Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

Ang Pagtuturo ng Pagsusulat

Pagsulat: Isang Multidimensyonal na Proseso


HINDI basta nagaganap ang pagsulat. Ito’y nangyayari lamang kung
ang mga tamang sangkap sa pagsulat ay mahusay na napag iisang
sintematikong paraang-isang manunulat, karanasan, at kawing ng
mga salita at isang kapaligiran na mag sisilbing landas tungo sa
mabisang paglalahad ng mga ideya at kaisipan.
Ang karanasan ay maaring dumating anumang oras saanmang lugar.
Kung sa paaralan ito nadama, maaring bunga ito ng isang
Magandang talakayan pangklase o ng isang kwento o tula.
Ang Pagsulat. Bakit?
Saksi tayong lahat sa maraming paraan at Teknik sa pagtuturo ng wika lalo nitong
huling kapat ng bahagi ng ika-20 siglo. Nagkaroon ng mabilis na pagbabago sa mga
pananaw at dulog sa pagtuturo at pagkatuto ng wika mula sa tradisyunal hanggang sa
komunikatibong dulog sa pag tuturo ng wika. Sa kabilang dako, ang pagsulat bilang
isang makrong kasanayan ay napag-iwanan. Nahaharap tayo sa ibat ibang uri ng
sulatin araw araw, ang diyaryo, adbertisment, phone bills, electric bills, liham, paalala
at iba pa.
Ang pagsulat: Isang kompleks na proseso
Ang pagsulat ay isang isang kontinwum (continuum) ng mga Gawain sa pagitan ng
mekanikal o pormal na aspekto ng pagsulat sa isang banda at nang mas kompleks na
Gawain ng paglikha sa kabilang dulo. Ayon naman kay Rivers (1975) ang pagsulat ay
isang gawaing nag-uungat mula sa pagtatamo ng kasanayan (skill getting) hanggang
sa mga kasanayang ito ay aktwal na magagamit (skill using)
Mga uri ng sulatin
1. Personal na Sulatin – impormal, walang tiyak na balangkas at pansarili. Ito ang
pinakagamiting uri ng sulatin ng mga bata dahil nagagawa nila iugnay ang
anumang paniniwala, damdamin, pag iisip o kaya’y tungkuling taglay nila sa
kanilang sarili.
2. Transaksyunal na Sulatin – pormal, maayos ang pagkakabuo, at binibigyang
pokus ang impormasyong o mensaheng nais ihatid dahil komunikasyon ang
pangunahing layunin ng ganitong sulatin.
3. Malikhang Sulatin – masining na paglalahad ng naiisip o nadrama at
karaniwang binibigyang-pansin ang wikang ginagamit sa sulatin. Ito’y ginagawa
ng ilang tao bilang midyum sa paglalahad ng kanilang sariling pananaw sa mga
bagay o paligid o kaya’y isang libangan.
Ano ang pagsulat?
Ang pagsulat ay iinog sa kung gaano kabisa at kasensitibong makabubuo ng mga
pahayag ang isang mag-aaral upang makababasa nito’y magaganyak na mag-isip,
kumilos, at magalak. Ang pagsulat ay isang Sistema para sa isang komunikasyong
interpersonal na gumagamit ng simbolo at isunusulat/inuukit sa isang makinis na
bagay tulad ng papel, tela o di kaya’y isang malapad at makapal na tipak ng bato.
Ang pagsusulat sa Filipino ay gumagamit ng isang Sistema na binubuo ng 28 na letra
(a,b,c,d…..z).
MGA SALIK PASALITA PASULAT

Mga salik na Sokolohikal A. Gawaing sosyal A. Gawaing Mag-isa

- May adwyens at may - isang anyo ng


interaksyong nagaganap pakikipagtatastasan na
- ito’y anyong tuloy tuloy ginagawa nang nag iisa.
(linear) hindi na mababawi - maraming ginagawang
ang nasabi ngunit maaring pag aakma ang manunulat
baguhin. upang maisaalang alang
- may kagayat na pidbak sa ang di nakikitang awdyens,
anyong berbal o di berbal. - walang kagyat na pidbak
kaya’y hindi na mababago
kung ano man ang naisulat.
Mga salik na Linggwistik - maaring gumamit ng mga - kailangan mahusay ang
impormal at mga pinaikling paglalahad ng kaisipan
konstruksyon ng mga salita. upang makatiyak na
- napagbibigyan ang mga malinaw ang dating sa
pag-uulit ng mga pahayag mambabasa.
Mga salik na Kognitib - ang pagsasalita ay - natutuhan sa paaralan at
madaling natatamo kailangan ang pormal na
- natutuhan ang isang pagtuturo at pagkatuto.
prosesong natural na tila - mahirap ang pagbubuo ng
walang hirap (ego-building) isusulat na mga ideya kaysa
sa pagsasabi nito.
Ang Pagsasalita vs. Pagsulat
Ang wika, pasalita man o pasulat ay ginagamit na behikulo sa pagpapahayag ng ating
mga nadarama at mga pangangailangan. Bawat wika ay may sariling tuntuning
semantiko at sintaktiko na kinakailangan sundin ng bawat nagsasalita o nagsusulat
upang maunawaan siya ng kanyang tagapakinig o mambabasa. Sa kabilang dako,
kinakailangan din ng mga tagapakinig o mambabasa ang mga kabatirang ito upang
maunawaan nya ang wikang naririnig o binabasa.
Mga uri ng sulatin
Personal na Sulatin Transaksyunal na Malikhang sulatin
Sulatin
Shopping (Grocery list) Liham Pangalakal Tula
Tala Panuto Maikling kwento
Diary Memo Awit
Dyornal Plano Anekdota
Dayalog Proposal Biro
Liham Patakaran ng mga Bugtong
Mensahe Tuntunin
Pagbati Ulat
Talambuhay Adbertisment
1. Pasalaysay (Narration) – Pagpapahayag ng naglalayong maghayag ng
sunud-sunod ng isang bagay, pangyayari, may tauhan at may tagpuan (maikling
kwento, talambuhay, dyornal, kasaysayan, kathang-isip, atbp.)
2. Palarawan (Descriptive) – Pagpapahayag na naglalayong magsaad ng larawan
ng kabuuan ng isang bagay, pangyayari o magbigay ng isang Biswal na konsepto
ng mga bagay-bagay, pook, tao, o pangyayari (paglalarawan ng mga tao, bagay,
lugar at konsepto)
3. Panghihikayat (Persuasive) – Pagpapahayag na naglalayong mahihikayat ang
mambabasa na makiayon o tanggapin ang pananaw ng manunulat. (adbertisment,
sanaysay na politikal, editoryal, brosyur.)
4. Eksposisyon (Exposition) - Pagpapahayag ng may tunguhing ipaliwanag ang
pangyayari, opinyon, kabatiran at mga kaisipan. (pagpapaliwanan, impormasyon)
5. Pangangatwiran (Argumentation) – Pagpapahayag ng isang kaisipan,
paniniwala o kuro-kuro na naglalayong mapaniwala ang kausap o bumabasa sa
opinyon, palagay at paniniwala ng nagsasalita o ng sumusulat. (opinyon, talakay,
ebalwasyon)
Mga kailangan sa Pagbuo ng Sulatin
1. Tapik o Paksa – Kailangan sa pagbuo ng isang sulatin ang sapat na kaalaman o
impormasyon sa paksang susulatin. Ang mga kaalamam/ipormasyon ay maaring
galing sa mga Sangguniang aklat, dyornal at iba pa o mga impormasyong
nakalap buhat sa mga pagmamasid at/o personal na mga karanasan.
2. Layunin – Dapat na malinaw sa isipan ng manunulat ang dahilan kung bakit siya
nagsusulat. Malaki ang magiging epekto nito sa kanyang paraan ng pagsulat.
3. Interaksyon at isang pagbuo ng kamalayan ng Awdyens – Dapat isaisip ng
isang manunulat na may nagaganap na interaksyon sa pagsulat. Kung minsan,
ang manunulat ay nag-iinterak sa kanyang sarili, halimbawa, kapag nagsusulat
siya ng dyornal, pero sa maraming pagkakataon ang interaksayon ay sa ibang
tao. (halimbawa, pagsusulat sa maha; sa buhay upang ipaalam na nasa Mabuti
kang kalagayan)
4. Wika – Ang isang manunulat ay kailangan mayroon ng kaban ng wikang
maaring gamitin ayon sa pangangailangan. Dapat alam niya ang istilo ng wikang
angkop na gamitin sa lahat ng pagkakataon.
6. Mga Kasanayan sa Pag iisip – Ang isang manunulat ay dapat magtaglay ng ibat
ibang kasanayan sa pag iisip. Kailangang may taglay siyang kasanayan sa pagtatangi
ng mga bagay at pangyayari upang madesisyunan niya kung alin nag mahalaga o
hindi.
7. Kasanayan sa Pagbuo – Isa sa mga tunguhin ng manunulat ang makabuo nang
maayos na talataan na naglalahad nag malinaw na ideya at mga pangsuportang
detalye. Nagagawa rin ng isang mahusay na manunulat na lohikal na mailahad ang
pagkasunod sunod ng mga ideya sa pagbuo ng isang magkakaugnay na teksto sa
pamamagitan ng paggamit ng angkop na pang-ugnay.
8. Sariling Sistema ng pagpapahalaga – Dapat isaalang alang sa pagsusulat ang
mga pagpapahalagang ninananaligan ng isang manunulat at handa siyang panindigan
ang mga ito.
Ang Program sa Pagsulat sa Kurikulum
Isang mabisang Gawain upang makatiyak kung ano ang dapat linanging mga
kasanayan sa pag tuturo ng pagsusulat ay ang pagsusuri ng ELC at PSSLC na kung
saan ay itinala ang mga kasanayang dapat linangin sa pagsulat sa antas Elementarya
at Sekundarya. Maari naman tingnan ang mga guro sa antas ng tersarya ang mga
silabus na ipinalabas ng CHED kaugnay ng ipinapatupad ng new general education
curriculum (NGEC)
Bakit itinuturo ang Pagsulat?
Ang maraming bilang ng mag-aaral na palihim na nag rerebelde ang kalooban dahil
kailangang nilang mag submit ng komposisyon ay karaniwang senaryo sa maraming
klasrum at halos ay hindi binibigyang pansin ng maraming guro ng wika.
Ang ganitong tanawin ay maaring bunga ng mga maling konsepto at mga paraan at
istratehiya sa mabisang pagtuturo ng pagsulat at komposisyon sa ating mga paaralan.
1. Ang mga Gawain sa pagsulat ay mahalagang daan upang mapagsama-sama at
mapatibay ang mga kasanayang natamo. Isa iba pang makrong kasanayan gaya
ng sa pakikinig, pagsasalita at pagbabasa.
2. Ang mga gawaing sa pagsusulat ay iba’t iba at ito ay maaring silbing pagganyak
at maari ring tanawin bilang tagapamagitan sa mga Gawain sa pagbasa o
pagsasalita.
Ang Pagsulat sa Elementarya
1. Pamantayan sa Pagsulat
Magkaroon ng maunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat at
paggamit ng mga sangkap sa pagsusulat.
A. Nakakasunod sa mga pamantayan sa pagsulat
B. Naisasagawa ang matipid at malinis na paraan ng pagsulat.
2. Panimulang pagsulat
Nagkakaroon ng panimulang kasanayan sa maayos na pagsulat nang palimbag at
sa pag-gamit ng mga sangkap sa pagsulat.
• Naisusulat ang mga titik nang wastong porma o hugis
1.1 – Nakaguhit ang mga “stick figures”
1.2 – Nakasulat ng ibat ibang guhit, Hal: (tuwid, pahiga, palihis, pabilog, atb)
1.3 – Nasisipi ang Malaki/Maliit na titik
1.4 – Naiuugnay ang Malaki at Maliit na titik
• Nagkakaroon ng kahandaan sa pagsulat ng kabit-kabit.
2.1 – Nakakagawa ng pataas-pahabang paguhit (push and pull) pataas na paikot
(Indirect oval)
2.2 – Naisusulat ang mga titik ng alpabeto nang naayon sa iba’t ibang guhit.
Hal: pailalim na kurba – u, ww, i, c, atb.
paibabaw na kurba – a, n, m, x, atb.
paikot na kurba – I, h, k, atb.

3. Nagagamit ng wasto ang bantas ng tuldok, pananong at pandamdam na angkop sa


uri ng pangungusap.
4. Nakasusulat ng maikling talata na binubuo ng 3 o higit pang pangungusap.
5. Nagagamit ng wasto ang mga sangkap ng pagsusulat.
Ang Pagsulat sa Sekundarya
Pagkatapos ng apat na taong pag-aaral sa Filipino sa mataas ng Paaralan, inaasahang
malilinang sa bawat mag-aaral ang mga sumusunod na kakayahan.
A. Pagsulat
1. Naipapakita ang kakayahang pumili ng pamamaraan at batayang panretorika
upang maipahayag ang sariling kaisipan, ideya, opinion, damdamin at mga
saloobin.
2. Naipapakita ang pagkamasining at pagkamalikhain sa pamamagitan ng mga
anyong pagsulat.
3. Naipapamalas ang kakayahang gumamit ng mga kaalamang pambalarila sa
tulong ng mga batayang kaalamang pang wika.
4. Naipapamalas ang kakayahang maisulat nang wasto at maliwanag ang damdamin
at kaisipan sa mga tiyak na layunin (sosyal, pangangalakal, bokasyunal,
siyentipiko).
Ang Pagsulat sa Tersarya
Malilinlang ang pagsulat batay sa institusyon na pinasukan
ng bawat mag-aaral at ayon sa kurso na kanilang pinasukan.
Ang bawat institusyon ay mga kani-kanilang prinsipyo na
sinusunod upang makapagtapos ng mga pag-aaral ay siyang
matututunan at iyon ay nababatay sa libro o materyal na
babasahin pagkatapos ng apat na taon sa kolehiyo.
Mga Yugto sa Pagkatuto sa Pagsulat
Katulad ng pagbasa, mayroon ding apat na pangunahing
yugto ng pagkatuto sa pagsulat: kahandaan sa pagsulat,
panimulang pagsulat, pagsulat ng debelopmental at
ganap na pagsulat. Tatalakayin nang isa-isa sa seksyong ito
ang mga yugtong ito sa pagsulat. Alamin natin ang mga
kasanayang dapat linangin at ano ang kagamitang panturo,
mga Gawain at mga Teknik ang karaniwang ginagamit sa
bawat yugto.
1. Kahandaan sa Pagsulat
Katulad ito halos ng mga Gawain sa Kahandaan sa pagbasa at
nililinang din dito ang mga kasanayang psychomotor upang maihanda
ang mga bata sa pagsulat ng isang gawaing pisikal.
2. Panimulang Pagsulat
Sa yugtong ito ng pagsulat, karamihan ng mga Gawain ay
nakapokus sa mga gawaing pre-komunikatib kung saan ang natutuhan
ng mga bata ay ang mga mekaniks at konbensyong mahalaga para sa
epektibong pagsulat na komunikatib. Kabilang sa mga gawaing
nakapaloob dito ay ang porma ng pagsulat, pagbaybay, pagbabantas at
pagtatalataan.
Mga Gawain sa Pagsipi/Pagkopya
Kailangan ng mga batang bago pa lamang sumusulat ang
maraming Gawain at pagsasanay sa pagsisipi. Ito’y hindi
dapat maging mekanikal upang maiwasan ang pagkabagot ng
mga bata. Ang pagsipi ay maaring sa anyo ng laro, “puzzle”
o di kaya’y mga gawaing hahamon sa kanilang kakayahan sa
pag-iisip.
Ang Sulat-Kamay (Handwriting)
Ang sulat-kamay ay isang paraan ng pagbuo ng mga simbolo
na kapag pinagtatabi ay maaring kumakatawan sa mga salita.
Sa kabila ng paglalaganap ng mga makinang na “word
processor” mahalaga parin ang kasanayan sa sulat-kamay:
kailangan ito sa pagsulat ng mga draf ng komposisyon o mga
liham, sa pagtatala ng mga mensahe at maikling kalatas.
Mga dapat isaalang alang sa gawaing sulat-kamay
A. Agwat sa pagitan ng mga letra ng isang salita at agwat at
pagitan ng mga salita sa pangungusap.
B. Wastong sukat ng mga bahagi ng mga letra: dapat
bigyang pansin ang tamang laki at taas ng mga letra sa
pagsulat.
C. Tamang pagsunod sa direksyon ng lapis sa pagsulat.
Mga panimulang Komunikatibong
Gawain sa Pagsulat
Hindi basta nangyayari ang pagsulat sa tunay na buhay,
kailangang may mabigat na dahilan para sumulat ang isang
tao. Paano sa loob ng klasrum? Dapat laging isaisip ng guro
ang pahayag sa itaas. Kailangan nyang lumikha ng mga
sitwasyon na mahahawi na landas tungo sa pagbuo ng
komposisyon. Isa sa maaring isagawa ng guro ay isang
pagkaklase na walang usapan. Sa halip, pagsulat sa
komunikasyon ang dapat na pailarin.
Narito ang ilang mga panimulang gawaing komunikatibo sa
pagsulat
Mahal kong Lilia,
Maari bang mahiram ang iyong gunting?
Sumasaiyo,
Amy

Mahal kong Amy,


Sori, Naiwan ko ang aking gunting sa bahay
Lilia,
Kontroladong Pagsulat
Ito ay binubuo ng mga Gawain sa pagsulat na naglalaman sa
mga mag-aaral ng iba’t ibang pagsanay sa pagsusulat ng mga
pangungusap o talata na walang kamalian. Ito ang unang
hakbang tungo sa pagsulat ng komposisyon at tinatayang
makatutulong ng Malaki sa pag-aaral na limitado ang
kaalaman sa wika. Sa kontroladong pagsulat, mas higit ang
input ng titser kaysa sa mag-aaral.
Iba’t ibang uri ng Ebalwasyon
1. Pagmamarkang Holistik – Ito’y Top-down na pananaw sa sulatin. Babasahin
nang minsanan ang sulatin at bubuo ng isang panlahatang impresyon.
Pagkatapos, babasahin ito nang masinsinan sa ikalawang pagbasa upang
makakita ng mga patunay upang mapangatwiranan ang unang impresyon ng
sulatin.
2. Mapamiling Pagmamarka – Sa ganitong uri ng pagmamarka, ipinababatid sa
mga mag aaral ang mga krayteryang dapat sundin sa pagsulat. Magagawa ito sa
pamamagitan ng pagsasabi ng ganito bago pasulatin ang mga mag-aaral.
3. Dalawahang Pokus na Pagmamarka – Maraming manunulat sa klase ang
maaring nagtataglay ng magaganda at orihinal na ideya subalit nasisiraan ng loob
dahil mababa ang marking nakukuha. Ito’y dahil medyo mahina sila sa wika.

You might also like