Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Mati School of

Paaralan Baitang 11
Arts and Trades
Pagbasa at
MALA-MASUSING Pagsuri ng Iba’t
BANGHAY-ARALIN Guro Jasmin T. Morales Asignatura Ibang Teksto
Tungo sa
Pananaliksik
Mabait
(9:45-10:45 a.m.)
Malinis
(10:45-11:45 a.m.) Ikatlong
Petsa/Oras Markahan
Pebrero 21, 2024 Markahan
Masinop
(10:45-11:45 a.m.)
Pebrero 23, 2024
I. LAYUNIN
Sa animnapung (60) minuto ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a. Natatalakay ang iba’t ibang paraan at uri ng paglalarawan;


b. Nakikilala at masuri ang mga halimbawa ng tekstong
naglalarawan; at
c. Nakasusulat ng maikling tekstong naglalarawan.
II. NILALAMAN/ Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal sa pagsulat ng Tekstong
PAKSA Deskriptibo
Link: https://www.slideshare.net/NicoleAngeliquePangilinan/tekstong-
Sanggunian:
deskriptibo-grade-11-204065026
Kagamitang Panturo: Mga larawan, pentelpen, PowerPoint, bidyu, kagamitang biswal.
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain o Panalangin
o Pagbati
o Pagtala ng liban sa klase
o Pagpaaalala ng mga alituntunin sa silid-aralan
B. Paglinang na Gawain
a. Balik-Aral Pagbibigay katanungan sa kung ano ang mga natalakay sa unang
pagkikita. Katulad na lamang ng mga;
1. Ano ang paksa ng ating tinakalay noong nakaraang araw?
2. Ano ang Cohesive Devices ang natalakay kahapun?
b. Pagganyak TAYUTAY!

Panuto: Sa mga pangungusap piliin kung anong klase ng tayutay ang


bawat bilang. Ito ba ay pagtutulad, metapora, personipikasyon o
pagmamalabis.
1. Ang mga mata mo ay kumikislap na parang mga bituin sa langit.
Sagot: Pagtutulad
2. Sumasayaw ang mga bituin sa langit.
Sagot: Personipikasyon
3. Namuti na ang buhok ko sa kahihintay sayo!
Sagot: Pagmamalabis
4. Ang kanilang bahay ay malaking palasyo.
Sagot: Metapora
5. Kulay ginto ang kanyang buhok.
Sagot: Metapora
c. Paglalahad ALAMIN NATIN!

Link: https://www.youtube.com/watch?v=2elVVt-SbIw&t=84s

Limang Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal


1. Reperensiya
2. Substitusyon
3. Elipsis
4. Pang-ugnay
5. Kohesyong Leksikal
d. Paglalapat Tumpak-Ganern!

Panuto: Bubuo ng tatlong pangkat ang klase. Gagawing isang segment


o laro na kung sino ang unang pipindot ng buzzer ay siyang sasagot,
kapag hindi nakasagot pwedeng mag steal ang kalaban at sagutan ng
tama. Isasalaysay lamang ng host ang teksto na halimbawa ng mga
kohesyong gramatikal na dapat lamang hulaan.

Halimbawa nito ay
 Ang Kwentong Katatawan ay isang uri ng maikling kwento. Ito ay
may layuning magbigay aliw sa mga mambabasa.
Sagot: Anapora
e. Pagpapahalaga Ang paglalarawan sa teksto ay nakakatulong upang mahusay ang
pagkakahabi ng tekstong deskriptibo bilang bahagi ng iba pang uri ng
teksto at mas mahing malinaw ang anumang uri ng tekstong isusulat.
f. Paglalahat Pagtatawag ng mga mag-aaral upang masagutang ang mga
katanungang;
1. Anong uri ng cohesive devices ang natalakay?
2. Ano ang kahalagahan ng mga bahaging ito sa pagsusulat?
C. Pangwakas na Gawain
Pagsasanay Panuto: Susuriin ang kantang “Pusong Ligaw” ni Jericho Rosales at
hahanapin sa liriko nito ang mga kohesyong gramatikal.
Link: https://www.youtube.com/watch?v=FhdoXJyODMc

IV. PAGTATAYA
Panuto: Basahin ang mga sumusunod at sagutang kung anong uri ng
cohesive devices ang tinutukoy.

1. Ang manunulat ay maglalarawan nang napakalinaw at halos


madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan sa mga
tekstong naratibo tulad halimbawa ng mga tauhan sa maikling
kuwento. Sagot: Subhetibo
2. Nagkakaroon ng kohesyon ang isang teksto kung magkakaugnay
ang mga pangungusap sa isang talata at sa iba pang mga talata nito.
Sagot: Kohesyong Leksikal
3. Ito ay bumabatay sa katotohanan.
Sagot: Obhetibo
4. Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang
salita.
Sagot: Substitusyon
5. Ito ang uri ng paglalarawan na kung ano ang nakikita, nadarama,
nairinig, o di kaya'y nalalasahan, iyon ang ilalaman sa ginagawang
paglalarawan.
Sagot: Karaniwang Paglalarawan
6. Ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bialang pananda sa
painalitang pangngalan sa unahan.
Sagot: Anapora
7. Ito ay may pag-uulit ng ilang beses sa teksto.
Sagot: Reiterasyon
8. Ito ay panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa
pinalitang pangngalan sa hulihan.
Sagot: Katapora
9. May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang
maiintindihan o maging malinaw parin sa mambabasa.
Sagot: Elipsis
10. Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging
reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap.
Sagot: Reperensiya
11. Tumutukoy sa mga pangunahing salita sa anumang babasahin na
nagtataglay nag iba’t ibang impormasyon.
Sagot: Teksto
12. Gumagamit ito ng iba’t ibang pangatnig.
Sagot: Pag-uugnay
13. Ito ay nakabatay sa persepsiyon o sariling interpretasyon at
emosyon ng manunulat naginagamitan ng matalinhagang pahayag
kagaya ng mga tayutay o idyoma.
Sagot: Masining na Paglalarawan
14. Mga salitang ginagamit na may kaugnayan sa isa’t isa.
Sagot: Kolokasyon
15. Pandiwa ang pinapalitan.
Sagot: Berbal
V. TAKDANG-ARALIN
Panuto: Pansinin ang mga paksang nasa ibaba. Pumili ng isang paksa at
gagawa ito ng tekstong deskriptibo. Tiyakin na gagagmitan ng higit sa
dalawang uri ng kohesyong gramatikal. Ang tekstong susulatin ay
binubuo ng dalawang talata lamang.

a. Ang mga Sakripisyong Hatid Dulot ng Pandemya


b. Edukasyon: Noon at sa Kasalukuyan

PAMANTAYANG NILALAMAN

Kabatiran sa paggamit ng wika -------- 10 pnts


Pag-oorganisa ng mga ideya ----------- 10 pnts
Paggamit ng kohesyong gramatika---- 10 pnts
KABUOAN ---------------------------------- 30 PNTS

Inihanda ni: Nabatid ni:

Jasmin T. Morales Noreen Grace N. Egos


Estudyanteng Guro Gurong Tagapagsanay

You might also like