagawa ng mga pananaliksik - panlipunan upang lalong mapalalim ang pag -
unawa sa lakagayan ng isang komunidad, bayan o bansa. Kung mayroong mga masusing
pananaliksik na naisasagawa ukol sa kalagayan o katayuan ng bansa sa ibat - ibang aspektong
panlipunan tulad ng ekonomiya, politika, mga polisya, kultura, paggamit ng wika at iba pa. Kung
kaya sa pagsasakatuparan ng mga pananaliksik na ito, mahalagang malaman ang ibat - ibang mga
metodolohiya upang angkop na mailapat ang at least isa sa nais na isagawang pag - aaral.
Layunin ng Pagkatuto

A. Maisaalang - alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pagsasagawa ng

pananaliksik.
B. Malilinang ang adhikaing makibahagi sa pagbabagong panlipunan

II. Paksa

A. Mga Pangunahing metodo sa Pananaliksik-Panlipunan.

1. Etnograpiya- sa pamamaraan ng pananaliksik na ito, ang mananaliksik o etnographer ay

nakikipamuhay sa mismong komunidad na kanyang sinasaliksik.

• Schwandt (2015; sa Ravitch at Carl, 2016) - pinag-uugnay ng etnograpiya ang mga proseso at
produkto kasama ng mga fieldwork at sulat na teksto.

Fieldwork - ito ay isang proseso ng pagkilala ng etnographer sa isang kultura at ito ay

isinasagawa sa pamamagitan ng pakikipamuhay at obserbasyon sa mga kasangkot sa pag-aaral.

• Etnograpiko- pagsasabuhay sa kultura.

• Naglalayong punahin ang mga di binibigyang pansin o pinagwawalang bahalang konsepto at

asumpsyong sosyal,ekonomiko, politikal, kultural at iba pa.

Naval et al. (2010) ang etnograpiya ay nakabatay sa isang ekstensibo at detalyadong

paglalarawan ng mga pangyayari.

• Ang ganitong uri ng pananaliksik ay maaring gawin, halimbawa sa pag-aaral ng mga tunog ng
wika, pag-aaral sa katutubong tradisyong medikal ng dumagat at pag-aaral ng pamumuhay ng
mga maralitang taga-lungsod.

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

2. Kuwentong-Buhay - kilalarin sa tawag na narrative inquiry at maaring tumukoy sa

espesipikong metodo ma ginagamit sa imbestigasyon ng isang penomenon.

Schwandt (2015) - ang narrative inquiry ay kinasasangkutan ng interdisiplinaryong pag-aaral ng

mga gawaing tulad ng pagbuo at pag-analisa ng karanasan sa buhay ng tao, at kalaunay paguulat
sa mga ito.

• Naniniwala sina Connelly at Clandinin (1990) na ang tao ay likas na mananalaysay at ang bawat
isa ay may personal o panlipunang karanasan sa buhay.

• Sa pagsusuri ng kuwentongbuhay, maaring hanguin ang mga impormasyon mula sa kasaysayan

ng buhay, naratibong panayam, journal, diaries, momoirs, awtobiograpiya, o biograpiya ng
indibidwal.

3. Eksperimentasyon - proseso ng pag-aaral ng dalawang baryabol. - Ang bisa ay kontrolado o

pinanatiling konstant at ang isa naman ay nilalapatan ng interbensyon.

• Ang manipuladong baryabol ay tinatawag ding eksperimental na grupo na nilalapatan ng

kaukulang tritment para tingnan ang pagkakaiba nito sa kontroladong grupo.

Naglahad sina Naval,et al.(2010) ng yugto sa pagsasagawa nito

• Pagtukoy sa isyu o suliranin • pormulasyon ng haypotesis, pagpapakahulugan sa termino at

baryabol.

• pagpili sa grupong eksperimental • pagbuo sa isang planong eksperimento. • pagsasakatuparan

sa eksperimento.

4. Aral-kaso - ang case study ay isang metodo sa pananaliksik na mailalarawan sa pamamagitan

ng pag-aaral ng isang napaanahong kaso o mga kaso ng tunay na buhay.

Limitado ang kaso sa mga salik tulad ng lugar at oras ( Yin, 2009).

• Ayon kay Stake (1995) - ang isang mag-aaral ay maituturing na kaso. Ang guro ay isa ring kaso
subalit ang pagtuturo ng guro ay di nagtataglay ng tinatawag niyang specificity para maituring na
isang kaso.

• Sa pagsasagawa ng isang case study, maaring humango ng mga datos mula sa tuwirang
obserbasyon, interbyu, dokumento, artifacts at iba pa (Yin (2009).

5. Action Research - binigyang kahulugan ito ni Stinger (2014) sa kanyang aklat na Action
Research bilang isang sistematikong pag-iimbestiga upang makahanap ng solusyon sa mga
suliraning kinakaharap sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao.

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

• Kadalasan lokalisado ang setting at espesiko ang sitwasyon na ginagawan ng action research.

• Itinala nina Kemmis at McYoggart (1992) ang mga yugto sa pagsasagawa ng actio research.
Kinabibilangan ito ng pagpaplano, implementasyon, obserbasyon at pagkumuni.

A. Pagpaplano - sa yugtong ito tinatanong ng mga mananaliksik sa kanilang sarili kung ano ang
realidad ng kalagayan ng tiyak na lunan na pinag-aaralan at mula sa pagtatanong sa tiyak na
estado ng isang isyu o suliranin.

B. Implementasyon -sa yugtong ito susubukan ang nabuong plano. Sinisikap na sagutin ang
planong isasakatuparan ang mga tinutukoy na suliranin sa yugto ng pagpaplano.

C. Obserbasyon -Habang isinasakatuparan ang plano ay tinitipon ang mga mahahalagang datos
pamamagitan ng observasyon upang makita kung saan mahinan o kung saan malakas o epektibo
ang haing solusyon.

D. Pagmumuni - nasasangkot ng yugtong ito sa pag-analisa at pagmumuni sa mga pangyayari sa

implementasyon batay sa mga nakalap na datos sa obserbasyon.

6. Pagmamapa -ang mapping ay isang rebyu, hindi ng mga resulta tulad ng rebyu sa mga
kaugnay na literatura, kung hindi ng mga pagkkaugnay-ugnay o linkages.

• Tinitingnan sa proseso ng pagmamapa ang pagtukoy sa kung saan ang lokasyon ng pagaaral,
kailan ito isinagawa, o kung ano ang pokus ng pag-aaral ( Cooper, 2016).

• Ang pagmamapa ay maaring isagawa sa halos lahat ng paksang nais pag-aralan tulad ng kultura,
ekomomiya, politika, edulasyon at iba pa.

III. Kagamitan sa Pagtuturo at Pagkatuto

Powerpoint Presentation
IV. Ebalwasyon

A. Punan ang kasunod na talahanayan ang mga hinihinging impormasyon,

Aling suliraning lokal o nasyonal o aspektong
panlipuan ang nais mong/ ninyong gawan ng
pananaliksik?
Ano - ano ang mga posibleng tanong na nais
mong/ninyong masagot sa pananaliksik
tungkol sa suliranin o aspektong panlipunang
iyon?
Aling Metodo sa pananaliksik - panlipunan
ang sa palagay mo/ ninyo ay naaangkop sa
suliranin o aspektong panlipunang nais

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

mong/ninyong saliksikin? Ipaliwanag ang

iyong/inyong sagot?
Aling pamamaraan ang pagtitipin ng datos ang
sa palagay mo/ninyo ay akma sa napili mong
metodo at sa iyong/inyong paksa? Ipaliwanag
kung paano mo/ninyo binabalak isagawa ang
pamamaraang napili.
Aling pamamaraan din sa pagsusuri ng datos
ang sa palagay mo/ninyo ay akma sa napiling
paksa? Ipaliwanag kung paano/ ninyo binalak
isagawa ang pamamaraang napili

V. Batayan sa Pagtuturo:
https://doku.pub/documents/mga-batayang-kaalaman-sa-metodolohiya-sa-pananaliksik-
panlipunan-z0xj7grm7gln

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

Pamagat: Pamamaraan sa Pagtitipon ng Datos

Module No. 10___

I. Introduksyon:
Sa bawat uri ng pananaliksik ay nangangailangan ng naaangkop na datos upang makamit ang
layunin ng mga ito. At upang makuha ang kinakailangang datos, ang mananaliksik ay
nangangailangang gumamit ng tamang metodo. Nakadepende sa layunin ng isang pananaliksik.
Maaaring ang datos na kinakailangan mo ay iyong nagsasalaysay o naglalarawan o pareho.
Layunin ng Pagkatuto

Natutukoy ang mga pamamaraan sa pagtitipon ng datos

Magsaliksik at pumili ng dalawang pananaliksik na matatagpuan sa aklat o internet

II. Paksa
Pamamaraan sa Pagtitipon ng Datos

1. Video Documentation - ito ay isang paraan para makaptyur at maiimbak ang mga
mahahalgang pangyayari sa proseso ng pananaliksik. Maaring gawing tuluyan o segmental ang
video documentation.

• Tuluyang video documentation tuloy-tuloy na pagkuha ng bidyo ng isang pangyayari. •

Segmental naman ang tawag sa dokumentasyon ng mga maikling bahagi at kalauna'y makakabuo
ng isang mahusay na istorya.

• Ang video documentation, katulad ng audio recording ay isang mainam na teknolohiya upang
maitala ang mga mahahalagang pangyayaring mahirap makaptyur gamit ang ibang pamamaraan.

• Hindi lamang sa mga interbyu at focus group discussion maaring gamitin ito. Ginagamit din ang
video sa etnograpiya, action research, eksperimental na pananaliksik at iba pa.

2. Literature Review - ang pagsusuri sa mga kaugnay na literatura at pag-aaralay tumutukoy sa

pamamaraan ng paghahanap ng mga nasusulat o nakatalang impormasyon na may kinalaman sa
nais gawing pagaaral at pagsusuri.

• Sa pagpili mg mga literaturang susuriin, mahalagamg isaalangalang ang kalidad kaysa sa

kantitad.

• Sa pagsusuri sa mga ito, maaring gawin ang pagsusuri batay sa tatlong pamamaraan: Historikal,
Lokalidad at Tematik.

a. Historikal - sa paraang ito, inaaral at inilalaad ng mg nabasang literatura batay sa timeline o

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

panahon ng pagkakagawa ng mga ito. Ginagamit ito upang ipakita ang debelopment ng paksa.

b. Lokalidad - sa pamamaraang ito sinusuri ang mga sanggunian at ipinaghihiwalay ito batay sa
lokasyon ng pag-aaral. -hinahati ito sa literaturang lokal at literaturang banyaga.

c. Tematik - bumubuo ng mga kategorya at sa ilalim ng mga kategoryang ito tatalakayin ang mga
impormasyong nakuha sa mga sanggunian.

3. Interbyu - ang pakikipanayam sa isahang pakikipag-usap ng mananaliksik sa kaniyang

impormante upang kumalap ng mga mahahalagang impormasyon na ipinapalagay ng
mananaliksik na pinakamahusay na maibibigay ng napiling impormante.

Sabi nga nina Holstein at Gobrium (1995) -ito ay isang interaksyong panlilunan sa pagitan ng
tagapanayam ( interviewer) at kinakapanayam ( interviewee) na kapwa nagbibigay- kontribusyon
sa proseso ng paglikha ng mga kuwento at kahulugan.

• Kapag magsasagawa ng isang interbyu mahalagang isaalangalang ang ilang mahahalagang

konsiderasyon:

A. Experience and behavior questions - nakataya rin sa mga nagawa na ginawa o gagawin pa
lamang ng kinakapanayam.

B. Opinion and values question - mga katanungang nakapokus sa pananaw at paniniwala ng

kinakapanayam ukol sa isang paksa, karanasan, penomenon, kaganapan, at kung paano niya
pinapahalagahan ito.

C. Feelings question - tinutuong sa kasalukuyang pakiramdam sa isang karanasan ng

kinakapanayam.

D. Knowledge question - mga katanungang humahango ng mga impormasyon at kaalamang

taglay ng kinakapanayam ukol sa paksang pinag-aaralan.

E. Background/Demographic questions - mga katanungang sinasagot ng lokasyong, identidad

at iba pa.

4. Focus Group discussion (FGD) - ito ay isang pamamaraan ng elisitasyon ng mahahalagang

impormasyon, partikular ang pananaw at imbak na karunungan, ng mga piling indibidwal na may
kaugnayan sa pag-aaral.

• Ginagamit ang FGD upang masuri kung paano nabubuo, nadedebelob, at umiiral ang isang
ideya o kaalaman sa loob ng isang kontekstong kultural o panlipunan.

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

• Sa pamamagitan ng FGD, nakalilikha ng tinatawag na group think (nagaganap kung ang isang
indibidwal na kalahok ay nagbubukas ng isang paksa at mula rito pinagtutuunan ng grupo ang
paksang ito upang makabuo ng kolektibong pang-unawa sa nasabing paksa).

Upang maging epektibo ang focus group discussion, maaaring isaalang-alang ang ilang panukala
nina Ravitch at Carl (2016) sa pagsasagawa nito.

• Limitahan ang bilang sa apat hanggang anim upang mabigyang pagkakaton ang lahat sa
pakikibahagi.

• Piliing mabuti ang mga kasapi ng FGD sa pamamagitan ng pagtiyak na makapag-aambag sila sa
pagtitipon ng mga datos upang masagot ang mga katanungan sa pag-aaral.

• Magtalaga ng notetaker upang makapagkonsentreyt sa pag facilitate ng focus group discussion.

Mahalaga rin na may digital recording sa pahintulot ng mga kasangkot na indibidwal.

• Linawin ng ground rules sa simula pa lamang at ilahad ang panuntunan sa pagbibigaypanahon sa

bawat isa upang malayang lahat ang kasali sa FGD.

• I-engaged ang lahat at lumikha ng pagkakataong makibahagi ang bawat isa.

• Sa pagtatanong simulan sa mga di-gaanong kontrobersyal patungo sa mga higit na kontrobersyal

na isyu. Sikaping papataas ang intensidad ng mga katanungan.

• Dapat malinaw ang mga aspektong nais palitawin at malaman nang sa gayon ay mapagtutuunan
ito ng pansin sa proseso ng FGD.

• Tiyaking laging isaalang-alang ang etika at ang panuntunan sa confidentiality ng mga

impormasyon at identidad ng mga kalahok.

5. Obserbasyon at Participant Observation Ang obserbasyon ay isang proseso ng pagmamasid

at pagtatala ng mananaliksik sa kanyang mga nasaksihan sa loob ng isang partikular na lugar,
pangyayari, kaganapan, o sitwasyon.

Sa obserbasyon, may nakahanda nang observation sheet na siyang gabay ng mananaliksik sa mga
tiyak na aspektong bibigyang tuon sa kanang pagmamasid.

Ang prosesong ito ay tinatawag na passive, sapagkat limitado lamang ang interaksyon ng
obserber sa kontekstong ping-aaralan.

Participant observation - Ito ay tumutukoy sa isang uri ng pagmamasid na nakikisalamuha o

kasali sa mismong pag-aaral ang tagamasid o obserber.

Nagbigay sina Hammersiey at Atkinson (2007) ng mga dapat tandaan ng mananaliksik sa

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

paggawa ng participant observation

Ayon sa kanila marapat tandaan ng mananaliksik na:

a. Hanapin ang mga mahahalagang datos na may kaugnayan sa sentral na diwa ng paksang pinag-
aaralan ngunit dapat nakabase sa mga umiiral na prinsipyo at teorya;
b. Maingat na itala ang mga kilos at ugnayang angkop sa konteksto kasama na ang mga hindi
gaanong pansin na datos kung walang pokus at intensyonal na obserbasyon; at

c. Patuloy na bantayan ang sarili sa pagmamasid upang maiwasan ang ano mang uri ng personal
biases at prejudices.

6. Archival Reseach - Ito ay ang pinakaunang paraan ng pagkalap ng impormasyon para sa mga
isinasagawang pananaliksik.

• Kasama sa mga arkibyang sanggunian ang mga manuskrito, dokumento, rekord na elektroniko,
materyales na awdyo-biswal at iba pa.

Sa Pagsasagawa ng archival reseach, dapat tandaan ng mananaliksik ang mga sumusunod:

a. Piliin ang pinakaangkop na sanggunian para makapagambag sa pag-aaral,

b. Tiyakin ang awtensidad at kredibilidad ng sanggunian, at
c. Gamitan ng akmang pagsusuri ang nakuhang sanggunian. - Maaaring gamitin ang mga teknik
review of literature, review document, content analysis, discourse analysis sa pagsipat mga
sangguniang gagamitin.

7. Pagsasagawa ng Sarbey Ang sarbey ay isang proseso ng pagkalap ng impormasyon mula sa

inaasahang tagatugon sa pananaliksik sa pamamagitan ng survey questionaires, checklist, o iba
pang anyo ng survey forms.

Sa tradisyonal na anyo, isinasagawa ito sa pamamagitan ng mga printed forms, ngunit sa

kasalukuyana gumagamit na ng e survey forms kung online ang paraan ng sarbey.

Ang isang talatanungan ay maaring maglaman ng:

• datos ng pagkakakilanlan
• pahayag ng paghingi ng kooperasyon
• mga panuto o direksyong sa dapat na gawin ng tagatugon
• ang mga impormasyong kailangang ibigay ng tagatugon na may direktang kinalaman sa pag-
aaral.

Sa paglikha ng isang questionaire mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod:

• Gawing simple at malinaw ang mga tanong, • Gawin ding maikli ang mismong kabuuan ng
survey form,

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

• Dapat hindi opensibo ang mga katanungan, • Gawing lokikal ang pagkakaayos ng mga
hinihinging datos, at • Iwasan ang paghing ng masyadong mahahabang kasagutan mula sa
tagatugon.

8. Transkripsyon Isinasagawa ang prosesong ito sa paglikha ng tekstuwal na anyo ng isang audio
o audio-visual na sanggunian.

• Kadalasang ginagawa ang pagtranskrayb sa mga usapan o oral na mga pahayag mula sa mga
interbyu,focus group discussion, obserbasyon, at audio o audio-video documentary o file.

Sa transkripsyon, may tinatawag na raw transcription na tumutukoy sa non-edited na bersyon ng

isang audio file.

Tinatawag namang polished transcription ang isinasaayos na bersyon ng raw transcription na

siyang ginagamit para sa pagaanalisa, paglalahad at paglilimbag.

Sa proseso ng pagtatranskrayb kailangang gawin ang mga sumusunod:

a. Pakinggan ng tatlo hanggang limang beses ang usapan o audio file. Gagawin ito upang maging
pamilyar sa kabuuan ang usapan o diskurso.
b. Simulan ang pagsulat sa napakinggan. Sikaping isulat ang lahat nang maririnig. I-pause o ulitin
ang audio kung kinakailangan.
c. Kapag naisulat na ang kabuuan ng raw transcription, ayusin na ito sa pamamagitan ng
pagsasaayos ng gramatikang mga pahayag. Tanging linggwistikong aspekto lamang ang maaring
ayusin.
d. Kung kinakailangan, isalin ang transkripsyon sa isang target na wika.

III. Kagamitan sa Pagtuturo at Pagkatuto

Powerpoint Presentation

IV. Ebalwasyon
Magsaliksik at pumili ng dalawang pananaliksik na matatagpuan sa aklat o internet at punan ang
mga kasunod na tahanayan ng mga impormasyon tungkol sa mga pananaliksik na napili. Parehas
lamang ang pormat ng panaaliksik II.
A. Pananaliksik I
a. Ano ang pamagat ng pananaliksik?

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

b. Sino - sino ang gumawa ng pananaliksik?

c. Kailan at saan isinasagawa ang

pananaliksik?

d. Ano – ano ang mga layunin sa

pananaliksik?

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

e. Ano ang metodong ginagamit sa

pananaliksik? Ilarawan ang pagsasagawa ng
mananaliksik ng metodo.

f. Anong pamamaraan sa pagtitipon ng datos

ang ginagamit sa pananalik? Ilarawan kung
paano isinasagawa ng mananaliksik ang
pamamaran.

g. Anong pamamaraan sa pagsusuri ng datos

ang ginagamit sa pananaliksik? Ilarawan kung
paano isinagawa ang pamamaraan?

V. Batayan sa Pagtuturo:
https://www.academia.edu/31543594/Pagbuo_ng_Konseptong_Papel

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

DETAILED LEARNING MODULE

Pamagat: Pamamaraan sa Pagsusuri ng Datos
Module No. 11__

I. Introduksyon:
Tumutukoy sa pamamaraan ng paghahanap ng mga nasusulat o nakatalang impormasyon na may
kinalaman sa nais gawing pag-aaral at pagsusuri sa mga ito upang makapagbigay nang higit na
linaw sa mga tunguhin ng pananaliksik.

Layunin ng Pagkatuto
Naiisa - isa ang mga pamamaraan sa pagsusuri ng datos.

II. Paksa
Pamamaraan sa Pagsusuri ng Datos

1. SWOT Analysis. Ang Strengths, Weaknesses, Opportunities and Threats analysis ay isang
pamamaraan sa pagtukoy sa kalakasan, kahinaan, oportunidad at mga bantang maiuugnay sa
isang proyekto , polisiya at iba pang gawain.

Upang maisagawa ang SWOT Analysis, kailangang maging malinaw ang pagpapakahulugan sa
apat na elemento ng pagsusuring ito.

• Una, ang strengths o mga kalakasan- ito ay tumutukoy sa ano mang magandang kontribusyon sa
implementasyon ng plano o programa.

• Ikalawa, ang weaknesses o mga kahihinaan- ay tumutukoy naman sa disadbentahe ng aktibidad

nito, mga hindi nito kayang magagawa at ano pa mang limitasyong kaugnay ng pagsasakatuparan
sa plano, gawain o programa.

Maaaring ituring na kahinaan ang kakulangan ng sapat na bilang sa pre-testing ng isang

programa.

Opportunity o oportunidad ay tumutukoy naman sa ano mang kaganapan o bagay na

makatutulong para sa pagpapaunlad pa ang gawain, plano o programa.

• Panghuli ay ang threats o mga banta at panganib. Tumutukoy naman ito sa ano mang magiging
sagabal sa tagumpay ng isang inisyatiba.

Upang maisagawa ang ganitong uri ng pagsusuri, kailangan lamang maging kritikal sa mga
detalye upang matukoy ang lahat ng kakailanganing impormasyon.

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

Maaring gamitin ang modelo sa paggawa ng SWOT analysis. Strengths Weaknesse Opportuniti
Threats (Kalakasan) s es (Banta/Pang (Kahinaan) (Oportunida anib) d) Mas mataas na koleksyon
ng buwis para sa gobyerno. Hindi napagaralan ang mga implikasyon ito sa marhinalisad ong
sektor

2. Discourse analysis. Ang pagsusuri sa mga diskurso ay nakatuon sa proseso ng pagsusuri sa

paggamit ng wika sa loob g panlipunang konteksto.Wika at konteksto ang dalawang
mahahalagang elemento sa pagsusuri ng diskurso.Upang masuri nang maayos ang napilin
diskurso, narito ang ilang mahahalagang punto sa paggawa ng analysis.

a. Tiyakin ang konteksto - dito, kailangang tiyakin kung ano ang sosyal at historikal na
konteksto ng diskurso. Mahalaga ring tingnan kung para saan ang pagsulat o pagpapahayag ng
diskurso.

b. Galugarin ang proseso ng produksyon ng diskurso Higit itong pagpapalalim sa konteksto.

Bilang karagdagan, kailangang mas maging pamilyar kung sino ang gumagawa at saan ginawa
ang diskurso.

c. Suriin ang estruktura ng diskurso Sa pagsusuri, kailangang tingnan kung may mga seksyon
ba sa diskurso na mariing tumatalakay lamang sa iisang punto ng argumento.

d. Tipunin at analisahin ang mga diskursibong pahayag. Simula ito ng mikro-perspektibong

pag-analisa sa diskurso. Dito tinitipon ang lahat ng pahayag na may mga magkakaugnay na
konsepto at kalauna'y sinusuri ang relasyon nito sa mga pangunahing punto ng diskurso.

e. Tukuin kung mayroong reperensyang kultural Sa iyong pagsusuri sa teksto, sikapin ding
tingnan kung may mga bahaging may direktang kinalaman sa ibang nag-eexist na diskurso.

f. Tukuyin ang mga ginamit na mekanismong linggwistik at retorikal. - Sa bahaging ito,

mahalagang maging mapanuri at masinop ang nagsasagawa ng analisis.

Ilan sa mga dapat bantayan ang sumusunod dahil ang mga ito ay naghuhudyat ng
kahulugan sa loob ng diskurso.

1. Mga salita -Ang pagpili ng mga salita upang ipahayag ang diskurso ay may kaugnayan mismo
sa pakahulugang nais ipabatid.

2. Katangiang gramatikal - Paano ang konstruksyon ng mga pahayag? • Madalas bang gumamit
ng mga panghalip na panao?

• Nasa unang panauhan ba ang ginamit na pananaw? • Nasa karaniwang ayos ba o 'di karaniwan
ang mga pahayag?

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

3. Literari at retorikal na pigura - Gumamit ba ng simili, metapora, ironiya, alegorya? •

Mayroon bang mga kasabihan, idyoma, kawikaan at iba pa?

4. Tuwiran at 'di tuwirang pananalita - Tuwiran ba o hindi ang mga pahayag? • Kung nagmula
ang pahayag sa ibang teksto, nagkaroon ba ng direktang sipi o minodipika ito?

5. Ebidensya - Sinusuportahan ba ng mga pahayag ang sentral at pangunahing ideya ng diskurso?

• May mga basehan katanggap-tanggap ba mga ito?

g. Isulat ang interpretasyon at ilahad ang natuklasan Kapag natukoy na ang lahat ng maliliit na
detalye ng diskurso, kailangan nang isulat ang interpretasyon at pagpapakahulugan sa mga ito.

3. Document Analysis at Content Analysis

• Ayon kay Bowen (2009), ang document analysis o pagsusuri sa dokumento ay isang prosesosa
pagsusuri sa anyo, estruktura at nilalaman ng mga dokumento ay isang proseso upang
makapagbigay ng tinig at kahulugan sa isang paksa.

May tatlong uri ng dokumento ayon kay O'Leary (2014)

1. Pampublikong tala tulad ng policy manuals, annual reports, handbooks, strategic plans,

2. Personal na dokumento tulad ng emails, scrapbooks, blogs, duty logs, incident report,
reflections, journals at;

3. Pisikal na ebidensya tulad ng Flyers, posters, agenda, training materials.

Mungkahing hakbang sa pagsusuri ng dokumento ayon kay O'Leary (2014)

a. Tukuyin ang mga dokumentong susuriin at tiyakin ang awtensidad ng mga ito.

b. Tukuyin kung may mataas na subjectivity ang nilalaman dokumento. Mahalaga ito upang mas
maging balanse ang pagsusuri sa nlalaman nito.

c. Suriin ang latent content ng mga dokumento. Kasama sa latent content ng pagkakasulat, ang
tono ng mga pahayag, ng intensyon ng pagsulat at ang mga opinyon at katotohanan.

4. Policy review at impact assessment

- Ito ay pagsusuri ng isang nageexist na patakaraan upang matukoy kung ito ba ay mabisa
kapakipakinabang.

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

• Gayon pa man maari na nating suriin ang bisa at kahusayan gamit ang isang estandardisasyong
panukat na karaniwan ay inilalabas ng pamahalaan o mga standardization organization.

Halos ganito rin ang konsepto ng impact assessment. Ang ipinagkaiba lamang nito ay hindi
lamang sa Polisya .

• Tumutukoy ang impact assessment sa naging dulot na ginawang implementation base sa

itinakdang mga layunin.

• Sa impact assessment, tinitingnan kung naging matagumpay o mabunga ang proyekto o

programa.

5. Comparative Analysis - Ito ay isang paraan ng pagsusuring detalyadong nagtatala sa

pagkakatulad at/o pagkakaiba ng dalawa o higit pang aytem(tao, bagay, kaganapan, penomenon at
iba pa).

III. Kagamitan sa Pagtuturo at Pagkatuto

Powerpoint Presentation

IV. Ebalwasyon:

Gawaing Pang online: Magkakaroon ng palabunutan tungkol sa 8 pamamaraan sa pagsusuri ng

datos. Pagkatapos ay humandang isagawa at iulat ito ng naka powerpoint. Gawing gabay ang nasa
modyul at natutunan.

Gawaing offline: Pumili ng isang pamamaraan sa pagsusuri ng datos pagkatapos gumawa ng

isang halimbawa nito.

V. Batayan sa Pagtuturo:
Bernales, Rolando, Filipino sa Iba’t ibang Disiplina, Mutya Publishing House, Inc 2019

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

DETAILED LEARNING MODULE

Pamagat: Mga Bahagi ng Pananaliksik: ANG PAMANAHONG PAPEL
Module No. 12__

I. Introduksyon:
Ang pamanahonang papel ay isang uri ng papel-pananaliksik na karaniwang ipinapagawa sa mga
estudyante sa kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangang akademiko ang
pamanahaong papel. Ito ay kadalasang nag sisilbing kulminasyon ng mga pasulat ng mga gawain
kaugnay ng pag-aaral ng isang paksa sa isang kurso o isang asignatura sa loob ng isang panahon o
term na kadalasa'y saklaw ng isang semester.

Layunin ng Pagkatuto
A. Natutukoy ang mga bahagi ng pananaliksik
B. Nakagagawa ng isang burador ng bahagi ng papel - pananaliksik.

II. Paksa
Mga Bahagi ng Pananaliksik: ANG PAMANAHONG PAPEL

A. Mga Pahinang Preliminari o Front Matters. Kinabibilangan ito ng sumusunod.

1. Fly Leaf - ang pinakaunang pahina ng pamanahong-papel

2. Pamagating Pahina - ang tawag sa pahinang nag papakilala sa pamagat ng pamanahong-pel.

Nakasaad din dito kung kanino iniharap o ipinasa ang papel.

3. Dahon ng Pagpapatibay - ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkapasa ng

mananaliksik at pagkatanggap ng guro ng pamanahong-papel.

4. Pasasalamat o Pagkilala - tinutukoy dito ng mananaliksik ang mga indibidwal, pangkat,

tanggapan o institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat ng pamanahong-papel at kung gayo'y
nararapat pasalamatan o kilalanin.

5. Talaan ng Nilalaman - nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng

pamanahong-papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kng saan matagpuan ang bawat
isa.

6.Talaan ng mga Talahayanan at Graph - nakatala ang pamagat ng bawat talahayanan o graf
na nasa loob ng pamanahong-papel at ang bilang ng pahina king saan matatagpuan ang bawat isa.

7. Fly Leaf 2 - ay isang blangkong pahina bago ang katawan ng pamanahong-papel.

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

B. Kabanata I: Ang sulinarin at Kaligiran nito.

1. Introduksyon - ay isang maiklimg talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtatalakay
ng paksa ng pananaliksik.

2. Batayang Teoretikal - Inilalahad ang teoryang pinagsandigan ng pag - aaral. Tinatalakay rito
kung paanong rito kung paanong ang teorya ang teorya ay nauugnay o naging motibasyon sa
kasalukuyang pag - aaral.

3. Layunin ng pag aatal - inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit
isinasagawa ang pag-aaral

4.Kahalagahan ng Pag-aaral - inilalahad ang kalahagahan ng pagsasagawa ng pananaliksik na

paksa ng pag-aaral.

5.Saklaw at limitasyon - tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Dito itinakda ang
parameter ng pananaliksik.

6. Depenisyon ng mga Terminolohiya- ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik

at ang bawat isa'y may kahulugan.

C. Kabanata II: Mga Kaugnay ng Pag-aaral at Literatura

Tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng pananaliksik.
Kailangan ding matukoy dito ng mananaliksik kung sino-sino ang mga may-akda ng naugnang
pag-aaral o literatura,disenyo ng pananaliksik na ginamit, mga layunin at mga resultang pag aaral

1. Instrumento ng pananaliksk-inilalawaranng paraang ginamit ng pananaliksk sa pngangalap ng

mga datos at impormasyon.
2. Tritment ng mga datos-inilarawan kung anong istitistikal na paraan ang ginamit upang ang mga
numerikal na datos ay mailalarawan.
3. Hanggat maari, ang mga pag-aaral at literaturang tutukuyin at tatalakayin dito ay iyong mga
bago o nalimbag sa loob ng huling sampung taon.
4. Hanggat maari rin tiyaking ang mga materya na gagamitin ay nag tataglay ng mga sumusunod
na katangian.

A. Objective o walang pagkiling

B. Nauugnay o relevant sa pag-aaral at
C. sapat ang dami o hindi napakaunti o napakarami

D. Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

1.. Disenyo ng pananaliksik - nilinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-
aaral.

2. Respondente - tinutukoy ang mga sarbeyor, kung ilan sila at paano at bakit sila napili.

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

3.Instrumento ng Pananaliksik - Inilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa

pangangalap ng mga datos at impormasyon. Iniisa – isa ang mga hakbang na kanyang ginawa at
kung maaari. Kung paano at bakit niya ginawan ang bawat hakbang.

4. Tritment ng mga Datos - Inilalarawan kung anong estadestikal na paraan ang ginamit upang
ang mga numerical na datos ay mailarawan.

E. Kabanata IV: Presentasyon at interpretasyon ng mga datos

* Sa kabanatang ito ay inilahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng
tekstwal at tabular o grapik na presentasyon. Sa tektso, inilalahad ng mananaliksik ang kanyang
analisis o pagsusuri.

F. Kabanata V. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon. Nahahati ang Kabanatang ito sa

tatlo:
1. Lagom - Binuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik na
komprehensibong tinalakay sa Kabanata III.
2. Kongklusyon - ay mga inferences, abstracksyon, implikasyon, interpretasyon, pangkalahatang
pahayag at/o paglalahad batay sa mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik.
3. Rekomendasyon – ay mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan
sa pananaliksik.

G. Mga Panghuling Pahina. Binubuo ito ng sumusunod.

a. Lishatahn ng Sanggunian - ay isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na
ginagamit ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahon papel .
b. Apendiks - ay tinatawag ding Dahong Dagdag. Maaaring ilagay o ipaloob dito ang mga liham,
pormularyo ng ebalwasyon, trasripsyon ng interbyu, sampol ng sarbey – kwesttyoner, biodata ng
mananaliksik, mga larawan at kung anu - ano pa.

III. Kagamitan sa Pagtuturo at Pagkatuto

Powerpoint Presentation

IV. Ebalwasyon:

1. Pagkasunduan sa klase jung kalian, ipapasa sa inyong guro ang burador ng sumusunod na
bahagi ng papel pananaliksik. Itala katapat ng bawat bahagi ang petsang inyong napagkasunduan.

a. Kabanata I ________________________________________________________________
b. Kabanata II ________________________________________________________________
c. Kabanata III ________________________________________________________________
d. Kabanata IV ________________________________________________________________
E. Kabanata V ________________________________________________________________

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

f. Mga Pahinang Preliminari o Front Matters

______________________________________________________________

g. Mga Panghuling Pahina

______________________________________________________________

2. Pagkasunduan din kung kailan ipapasa ang pinal na sipi ng papel pananaliksik at kung
isasagawa ang pasalitang pag - uulat o presentasyo. Itala sa patlang ang petsang inyong
mapagkakasunduan.

a. Pagpapasa ng Pinal na sipi ng Papel - Pananaliksik

_______________________________________________________
b. Pasalitang ulat o Presentasyon

_______________________________________________________
3. Kung ang papel pananaliksik ay gagawin nang pangkatan, pagkasunduan din ang indibidwal na
gawain ng bawat myembro ng pangkat at ang petsa kung kalian inaasahang magagawa ng bawat
isa ang kani - kanilang takdang gawain. Itala sa mga kasunod na patlang ang mapagkakasundiuan
ng inyong pangkat.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

V. Batayan sa Pagtuturo:

https://prezi.com/v1cyf8cawyn9/mga-bahagi-ng-pananaliksik-ang-pamanahong-papel/

Bernales, Rolando, Filipino sa Iba’t ibang Disiplina, Mutya Publishing House, Inc 201

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

Inihanda ni: Bb. Melanie R. Antonio

Dalubguro

Itinala ni: GNG. ROWENALYN P. SAGUN

Koordineytor sa Sining at Panitik

Inaprubahan ni: DR. DARWIN P. PAGUIO

Dekano, Kolehiyo ng Edukasyon, Sining at Agham/
Pangalawang Pangulo, Pang-akademiko

Ang modyul na ito ay pagmamay - ari ng Dalubhasaang Gordon at hindi pinagbibili!

You might also like