Ninay PDF Free

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Ang Ninay ang kauna-unahang nobelang Tagalog [at Filipino], at nagtipon ng malawak na bilang

ng tema at motif na pawang humubog sa maraming tekstong pampanitikan. Ginamit ang


pasiyam bilang balangkas, ang nobela’y naglahad ng serye ng mga salaysay na bumubuo sa iba-
ibang naunsiyaming pag-ibig. Unang kabiguan ang pag-iibigan ni Ninay, na pinagdarasalan, at ni
Carlos Mabagsic, na pinagbintangan ng negosyanteng Portuges na si Federico Silveyro na
namuno sa pag-aaklas. Matapos ang makulay na pakikipagsapalaran sa ibayong dagat, nagbalik
si Carlos at natuklasang pumasok sa kumbento si Ninay. Namatay sa kolera si Carlos, at namatay
sa sakit si Ninay. Isa pang kuwento ng bigong pag-ibig ang kina Loleng at Berto na pinaghiwalay
ni Don Juan Silverio. Ipinaghiganti ni Berto ang pagkamatay ni Loleng, at lumaban sa awtoridad.
Si Berto rin ang nagwakas sa baluktot na gawi ni Federico.

PAMBUNGAD NA TALA: Isinulat bilang tugon sa paratang na walang natatanging kultura ang mga
Filipino, ang Ninay ay nakaayon sa tradisyon ng kostumbrismo, ang kilusan sa panitikang
Espanyol noong siglo disinuwebe na nagtatampok ng mga tiyak na katangian (e.g., flora, fawna,
ritwal, at rito) ng bawat rehiyon ng Espanya. Ito ang pangunahing puna sa nobela ni Paterno—
ang paggamit ng di-makatotohanang pananaw. Ngunit kinontra iyon ni Leon Ma. Guerrero, na
tagasalin ng mga nobela ni Rizal—at sinabing maraming pagkakahawig sa Ninay at sa mga
nobela ni Rizal, batay sa mga tauhan at balangkas ng banghay.

Si Pedro Alejandro Paterno ay isinilang noong 27 Pebrero 1858. Siya ay isa sa 13 anak ng
nakaririwasang mag-asawa na sina Don Maximo Paterno at Donya Carmen de Vera Ignacio.

Siya ay nagtapos ng Bachiller en Artes sa Ateneo Municipal de Manila. Siya ay nagkamit ng


karangalan sa kanyang pagtatapos. Ipinagpatuloy pa rin niya ang pag-aaral sa Unibersidad de
Salamanca. Dito niya kinuha ang mga kursong Pilosopiya at Teolohiya, pagkatapos ay lumipat
siya sa Unibersidad Central ng Madrid na kung saan naman ay nagtapos niya ang
pagkadalubhasa sa batas noong 1880.

Siya ay tinaguriang tagapamagitan sa mga Kastila at Pilipino upang makamit ang mapayapang
pakikitungo sa mga Kastila. Ayon sa kanya, dahil sa Espanyol ay kulang-kulang ng isang daang
taong may pagkakaugnayan sa Pilipinas. Subalit ito ay mahigpit na tinutulan ng mga tao
sapagkat nais nilang ipaglaban ang tunay na kalayaan ng bansang Pilipinas.

Siya ay isa sa mga Pilipinong propagandista sa Espanya. Noong 1882, napagtagumpayan niyang
maalis ang monopolyo sa Tabako sa bansang Pilipinas. Bilang makataa, siya ang kauna-unahang
Pilipino na sumulat ng isang opera sa wikang Pilipino, sang Sandugong Panaginip. Nilikha rin niya
ang mga aklat na tula na Sampaguitas y Poesias Varias at Poesias Lyricas y Dramaticas.

Noong himagsikan, siya ay sumanib kung kaya'y isa siya sa naging prominenteng tao noong
ihayag ang Unang Republika ng Pilipinas. Siya ay hinirang na Pangulo ng Kongreso sa Malolos
noong 15 Setyembre 1898. Siya ang namumuno sa tuwing magkakaroon ng pagpupulong at
palagi niyang pinaiiral ang mapayapang diplomasya upang magkaroon ng maayos na pag-uusap
sa iba't ibang partido pampolitika. Nang bumagsak sa kamay ng mga kaaway ang Malolos,
iminungkahi ni Paterno ang pakikipagsundo ng mga Pilipino at Amerikano. Nagsagawa siya ng
dalawang araw na kapistahan (Hulyo 28 at Hulyo 29) na kung saan ay isa sa mga pangunahing
pandangal ay si Heneral Arthur MacArthur at ilang opisyal ng Taft Commission. Subalit ikinagalit
ng mga Amerikano ang pagbabandera sa larawan ni Presidente Aguinaldo at ipinakumpiska ang
mga ito.
Si Pedro Paterno ay nahalal na kinatawan ng Unand Distrito ng Laguna para sa Unang Asemblea
ng Pilipinas noong 16 Oktubre 1907. Siya ay namatay sa edad na 53 noong 11 Marso 1911 sa
sakit na kolera.

Si Jose Apolonio Burgos ay ipinanganak sa Vigan, Ilocos Sur noong ika-9 ng Pebrero, 1837. Ang kanyang ama ay
si Tenyente José Tiburcio Burgos at ang kanyang ina ay si Florencia Garcia.

Siya ay naulila sa magulang noong siya ay walong taong gulang pa lamang. Bilang isang mag-aaral, siya ay may
angking katalinuhan. Nagtapos siya ngBachiller en Artes sa Colegio de San Juan de Letran. Naging pari noong
Pebrero 11, 1885 at itinalaga sa Katedral ng Maynila. Nagpatuloy siya sa pag-aaral at nakatapos siya nang may
karangalan para sa kursong Teolohiya (1859), Pilosopiya (1860), "Bachelor of Canon" (1866), at "Doctorate's
Degree" para sa Teolohiya (1868) at "Canon Law" (1871).

Si Padre Burgos ay naging aktibong kasapi ng kilusan na pinamumunuan ni Padre Pedro Pelaez. Ipinaglaban nila
ang karapatan ng mga Pilipinong pari at sila ay nagtagumpay. Nang namatay si Padre Pelaez, ang kilusang ito ay
pinamumunuan ni Padre Burgos kasama sina Padre Mariano Gomez at Padre Jacinto Zamora.

Sa paglilitis ng Pagaaklas sa Cavite noong Enero 20, 1872, isa sa mga nag-aklas na si Sarhento Bonifacio Octavo
ay naisaiwalat ang isang lalaking nagngagalang Zaldua na naghihikayat ng mga tao na magaklas. Si Octavo ay
tumestigo na ang lalaking ito ay inuutusan ni Burgos para gawin ang panghihikayat, ngunit dahil sa paiba-iba ng
testimonya ni Octavio, ang naturang pagsisiyasat ay nauwi sa wala. Ngunit ang naturang pangyayari ay sinabi ni
Gov. Rafael Izquierdo sa Madrid at ang testimonya ay nagpatunay ng kanyang pagdududa. Nadiin sina Burgos
kasama ng dalawa pang pari na sina Padre Zamora at Padre Gomez, sa kasong sedisyon.

Ang tatlong pari ay kinaladkad sa mga akusayson na pinatunayan ng mga huwag na testigo, at kung saan ang kani-
kanilang abogado ay trinaydor sila sa korte. Noong Pebrero 15, 1872, sila ay ginarote sa Fort Santiago sa gitna ng
Bagumbayan na ngayon ay Luneta.

Si Burgos, sa edad na 35, ay ang pinakabata at huling namatay. Ang tatlo ay nagsilbing mahalagang aral kay Jose
Rizal, kung saan pinangalanan niyang GOMBURZA at naging inspirasyon niya na gawin ang kanyang pangalawang
nobela, El Filibusterismo sa siyang gumising sa mga pilipino na ipaglaban ang ating kalayaan laban sa mga
banyaga.

You might also like