Professional Documents
Culture Documents
TERM-PAPER-new 20240114 121034 0000
TERM-PAPER-new 20240114 121034 0000
Ang pamanahong papel na ito ay naglalayong suriin ang mayamang kasaysayan ng primaryang
paaralan sa Biñan, Laguna, kung saan ginugol ni Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda na
mas kilala bilang Dr. Jose Rizal ang kanyang mga unang taon sa pag-aaral. Ang paaralang ito ay
bagama’t tila karaniwan, ay may mahalagang papel sa paghubog ng talino at katangian ng isa sa mga
pinaka-maimpluwensyang tao sa kasaysayan ng ating bansang Pilipinas.
Ang papel na ito ay magbibigay ng detalyadong salaysay sa mga naging karanasan ni Dr. Jose Rizal at
ang sistemang pang-edukasyon na ipinatupad noong panahon niya sa Biñan, Laguna. Masasalaysay
din dito ang mga natatanging pamamaraan at kurikulum ng pagtuturo ng paaralan na nakatulong
upang mahubog ang intelektwal na talino ng batang Rizal.
Ang pamanahong papel na ito ay naglalayong magbigay ng importansya sa kahalagahan ng
edukasyon sa paghubog ng isipan at puso ng mga magiging bayani at pinuno ng ating bansa gaya ng
ipinakita ng karanasan ni Dr. Jose Rizal sa kanyang elementarya sa Biñan, Laguna. Sa pamamagitan
ng pag-unawa sa kasaysayan ng paaralang ito, makakakuha tayo ng mga pananaw at kaalaman sa
mga naging karanasan ni Dr. Jose Rizal at pahalagahan ang malalim na impluwensya ng kanyang
primaryang edukasyon sa kanyang buhay. Magbibigay din ito sa atin ng isang sulyap sa mga pang-
edukasyon na kasanayan sa nakaraan, na maaaring magsilbing sanggunian para sa pagpapabuti ng
ating kasalukuyang sistema ng edukasyon.
Saklaw at limitasyon:
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa bayan ng Biñan, Laguna. Ang pananaliksik na ito ay isinasaalang-
alang na limitado lamang para sa mga sulatin na nabibilang sa bayan ng Biñan, na siyang
pangunahing taga tugon sa mga tanong patungkol sa pananaliksik na ito.
Ang pangunahing pokus ng pananaliksik na ito ay ang mag bigay ng malalim na kaalaman patungkol
sa kahalagahan ng pag-aaral sa tulong ng pagbabalik tanaw kung saan nagmula ang unang pormal na
pag aaral ni Dr. Jose Rizal na siyang nagkaroon na ng malaking pagbabago sa kasalukuyang panahon.
Kasama ng pananaliksik na ito ang pag bubuod at kakaroon ng interpretasyon sa nasabing pag-aaral.
Panimula sa paksa:
Metodolohiya:
Pinag aralan at sinuri ang mga orihinal na dokumento o kasulatan mula sa panahong iyon, tulad ng
mga liham ni Rizal, diaryo, at iba pang personal na rekord. Naghanap ng iba pang mga dokumento,
artikulo o iba pang mga kasulatan na may kaugnayan sa nasabing paaralan na maaring mas
makatulong sa pagkalap ng mas malawak na konsepto.
B. Pagbisita sa mga Lokal na Museo:
Alamin ang pangkalahatang kasaysayan ng panahon ng pag-aaral ni Rizal sa Biñan, kasama ang mga
pangyayari at kaganapan sa larangan ng edukasyon.
D. Pagsusuri ng Impluwensya sa Buhay ni Rizal:
Tuklasin kung paano nakatulong ang paaralan sa paghubog ng kanyang mga ideya at prinsipyo, at
kung paano ito nakatulong sa kanyang pagiging pambansang bayani.
E. Pagbuo ng Konklusyon at Rekomendasyon:
Isalaysay ang mga natuklasan at bumuo ng konklusyon patungkol sa papel ng paaralan sa buhay ni
Rizal. Nagbigay din ng mga rekomendasyon para sa mga susunod na pag-aaral o pananaliksik.
Resulta at Pag-aanalisa:
Diskusyon:
Konklusyon:
implementsyon ng Edukasyon. Bilang isa sa mga pangunahing elemento ng buhay ng bawat isa,
ang edukasyon ay silbi na nakatutulong na punuan ang kaalaman para sa paglago ng buhay at
kaalaman.
Sanggunian: