Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

MESOAMERICA

Isa sa mga unang sibilisasyon sa Mesoamerica ay ang itinatag ng mga Olmec.


Nanirahan sila sa baybayin ng Gulf of Mexico sa mga estado ng Veracruz at
Tabasco. Sila ay mga magsasaka at mga relihiyosong tao na pinamumunuan
ng mga pari. Nagtayo sila ng malalaking templo, monumento, at pyramid para
parangalan ang kanilang mga pinuno. Nakilala ang mga Olmec sa paglilok ng
malalaking estatwang ulo na gawa

sa bato. Ang mga Olmec ang unang nakagawa ng mga kalendaryo sa America.
Mayroon din silang sistema ng pagbibilang. Dahil sa kanilang ambag, nagkaroon ng malaking
impluwensiya ang mga Olmec sa iba pang sibilisasyon na sumibol sa America.

Kabihasnang Maya

Nakapagtatag ang mga Maya ng isang maunlad na sibilisasyon sa


Mesoamerica. Sumibol ang sibilisasyong ito sa Yucatan Peninsula
(binubuo ng kasalukuyang Timog Mexico, Belize, Guatemala, Honduras, at
Kanlurang El Salvador).
Karamihan sa mga Mayan ay magsasaka na nag- tanim ng bulak, mais, at
patatas. May naitatag silang 80 lungsod dahil sa kalakalan. Ang
pinakamalaking lungsod ay ang Tikal, at ang iba pang mahalagang
lungsod ay ang Palenque, Yaxchilan, Copan, at Calakmu. Ang mga Mayan ay pinamunuan ng isang
maharlikang angkan.

Nakalinang ang mga Mayan ng sistema ng pagsulat na binubuo ng 800 simbolo o glyph - mayroon
silang dalawang uri ng kalendaryo. Ang kanilang kalendaryong solar ay may 365 na araw at ang
kanilang relihiyosong kalendaryo ay may 260 na araw. May nalinang silang sistema sa matematika
na gumagamit ng zero. Mayroon silang kaalaman sa astronomiya bunga ng maingat na pag-aaral
sa araw, buwan, bituin, at mga planeta sa kanilang itinayong obserbatoryo tulad ng El Caracol
Observatory na ginagamit ng mga Mayan mula 900 C.E. Nalinang ng mga Maya ang komplikadong
sistema ng hiroglipiko o hieroglyphics na kanilang ginamit sa pagtatala ng kanilang mga
obserbasyon at kalkulasyon sa astronomiya at sa mga impormasyong pangkasaysayan. Napag-
aralan ng kanilang pari ang distansya ng buwan at ng mundo gayundin ang kilos ng mga planeta
kasama na ang Venus. Nagtayo sila ng mga pyramid kagaya ng El Castillo, magagarang templo, at
iba pang gusali.

Nanirahan ang mga Maya sa maliliit na pamayanan at nagsaka ng maliliit na bukirin. Gumagamit
sila ng mga pinatulis na patpat sa pagtatanim. Ang pangunahin nilang pananim ay mais, sitaw,
kalabasa, abokado, sili, pinya, papaya, at cacao na ginagawang tsokolate. Pangingisda ay isa rin sa
kanilang ikinabubuhay. Gumagawa ng mga kasangkapang yari sa bato, mga piguring gawa sa
luwad, mga nililok mula sa jade, mga panali, basket, at banig. Ang kababaihan ay gumagawa ng
mga poncho, bahag at palda mula sa bulak o sa mga dahon ng maguey.

Mahilig ang mga Maya sa mga


palaro at pista. Pinakapaborito
nilang laro ang pok-ta-pok, isang
uri ng larong basketbol. Laro ito
ng dalawang pangkat sa isang
bakod na korte na 82 metro ang
haba at 36 metro ang lapad. May
gamit din silang bola na dapat
nilang ilusot sa dalawang bilog
at nakakabit sa magkatapat na
bakod. Sinasabing maaaring sa
larong ito nagmula ang
basketbol.

Sa mga kasukalan ng Central


America, maraming labi ng mga
piramideng templo na may
malalim na balon sa tabi.
Naghuhulog ng mga alay sa mga balon ang mga taong pumupunta sa templo kaya maraming
kayamanan ang nahukay rito. Maraming kaalaman tungkol sa mga Maya ang nabuo dahil sa mga
gamit at kayamanan na nahukay sa mga balon.
Kabihasnang Aztec

Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan,”


isang mitikong lugar sa Hilagang Mexico. Ang kabisera ng Imperyong
Aztec at ang sentro ng kanilang pamumuhay ay ang Tenochtitlan,
(kasalukuyang Mexico City), isang maliit na isla sa gitna ng lawa ng
Texcoco. Ang Texcoco ay nasa sentro ng Mexico Valley. Nang lumaon, ang
lungsod ay naging mahalagang sentrong pangkalakalan. Madali itong
ipagtanggol dahil ang mga daanan nito ay sa pamamagitan lamang ng
mga causeway o itinataas na daanan.
Nakagawa ang mga Aztec ng mga kalsada at dike. Ang Tlatelolco, ang
malaking pamilihan sa kabisera ay sentro ng kalakalan. Ang Tenochtitlan
ang isa sa pinakamahusay na planadong lungsod sa mundo. Ang mga
lansangan at kanal ay nakaayos na pattern na grid na nakapaligid sa
mga pyramid, templo at palasyo. Ang kanilang talino sa larangan ng
paglililok ay makikita sa
kanilang mga templong piramide, produktong eskultura, at ang
kalendaryong bato na may bigat na 22 metric ton. Ang kalendaryong bato
ay nagpakilala sa daigdig sa mga Aztec. Ang mukha ng diyos ng Aztec ay
inukit sa gitna at napalilibutan ng mga disenyong sumisimbolo sa araw at
langit. Sa pusod ng kanilang lungsod matatagpuan hanggang sa ngayon ang matataas na piramide
na may mga hagdan sa tabi. Kaiba ito sa piramide ng Egypt dahil may patag na tuktok na
nagsisilbing templo.

Nagsusuot ang kanilang mga maharlika ng mararangyang kasuotan at headdress. Marunong din
silang sumulat sa pamamagitan ng mga larawang animo hiroglipik. Mayaman din sila sa ginto,
pilak at iba pang batong pampalamuti at panggusali. Hindi sila marunong gumamit ng gulong at
bakal subalit yari sa matatalim at itim na bato na kilala sa tawag na obsidian ang kanilang mga
kagamitan at sandata. Ang obsidian ay matalas na salaming nagmula sa mga bulkan na mahalaga
sa mga Aztec. Higit silang umaasa sa bato kaysa metal para sa karamihan ng kanilang kagamitan.
Pagsasaka ang batayan ng kabuhayan. Gumawa sila ng irigasyon, naglagay ng mga hagdan-
hagdang palayan sa mga burol, at gumamit ng mga pataba upang mapataba ang lupa. Ang
pinakamahalagang pamamaraan sa pagsasaka na isinagawa ng Aztec sa Lawa ng Texcoco ay ang
chinampas o isang artipisyal na latian na higit na kilala sa tawag na “floating gardens.” Sa mga
latian, kadalasang itinatanim ay ang mais, mga gulay tulad ng kalabasa at bulaklak. Nagkaroon
sila ng kaalamang gumawa ng mga halamang nakalutang na yari sa mga lupang inipit ng mga sala-
salang rattan na nakapatong sa malalaking troso. Masagana ang ani sa loob ng isang taon
bagaman hindi madali para sa ibang tao ang tropikal na klima ng kapatagan dahil walang natural
na irigasyon para sa kanilang pananim. Sinunog ng mga Aztec ang kagubatan at nilinang ang lupa.
Ang mga Aztec ay mahuhusay na inhenyero at tagapagtayo ng mga estruktura tulad ng mga kanal
o aqueduct, mga dam, gayundin ng sistema ng irigasyon, liwasan, at mga pamilihan. Ang mga
yaring produkto tulad ng palayok, iba’t ibang kagamitan, alahas, pigurin, basket, tela, at mga
mamahaling produkto gaya ng asin at mga palamuting yari sa ginto ay ibinebenta sa lokal na
pamilihan. Walang perang metal ang mga Aztec kaya’t produkto ang ginagamit nilang pamalit.

MGA SIBILISASYONG ANDEAN

Kabihasnang Moche
Sumibol ang sibilisasyon ng mga Moche sa tabi ng Ilog Moche sa hilagang
Peru. Nagtayo sila ng mga lungsod, kanal, at pyramid kabilang ang Huaca
del Sol o Temple of the Sun, isang pyramid na may mga hagdan na
baitang na gawa sa adobe brick (nabuo mula sa pinaghalong putik at
damo na pinatuyo sa araw).
Ang mga Moche ay nakagawa ng mga kanal upang
madagdagan ang kanilang ani na pananim tulad
ng mais, beans, kalabasa, avocado, bayabas at sili.
Nag-aalaga rin sila ng hayop tulad ng llama.
Mahusay sa paghahabi ang mga Moche at sa
larangan ng gawaing-metal. Noong 1987, nahukay
ang libingan ng mga pinunong Moche na naglalaman ng mga ornamentong
gawa sa ginto, tanso, at mamahaling bato.
Ear ornament Temple of the Sun & Moon
Kabihasnang Inca

Ang Inca ang pinakatanyag at pinakamalaking imperyo sa lahat ng


sibilisasyon na sumibol sa bahagi ng Andes sa South America na
ngayon ay ang kasalukuyang Peru. Ang salitang Inca ay
nagangahulugang “imperyo.” Hango ito sa pangalan ng pamilyang
namuno sa isang pangkat ng tao na nanirahan sa Andes. Saklaw
ng imperyong ito ang kasalukuyang

lupain ng Peru, Ecuador, Bolivia, at Argentina. Ang kabisera ng


Imperyo ng Inca ay ang Cuzco, nangangahulugang “pusod” o
“sentro ng mundo.” Upang mapamahalaan nang maayos ang
malaking imperyo, ang mga Inca ay gumawa ng mga kalsada
upang mapag-ugnay ang buong imperyo.
machu picchu
May nalinang na wika ang mga Inca na tinawag na Quechua. Mayroon din silang paraan ng
pagbibilang at pagtatala na tinawag na quipu, isang proseso ng pagtatali ng mga buhol. Sa
ganitong paraan, nagawa nilang maitala ang bilang ng mga tao at mangolekta ng buwis.
Mahuhusay na manggagawa ang mga Inca. Nakapagtayo sila ng mga gusali na gawa sa
pinagpatong-patong na bato at kalsada na may lawak na 15,000 milya.
Nababalutan ng niyebe ang tuktok ng Andes at patungo sa pamayanan ng mga Inca ang mga daloy
ng mga natutunaw na niyebe. Sa panahong walang daloy, kinakailangang masiguro ng mga Inca
ang kanilang pangangailangan sa tubig. Nagagawa nila ito sa pamamagitan ng mga kanal at daang-
tubig o aqueduct na maaaring ihalintulad sa mga gawa ng Romano. Natutuhan din nila ang
pagtatayo ng baiting-baitang na lupa o terraces. Bagaman malapit sa ekwador ang pamayanan ng
Inca, kaiga-igaya ang klima rito sanhi ng taas ng Andes. Mayroon ding mga llama at alpaca na
pinagkukunan ng tela para sa kasuotang pantaglamig. Mayaman din ang kabundukan sa mineral
at iba pang bato na maaaring gamitin sa pagtatayo ng mga patubig at daang bundok. Matatagpuan
ngayon ang mga labi ng mga maunlad na kabihasnang Inca sa mga guho ng templo, tanggulan at
piramide sa Cuzco (Peru) at Tiahuanaco (Bolivia). Sa kataasan ng Andes, 121 km sa hilagang-
silangang Cuzco, makikita pa ang sinaunang lungsod ng Inca na pinangalanang Machu Piccho,
mga guho ng mga templong granito, mga palasyo, bahay at sundial.
Itinago ang mga tala sa pamamagitan ng quipu o isang helera ng binuhol na tali na nakasabit mula
sa mahabang panali. Ang bulubunduking anyo ng lupa ng imperyo ay sagabal sa pagtatanim, kung
kaya’t kanilang hinagdan-hagdan ang kabundukan upang ito’y mataniman. Sama-sama ang
pamilya sa pagtatanim at pag-aani. Ang kababaihan ay gumagawa ng chich, ang giniling na mais at
patatas na ginagawa nilang harina. Gumagawa rin sila ng mga tela sa pamamagitan ng pag-ikid at
paghahabi ng bulak o lana (wool). Ang mga pananim na nagmula sa mga Inca ay binubuo ng mais,
patatas, kalabasa, sitaw, sili, mani at kamoteng kahoy (cassava).
Mayaman ang musika ng mga Inca. Ang kanilang musika ay kadalasang sinasabayan ng sayaw.
Ang kanilang instrumenting musical ay kinabibilangan ng wind instruments tulad ng horns, flutes
at percussion.

HILAGANG AMERICA

Adena

Ang mga Adena ay nakapagtatag ng maunlad ng mga


pamayanan sa North American. Nabuhay sila noong 1000
B.C.E. Sila ang unang tao sa rehiyon na nagtatag ng mga
maliliit na pamayanan. Gumamit ng mga palayok, at
nagtatanim. Kabilang sa kanilang mga pananim ay mais,
kalabasa, at beans. Tinawag ang mga Adena na mound
builders dahil sa
paglalagay nila ng mga
bunton ng lupa para matabunan ang libingan ngkanilang mga
yumao.Walang nakakaalam kung sino ang gumawa ng Great
Serpent Mound. Maaari itong ginawa ng mga Adena Indians na
nasa kasalukuyang Ohio. Ito ay may habang 400 metro na
maaaring lugar para sa mga seremonya. Maaaring
sumisimbolo ito sa siklo ng kamatayan at pagsilang.
The great serpent mound
Ang Anasazi ay tumutukoy sa kulturang nalinang sa North
America noong 1200 B.C.E. hanggang 1300
C.E. Mapamaraan ang mga Anasazi at nagawa nilang mapaunlad
ang kanilang pamumuhay sa tuyong rehiyon na binubuo ngayon
ng kasalukuyang New Mexico, Arizona, hilagang kanlurang
Mexico, at timog Colorado. Dahil mayroon lamang kakaunting
ulan, gumawa sila ng irigasyon at kanal para sa kanilang mga
bukirin.

Nagtanim sila ng mais, beans, kalabasa, at bulak. Gumawa sila


ng kanilang tahanan sa gilid ng mga malalaking bato na tinawag
na pueblo. Subalit malaon, iniwan nila ito bunga ng mahabang
tagtuyot. Ang mga Anasazi ay ninuno ng mga Pueblo Indian
kabilang ang Hopi, Zuni at Acoma.

ANG HOLY ROMAN EMPIRE

481- Pinag-isa ni Clovis ang iba’t ibang tribung Franks at sinalakay ang mga Romano
496- Naging Kristiyano si Clovis at ang kaniyang buong sandatahan
511- Namatay si Clovis at hinati ang kaniyang kaharian sa kanyang mga anak
687- Pinamunuan ni Pepin II ang tribung Franks
717- Humalili kay Pepin II ang kaniyang anak na si Charles Martel
751- Ang anak ni Charles Martel na si Pepin the Short ay hinirang bilang Hari ng mga Franks sa
halip na Mayor ng Palasyo

Isa sa mga mayor ng palasyo si Charles Martel, ang nagsikap na pag-isahin


ang France. Tinalo niya ang mga mananalakay na Muslim. Mula noon, hindi
na nagtangkang sakupin ang Kanlurang Europe. Si Pepin the Short ang
unang hinirang na hari ng France. Noong 768, humalili kay Pepin ang anak
na si Charlemagne o Charles the Great, isa sa pinakamahusay na hari sa
Medieval Period. Sa gulang na 40, kinuha niya si Alcuin, pinakamahusay na
iskolar ng panahon upang magpaturo ng iba’t ibang wika. Inanyayahan din
niya ang iba’t ibang iskolar sa Europe upang turuan at sanayin ang mga pari
at opisyal ng pamahalaan. Sinakop niya ang Lombard, Muslim, Bavarian at
CHARLES MARTEL
Saxon at ginawang mga Kristiyano. Noong kapaskuhan ng taong 800,
kinoronahan siyang emperador ng Banal na Imperyong
Romano (Holy Roman Empire). Marami ang nagsabi na ang imperyo ang
bumuhay na muli sa imperyong Romano. Sa panahon ng imperyo, ang
mga iskolar ang naging tagapangalaga ng kulturang Graeco- Romano. Ang
pagsasama-sama ng elementong Kristiyano, German, at Roman ang
namayani sa kabihasnang Medieval. Nang namatay si Charlemagne noong
814, humalili si Louis the Religious. Hindi nagtagumpay ang pagsisikap
nitong mapanatili ang imperyo dahil sa paglaban ng mga maharlika. Nang PEPIN THE SHORT
mamatay siya, hinati ng kaniyang tatlong anak ang imperyo sa
pamamagitan ng Kasunduan ng Verdun noong 841. Napunta kay Charles
the Bald ang France; kay Louis the German ang Germany; at ang Italy
kay Lothair. Sa pagkakawatak-watak ng imperyo, nawalan ng kapangyarihan ang mga
Haring Carolingian sa mga maharlika at nagsimula na naman ang paglusob ng mga Viking, Magyar
at Muslim. Namayani sa Europe ang mga maharlika at humina ang mga hari. Nagsimula ang isang
sistematikong sosyo- ekonomiko, politiko at militari- ang piyudalismo.

Si Pope Leo III ang humirang kay Charlemagne bilang “Emperor of the Holy
Roman Empire”. Ayon sa ilang aklat, nangangahulugan ito na ang ideya ng mga
Romano ng isang sentralisadong pamahalaan ay hindi naglaho.

Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon)nina


Vivar et. al. pahina 140-141

Sa ilalim ng pamumuno ni Charlemagne, halos dumoble ang lawak ng mga


teritoryo ng Kahariang Frankish. Kabilang sa mga nasakop na lupain ang
kasalukuyang Germany, France, Hilagang Spain, at malaking bahagi ng Italy.
Sa paraang ito, napagbuklod ni Charlemagne ang kahariang Germanic at naitatag ang kauna-
unahang impero sa kanlurnag Europe matapos ang kabantugan ng Imperyong Roman.
Higit na nakilala si Charlemagne nang putungan sya ng korona ni Papa Leo III noong kapaskuhan
ng taong 800 bilang pasasalamat sa pagligtas nya sa papa mula sa pangkat ng mga maharlikang
kumalaban dito.
Ang paghirang kay Charlemagne bilang emperador ng mga Roman ang nagbigay ng Karapatan sa
mga papa na maghirang ng emperador. Ang pangyayaring ito ang nagbunsod sa pagsanib-pwersa
ng Simbahang Katoliko at ng Imperyong Frankish. Tinagurian ang imperyo ni Charlemagne bilang
Holy Roman Empire.

Nagpatupad ng mga pagbabago si Charlemagne upang isaayos ang pamahalaan at upang itaguyod
ang Kulturang Roman. Hinati niya ang kanyang imperyo sa mga county, na pinamumunuan ng
mga count. Upang tiyaking tinutupad nang maayos ng mga count ang kanilang tungkulin,
nagtalaga rin si Charlemagne ng mga Missi dominici, o “mensahero ng emperador,” na nag-uulat sa
kaniya taon-taon. Itinatag niya ang mark o march, mga distritong tanggulan, upang ipagtanggol
ang mga hangganan ng imperyo.

Tinangkilik ni Charlemagne ang pagpapaunlad ng kaalaman. Nagtatag siya ng mga paaralan sa


palasyo at monastery. Pinagyaman niya ang mga silid-aklatan at sinuportahan ang pag-aaral ng
mga pari at monghe, sa sila naming gumawa ng mga kopya ng mga aklat sa Latin.

ANG PIYUDALISMO

- Isang sistema ng pamamalakad ng lupain


na kung saan ang lupang pag-aari ng
panginoon ay ibabahagi sa vassal at
bibigyan ng proteksyon, at bilang
kapalit
manunungkulan ang vassal ng tapat at
pagsisilbihan ang kanyang hari.

- Ito ay hango sa salitang “feodus” o


“fief”,salitang tumutukoy sa lupa na
ibinigay sa unang basalyo (vassal) .

Mula sa ikasiyam hanggang ika-14 na siglo, ang


pinakamahalagang anyo ng kayamanan sa Europe
ay lupa. Kinakailangang pangalagaan ang
pagmamay-ari ng lupa.Pangunahing nagmamay-ari ng lupa ang hari. Dahil sa hindi niya kayang
ipagtanggol ang lahat ng kaniyang lupain, ibinabahagi ng hari ang lupa sa mga nobility o dugong
bughaw. Ang mga dugong bughaw na ito ay nagiging vassal ng hari. Ang hari ay isang lord o
panginoong may lupa.

Ang iba pang katawagan sa lord ay liege o suzerain. Samantala, ang lupang ipinagkakaloob sa
vassal ay tinatawag na fief.

Ang vassal ay isa ring lord dahil siya ay may-ari ng lupa. Ang kaniyang vassal ay maaaring isa ring
dugong bughaw.

Ang homage ay isang seremonya kung saan inilalagay ng vassal ang kanyang kamay sa pagitan ng
mga kamay ng lord at nangangako rito na siya ay magiging tapat na tauhan nito. Bilang
pagtanggap ng lord sa vassal, isinasagawa ang investiture o seremonya kung saan binibigyan ng
lord ang vassal ng fief. Kadalasang isang tingkal ng lupa ang ibinibigay ng lord sa vassal bilang
sagisag ng ipinagkaloob na fief. Ang tawag sa sumpang ito ay oath of fealty. Kapag naisagawa na ng
lord at vassal ang oath of fealty sa isa’t isa, gagampanan na nila ang mga tungkuling nakapaloob sa
kasunduan.

Tungkulin ng lord na suportahan ang pangangailangan ng vassal sa pamamagitan ng pagkakaloob


ng fief. Tungkulin din niya na ipagtanggol ang vassal laban sa mga mananalakay o masasamang-
loob at maglapat ng nararapat na katarungan sa lahat ng mga alitan. Bilang kapalit, ang
pangunahing tungkulin ng vassal ay magkaloob ng serbisyong pangmilitar . Tungkulin din ng
vassal na magbigay ng ilang kaukulang pagbabayad tulad ng ransom o pantubos kung mabihag
ang lord sa digmaan. Kailangan din niyang tumulong sa paghahanap ng sapat na salapi para sa
dowry ng panganay na dalaga ng lord at para sa gastusin ng seremonya ng pagiging knight ng
panganay na lalaki ng lord. Ang knight ay isang mandirigmang nakasakay sa kabayo at nanumpa
ng katapatan sa kaniyang lord.

MGA KABALYERO

Ang kabalyero (Knight) ay mula sa salitang Pranses na “cheval”,para sa kabayo,”chevalier”,para sa


mandirigmang nakasakay sa kabayo.Ang mga nagnanais maging

kabalyero ay dumadaan sa pagsasanay ayon sa kodigo ng papaging kabalyero. Nakapaloob sa


kodigo ang kagandahang asal,katapangan,kahinahunan,pagiging marangal,at maginoo lalong-lalo
na sa nakakataas.

Isang magandang alaala ng pyudalismo ang sistemang kabalyero(KNIGHTHOOD).Ito ay


propesyon na pinagpala ng simbahan.Tungkulin nila ang ipagtanggol at ipatupad ang
Kristiyanismo.

Ang Manoryalismo

-Katapat ito ng pyudalismo. Ito ay sistemang


gumagabay sa paraan ng pagsasaka sa buhay ng
magbubukid at ugnayan sa lord ng manor

-Ang manoryalism o manoryalismo ay isang


sistemang pang-ekonomiya kung saan ang
magbubukid ay nagigigay serbisyo sa isang pyudal
na hari o nagmamay-ari ng lupa kapalit ang
proteksyon.Ang yaman ng lord ay mula sa pawi ng
mga magbubukid.ibinigaynila ang kanilang lupa
kapalitang proteksyon.ang iba naman ay nawalan ng
lupa dahil sa pagkakautang sa dugong-
bughaw.kinalaunan,ang lupa ay napasakamay ng
lord,ang mga lupaing ito ay bumuo ng isang manor.

Ang Manor ay isang malaking lupaing sinsaka. Ang


malaking bahagi ng lupain ay umaabot ng 2/3 na bahagi ay pagmamay-ari ng Lord Iilan lamang sa
mga magsasaka nag may-ari ng lupa. Ang Common ay lugar na ginagamit bilang pastulan ng mga
hayop ng mga karaniwang tao.

Ang pagtatanim ay ginagawa ng magbubukid.sila ay nagtratrabaho sa lupain ng


lord,3 araw sa loob ng isang Linggo. Ang sistemang manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng
mga tao na nakatira dito. Three field system- sitema ng pagtatanim na sinusunod ng manor,una
maaring tamnan,pangalawa gulay at 3 hindi tatamnan. Ang sistemang ito ay sinusunod upang
mabawi ng lupa ang sustansya nito.

Alipin - ang mga alipin ay pwedeng bilhin at ipagbili tulad ng isang hayop.
Serf - sila ay hindi maaring umalis at paalisin sa manor.Nagsasaka sila ng walang bayad
kundi kapirasong lupa at proteksyon mula sa mga knight ng kanilang lord.
Freeman – sila ay ang mga pinalayang alipin na kadalasang mayroong sariling lupa.

Sapat sa pangangailangan ng kanyang mamayan ang manor.Sapat sa pagkain,damit at tirahan.Ang


inaalagaang tupa ay nagbibigay ng lana,ang mga kambing at baka ay nagigigay ng katad.Ang
gubat ay pinagkukunan ng
kahoy.Kakaunti ang karneng baka dahil salat sa dayami na ipinapakain sa baka tuwing tag-
lamig.Pag namatay ang baka o masyadong mahina,kinakatay ito sa panahon ng tagalagas.Ang
karneng baboy ay higit na marami dahil madali ito makahanap ng pagkain.Ang pangaraw-araw na
kinakain sa manor ay dinadagdagan ng manok,prutas at mga gulay.ang gatas ay hindi ginagamit
sapagkat ginagawa itong keso.Ang pangunahing inumin ay cider, serbesa at alak.

You might also like