Professional Documents
Culture Documents
Ang Misyon NG Pandemya
Ang Misyon NG Pandemya
Di naman tayo ganito dati, dati na kung saan ay mas matagal pang kasama ang
barkada kaysa sa pamilya.
Ngunit ngayong may pandemya, ninanais natin na lagi silang kasama; di mawalay
sa kanilang tabi, umaga man o gabi. Nagpapasalamat na sila’y kasama at di
nawalay sa isa’t-isa.
Di lamang sa pamilya kundi pati na rin sa barkada, ngayong di nagkikita-kita, bakit
parang namimiss sila? namimiss ang tawanan sa eskuwela at magkakasamang
paglalakad sa kalsada.
Nagpapasalamat nga ako na nakasama ko sila ng matagal dati, at ngayo’y di ako
nagsisisi; bawat oras na kami’y magkakasama’y aking pinapahalagahan, kahit
limitadong oras lamang.