Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 60

ANG PAGTUTURO NOON AY NASA KAMAY HALOS

NG MGA DOMINIKO. MAGKAGALIT ANG MGA


DOMINIKO AT ANG HESUWITA.

SI PADRE SIBYLA AY SIYANG RECTOR NG


UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS AT TUTOL ANG
MGA DOMINIKO SA BALAK NA PAARALAN. SI
PADRE IRENE NAMAN AY SIYANG INUPAHAN NG
KABATAAN NA MAGING TAGAPANGTANGGOL O
TAGATANGKILIK NG BALAK
Bakit di nakabaril ng
usa o ibon sa gubat
ang Kapitan Heneral?
C. May kasama siyang
banda o musiko na
tumutugtog saan man
siya paroon
Anong sakit ng lipunan
ang inilarawan ni
Rizal sa pamamaril ng
heneral?
B.
Pagmamalabis
ng
kapangyarihan
Bakit nagalit sa
Padre Camorra sa
pakikisugal sa
dalawang kura at
heneral.
A. Di niya batid na
sadyang nagpapatalo
ang 2 pari upang
ilagay sa pagiging
masaya ang heneral
Sino sa mga prayleng
Dominiko ang kakaiba
sapagkat sang-ayon
siya sa panukala ng
mga mag-aaral?
D. Padre
Florentino
KATATAPOS NOON NG BAKASYONG PARA- PASKO KAYA
BAGONG BALIK SA PAARALAN ANG MGA ESTUDYANTE.

ANG UNIBERSIDAD NG STO TOMAS NOONG PANAHON


NG KASTILA AY NASA INTRAMUROS (WALLED CITY)
SA MALAPIT SA KOLEHIYO NG SAN JUAN DE LETRAN
NGAYON PANAHON NA NG MGA AMERIKANO NAN GANG
UST AY ILIPAT SA ESPANYA, MAYNILA. LAHAT
HALOS NG PAARALAN NOON AY NASA INTRAMUROS-
LETRAN AT ATENEO.
MGA PAKAKAKILANLAN SA MGA ESTUDYANTE NA NAG-
AARAL SA TATLONG KOLEHIYO NOON.
(a) Ateneo: Nangakadamit Europeo
(Amerikana), mablis lumakad,maraming dalang
aklat at kuwaderno.
(b) Leteran: Nakadamit- Pilipino lalong
marami, di gaanong paladala ng aklat.
(k) UST: Malinis manumit, maayos,makisig at
sa halip na aklat at baston ang dala.
(d) Paaralang Normal: Mga tahimik,
makukulay ang damit , sinusundan ng mga
utusan,walang biruan at mapagdala ng aklat.
Bakit nais
tumigil ni
Placido sa pag-
aaral?
D. 4 na taon na
siyang nag-aaral
ngunit hindi pa rin
siya nakikilala at
napapansin ng guro
Ano ang
kahulugan ng
pangalang
Placido
Penitente?
B. mapayapang
nagdurusa
Bakit ayon kay
Pelaez ay walang
hindi nangyayari
sa mga kagustuhan
ni Padre Camorra
sa mga babae sa
Tiyani?
A. makapangyarihan
si Padre Camorra,
nagagawa niya
lahat
SI PADRE MILLON:
(a) Tapos ng pilosopiya at teolohiya at
mahilig sa metapisika (mga teoriya) ay
nagturo ng kimika at pisika, magkasalungat
na mga asignatura.
(b) Pasulyap-sulyap lamang sa mga aklat ng
kimika at pisika (A little knowledge is a
dangerous thing) na karamihan ay di
pinanaligan at kalabas-labas ay magtuturo
ngmga asignaturang ito sa paraan ng
pilosopiya. (Siya’y na ang di pa
makapaniwala na ang mundo ay bilog at ito’y
umiinog at umiikot sa araw.)
(K) MAY PAG-ALAHI SA ITINUTURO AT
TINUTURUAN- MGA makamandag na kasiraan
ng isang guro.
(d) Siya lamang ang nagtatanong at ayaw
matatanong. (Ikinatutuwa ang katangahan
ng tinuturuan at ikinaiinis ang tamang
pagtugon sa kanyang mga tanong.)
(e)Ipinasasaulo nang walang labis at
walang kulang ang mga araling di
ipinaliliwanag.
(f) Nagtutungayaw at nagmumura ng
estudyante.
ANG PAARALAN NG KABATAAN AY MAY LAYONG
MATUTONG MANGASTILA ANG MGA MAG-AARAL SA
UNANG TAON NG KOLEHIYO NANG MADALING
MAKAUNAWA NG LEKSIYON AT MATUTO KAAGAD.

SI ISAGANI AY LARAWAN NG MARANGAL AT


MAPAGPARALUMANG (IDEALISTIC) KABATAAN.
SI PELAEZ AY LARAWAN NG ISANG
OPORTUNISTA NA NANINIWALANG ANG MABUTING
LAYUNIN AY NAGBIBIGAY-KATARUNGAN SA
KAHIT MASAMANG PARAAN (THE END JUSTIFIES
THE MEANS.)
KAKAIBA SA MAYAYAMAN KAHIT NGAYON, SI
MAKARAIG AY MAKABAYAN AT KUMIKILOS AT
GUMUGUGOL PARA SA IBA. LAHAT NA
NAKATIRASA BAHAY NIYA AY WALANG BAYAD.

SI PECSON AY PALAISIP NGUNI’T PESIMISTA


O LAGING KABIGUAN ANG NATATANAW SA
DARATING. (AT NOONG PANAHONG
IYON,LUMABAS NA LAGI SIYANG TAMA)
SI SANDOVAL AY TAGAPAGLARAWAN NG
KASTILANG DI PA SUMASAMA SA PANINIRAHAN
SA PILIPINAS DALA NG KANYANG KABATAAN AT
PAGKAKASAPI SA MGA KABATAANG PILIPINO NA
MAY MALASAKIT SA BAYAN AT KARAMIHA’Y MAY
KATALINUHANG KINAGILIWAN NIYANG PAGHASAN
NG SARILING TALINO.
Sino sa mga tauhan
ang laging
nakakabit sa
bawa’t kilusang
napapatanyag
nguni’t para
siyang dagang
unang umaalis sa
bapor kapag ito ay
palubog na?
D. Pelaez
Sa tulong ng
tauhang ito ay
ipinakikilala ni
Rizal na ang mga
pagkamuhi sa ibang
lahi (racial
prejudice) ay
maaaring alisin ng
karunungan.
A. Sandoval
SI G. PASTA AY LARAWAN NG ISANG TAONG MAKASARILI, WALANG
MALASAKIT SA IBA AT SA BAYAN. SIYA’Y MAY PANININDIGAN:
KAILANGANG LAHAT MUNA NG IBA AY MAGING MAKABAYAN BAGO
SIYA MAKIISA.
May isang nagpapalagay na si G. Pasta ay hinuwad ni
Rizal sa isang kinilalang pinakamarunong na Pilipino
noong panahon ng Kastila at lalo noong panahon ng
Amerikano at naging punong mahistrado ng kataas- taasang
hukuman ng Pilipinas. Patay na si Rizal nang ang taong
ito ay makasama ni Aguinaldo sa pamahalaang mapaghimagsik
ng mga Pilipino. Nguni’t noong panahon ng Kastila at nina
Bonifacio ang abugadong ito ay di kinakitaan ng malasakit
sa mga dukhang Pilipino , lalo na’t kung ang kalaban ng
mga ito ay mga prayle at taong pamahalaan.
Ayon kay G. Pasta,
ang Pilipinas ay
lupain ng
_____________
B. panukala
Ano ang pumigil
kay G. Pasta sa
kanyang pag-ayon
sa kahilingan ng
kabataang tumulong
siya sa
pagpayo kay D.
Custudio?
A. Ang kanyang
kayamanan at ang
mga kliyente na
karamiha’y mga
Kastilang prayle
at tauhan ng
pamahalaan
Anong sakit ng
lipunan ang
tinuligsa ni Rizal
sa pamamagitan ng
tauhang si G.
Pasta?
(1) Ang puna nii Rizal sa negosyo: Lahat ay maaaring
gawin sa larangan ng pangangalakal. Ang mga larawang
ng mga santo at mga Kristo sa bahay ni Quiroga ay gawa
raw ng mga Hudyo sa Alemanya na mga walang paniwala
sa pagka-Diyos ni Kristo.
(2) Si Quiroga ayon sa ilang mapanaliksik ay mga
mamamayang Pilipino at naghahandog pa taun-taon ng
mga gantimpalang pampanitikan at sa ngayon, tulad
noon, ay maraming hawak na negosyo, una rito ang
distilerya ng alak.
(3) Si Quiroga ay may mga siid nn nabibiling aliw sa
likod ng kanyang basar at ditto, kahit mga prayle ay
nagtutungo sapagka’t di sila pinababayad ng Intsik.
(4) Sa tulong ni Quiroga ay binalaan tayo ni Rizal sa
panganib n gating pambansang kabuhayan sa kamay ng
mga tusong Intsik. Inilarawan ni Rizal kung gaano kabisa
ang panreregalo ng mga Intsik sa mga
maykapangyarihan at pagtataas ng bilihin para mabawi
ang naipangregalo.
(5) Sa katauhan ni Simoun na maaaring kung di natin batid na si Ibarra (o kung
kukunin natin siya sa kanyang pagpapanggap na isang dayuhan) ay binigyan din
tayo ni Rizal ng babala sa mga negosyanteng dayuhan na may malaking kapit sa
pamahalaan. Siya ang larawan noon ng mga tusong dayuhang puti na tulad ni
Stonehill. Ang babala ni Rizal ay laban sa mga Intsik at sa mga puti man. Ang
katusuhan ng intsik sa negosyo ay daan-daang taon nang kilala ng mga Pilipino.
(Walang Kastilang naging tagumpay sa negosyo.) Nguni’t sa sandaling
pagkadalaw ni Rizal sa Amerika ay nakita niya ang mga taga-hilagang Amerika
(Yankees) sa katusuhan sa negosyo at sa kahiligan sa mga lupalop sa ikaunlad
ng mga negosyo nila. Sa usapan ni Don Timoteo at isang mangangalakal ay
binabangggit ang utos ng heneral na pagpapawasak ng mga bahay na pawid ng
mga mamamayan upang mabili ang slim ni Don Timoteo. Ang utos ay nilagdaan
ng Kapitan Heneral matapos makagugol nang malaki sa suhol si Don Timoteo.
(6) Tandaan na si Simoun ang nangyaya upang sila’y manood sa espinghe ni Mr. Leed.
(7) Si Rizal ay pumuna sa mga Pilipino, Kastila, Mestiso, Indiyo, at Intsik sa Noli at Fili.
Indiyo: mga katutubo
Pilipino: mga anak ng tunay na Kastila nguni’t dito ipinanganak sa Pilipinas. Sina
Burgos at iba pang sinabing Pilipino ay dito nauuri.
Kastila: Kastilang naparito lamang nguni’t buhat sa Espanya. Ibang tawag pa sa kanila:
Iberian, peninsular.
Mestiso: Magkahalong lahi.
Sa mga pamumuna ni Rizal sa Pilipino at mestizo ay may natukoy siyang magagaling
tulad ng matandang pari na nagpayo kay Ibarra upang mag-aral sa Europa, sina Don
Rafael na mestizo, si Ibarra.
Napupuri rin natin sina Tenyente Guevarra at ang Kapitan Heneral sa Noli Me Tangere.
Sa mga katutubo’y mayroon tayong mga Padre Florentino, Pilosopo Tasyo, Isagani…
(1) Ang perya ay hindi iisang tindahan ng mga llaruan o
pabaril na tula ng kasalukuyang gamit ng taguring ito. Ito
ay “Fair” o mga kubol ng sirko, mahiya (magic), mga
tindahan ng laruan, paninda, mga ari at iba pa.
(2) Noo’y Enero.
(3) Tandaan uli ang pagkawala ni Simoun gayong siya ang
nagyaya sa panonood ni Mr. Leeds.
(1) Paano masasabing ang buhay ni Imuthis ay buhay ni Ibarra?
(a) Kapwa sila nag-aral sa ibang bansa.
(b) Kapwa sila kinalaban ng kapisanan ng mga pari.
(c) Kapwa batang paring nag- anyong banal ang kanilang nakatunggali sa pag-ibig at
pulitika.
(d) Kapwa tinugis sa lawa at doon napatay (sa lawa masasabing “namatay” si Ibarra).
(e) Kapwa sa loob ng templo hinalay ng pari ang iniibig nilang magandang dalaga na
kapwa anak sa pagkakasala ng isang pari rin.
(g) Kapwa nagbalik sa bayan ng mga buhay upang gumawa ng mga pag-uusig sa may
pagkakasala- si Imuthis bilang espinghe at si Ibarra bilang si Simoun. Maging si Padre
Salvi ay tinablan ng angkop na pagkakawangis ng mga pangyayari sa buhay ni Ibarra’t
Maria Clara at sa isinalaysay at pag-uusig ng espinghe.
(1)Nakita ni Placido na kasama ni Padre Sibyla si don
Custudio, ang magpapasiya ukol sa balak na paaralan
ng kabataan.
(2). Si Kabesang Andang ay halimbawa ng isang
ignoranteng ina noong panahong iyon na kaya lamang
nagpapaaral ng anak ay sa pagkakagaya-gaya o
kaibigang makapagmalaki bilang ina ng isang nakapag-
aral at nagkatitulo.
3. Ang paghihimagsik ni Simoun ay magsisimula sa mga arabal (kanugnog-
pook ng Maynila o suburbs na noon ay magubat pa tulad ng Balintawak,
Sta. Mesa, Makati, La Loma, atbp.) na binubuo ng:
a. Pangkat ng mamamayang naaaping maghiganti;
b. Pangkat ng mga tulisang tulad ni Kabesang Tales ay naging gayon sa
udyok ng paghahanap ng katarungang di naging kanila sa pamahalaan:
c. Mga kawal ng kanyang pinaniwalang ibig ng Kapitan Heneral na
manggulo sila sa mga sibil at sa mga prayle upang magkaroon ng dahilan
ang Heneral na magtagal sa Pilipinas:
d. Mga manong na pinaniwala niyang sasalakay sa kumbento ang mga
kawal at sibil.
4. Ang paghihimagsik ni Simoun ay may iisang layon- paghihiganti.
Hindi siya maghihimagsik para sa kabutihan ng bayan kundi upang
pagbigyan ang kauhawan niya sa paghihimagsik. Nguni’t sa
paniwala niya ang kanyang tunay na layunin ay pagsugpo sa
kasamaan ng pamahalaan. At ang masama niyang mga
pamamaraan ay binibigyang katuwiran niya sa inaakala niyang
layuning makabayan. (Alalahanin ang pag-uusap nina Elias at
Ibarra sa lawa sa una at ikalawa nilang pamamamangka.) Ang
sandaling pag-aatubili ni Simoun sa kanyang mga balak ay
nagpapatong sa kaibuturan ng kanyang diwa ay nag-aalinlangan
siya sa kanyang pamamaraan.
Buena Tinta o mahusay na tagasulat ng mga papales ang taguri kay Don
Custodio. Hindi naman totong siya’y magaling sa papales. Ang totoo’y may
kahinaan siya. Nguni’t ang kanyang reputasyon ay pinalago at pinatibay ng
pagkakataon at mga pangyayari. Una siya’y isang kastila na napalapit sa
mga namumuno. Ikalawa, ang mga nakasama at nakakatalo niya na tulad
nina Ben Zayb na may kahinaan sa ulo nguni’t mamamahayag o
napagalaw sa mataas na lipunan ay panay ang pagpuri sa “katalinuhan” ni
Don Custudio dahil nalamangan sila nito sa “katalinuhan”. Parang isang
lobo si Don Custudio na pinalalaki ng hangim. Ikatlo, nakapag-asawa siya
ng mestisang masalapi na nagbigay sa kanya ng malaking katatagan sa
lipunang palahanga sa ibig hangaan at di dapat hangaan. At ikaapat,
katutubo ang sipag sa gawain at lalo sa pakikipagtalo.

You might also like