Nagsimula ito sa New York City noong Marso 8, 1857, nang ang mga babaeng
manggagawa sa tela ay nagmartsa bilang protesta sa hindi patas na kondisyon sa
pagtatrabaho at hindi pantay na karapatan para sa kababaihan. Isa ito sa mga unang organisadong welga ng kababaihang manggagawa, kung saan nanawagan sila ng mas maikling araw ng trabaho at disenteng sahod. Ito ay isang araw kung kailan kinikilala ang mga kababaihan para sa kanilang mga nagawa nang walang pagsasaalang-alang sa mga pagkakahati-hati, maging pambansa, etniko, lingguwistika, kultura, pang- ekonomiya o pampulitika. Mula noong mga unang taon, ang Pandaigdigang Araw ng Kababaihan ay nagkaroon ng bagong pandaigdigang dimensyon para sa mga kababaihan sa mauunlad at papaunlad na mga bansa. Meron din itong sanhi at bungaq katulad na lamang ng sa Africa 15% at asya na 13% lamang, sa buong mundo ay babae at ang mayorya ng 1.3 bilyong namumuhay sa kahirapan ay babae, at dagdag pa 1500 ang babaeng namamatay araw-araw dahil sa hindi planadong pagbubuntis o wala sa tamang panahon ang pagbubuntis at mga iba pang dahilan ng may kinalaman sa pagdadalang tao. Bilang konklusyon, ang International Women's Day ay isang mahalagang okasyon na kumikilala sa mga nagawa ng kababaihan at nananawagan para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian.