Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

YEAR-END PARTY NG BPESO, NAGANAP!

ni: Mark Manalo


Matagumpay na idinaos ang Year-End Party ng mga kasapi ng Bachelor of Physical
Education Student Organization (BPESO) na ginanap sa Palawan State University Tennis
Court noong ika-13 ng Disyembre na may temang "ONE BPESO: Celebrating the Past
Through Thanksgiving".
Ang programa ay nagsimula sa isang inspirasyonal na mensahe mula kay Prof. Diana Lou
H. Bautista, ang tagapangulo ng BPESO. Sumunod dito ay ang mensahe mula kay Dr. Mary
G. Alvior, ang minamahal na dekana ng College of Teacher Education, na ipinabasa kay
Prof. Diana Luo H. Bautista.
Naging masaya at kakaiba ang mga aktibidad sa kanilang Year-end Party. May mga parlor
games na pinagdaluhan ng mga mag-aaral mula sa iba't ibang antas at pati na rin ang mga
faculty members. Ang highlight naman ay ang patimpalak na Quartet kung saan nagpakita
ng kani-kanilang mga talent ang mga masisigasig na mga kasapi ng BPESO. Ang mga mag-
aaral mula sa ika-apat na taon ang tinanghal na kampeon sa nasabing patimpalak.
Sa kakaibang kaganapan sa bahagi ng patimpalak, bumida ang pag-ibig nina Sir Alvin
Arzaga at Ma'am Roozie Quea. Matapos ang paligsahan, nagbigay ng matamis na sorpresa
si Sir Alvin sa pag-alok ng kanyang pagmamahal kay Ma'am Roozie, at nagdulot ito ng kilig
at kasiyahan para sa lahat.
Sa harap ng mga estudyante at kapwa guro, nakamit ni Sir Alvin ang matamis na oo ni
Ma'am Roozie, nagbibigay daan sa isang masayang pagdiriwang ng kanilang pag-ibig.
Isang simpleng pag-ibig na nagdulot ng mas maraming ngiti at saya sa nasabing
pagdiriwang.
Sa huli, nagbigay ng kanyang mensahe si Emman Parangue, ang presidente ng BPESO,
upang ihandog ng kanyang pangwakas na pananalita.
Ang matagumpay na event na ito ay bunga ng pagtutulungan ng lahat, lalo na sa liderato ni
Prof. Diana Lou H. Bautista at sa iba't ibang miyembro ng BPESO.
ISANG RAWR PARA SA INYO BPED!

You might also like