Professional Documents
Culture Documents
AralingPanlipunan8 Q3 Mod2 Paglawak-ng-Kapangyarihan-v5
AralingPanlipunan8 Q3 Mod2 Paglawak-ng-Kapangyarihan-v5
Quarter 3 – Module 2
Paglawak ng Kapangyarihan
ng Europe
Araling Panlipunan - Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 3 – Module 2: Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe
First Edition, 2020
Republic Act 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in
anywork of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalty.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials
from their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent
nor claim ownership over them.
Pablito B. Altubar
CID Chief
Paunang Salita........................................................................................................................................ i
Alamin ........................................................................................................................................................ i
Pangkalahatang Panuto: .................................................................................................................... ii
Mga Icon ng Modyul na ito ............................................................................................................. ii
Subukin ..................................................................................................................................................... iii
Panimulang Pagtataya: ................................................................................................................... iii
Buod ......................................................................................................................................7
Pagtatasa ........................................................................................................................…...8
Susi sa Pagwawasto ............................................................................................................ 10
Sanggunian...........................................................................................................................11
Paunang Salita
Ang mga pagbabago ng kamalayan mula sa Panahong Medieval ang nagpasimula sa
pag-usbong ng makabagong daigdig. Ang mga pangyayari sa paglakas ng Europe, paglawak
ng kapangyarihan nito at ang pagpakamulat sa mga bagong kaalaman at ideya ay nagdala
ng transpormasyon sa Europe at bumago sa buong daigdig.
Sa modyul na ito tutuklasin mo ang pangyayari sa transpormasyon ng daigdig tungo
sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan. Iuugnay mo ang mga ito sa kasalukuyan upang
makabuo ng mga bagong kaalaman na makatutulong sa pagharap sa pagbabago ng daigdig.
Alamin
Itinuturing ang Europe bilang maunlad na kontinente ngg daigdig. Matatagpuan dito
ang mga sikat na lungsod tulad ng Rome sa Italy, Paris sa France, at London sa Great Britain.
Ang mga lunsod na ito ay kakikitaan ng malalaking gusali, magagandang pasyalan at maging
ang nangungunang train system sa buong daigdig. Kontribusyon sa malawak na pag-unlad
ng Europe ang lahat ng ito.
i
Pangkalahatang Panuto
Ito ang magiging gabay sa paggamit ng modyul na ito:
1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang mga
direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales.
2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan.
3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.
4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.
ii
Subukin
Panimulang Pagtataya
Upang masubok ang iyong dati nang alam tungkol sa nilalaman ng modyul na ito,
sagutin ang panimulang pagtataya. Isulat ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang. Bigyan
pansin ang mga aytem na hindi mo nasagot at subuking muling sagutan ang nasabing mga
aytem habang ginagamit ang modyul na ito.
5. Sino ang isang marinong Italian, na sa kanyang panukala ang mga Espanyol ay
naglayag pakanluran patungong Asya? Taong 1492 nang maglayag siya patawid ng
Atlantic Ocean at narating ang ilang teritoryo sa Carribean o West Indies.
a. Amerigo Vesoucci
b. Ferdinand V
c. Vasco da Gama
d. Christopher Columbus
iii
6. Ang _________ ang nagbibigay ng tamang direksyon habang naglalakbay
samantalang gamit naman ang _______ upang sukatin ang taas ng bituin.
a. Tape measure - ruler
b. Relo- steel tape
c. Compass- astrolabe
d. Wala sa nabanggit.
7. Ito ay gamit bilang pampalasa sa mga pagkain at upang mapreserba ang mga karne.
a. Pabango
b. Sabon
c. Asin
d. Spices
9. Sinong papa ang naglabas ng papal bull na naghahati sa lupaing maaaring tuklasin
ng Portugal at Spain?
a. Pope Francis
b. Pope Chistopher
c. Pope John
d. Pope Alexander VI
10. Sinong Portuges ang naglakabay sa rutang pakanluran tungong Silangan na itinama
ang lumang kaalaman na ang mundo ay patag dahil nakabalik ang kanyang barkong
Victoria sa Spain kahit napatay siya.
a. Ferdinand Magellan
b. Vasco da Gama
c. Ferdinand V
d. Christopher Columbus
iv
Aralin
Yugto sa Kasaysayan ng Europa:
1 Panahon ng Pagtuklas at Paglalakbay
Alamin
Suriin
Pagyamanin
Motibo Salik
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
Isaisip
3
Aralin
Paglakas ng Kapangyarihan ng mga
2 Kanluranin
Suriin
Gawain 1: Basahin at Matuto!
Ang Paghahangad ng Spain ng Kayaman sa Silangan
Naging daan upang ang Spain ay maghangad din ng mga kayamanan sa Silangan
ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella
I ng Castille noong 1469. Naging daan ang pinagsanib na lakas ng
kanilang kaharian sa pagpapadala ng mga ekspedisyon sa Silangan na
ang una ay pinamunuan ni Christopher Columbus (1451-1506). Noong
1492, namuno siya sa unang ekspedisyon patungong India na dumaan
pakanluran ng Atlantiko ngunit nakarating sila sa isla ng Bahamas,
Hispaniola (kasalukuyan ay ang mga bansang Haiti at Dominican
Republic) at Cuba. Ang mga tao dito ay tinatawag nilang Indians dahil https://www.biography.com/news
sa magkapareho ang kulay nila sa mga taga India. Narating din niya /christopher-columbus-day-facts
ang Caribbean at South America. Nakatagpo ng bagong mundo na tinawag na America.
Paghahati ng Mundo
Dahil sa lumalalang paligsahan ng pagpapadala ng mga ekspedisyon ng Portugal at
Spain, humingi ang mga bansang ito ng tulong sa Papa sa Rome na si Pope Alexander VI
(1431-1503) upang mamagitan sa kanila. Noong 1493 ay gumuhit ng line of demarcation ang
Papa, isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang Polar
hanggang sa Timog Polar. Para sa Spain ang kanlurang bahagi ng linya at sa Portugal naman
ang sa silangang bahagi ng linya.
Si Pope Alexander VI ang naglabas ng papal bull na naghahati sa lupaing maaring
tuklasin ng Portugal at Spain.
Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan
Nagsimula ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan ((1480-1521), isang Portuges na
ang paglalakbay ay pinondohan ng Spain sa taong 1519 kung saan nilakbay ng kanyang
ekspedisyon ang rutang pakanluran tungong silangan at dito, natagpuan nila ang silangang
baybayin ng South America. Ito ang bansang Brazil sa kasalukuyan. Naglakbay sila sa isang
makitid na daanan ng tubig, ang Strait of Magellan ngayon, at pinasok ang malawak na
Karagatang Pasipiko hanggang marating nila ang Pilipinas. Nakaranas sila ng pag-aalsa ng
mga miyembro at tag gutom dahil sa haba ng paglalakbay.
Ang lahat ng ito ay kanilang nalagpasan at nakatagpo ng malaking kayamanang ginto
at mga pampalasa. Matagumpay naman nilang nakombersyon sa Katolisismo ang mga
katutubo. Ang ekspedisyon ay nagpatunay na maaaring ikutin ang mundo at muling bumalik
sa pinanggalingan nang ang barkong Victoria ay nakabalik sa Spain kahit pa napatay si
Magellan ng isa sa mga tauhan ng katutubong si Lapu-lapu (1491-1542). Ang nasabing
ekspedisyon ang unang circumnavigation o pag-ikot sa mundo na nagtama sa lumang
4
kaalaman ng mga Europeo na ang mundo ay patag. Dahil dito, naitala din sa mapa ang iba
pang kalupaan sa Silangan at lalong nakilala ang mga yaman nito.
Ang mga Dutch
Bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya, napalitan ng mga Dutch ang mga
Portuguese sa pagpasok ng ika-17 siglo. Sila ang nag-agaw sa Moluccas mula sa Portugal
at nagtatag ng bagong sistema ng plantasyon - ang mga lupain ay pinatamnan ng mga tanim
na mabili sa pamilihan. Dahil dito, nagkaroon ng sapilitang paggawa na naging patakaran din
ng mga Español sa Pilipinas.
Ang mga Dutch ay nagkaroon din ng mga kolonya sa North America na pinangunahan
ni Henry Hudson (1565-1611) na isang English na manlalayag na naglakbay para sa mga
mangangalakal na Dutch. Siya ay nakapasok sa New York Bay noong 1609 at pinangalanan
itong New Netherland.
Isang trade outpost o himpilang pangkalakalan ang itinatag noong 1624, sa rehiyon
na pinangalanang New Amsterdam na kilala ngayon bilang New York City. Mas nagtagal ang
kapangyarihan ng mga Dutch sa Asya dahil sa pagkakatatag ng Dutch East India Company
o Vereenigde Oost-Indische Compagnie (VOC) noong 1602 kung ihahambing sa pananakop
nila sa America. Nagbigay ng proteksiyon sa monopolyo ng mga Dutch sa paminta at iba pang
rekado ang mga daungan ng VOC.
Sa pamamagitan ng mga Boers o mga magsasakang nanirahan sa may Cape of Good
Hope nagtatag din ng pamayanan sa Africa ang mga Dutch. Nguni’t humina ang
kapangyarihang pangkomersiyo ng mga Dutch noong ika-17 siglo, at ito’y pinalitan ng
Inglatera bilang pinakamalakas na imperyong pangkatubigan ng Europe.
Ang Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas ng mga Lupain
Nagbunga ng pagbabago ng mga ruta sa kalakalan ang pagtuklas at paglalayag
noong ika-15 at ika-16 na siglo kung saan nawala sa dating kinalalagyan ang Italy sa
kalakalan na kanyang pinamunuan sa Medieval Period. Ang mga pantalan sa baybay-dagat
ng Atlantic mula sa Spain, Portugal, France, Flanders, Netherlands at England ay naging
sentro ng kalakalan. Sa pagkakatuklas ng mga lupain, higit na dumagsa ang mga kalakal at
spices na nagmula sa Asya gaya ng kape, ginto at pilak sa North America; asukal at molasses
sa South America; at indigo sa Kanlurang Indies.
Nagpalawak sa paglaganap ng mga salaping ginto at pilak na galing sa Mexico, Peru
at Chile ang mga produktong pangkalakalan. Ito ang nagpasimula ng pagtatatag ng mga
bangko. Kinailangan ng mga mangangalakal na may paglagyan ng kanilang salaping barya
sa dami nito. Ginamit at ipinakilala sa mga mangangalakal ang salaping papel at ito ay
nagbigay daan sa pagtatatag ng sistemang kapitalismo, kung saan mamumuhunan ng
kanyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo o interes.
Hindi alam ng mga tao sa Medieval Period, ang pag-iipon ng salapi. Masaya na sila
kung sapat ang kanilang kita sa kanilang pangangailangan pero sa pag-unlad ng kalakalan,
ang kanilang salaping naipon ay dumami. Hindi naman nila ito itinago bagkus, pinalago nila
ang ito at ginamit nilang puhunan sa kalakalan.
Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon
Maraming mahahalagang epekto ang unang yugto ng kolonisasyon.
1. Nagbigay daan ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga Español at
Portuguese sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa nagagalugad pati na ng
pagkatuklas ng mga sibilisasyon. Ang ugnayan ng Silangan at Kanluran ay lalong lumakas.
2. Ang mga bagong pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag ay
nakapukaw rin ng interes sa eksplorasyon.
5
3. Ang kolonisasyon ang nagpasigla sa paglaganap ng sibilisasyong kanluranin sa
silangan.
4. Maraming suliranin ang idinulot ng kolonisasyon sa mga bansang nasakop nito gaya
ng pagkawala ng kasarinlan ng mga ito, paninikil ng mananakop at pagsasamantala sa likas
na yaman ng mga bansa.
5. May pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa pagpapalitan ng hayop
at halaman at mga sakit sa pagitan ng Old World at New World.
Pagyamanin
Gawain 2: Sagutin Mo!
Panuto: Basahin at unawain ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa
kwaderno ang iyong sagot.
1. Bakit hinangad ng Spain ang yaman ng Silangan?
2. Ano ang dahilan bakit nagkaroon ng line of demarcation?
3. Naging mabuti o masama ba ang epekto ng unang yugto ng kolonisasyon at
imperyalismo? Patunayan.
Isaisip
Bansang
Mga Bansang
Kanluranin Dahilan ng Pananakop Epekto
Sinakop
(Mananakop)
Spain
Portugal
Dutch
6
Buod
Ang dakilang panahon ng eksplorasyon o paghahanap ng mga lugar na hindi pa
nararating ng mga Europeo ay nagsimula noong ika-15 siglo na nagbigay daan sa
kolonyalismo,
Nagsimula ang unang yugto ng imperyalismo noong ika-15-17 siglo. Ito ay ang
paghihimasok, pag-iimpluwensiya, o pagkontrol ng isang bansa sa isang mahinang bansa.
Naisasakatuparan ang paglalakbay ng Europeo sa malalawak na karagatan noong
ika-15 siglo dahil sa ilang salik. Ito ang mausisa na pag-aaral ng mga monarkiya sa
paglalakbay at ang pagpapaunlad sa sasakyang pandagat at mga instrumentong
pangnabigasyon dahil kailangan ito sa kanilang paglalakbay upang mapagtagumpayan ang
maraming pagsubok na kanilang kinakaharap.
Nagkaroon ng matinding epekto sa naging takbo ng kasaysayan ng daigdig ang
nasabing eksplorasyon. Ang mga karagatan ay naging daan tungo sa pagpapalawak ng mga
imperyong Europeo sa panahon ng eksplorasyon.
Dahil sa lumalalang paligsahan ng pagpapadala ng mga ekspedisyon ng Portugal at
Spain, si Pope Alexander VI naglabas ng papal bull na naghahati sa lupaing maaring tuklasin
ng Portugal at Spain. Noong 1493 ay gumuhit ng line of demarcation ang Papa, isang hindi
nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang Polar hanggang sa Timog Polar.
Para sa Spain ang kanlurang bahagi ng linya at sa Portugal naman ang sa silangang bahagi
ng linya.
. Nagbunga ng pagbabago ng mga ruta sa kalakalan ang pagtuklas at paglalayag
noong ika-15 at ika-16 na siglo.
Maraming epekto ang unang yugto ng kolonisasyon gaya ng pagbigay daan ng mga
eksplorasyon na pinangunahan ng mga Español at Portuguese; ang mga bagong
pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag ay nakapukaw rin ng interes sa
eksplorasyon; ang kolonisasyon ang nagpasigla sa paglaganap ng sibilisasyong kanluranin
sa silangan; maraming suliranin ang idinulot ng kolonisasyon sa mga bansang nasakop nito
gaya ng pagkawala ng kasarinlan ng mga ito, paninikil ng mananakop at pagsasamantala sa
likas na yaman ng mga bansa; at may pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa
pagpapalitan ng hayop at halaman at mga sakit sa pagitan ng Old World at New World.
7
Pagtatasa
Panuto: Upang masubok ang naintindihan tungkol sa nilalaman ng modyul na ito, sagutin ang
pagtatasa. Isulat ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang.
6. Anong linya ang naghahati sa mundo upang mapigilan ang pag-aaway ng mga bansang
Spain at Portugal?
a. Pedestrian lane c. line of demarcation
b. Border line d. Straight line
7. Sinong papa ang naglabas ng papal bull na naghahati sa lupaing maaring tuklasin ng
Portugal at Spain?
a. Papa Alexander VI c. Papa Gregory I
b. Papa Leo the Great d. Papa Gregory VII
8
9. Bakit mahalaga para sa mga kanluraning bansa ang pagtuklas ng mga bagong lupain?
a. Upang maging pinakamakapangyarihang bansa
b. Upang makatuklas ng mga likas na yaman at mga pampalasa
c. Upang lumawak ang mga teritoryo nila at yumaman
d. Lahat ng nabanggit
10. Anong libro ang nagpa-usbong sa kagustuhan ng mga kanluraning bansa upang sakupin
ang China?
a. The Book of Travel c. The Travels of Marco Polo
b. The Travels of Vasco Da Gama d. The Expedition of Prince Henry
9
10
Pagtataya: Subukin:
1. A 1. D
2. C 2. A
3. C 3. B
4. B 4. C
5. A 5. D
6. C 6. C
7. A 7. D
8. B 8. B
9. D 9. D
10. C 10. A
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
A. Aklat
Antonio, Eleanor D., “Pana-Panahon III. Worktext para sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon.
Kasaysayan ng Daigdig”. Rex Bookstore. 856 Nicanor Reyes St. St. Manila
Philippines. 1999.
Blando, Rosemarie C., Michael Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L.
De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo and Kalenna
Lorene S. Asis. Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education, 2014.
Camagay, Ma. Luisa T. et. al. “Kabihasnan ng Daigdig Kasaysayan at Kultura”. Vibal
Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City. 2010.
Vivar, Teofista L., Priscilla H. Rillo, Zenaida M. De Leon and Nieva J. Discipulo. Kasaysayan
ng Daigdig. Quezon City: SD Publications, Inc., 2000.
11