Filipino LP Demo Feb 21

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V - Bicol
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ALBAY
Itaran National High School
Itaran, Polangui, Albay
____________________________________________________________________________________________________________
______________________

February 20, 2024


(7 – MAGNOLIA 12:30 pm-1:3 pm)
I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naisasalaysay nang maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. (F7PS-III-11)

II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA: Pagsasalaysay nang maayos sa banghay ng kuwento
Panghaliling Paksa: Sandaang Damit ni Fanny Garcia
Kagamitan: Kagamitang Biswal, Multi Media Presentation, Teksto at Yeso
Sanggunian; www.google.com, Panitikang rehiyunal pahina 206-208
Estratehiya: Freytag`s Pyramid
Pagpapahalaga: pakikipagkapwa-tao at pagtanggap

B. SANGGUNIAN: www.google.com, Panitikang rehiyunal pahina 206-208


Estratehiya: Freytag`s Pyramid
Pagpapahalaga: pakikipagkapwa-tao at pagtanggap
C. KAGAMITAN:
laptop, projector, pisara, yeso at iba pa.

D. ISTRATEHIYA:
Ugnayang Tanong at sagot, Solo Framework
Freytag`s Pyramid

E. GENRE:
Maikling Kuwento

III.PAMAMARAAN:
Gawain NG Guro Gawain NG Mag-aaral

A. PANIMULANG GAWAIN
 Magsitayo ang lahat para sa isang panalangin.
Pangunahan mo ang panalangin, _________. Opo Mam!
 Magandang umaga sa inyong lahat!
 Bago umupo ay pulutin muna ninyo ang mga
kalat sa inyong paligid at pagkatapos ay
ihanay ng maayos ang inyong mga
upuan.Magbabalik aral sa nakalipas na aralin.

B. PAGGANYAK
 Magkakaroon ng laro ang mga bata na
tatawaging “AYUSIN MO AKO, UPANG
AKO’Y MAGING BUO”.
 Mula sa mga larawang ginupit ay pagdidikit-
dikitin ito ng mga mag-aaral upang sila ay
makabuo
ng iba’t-ibang uri ng damit sa iba’t-ibang
sitwasyon/panahon.

(GROUP ACTIVITY)

1. Damit panligo
2. Damit pang-ehersisyo
3. Damit Panlamig
4. Damit pampaaralan
5. Damit pantulog
C. PAGLALAHAD
 Ang mga larawang ipinakita ko sa inyo ay
may kinalaman sa aralin na tatalakayin
natin sa araw na ito. Ito ay patungkol sa
isang bata na katulad niyo ay naghahangad
rin ng maraming damit.  Naisasalaysay nang maayos ang
 Pero bago ang lahat sabay-sabay nating pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
basahin ang layunin sa araw na ito: (F7PS-Iii-11)

D. PAGHAHAWAN NG SAGABAL
Gagawin ito sa pamamagitan ng isang laro
na tatawaging“FIND YOUR PARTNER”.
a) Marangya a) Mayaman
b) Nasusulyapan b) Nasisilayan
c) Maganda c) Marikit
d) Nagtapos d) Nagwakas
e) sulsi e) tahi
E. PAGTALAKAY
 Pagpapakita ng Video na may
Pamagat na Sandaang Damit.
 Mga tanong kaugnay sa Videong  isang batang babaeng mahirap
napanood:
a) Sino ang pangunahing tauhan sa  Ayaw niyang ipakita ang kaniyang baon
kwentong inyong napanood? sapagkat siya ay nahihiya.
b) Ano ang kaniyang ginagawa sa oras
 Siya ay madalas na umiiyak at siya ay
ng kainan?
nagsusumbong sa kaniyang ina?
c) Ano ang kaniyang ginagawa
pagdating niya sa bahay buhat sa
 Madalas na tinutukso ng kaniyang mga kaklase
paaralan?
ang batang mahirap dahil sa itsura nito
d) Bakit madalas na tinutukso ng
pagdating sa pananamit at sa mga pagkaing
kaniyang mga kaklase ang batang
baon niya sa paaralan.
mahirap?
 Natuto na siyang lumaban sa kaniyang mga
e) Ano ang ginawa ng batang babae kaklase.
upang matigil na ang panunukso sa
kaniya ng kaniyang mga kaklase  Ang banghay ay ang pagkakasunod-sunod ng
mga mahahalagang pangyayaring naganap sa
 Ano ang banghay? isang kuwento.
 Mam ang mahalaga po ay ang banghay
sapagkat dito po natin malalaman ang
 Alin ang mas mahalaga banghay o istorya? mahahalaga at sistematikong pangyayaring
naganap sa isang kuwento.

 Hatiin natin sa limang bahagi ang Panimula


pagkakasunod-sunod ng kuwento Kung saan at paano nagsimula ang kuwento
Saglit na Kasiglahan
Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhan sa kuwento.
Kasukdulan
Dito nangyayari ang pinakamataas na kawilihan ng
mga mambabasa.
Kakalasan
Tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang
naaayos ang problema
Wakas Nakalahad naman dito ang katapusang
bahagi ng banghay.
 Paglalarawan ng may akda sa batang babae,
 Ano ang panimula ng kuwentong sandaang Isang batang walang imik, madalas nag-iisa at
damit? mahiyain. Ipinahayag din ang panunukso na
nararanasan nito.
 Nang unti-unti ng nakakaunawa ang bata sa
 Ano ang Saglit na Kasiglahan ng kuwento? kalagayan ng kanilang pamilya. Pinili niyang
sarilihin ang kanyang pagdaramdam at hindi
na siyanagsusumbong sa kanyang ina.
 Nang matuto ng lumaban ang batang babae.
 Ano ang Kasukdulan ng kuwento? Sinabi niyang mayroon siyang sandaang
damit sa kanilang bahay at nang hindi siya
paniwalaan ay isa-isa niyang inilarawan ang
mga damit na ito.
 Nang maging kaibigan niya na ang kaniyang
 Ano ang kakalasan ng kuwento? mga kaklase dahil sa paniniwala nilang siya ay
may sandaang damit. Dito ay binibigyan na
siya ng kanilang baon at nawala na ang
kanyang pagiging mahiyain.
 Nagpasya ang kanyang mga kaklse at guro na
dalawin ang batang babae sapagkat matagal
na itong di pumapasok at doon nila natuklasan
ang tunay na kalagayan ng bata.
 Nakita nila ang iba’t-ibang damit na sinasabi
ng bata na nakadikit sa dingding.

F. PAGLALAPAT  Walang magandang idudulot ang pambubulas


 Mas napadali nating matuklasan ang sa klase.
nilalaman ng  Mahalin natin ang ating kapwa ano man ang
kuwento dahil sa mga bahagi ng banghay katayuan nila sa kanilang buhay.
nito. Ngayon ano kayang aral ang nais
iparating ng may-akda sa maikling
kwentong ating tinalakay?

IV. EBALWASYON
Isalaysay ang banghay ng sumusunod na teksto at iulat ito sa klase.
Pangkat 1: Alamat ng Bundok Kanlaon
Pangkat 2: Si Langgam at si Tipaklong

Krayterya sa Pagmamarka

Kaangkupan …………………………………………………. 30 puntos


Organisasyon………………………………………………… 30 puntos
Presentasyon………………………………………………… 40 puntos
Kabuoan…………………………………….................... 100 puntos

V. TAKDANG-ARALIN
Magsaliksik ng isa pang maikling kwento sa internet. Tukuyin ang banghay nito gamit
ang Freytag`s Pyramid. Isulat o ilagay ito sa isang maikling coupon bond.

Inihanda/Ipinakitang-turo ni:

. ANA LIZA LLANETA MONTEROYO


Itaran National High School
Guro 1

You might also like