Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino 6

I. Layunin
a. Naiisa-isa ang mga uri ng pangungusap ayon sa gamit.
b. Nasusuri kung ang pahayag pasalaysay, patanong, padamdam, pakiusap at
pautos.
II. Paksang Aaralin
Aralin 2 - Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit
III. Kagamitan
Laptop, PowerPoint Presentation, Telebisyon, Pisara, Tsok
IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati sa mga mag aaral
2. Pagdarasal
3. Pag tsek ng mga lumiban
B. Balik Aral
Nasusuri kung ang pahayag ay opinyojn o katotohanan
1. Opinyon – Ang opinyon ay mga pahayag ayon sa paniniwala o ideya
ng isa o iilang tao lamang batay sa kanilang karanasan o napapansin
sa mga bagay at mga pangyayari sa paligid na hindi pa lubusang
napatunayan at walang mabigat na pruweba o ebidensya.
Halimbawa:
Sa aking palagay, hindi na muli pang puputok ang Bulkang Taal.
Para sa akin, dapat pa ring ituloy ang mga protokol sa kalusugan
upang tuluyang masugpo ang Covid 19.
Maaring makagamot sa mga sakit ang pag-inom ng lemon.
2. Katotohanan – Ang katotohanan ay mga tunay na kaganapan,
bagay at kaalaman na napatunayan na ng nakararami o ng siyensya.
Ito ay masusing pinagaralan at napatunayan ng mga propesyunal at
mga eksperto na may mabigat na pruweba.
Halimbawa:
Ang dengue fever ay dulot ng kagat ng lamok.
Ang aedes egypti ang lamok na may dala ng dengue fever.
Lahat ng tao ay namamatay.
C. Pagganyak
Ang guro ay nagpanood ng mga depinisyon ng mga uri ng pangungusap ayon
sa gamit.
D. Paglalahad
Aralin 2.
Ang pasalaysay ay pangungusap na ginagamit sa pagkukuwento o
pagsasalaysay, pagpapahayag ng katotohanan at pagbibigay ng
impormasyon. Tinatawag din itong paturol. Sinusulat gamit ang malaking
letra at nagtatapos sa bantas na patuldok(.).
Halimbawa:
Ang mga gulay at prutas ay nagpapalusog at nagpapasigla ng
katawan.

Ang patanong as pangungusap na ginagamit sa pagtatanong.


Sinusulat gamit ang malaking letra at nagtatapos sa bantas na tandang
pananong(?).
Halimbawa:
Paano tayo makakaiwas sa sakit?

Ang padamdam ay pangungusap na ginagamit sa pagpapahayag ng


matinding damdamin gaya ng tuwa lungkot, galit takot at iba pa. Sinusulat
gamit ang malaking letra at ginagamitan ng tandang padamdam(!) sa
hulihan.
Halimbawa:
Naku! Mas maraming Pilipino ang nagugutom ngayon.

Ang pautos ay pangungusap na ginagamit sa pag-uutos o pakikiusap.


Siinusulat gamit ang malaking letra at nagtatapos sa bantas na tuldok(.) o
tandang pananong(?). Ang pakiusap ay ginagamitan ng mga salitang gaya
ng maaari, puwede at mga panlaping maki-at paki-.
Halimbawa:
Mag-aral ka muna bago ka maglaro.
Maaari mo ba akong tulungan sa ating aralin?
E. Pagtatalakay

F. Gawain
Kilalanin ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay Pasalaysay,
Patanong, Pautos, Pakiusap at Padamdam.

G. Paglalapat
Panuto: Anong pangungusap ang sasabihin/gagamitin sa mga sumusunod
na kalagayan. Bumuo ng pangungusap na angkop sa sitwasyon.
H. Pagtataya
Panuto: Isalin ang sumusunod na pangungusap sa itinakdang uri sa loob ng
panaklong. Huwag kalimutang gamitin ang wastong bantas.

V. Takdang Aralin
Panuto: Lagyan ng tamang bantas ang pangungusap. Isulat ang
PS-pasalaysay, PT-patanong, PU-pautos, PK-paki-usap, PD-padamdam.

( )1. Siya ay napakakulit na langgam. ( )


( )2. Stella ( ) halika dito ( )
( )3. Wow ( )Sumisigaw si Lola ( )
( )4. Magnanakaw ( )
( )5. Pakisilip kung gising si Nzo( )
( )6. Mainit ba ang panahon ( )
( )7. Ako ang hari rito ( )
( )8. Ako ang hari rito ( )
( )9. Takbo ( )
( )10. Sus, kawawa ang mga batang ito ( )

Inihanda ni: Ipinasa kay:

Joshua B. Sebastian Gng. Mylen Mamangon Nunez

You might also like