Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
Division of Davao del Norte
CARMEN NATIONAL HIGH SCHOOL
Ising, Carmen, Davao del Norte

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO BAITANG 10

Pamamarati: Isang oras Petsa at Araw: Hunyo 26, 2023

Kasanayang Pagkatuto:
F10PN-IVd-e-85
Naipapahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga
kaisipang namayani sa akda.
I – LAYUNIN:
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, gawain at mga pagpapahalaga,
matutunan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
1. Nailalarawan ang mga katangiang taglay ng isang anak.
2. Napapahalagahan ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa iba’t
ibang larangan.
3. Naipapahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga
kaisipang namayani sa akda
II– PAKSA:
Panitikan: SI HULI (Ika-30 Kabanata sa nobelang El Filibusterismo
Pahina: 4-12 (Modyul 4)
Referens: MELCS, Modyul 4 sa Ikaapat na Markahan
Kagamitang Pampagtuturo: Laptop, TV, Kopya ng Banghay Aralin, cellphone,
internet connection
III – PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c.Pagtala ng liban
d.Pagpapaala sa mga alituntunin
e. Pagbabalik-aral
 Ang guro ay magtatanong sa mag-aaral sa nakaraang
talakayan.
 Tungkol saan ang huling paksa? (Kabanata 29- Ang Huling
Habilin ni Kapitan Tiyago)

f. Pagganyak
Ang guro ay magpapatugtog ng dalawang korus ng musika.
 Binibini (Inawit ng Brownman Revival)
 Magandang Dilag (Inawit ni JM Bales)
Nagustuhan ba ninyo ang awitin? Para kanino inialay ang mga
awiting ito? Anong edad nagsisimulang mapabilang ang isang babae sa tinatawag na
Early Adulthood o Second Down Age?

g. paglalahad (Ilarawan ang mga sikat)


Panuto: Ilahad kung saang larangan namayagpag ang kilalang mga personalidad
sa larawan.

 Nakilala ba ninyo ang mga taong ito? Magbigay ng kaunting paglalarawan


tungkol sa kanila.
 Ano-ano ang nagawa nila na ipinagmamalaki ng mamamayang Pilipino?
 Anong bulaklak kadalasang inihahambing ang isang dalaga?
 Sa nobelang El Filibusterismo, sino sa mga tauhan ang maiuugnay natin ang
katangian nina Hidilyn at Pia bilang isang dalaga?(Sagot: Si Huli/Juliana

B. Gawain (Pagbasa)

 Ang mag-aaral ay magbabasa ng kabanata -SI HULI


 https://www.youtube.com/watch?v=0aYVWpggAR4&t=38s (video clip para sa mga
hindi nakapasok)

C. Pagsusuri
Sagutin:
1. Sino si Huli?
2. Anong klaseng anak, apo, at nobya si Huli?
3. Ano ang katangian ni Huli?
4. Ilarawan ang pisikal na anyo ni Huli?
5. Maituturing mo bang ulirang anak si Huli? Patunayan.
6. Kung ikaw si Huli, ano ang gagawin mo kung nakabilanggo
ang iyong nobyo at wala ng pamilyang tutulong sa kanya?
7. Gagawin mo rin ba ang ginawa ni Huli? Patunayan

D. Abstraksyon (Pagbibigay Input ng Guro)

Kaisipang Dapat Tandaan: Minsan sa buhay, ang isang tao ay nagsasakripisyo


at kumakapit sa patalim sa pagnanais na makatulong sa pamilya.

Halagang Pangkatauhan: Mahalagang alam natin ang mga Karapatang Pantao

E. Paglalapat (Iugnay Mo!)

Panuto: Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat. 10 Minuto para sa gawaing ito.

Ibahagi ang sariling paniniwala at pagpapahalaga sa mga kaisipang namayani sa akda.


Ang mga kaisipang ito ay nakapaskil sa pisara. Pagkatapos ang pangkatang
pagmumuni-muni. Pipili ng dalawang mag-aaral sa pangkat na siyang magbabahagi sa
klase.

Mga kaisipan:
Pag-abuso sa kapangyarihan
Pagpapaalipin kapalit ng salapi
Paniniwala sa mga pamahiin
Pagpaparusa sa mga inosenteng mamamayan’
Pakikipaglaban para sa karapatang pantao
Katapangan
Pagmamahal sa pamilya
Epekto ng pagpapakalat ng tsismis

Pamantayan sa pagtataya:
Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3
Mahusay na
pagkasunod-sunod ng
mga ideya o
pagpapahalaga( 5)
Napukaw ng tagapag-
ulat ang
atensyon/damdamin
ng mga nakikinig(5)
May sapat na
kaugnayan ang
pagpapahalaga sa
paksang tinalakay ( 5)
Kabuoan- 15 pts

IV – EBALWASYON (Search and Share)


Panuto: Gamit ang selpon at internet connection, magsaliksik pa ng ibang
kababaihan na namayagpag at naghatid ng karangalan sa ating bansa. Isaisahin ang
kanilang mga kontribusyon.

V. KASUNDUAN:
1. Magsaliksik ng mga kawani sa Malacanang. At ibigay ang kanilang mga
ginagampanan.

Inihanda ni:

PRINCESS ALMARIE A. AROBO


Guro

You might also like