Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

NEWS WRITE-UP

RADIO BROADCASTING WRITE UP:


BALITANG LOKAL
Clean-up Drive sa Aritao National High School, isinagawa
Idinaos na ang Clean-up Drive sa Aritao National High School noong Nobyembre 22, taong
kasalukuyan. Ang kaganapan ay nilahukan ng lahat ng baitang ng Aritao National High School
mula Junior High School hanggang Senior High School. Ito ay upang mapanatili ang kalinisan
ng nasabing paaralan.
Bagong halal na Kapitan, patay
Namatay ang kapapanalo lamang na Kapitan sa Barangay Calitlitan, Aritao, Nueva Vizcaya
na kinikilalang si Rolando Hipolito Serapon. Ayon sa imbestigasyon, nasawi ito sa pamamagitan
ng pamamaril habang nakaupo sa loob ng kanilang bahay, nangyari ang insidente noong
Biyernes ng gabi, Nobyembre 17, taong kasalukuyan. Dinala pa raw ang biktima sa hospital
ngunit ito’y idineklarang Death on Arrival. Sa ngayon, nangangalap pa ng mga karagdagang
impormasyon na maaaring makatulong sa pagtukoy sa suspek.
Saint Teresitas Academy Intramurals Meet 2023, ginanap na; Nueva Vizcaya Institute
Intramurals 2023, idinaos na rin
Isinagawa na ng Nueva Vizcaya Institute ang kanilang Intramurals Meet 2023 noong
Nobyembre 20 hanggang Nobyembre 24. Samantala, naganap na rin ang Intramurals Meet 2023
ng Saint Teresitas Academy na may titulong “Frolics 2023”. Ito ay ginanap mula Nobyembre 22
hanggang Nobyembre 24, taong kasalukuyan. Sa ngayon, naghahanda na ang mga nagwagi
mula sa dalawang pribadong paaralan para sa nalalapit na Municipal Meet 2023.
Mr. and Ms. Intramurals Meet 2023 ng NVI, idinaos na
Ginanap na noong Biyernes ng gabi, Nobyembre 24, taong kasalukuyan ang Mr. and Ms.
Intramurals Meet 2023 ng Nueva Vizcaya Institute. Nasungkit ni Prince Eiron Timbreza ang
titulong Mr. Intramurals 2023 habang napagtagumpayam naman ni Kylie Trisha Hernandez ang
titulong Ms. Intramurals 2023.
Mandatory of Wearing Uniforms, ipinatupad ng Aritao NHS
Idineklara ng Aritao National High School ang pagsusuot ng angkop na uniporme ng mga
mag-aaral ng nasabing paaralan. Ito ay nagsimula noong Lunes, Nobyembre 20, taong
kasalukuyan na pinangunahan ng SSLG officers at CAT officers. Samantala, inimplementa rin ng
Aritao National High School ang pagsusuot ng Id dahil maraming mga dayuhan galing sa ibang
paaralan ang pumapasok sa nasabing paaralan at nagsisimula ng away.

NEWS CASTING WRITE UP:


BALITANG LOKAL
Aritao National High School, nag-uwi ng parangal
Nakamit ng isang mag-aaral ng Aritao National High School na si Lavern Delmas ang
titulong “Best In Asean Attire 2023” sa idinaos na Division ASEAN-UNESCO Attire
Exhibition na isinagawa noong Nobyembre 11, 2023 sa Diadi LGU Gymnasium, Diadi, Nueva
Vizcaya. Ang layunin ng kaganapan ay mabigyan ng pagkakakilanlan ang bawat kultura ng mga
iba’t ibang bansa.
Teenage Pregnancy Symposium, idinaos
Isinagawa na ang Teenage Pregnancy Symposium para sa lahat ng mga ika-labing isang
baitang na mag-aaral ng Aritao National High School. Ito ay ginanap noong Nobyembre 8, taong
kasalukuyan sa LGU Gymnasium, Poblacion, Aritao, Nueva Vizcaya. Ang layunin ng
kaganapang ito ay magbigay ng mahahalagang impormasyon at palawakin ang kaalaman ng mga
mag-aaral tungkol sa maagang pagbubuntis ng mga babaeng kabataan na may edad labing
dalawa hanggang dalawampo. Ito ay inorganisa dahil dumarami na ang mga kaso ng mga
kabataang babae na nabubutis dito sa ating lungsod.
Pangirayaw Festival ng Poblacion, ipinagdiriwang na
Nagsimula ng sinelebra ang Pangirayaw Festival sa Poblacion, Aritao, Nueva Vizcaya noong
Biyernes, Nobyembre 24, taong kasalukuyan. Ito’y sinimulan ng isang Thanksgiving Mass sa
Poblacion Gymnasium at sinundan ng parade. Kinagabihan ginanap naman ang Barangay
Cultural Night bilang bahagi ng nasabing kaganapan.
Aritao NHS Intramurals Meet 2023, ginanap na
Idinaos na ng Aritao National High School ang Intramurals Meet 2023 mula Nobyembre 6
hanggang Nobyembre 10. Isinagawa ang iba’t ibang aktibidad tulad ng Badminton, Volleyball,
Basketball at marami pang iba. Ipinamalas ng bawat kalahok mula sa ika-pitong baitang
hanggang sa ika-labing dalawang baitang ang kanilang galing sa iba’t ibang isports. Sa ngayon,
ginaganap na rin ang matinding pag-eensayo ng mga pinalad na mga kalahok para sa nalalapit na
Municipal Meet.

KOMUNIKASYON GROUP 3 (11-HUMSS DEWEY):


LEADER:
Layco, John Michael
MEMBER:
Calacala, Jhune Czendrick Basilang, Trecia Jane Lucena, Josela
Cordova, Gerald De Guzman, Lovely Mazo, Alexandrea
Esteves, Mon Jeric Gapasin, Trisha Ortaleza, Lynden

You might also like