Suring Basa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

GROUP4

I. Panimula – Naglalaman ng uri ng panitikang ginamit sa akda.


a. Pamagat ng Nobela
b. Pagkilala sa Awtor ng Nobela
c. Layunin ng Akda
d. Anong uri ng Panitikan ang Nobela?

II. Pagsusuring Pangnilalaman – Ang bahagi kung saan makikita ang tema o paksa ng akda.
a. Tema/Paksa ng Akda
b. Pagpapakilala sa mga Tauhan ng Nobela (Pangunahing Tauhan)
c. Paglalarawan ng Tagpuan at Panahon

III. Pagsusuring Pangkaisipan – Napapaloob ang mga kaisipan o ideyang taglay ng akda.
a. Nilalaman ng Akda/Balangkas ng mga Pangyayari
Gabay na Tanong:
1. May kakaiba ba sa nilalamang taglay?
2. Paano binuo ang balangkas ng akda?
Ang mga ideya o kaisipan ng akda ay ng mga katangian ng isang mag -
aaral na maraming aral ang matutunan na maaaring magbago ng sari-sariling
pananawa ng bawat isa. Ang una ay ang edukasyon, kadalasan kapag hindi pa
nasa hustong gulang ang isang tao, hindi na natin masyadong binibigyang pansin
ang edukasyon, lalo na ngayong nasa modernong panahon na, lahat ng bagay at
gawain ay napapadali sa tulong ng teknolohiya. Dahil sa nobela ay makikita na
bagamat hindi gaanong masipag sa pag-aaral ang pangunahing tauhang si Roberto
at hindi gaanong kalawak ang sirkulasyon ng teknolohiya, natapos pa rin niya ang
kanyang pag-aaral sa kabila ng pagpapabaya sa kanyang pag-aaral at paulit-ulit na
kumukuha ng iba't ibang kurso.. Kaya naman lalong tumibay ang pananaw
patungkol sa edukasyon lalo na ang kahalagahan nito sa ating buhay. Nagkaroon
ng lakas ng loob na huwag matakot sa pagkakamali at magpatuloy lang kung ano
man ang nasimulan. Sapagkat sa panonood ng pelikula ay mag-iiwan ito ng
katagang “Ang pagkakamali ay hindi nangangahulugang ika’y isang talunan
bagkus ika’y maituturing lang na talunan kung ika’y walang ginawa upang itama
ang iyong mga pagkakamali. Ikalawa ay ang pagmamahal ng pamilya, napaka-
swerte ni Roberto na may maunawain at mapagmahal siyang pamilya na
sumusuporta sa kanyang mga nais sa buhay bagamat nagkaroon siya ng takot na
sabihin sa kanyang mga magulang ang kanyang maling ginagawa ay sinabi niya
pa rin iyon at naunawaan naman ito ng kayang pamilya. Ikatlo o ang panghuli ay
ang pagpili ng mga kaibigan, sa pelikula ay pinakita ang matibay na samahan ng
mga magkakaibigan na sina Roberto, Ulo at Portia halos magkakapatid na ang
turingan nila sa isa’t isa. Napakahalaga na makahanap ka ng mga tunay na
kaibigan bagamat hindi ganoon karami, ang mahalaga ay ituturing kang pamilya
at tanggap ka kung ano o sino ka. Ang nobela/pelikulang ABNKKBSNPLAko ay
nakatulong sa pag-iisip o pagdedesisyon bilang isang mag-aaral upang
maunawaan o maintindihan pa ang maaaring kahihinatnan ng pamumuhay bilang
isang estudyante,
3. May kaisahan ba ang pagkakapit ng mga pangyayari mula sa simula hanggang
wakas? Patunayan.
Sa aklat na "ABNKKBSNPLAko?!" ni Bob Ong, makikita ang kaisahan
ng pagkakapit ng mga pangyayari mula simula hanggang wakas sa pamamagitan
ng pagtutok sa tema ng edukasyon at karanasan ng isang Pilipinong mag-aaral. Ito
ay maipakikita sa mga sumusunod:
 Paggunita sa Kabataan - Ang aklat ay nag-uugat sa personal na karanasan
ng awtor bilang isang dating estudyante. Sa pamamagitan ng pagbabalik-
tanaw sa kanyang mga karanasan sa paaralan, nailalabas niya ang mga
katatawanan, lungkot, at aral na natutunan niya noong kabataan.
 Pananaw sa Edukasyon - Matapos pagdaanan ang mga kakaibang
karanasan sa pag-aaral, ipinapahayag ng awtor ang kahalagahan ng
edukasyon sa buhay ng isang indibidwal. Ipinapakita sa aklat ang mga
hamon at tagumpay na maaaring maranasan sa pag-aaral at kung paano ito
nakatutulong sa pag-unlad ng isang tao.
 Pagsasanib ng Kalokohan at Karunungan - Sa pamamagitan ng malikhaing
pagsasalaysay at pagbibigay-diin sa mga aral na natutunan sa loob at labas
ng silid-aralan, nabibigyang-halaga ni Bob Ong ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng balanse sa buhay.
Sa pagtingin sa kabuuan ng aklat, naroon ang pagkakaayos ng mga pangyayari
mula sa simula hanggang wakas na naglalaman ng mga karanasan,
obserbasyon, at aral na hindi lamang nagpapatawa kundi nagbibigay-diin din
sa kahalagahan ng edukasyon at karanasan sa buhay ng bawat Pilipino.
4. Ano ang mensaheng ipinapahiwatig ng kabuuan ng akda?
Sa kabuuan, ang aklat ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng edukasyon,
pagtitiyaga, at pagiging positibo sa kabila ng mga hamon ng buhay. Nagsisilbi
itong paalala na may halaga ang bawat karanasan at pagsubok na ating hinaharap,
at mahalaga ang pagpapahalaga sa edukasyon bilang isang daan tungo sa mas
magandang kinabukasan. Talaga namang may malalim na mensahe ng pag-asa,
pagmamahal sa bayan, at kahalagahan ng buhay na maaaring matutunan mula sa
akdang ito.

b. Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng Akda


 Tunay na Kaibigan – Ipinapakita sa akdang iyon na sina Roberto, Portia, at
Ulo ay kailanman ay hindi naghiwalay at nag-iwanan bilang magkakaibigan,
sila ay laging nariyan para tulungan ang isa’t isa.
 Tunay na Pag-ibig – Ipinakita ni Roberto ang tunay nyang pag-ibig para kay
Special Someone na kahit ilang ulit na syang sinaktan nito, hindi pa rin
nagbago ang nararamdaman nya para rito.
 Kawalan ng Pag-asa- Nahirapan si Roberto sa kanyang pag-aaral kasabay pa
ng pakikipag hiwalay sa kanya ng kanyang Special Someone dahil dito
dalawang buwan na syang hindi pumapasok at nagdesisyon na huminto muna
ng pag-aaral.
 Paglaban – Ipinagpatuloy ni Roberto ang kanyang pag-aaral at kalaunan ay
grumaduate bilang isang guro, hindi sya sumuko sa buhay at tinupad ang
hangarin ng kanyang mga magulang para sa kanya.

c. Istilo ng Pagkakasulat ng Akda


1. Epektibo baa ng paraan ng paggamit ng mga salita?
2. Angkop ba sa antas ng pang-unawa ng mga mambabasa ang pagkakabuo ng akda?
3. May bias kaya ang istilo ng pagkakasulat sa nilalaman ng akda?
4. Masining ba ang pagkakagawa ng akda? Ito ba’y may kahalagahang tutugon sa
panlasa ng mambabasa at sa katangian ng isang mahusay na akda?

d. Teoryang Pampanitikan
1. Anong teoryang pampanitikan ang ginamit sa pagsusuri? Patunayan.
2. Magbigay ng mga pangyayari na nagpapakita ng teoryang napili.

IV. Buod – Ang huling bahagi kung saan idinidiin ang mahahalagang punto.
1. Isulat/I-computerize ang buods ng nobelang napili.
2. Ilagay ang Sanggunin/Source/Reference na pinagmulan ng napiling akda.

Nakita ba ang paimbabaw, ubod, at lalim ng salita? sabihin at ipaliwanag.


Oo, sa nobela na ito makikita natin ang transformational grammar na paimbabaw, ubod,
at lalim ng wika. Sa paimbabaw ito yung mga wika na palagi o karaniwang ginagamit ng bawat
tauhan, at pinaghalong wika kagaya ng taglish. Sa Ubod ng Wika ito naman ang kinagisnang
wika na ginagamit o natutunan simula pa nung bata kagaya ni Roberto, Portia, at Ulo ang
kinagisnang wika na kanilang ginagamit ay Tagalog. At sa Lalim ng Wika naman ito yung
panibagong paraan nang paggamit ng wika kapag pinagsama, parang pinagsamang paimbabaw at
Ubod ng wika. Makikita rin natin ito.

You might also like