Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

Epekto ng Implasyon sa mga Maliliit na Negosyo sa Angeles City

HOLY ANGEL UNIVERSITY

Epekto ng Implasyon sa mga maliliit na Negosyo sa Angeles City

Isang Sulating Pananaliksik


na Iniharap sa
Basic Education Department

nina
Almeida, Asher Christian B.
Carolino, Eumi Chantelle S.
Sanchez, Jaymart T.
Tuazon, Stephanie S.
Victorino, Giniel E.

11-St. Bernard

Mayo 2023

Isinusumite kay:
Ginoong. Laurence Pasion
Epekto ng Implasyon sa mga Maliliit na Negosyo sa Angeles City
HOLY ANGEL UNIVERSITY

Talaan ng Nilalaman
Page
Pahina ng Pamagat ..……………………………………………………..…. 1
Talaan ng Nilalaman ………………………………………………………… 2
List of Figures…………………….………………………………………….. 2
INTRODUKSYON.…………………………………………………………….….. 3-4
Pagsusuri ng Kaugnay na Literatura…..…………………………………………….. 5-7
Batayang Konseptuwal ..………...……………………………………………….…. 7-8
Paglalahad ng Suliranin ……...……………………………………………………… 9
Kahalagahan ng Pag-aaral ……...……………………………………….................... 9-11
Sakop at Delimitasyon …………………………………………………………......... 11
METODOLOHIYA ………………………………………………………………... 11
Disenyo ng Pananaliksik ……...…………………………………………….............. 11-12
Paraan ng Pangangalap ng Datos……..………………………………..……………. 12-13
Pagsusuri ng Datos….. …………………………………………….………………... 13
Kosiderasyong Etikal ……..………………………………………………………… 14
Mga Kalahok..………..……………………………………………………………… 14-15
Mga Instrumento ng Pananaliksik ………………………………...………………… 15-17

MGA SANGGUNIAN…..…………………………………….…………...………. 18-20

List of Figures

Figure Page
1 ………………………………………………………………………………. 8
Epekto ng Implasyon sa mga maliliit na Negosyo sa Angeles City
HOLY ANGEL UNIVERSITY

Epekto ng Implasyon sa mga maliliit na Negosyo sa Angeles City

Introduksyon

Malaki ang epekto ng Implasyon sa mga maliliit na negosyo sa lalawigan ng Pampanga,

dagdag parito malaki rin ang naitutulong ng mga maliliit na negosyo sa ekonomiya ng bansa at

sa mga kapwa Pilipino. Ang implasyon ay ang hindi inaasahan o patuloy na pagtaas ng presyo

ng mga produkto o ng isang bagay. Bumababa ang halaga ng pera, habang tumataas ang presyo

ng mga bilihin at produkto na nag reresulta sa epekto ng Implasyon (Estrañero, 2023).

Isinalaysay naman ni John Carlo Tria, Presidente ng Davao City Chamber of Commerce and

Industry, Incorporation, sa isang birtwal na press conference na malaki ang magiging epekto ng

implasyon sa iba’t ibang aspekto ng negosyo, kapag mahal ang materyales, gayundin ang presyo

ng transportasyon at naapektuhan nito ang kakayahan ng mga lokal na producer na mabenta ang

mga produkto (Espinosa, 2023). Ipinaliwanag naman sa datos ng Department of Trade and

Industry (DTI) na tungkulin ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) o mga maliliit

na negosyo na makapagbigay ng trabaho sa mga mamamayan at makatulong sa pagtaas ng

ekonomiya ng bansa. Dagdag pa dito 98% o mas mataas pa ang bilang ng mga maliliit na

negosyo sa karamihan ng mga bansa. Ipinapakita naman ng empirical na pag-aaral na 55% ang

naibibigay ng mga maliliit na negosyo sa Gross Domestic Product (GDP) at halos 65% naman

ang sumatotal ng estado ng mga mamamayang may trabaho sa mga bansang may mataas na

ekonomiya.

Sa panahon ngayon, ang mga presyo ng mga bilihin katulad ng pagkain, produkto,

materyales at iba pa ay mahal na at unti-unting pang tumataas, dahil sa epekto ng implasyon at


Epekto ng Implasyon sa mga maliliit na Negosyo sa Angeles City
HOLY ANGEL UNIVERSITY

mayroong epekto sa paraan ng pamumuhay ng mga tao, kabilang na dito ang mga maliliit na

negosyo na muling nagsisimulang bumangon dahil sa naging epekto ng COVID-19 o

pandemya. Sa patuloy na pagdami ng mga nagsasara at nahihirapan na maliliit na negosyo dahil

sa epekto at impakt ng implasyon. Ang mga mananaliksik ay nakapag desisyon na gawan ng

pag-aaral ang problemang kinakaharap ng mga maliliit na negosyo sa Angeles City dahil sa

epekto ng patuloy na pagtaas ng Implasyon na mayroong kaakibat na impakt sa kanilang mga

negosyo ngunit hindi lang ang mga negosyante sa Angeles City ang makikinabang sa mga

kasagutan na makikita sa pananaliksik na ito, kundi pati ang iba pang mga negosyante at

mamamayan ng ating bansa. Sa pananaliksik na ito ay matutukoy kung ano ang mga epekto ng

implasyon sa mga maliliit na negosyo na nagpapahirap sa mga ito para kumita at magpalaki ng

negosyo. Kaakibat nito matutukoy rin sa pananaliksik na ito kung ano at paano nagsisimula ang

implasyon na mayroong epekto sa ekonomiya at mga maliliit na negosyo. Makikita rin sa

pananaliksik na ito kung ano ang mga maliliit na negosyo sa Angeles City na naapektuhan ng

implasyon.

Ang mga mananaliksik ay pipilitin sagutin ang mga katanungan na may kinalaman o

koneksyon sa epekto ng implasyon sa mga maliliit na negosyo. Sisikapin rin ng mga

mananaliksik na makapagbigay ng mga rekomendasyon at solusyon na maaring gawin sa mga

maliliit na negosyo na naapektuhan ng implasyon at ano ang kanilang maaring gawin habang

wala pang epekto ang implasyon. Sa ganitong paraan maka-paghahanda at makagagawa ng

paraan ang mga negosyante para sa kanilang mga maliliit na negosyo sa oras na maapektuhan

ng implasyon ang kanilang mga maliit na negosyo.


Epekto ng Implasyon sa mga maliliit na Negosyo sa Angeles City
HOLY ANGEL UNIVERSITY

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ayon kay (Camberato, 2022) ang implasyon ay laging nangyayari, kaya naman

kailangan na laging maging handa ang mga may ari ng maliliit na negosyo at importante na

alam at naiintindihan nila ang mga maaaring maging epekto ng implasyon sa negosyo upang

makaisip at makagawa sila ng solusyon para rito.

Ayon naman kay (Yolanda, 2017) ang implasyon ay isang sakit o virus na may kalakip

na epekto at impakt sa ekonomiya ng isang bansa. Dahil sa implasyon naapektuhan ang halos

lahat ng aktibidad sa ekonomiya ng isang bansa.

Ipinaliwanag naman ni (Katigbak, 2022) dahil sa implasyon patuloy na tumataas ang

halaga ng bawat produkto at serbisyo at ang mga Pilipino ay nahihirapan dahil habang tumataas

ang presyo ng mga bilihin, ang kanilang mga sahod ay nanatili paring mababa at hindi tumataas.

Base naman sa pag-aaral nila (Gryttten, Nedal, & Muri, 2023) ang implasyon ay ang pag

alis o pagtanggi sa totoong balyu ng pera at pagkawala ng kapabilidad nito na makabili ng isang

bagay. Kapag tumataas ang presyo ng mga bilihin, nababawasan ang kapabilidad at halaga ng

pera na makabili ng marami sa halip kaunti na lamang ang maaaring mabili nito sa mga

produkto at serbisyo. Ang pagtaas ng presyo sa produksyon o produkto at serbisyo ay nag

reresulta sa implasyon.

Binigyang diin naman nila (Munabdar, Mistar, Rimawan, Huda, 2020) maaring

makaapekto ang implasyon sa epekto ng kita, epekto sa kahusayan, at epekto sa awtput.

Maaring mapataas ng implasyon ang produksyon, dagdag parito tataas ang kita ng mga

negosyante kung nauna ang pagtaas ng presyo sa mga produkto bago ang pagtaas sa mga

bayarin, at dahil dito maaaring mahikayat ang pagtaas sa produksyon. Subalit, kung mataas ang
Epekto ng Implasyon sa mga maliliit na Negosyo sa Angeles City
HOLY ANGEL UNIVERSITY

implasyon magkakaroon ito ng kabaligtaran na epekto sa negosyo at maaaring bumababa ang

awtput ng mga produkto.

Ayon naman kay (Fox, 2022) lalong naging malikhain ang mga may-ari ng mga maliliit

na negosyo dahil sa sitwasyon na kanilang kinakaharap, at naghahanap ng alternatibong

solusyon kagaya ng pagbabawas sa dami ng suplay sa produkto, at mga serbisyo na ibinibigay

sa mga mamimili, upang makatulong na mapanatili ang presyo o halaga.

Isinalaysay naman ni (Espinosa, 2023) ang sinabi ng isang may-ari ng maliit na negosyo

na nananatiling hamon ang mataas na implasyon dahil nakakaapekto ito sa operasyon ng

negosyo. Kung ang implasyon ay tumataas, nagmamahal lalo ang presyo ng mga hilaw na

materyales. Ito ay nagdudulot ng mas mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo na nag

reresulta ng mas mababa o kaunting kita.

Ipinaliwanag naman ni (Estrañero, 2023) naapektuhan ng implasyon ang pagtaas ng

presyo ng mga produkto at bilihin o mas dumaragdag ang mga binabayaran ng isang tao para

sa serbisyo at produkto, dahil rito mawawalan at mababawasan ang capabilidad ng isang

indibidwal na bumili sa kadahilanang hindi makasabay at aabot ang kanilang sahod habang

patuloy na tumataas ang presyo ng produkto at serbisyo dulot ng implasyon. Dagdag pa dito,

nahirapan ang ibang mga negosyo sa Pilipinas dahil sa biglaang pag-konti ng suplay sa sibuyas

at bawang, na nagresulta sa pagtaas ng presyo sa sibuyas na umabot ng 140 pesos kada kilo.

Binigyang diin naman ni (Natividad, 2021) mahina at mababa ang takbo ng estado sa mga

maliliit na negosyo kapag mataas ang implasyon. Magkasalungat ang galaw sa kategorya ng

mga maliit at katamtamang negosyo, exchange-traded funds, at industriya, sa galaw at takbo

ng implasyon depende sa balyu o presyo ng kalakalan o pakikipagpalitan. Sa kabaligtaran


Epekto ng Implasyon sa mga maliliit na Negosyo sa Angeles City
HOLY ANGEL UNIVERSITY

maaaring ang kategorya ng mga ari arian katulad ng lupa, paupa, real-estate at iba pa ay

sumabay at pareho ang galaw sa implasyon. Subalit hindi lahat ng kategorya sa suplay ng

merkado ay naapektuhan sa galaw ng implasyon.

Ayon sa pag aaral nina (Ballesteros, Salangsang, Espino, De Leon, & Velasco, 2022)

nababawasan ang bilang ng mga mamimili ng mga may-ari ng sari-sari store o tindahan, dahil

maaaring sa mga malaking pamilihan o grocery stores na bumibili ang kanilang mga mamimili

o costumers kaysa sa mga sari-sari store o maliit na tindahan. Dagdag pa dito, nakasalaysay sa

kanilang resulta na tinataasan at dina-ragdagan ng mga nagtitinda ang presyo ng kanilang mga

itinitindang produkto kaakibat ng pagtaas sa presyo ng mga produkto sa pamilihan dahil sa

epekto ng implasyon.

Gayunpaman, may pagkakapareho at pagkakaiba ang epekto ng implasyon depende sa

estado ng ekonomiya sa isang bansa, at sa kakayahan ng mga maliliit na negosyo na makasabay

at labanan ang magiging epekto ng implasyon. Kaya naman sa pamamagitan ng pananaliksik

na ito, tutukuyin at pag-aaralan ang epekto ng implasyon sa mga maliliit na negosyo sa Angeles

City upang mabigyang linaw at diin ang mga nararapat na gawin sa epekto at impakt ng

implasyon ngayon at sa hinaharap.

Batayang Konseptuwal

Maisasagawa ang pananaliksik na ito sa konseptwal na naglalayong sumagot sa mga

tanong at bigyang linaw kung ano ang impakt at epekto ng implasyon sa mga maliliit na

negosyo sa Angeles City.


Epekto ng Implasyon sa mga maliliit na Negosyo sa Angeles City
HOLY ANGEL UNIVERSITY

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng paradigma na Input-Process-Output (I-P-O) na

naglalarawan at magpapakita sa daloy ng pag-aaral. Makikita sa hanay ng Input ang mga

batayang gagamitin at gagabay sa mga mananaliksik na masuri at mapagaralan ang epekto ng

implasyon sa maliliit na negosyo. Ipinapakita naman sa hanay ng process ang pagkolekta at

pagsusuri sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng Interbyu. Ang

epekto ng Implasyon sa mga maliliit na negosyo sa Angeles City na nagsisilbing resulta ay

kumakatawan sa output.

Ang batayang konseptwal na ito ay magpapakita ng sistematikong paraan at pananaw na

nagpapakita ng daloy at proseso sa pagkuha ng datos na makakatulong sa pagkuha ng resulta

sa pinag-aaralan at sinasaliksik na isyu o problema.

Figure 1: Conceptual Framework (I-P-O)

Paglalahad ng Suliranin
Epekto ng Implasyon sa mga maliliit na Negosyo sa Angeles City
HOLY ANGEL UNIVERSITY

Nilalayon ng pananaliksik at pag-aaral na ito na maipakita ang epekto ng implasyon sa

maliliit na negosyo at makapagbigay ng rekomendasyon sa mga negosyante na naapektuhan

ang kanilang mga maliliit na negosyo dahil sa implasyon.

Partikular, ang mga mananaliksik ay naglalayong bigyang kasagutan ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Naaapektuhan ba ng implasyon ang halaga ng pera sa pagbili ng produkto at serbisyo?

2. Anong uri o klase ng maliit na negosyo ang mas nakakaranas sa epekto ng implasyon, at

gaano katindi ang epekto nito?

3. Naaapektuhan ba ng Implasyon ang dami ng mamimili sa mga maliit na negosyo?

4. Anong uri ng produktong itinitinda ang pinaka naapektuhan sa Implasyon?

5. Ano ang epekto ng Implasyon sa kita ng isang maliit na negosyo?

6. Ano ang mga paghahanda ang kinakailangan na gawin para mabawasan ang epekto ng

Implasyon?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy ang mga posibleng epekto ng

implasyon sa mga maliliit na negosyo particular sa Angeles City. Bibigyang linaw ng

pananaliksik na ito ang ideya ng bawat isa sa kung ano nga ba ang epekto ng implasyon at

bakit ito dapat paghandaan. Matutuklasan sa pag-aaral na ito ang epekto ng implasyon sa mga

negosyo at ilang mga rekomendasyon na nakalap galing sa mga respondente na nakibahagi sa

pananaliksik.

Ang pananaliksik at pag-aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod:


Epekto ng Implasyon sa mga maliliit na Negosyo sa Angeles City
HOLY ANGEL UNIVERSITY

• Sa mga negosyante- Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga negosyante na

mabigyan ng solusyon ang epekto ng implasyon kung sakaling ito ay kasalukuyang

nararanasan okaya naman ay para sa paghahanda para sa hinaharap. Sa pamamagitan nito

maiiwasan ng mga negosyante ang malaking impakt ng implasyon sa kanilang mga negosyo

at mapaghahandaan ito ng maaga.

• Sa mga taong balak maging negosyante- Makapagbibigay ang pag-aaral na ito ng ideya

sa mga indibidwal o grupo ng tao na balak mag umpisa ng negosyo tungkol sa problema na

maari nilang kaharapin at maranasan sa pagpapatakbo ng isang negosyo at makakuha ng

ideya kung paano nila ito haharapin at masosolusyunan sa pamamagitan ng resulta at

rekomendasyon na makikita sa pag-aaral na ito.

• Sa mga mag-aaral ng ABM- Ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa mga

magaaral ng ABM na magamit bilang isang reperensya sa isang aktibidad na kinakailangan

ng maayos at mapagkakatiwalaan na datos na tutulong na mapalinaw ang kanilang

ginagawang aktibidad.

• Sa mga Lokal na Pamahalaan- Makatutulong ang pag-aaral na ito sa lokal na pamahalaan

na magawan ng paraan at solusyon ang epekto ng implasyon sa kanilang lugar, sa

pamamagitan nito nabibigyang aksyon ang epekto ng implasyon at maiiwasan ang

malaking impakt na maari nitong maidulot at maaaring makagawa ng programa ang

pamahalaan na susuporta sa mga maliliit na negosyo na may malaking pangangailangan

dahil sa epekto ng Implasyon.


Epekto ng Implasyon sa mga maliliit na Negosyo sa Angeles City
HOLY ANGEL UNIVERSITY

• Sa mga susunod pang mga mananaliksik- Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing

kapakipakinabang na sanggunian para sa mga mananaliksik sa hinaharap na mapalawak at

suportahan ang kanilang pag-aaral na konektado sa paksa ng pananaliksik na ito.

Sakop at Delimitasyon

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay malaman at matukoy kung paano naaapektuhan ng

implasyon ang iba’t ibang uri ng maliliit na negosyo sa Angeles City at makapagbigay ng

rekomendasyon sa napiling isyu. Ang mga pangunahing respondente sa pananaliksik na ito ay

ang mga piling negosyante na nagpapatakbo ng maliliit na negosyo sa Angeles City. Limitado

ang pag-aaral na ito sa epekto ng implasyon sa mga maliliit na negosyo, at ang mga magiging

respondente lamang dito ay ang mga negosyante sa Angeles City na nakalimita sa sampo (10),

sapagkat naniniwala ang mga mananaliksik na matutugunan ng mga napiling respondente ang

mga datos na kinakailangan ng mga mananaliksik para sa pag-aaral na ito.

Metodolohiya at Pamamaraan ng Pag-aaral

Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng kwalitatibong pananaliksik na tumutukoy sa

malalimang pagsusuri sa mga datos na nakuha sa pamamagitan ng pakikipanayam,

obserbasyon, at iba pa. Ipinaliwanag nila (Ugwu & Eze, 2023) ang kwalitatibong pananaliksik

ay tumutukoy sa nararamdaman, ideya, at karanasan. Ang paghahanap ng ideya at pag intindi

sa isang bagay na nag reresulta sa hypothesis na maaring subukan at bigyan ang mga

mananaliksik ng bagong pananaw sa isang bagay, at ang kwalitatibong pananaliksik ay laging

naka salaysay. Akma at sumasailalim rin ang action research sa kwalitatibong pananaliksik

kung saan sasaliksikin ang isang napiling problema na nais gawan ng aksyon at solusyon. Ang
Epekto ng Implasyon sa mga maliliit na Negosyo sa Angeles City
HOLY ANGEL UNIVERSITY

mga mananaliksik ay nangangailangan ng isang mabusising pag oorganisa at pag-aaral sa mga

sagot na ibinigay ng mga napiling respondente sa pamamagitan ng pagsasagawa ng

unstructured interview. Ayon kay (George, 2022) ang unstructured interview ay isang paraan

ng pangangalap ng datos sa pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa isang paksa para sa

pagkuha ng datos sa mga respondente. Ito ay kilala sa pagiging impormal at madaling

maibagay, na nakakakuha ng mas magaganda at maayos na mga kasagutan galing sa mga

respondente. Ang mga disenyo at mga pamamaraan na ito ay tutulong sa mga mananaliksik na

matukoy ang epekto ng implasyon sa mga maliliit na negosyo sa Angeles City at makagawa ng

solusyon.

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mga sumusunod ay ang mga pamamaraan ng mga mananaliksik sa pagsasagawa

ng pag-aaral na ito:

1. Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng unstructured-interbyu kung saan walang kontrol

ang mananaliksik sa magiging sagot ng kalahok at gagawa ng mga katanungan para sa

isasagawang interbyu. Sa pamamagitan ng interbyu, matutukoy at makumpleto ang mga datos

na kailangan upang malaman ang epekto ng implasyon sa maliliit na negosyo sa Angeles City.

2. Matapos maihanda ang mga kagamitan at instrumento, ipapabalideyt at ipasusuri ang mga

katanungan na naihanda ng mga mananaliksik sa mga eksperto, kagaya ng ekonomista upang

malaman kung umaaayon at tama ba ang mga tanong sa paksa, pangalawa sa isang guro na

nagtuturo ng Filipino upang masuri ang mga salita at maayos ang mga gramatika. Panghuli ay

isang negosyante na may karanasan, upang magabayan at malinawan ang mga mananaliksik sa

paggawa ng mga tanong na gagamitin sa interbyu.


Epekto ng Implasyon sa mga maliliit na Negosyo sa Angeles City
HOLY ANGEL UNIVERSITY

3. Nabalideyt at nasuri na ang mga katanungan at instrumento para sa pagaaral, gagawa na ng

iskedyul ang mga mananaliksik para sa isasagawang interbyu, upang masiguro na lahat ng

kalahok ay libre sa araw at oras na nakatakda.

4. Isa-isang iinterbyuhin ang mga kalahok sa interbyu na isasagawa, at oorganisahin ang

kanilang mga sagot upang hindi maging magulo ang mga datos at mapanatili ang kaayusan at

kalidad ng datos.

5. Kumpleto na ang mga sagot o datos na kinakailangan galing sa mga piling respondente.

6. Isa Isang aayusin at pag-aaralan ang mga sagot at datos galing sa mga respondente na

makakaimpluwensya sa magiging resulta ng pag-aaral tungkol sa epekto ng implasyon sa mga

maliliit na negosyo.

Pagsusuri ng Datos

Sa pagsusuri ng datos, ang mga mananaliksik ay gagamit ng Thematic Coding.

Ipinaliwanag ni (Caulfield, 2019) ang thematic coding ay isang pamamaraan ng pag aanalisa

sa isang kwalitatibong datos. Mabusising susuriin at aanalisahin ng mananaliksik ang mga

datos upang matukoy ang mga tema, ideya, at mga datos na may pagkakapareho at

pagkakatulad. Gamit ang thematic coding makakaiwas ang pag-aaral at pagsuri sa mga datos

na maging isang bias, sa pamamagitan ng pagsunod sa anim (6) na proseso ng thematic coding,

ito ang mga pagkilala at pag intindi sa mga datos, pag-eencode, paggawa ng tema, pag-suri sa

mga tema, pagtukoy sa mga tema, pagbibigay ng pangalan sa mga nasuri at natukoy na tema,

at pagsulat sa mga datos at temang nakalap. Dagdag pa dito ang thematic coding ay madaling

maibagay at magamit sa iba’t ibang uri ng pananaliksik. Matapos matukoy ang pinaka sentro
Epekto ng Implasyon sa mga maliliit na Negosyo sa Angeles City
HOLY ANGEL UNIVERSITY

ng datos gagamitin ito ng mga mananaliksik upang matukoy ang epekto ng implasyon sa mga

maliliit na negosyo sa Angeles City.

Konsiderasyong Etikal

Sa pananaliksik na ito titiyakin ng mga mananaliksik na isasagawa itong pag-aaral

alinsunod sa pamantayang etikal, at ang unang gagawin ng mga mananaliksik ay ang paggawa

ng sulat na ipapakita at ipalalagda kay G.Laurence Pasion tungkol sa permiso ng pagsasagawa

ng isang interbyu na aming ipapakita sa mga napiling kalahok bilang patunay na kami ay

nagsasaliksik para sa isang pag aaral. Ang mga pangalan ng mga kalahok ay maaaring hindi

bangitin at tutukuyin bilang unang respondente, pangalawang respondente at sumunod pa,

upang protektahan ang kanilang pagkakakilanlan at ang ibang datos na kumpidensyal.

Mga Kalahok at Sampol ng Pag-aaral

Isasailalim sa unstructured-interbyu ang sampung (10) piling negosyante ng maliit na

negosyo. Sila ang magsisilbing kalahok at respondente sa isinasagawang pag-aaral na

naglalayon malaman ang kanilang karanasan sa larangan ng negosyo kung paano naapektuhan

ng implasyon ang kanilang mga maliliit na negosyo na magiging batayan ng mga mananaliksik

kung ano ba talaga ang epekto ng implasyon sa maliliit na negosyo at makagawa ng mga

posibleng solusyon. Sila ang napiling kalahok ng mga mananaliksik dahil sila ay may lubos na

karanasan sa pagpapatakbo ng maliit na negosyo, at sila ay angkop sa pag-aaral na ginagawa.

Napili sila ng mananaliksik dahil sa paniniwalang sapat ang datos na makukuha sa kanila ng

mga mananaliksik upang makumpleto at matapos ng maayos ang pag-aaral. Ang mga kalahok

ay magsisilbing instrumento para sa magiging resulta ng pag-aaral at sila ay napili ng mga


Epekto ng Implasyon sa mga maliliit na Negosyo sa Angeles City
HOLY ANGEL UNIVERSITY

mananaliksik gamit ang Convenience Sampling. Ito ay isang non-probability teknik na madalas

gamitin ng mga mananaliksik sa pagkuha ng sampol o kalahok, kung saan pinipili ang mga

pinakamalapit sa mga mananaliksik upang hindi na mahirapan at mapadali ang pagkuha ng

datos sa mga kalahok.

Ang Angeles City ay isang lungsod sa Pampanga kung saan marami ang nagpapatakbo

ng maliliit na negosyo at mas magiging madali para sa mga mananaliksik sa pagpili ng mga

kalahok. Dito isasagawa ng mga mananaliksik ang kanilang pag-aaral dahil maraming

negosyante ang nagpapatakbo rito ng maliit na negosyo at sa paniniwalang sapat na at may

kapasidad na matugunan at masagot ng mga piling kalahok ang mga katanungan ng mga

mananaliksik.

Instrumento ng Pag-aaral

Ang sumusunod na walong (8) katanungan batay sa kanilang mga karanasan sa

pagpapatakbo ng negosyo ang magiging instrumento ng mga mananaliksik sa pagkolekta ng

datos para sa ginagawang pag-aaral. Ang mga katanungang ito ay sasagutin ng sampung (10)

napiling kalahok na negosyante ng maliliit na negosyo sa Angeles City.

1. Anong klase ng negosyo ang iyong pinapatakbo?

2. Gaano na kayo katagal sa negosyo?

3. Paano naaapektuhan ng implasyon ang mga produkto na inyong itinitinda?

4. Paano naman ang takbo ng inyong kita habang patuloy na tumataas ang mga presyo ng

bilihin dulot ng implasyon?


Epekto ng Implasyon sa mga maliliit na Negosyo sa Angeles City
HOLY ANGEL UNIVERSITY

5. Naapektuhan din ba ng Implasyon ang dami ng inyong mga mamimili o customer?

6. Sa halaga naman ng pera paano ito naapektuhan ng implasyon batay sa iyong karanasan?

7. Para sayo ano ang pinakamatinding epekto na naidudulot ng implasyon sa iyong negosyo?

8. Batay sa iyong karanasan ano ang maipapayo mo na dapat gawin ng mga kapwa negosyante

na nakakaranas ng epekto sa implasyon at sa mga balak magsimula ng maliit na negosyo?


Epekto ng Implasyon sa mga maliliit na Negosyo sa Angeles City
HOLY ANGEL UNIVERSITY
Epekto ng Implasyon sa mga maliliit na Negosyo sa Angeles City
HOLY ANGEL UNIVERSITY

References

Ballesteros, E., Salangsang, F. L., Espino, K. G., De Leon, R. B., & Velasco, C. A. (2022,

June). The Effects of High Inflation Rate to Sari-Sari Store BusinessOwners in Remote

Areas of Tarlac City. Retrieved from studocu:

https://www.studocu.com/ph/document/tarlac-state-university/marketing-

research/practical-research-1/32544468

Camberato, J. (2022, May 25). The Impact Of Inflation On Small Businesses And How To

Manage It. Retrieved from Forbes:

https://www.forbes.com/sites/forbesfinancecouncil/2022/05/25/the-impact-of-

inflation-on-small-businesses-and-how-to-manage-it

Caulfield, J. (2019, September 6). Thematic Coding. Retrieved from Scribbr:

https://www.scribbr.com/methodology/thematic-analysis/

Espinosa, I. C. (2023, February 14). High Inflation adds Burden to businesses. Retrieved from

SunStar: https://www.sunstar.com.ph/article/1953399/davao/local-news/high-

inflation-adds-burden-to-businesses

Estrañero, J. (2023, January). Demystifying Inflation Rate in the Philippines. Retrieved from

Research Gate:

https://www.researchgate.net/publication/367030482_Demystifying_Inflation_Rate_i

n_the_Philippines
Epekto ng Implasyon sa mga maliliit na Negosyo sa Angeles City
HOLY ANGEL UNIVERSITY

Fox, M. (2022, May 6). ‘We are being squeezed in every direction’ – As inflation grips small

businesses, here’s how they are responding. Retrieved from CNBC:

https://www.cnbc.com/amp/2022/05/06/as-inflation-grips-small-businesses-heres-

how-they-are-responding-.html

George, T. (2022, January 27). Unstructured Interview. Retrieved from Scribbr:

https://www.scribbr.com/methodology/unstructured-interview/

Gryttten, O. H., Nedal, R. C., & Muri, I. V. (2022, December). Inflation during Fluctuating

Business Cycles. Retrieved from RESEACH GATE:

https://www.researchgate.net/publication/368336686_Inflation_during_fluctuating_bu

siness_cycles_NORWEGIAN_SCHOOL_OF_ECONOMICS

Katigbak, T. F. (2022, September 6). The trouble with inflation. Retrieved from philstar:

https://www.philstar.com/business/2022/09/06/2207584/trouble-inflation

Munandar, A., Rimawan, M., Mistar, M., & Huda, N. (2020, January). The Influence of

Inflation and Interest Rates on Working Capital Credit of Micro Small and Medium

Enterprises. Retrieved from RESEARCH GATE:

https://www.researchgate.net/publication/345079824_The_Influence_of_Inflation_an

d_Interest_Rates_on_Working_Capital_Credit_of_Micro_Small_and_Medium_Enter

prises

Natividad, S. T. (2021, December). IMPACT OF INFLATION ON STOCK MARKET

PERFORMANCE IN THE PHILIPPINES. Retrieved from RESEARCH GATE:

https://www.researchgate.net/publication/356816244_IMPACT_OF_INFLATION_O

N_STOCK_MARKET_PERFORMANCE_IN_THE_PHILIPPINES
Epekto ng Implasyon sa mga maliliit na Negosyo sa Angeles City
HOLY ANGEL UNIVERSITY

PHILIPPINE SATISTICS AUTHORITY. (2023, January 6). SPECIAL RELEASE ON

PAMPANGA INFLATION AND CONSUMER PRICE INDEX (CPI) DECEMBER

2022. Retrieved from PHILIPPINE SATISTICS AUTHORITY:

http://rsso03.psa.gov.ph/article/special-release-pampanga-inflation-and-consumer-

price-index-cpi-december-2022

Ugwu, C. N., & Eze, V. H. (2023, January). Qualitative Research. Retrieved from Research

Gate: https://www.researchgate.net/publication/367221023_Qualitative_Research

Yolanda, Y. (2017, November). Analysis of Factors Affecting Inflation and its Impact on

Human Development Index and Poverty in Indonesia. Retrieved from RESEARCH

GATE:

https://www.researchgate.net/publication/322615514_Analysis_of_factors_affecting_i

nflation_and_its_impact_on_human_development_index_and_poverty_in_Indonesia
Epekto ng Implasyon sa mga maliliit na Negosyo sa Angeles City
HOLY ANGEL UNIVERSITY

You might also like