4th Final Quarter Exam Grade 6

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Butuan Child Academy, Inc

Ampayon, Butuan City


S.Y. 2021-2022
School I.D: 472528

FILIPINO VI
4TH FINAL-QUARTER EXAMINATION

Pangalan: ____________________________________ Puntos:


/50
PAGSUSULIT I.
Panuto: Tukuyin ang kaanyuan ng pang-abay na nasa kahon. Itala sa wastong hanay ng kaanyuan ng tsart. (20 puntos)

ingat-yaman tagapayo mapait na pagkain alpabeto


kayamanan walang makita ari-arian takipsilim
barangay anak-anakan longganisa halamang-ugat
bibili tayo nang pangingisda usap-usapan nang awitin ko ito
serbisyo lamandagat bahay-bahayan kagandahan

PAYAK MAYLAPI INUULIT TAMBALAN PARIRALA

PAGSUSULIT II.
Panuto: Isulat sa patlang ang kaantasan ng pang-uabay na may salungguhit. Gamitin ang titik L kung ang
kaantasan ng pang-abay ay lantay, PH kung ito ay pahambing, o PS kung ito ay pasukdol.

____ 1. Si Gary ay ang pinakamagulong mag-aaral sa klase ni Bb. Sanchez.


____ 2. Mas magara ang kotse ni Noel kaysa sasakyan ni Manuel.
____ 3. Ang kutis ni Lola Nora ay kasingputi ng balahibo ng tupa.
____ 4. Napansin ko na ang mga anak ni G. Santos ay magagalang.
____ 5. Singtangkad na ni Joni ang kanyang ina.
____ 6. Wala akong gusto sa kanya kahit na saksakan nang guwapo pa siya!
____ 7. Higit na malakas ang Bagyong Odette sa Bagyong Luis.
____ 8. Maliit ang kinita ni Ningning sa pagbebenta ng mga sampaguita.
____ 9. Di-gaanong sikat ang aktor na tulad ng kapatid niya na aktres.
____ 10. Hindi ko bibilhin ang alahas kung napakataas ang presyo nito.
____ 11. Bagong-bago ang sapatos na suot ni Martin ngayon.
____ 12. Dapat kumain ka ng masusustansiyang pagkain upang lumakas pa ang iyong resistensiya.
____ 13. Ang magpinsan na Shella at Jhona ay magkamukha.
____ 14. Maghilamos ka muna bago kumain. Kay dungis-dungis ng mukha mo!
____ 15. Marapat na igalang natin ang EDSA Shrine dahil ang pook na ito ay makasaysayan.

PAGSUSULIT III

Panuto: Bilugan ang titik ng sagot na may pang-ukol o mga pang-ukol na bubuo sa pangungusap.

1. ___________ pangulo ng samahan, agad na ipapatupad ang bagong batas.

a. Para kina b. Hinggil kay c. Ayon sa

2. ___________ kasunduan ng pamahalaan at mga rebelde, sisimulan na ang ceasefire.

a. Ukol sa b. Para sa c. Alinsunod sa

3. ___________ batas ang pagtapon ng basura sa ilog at mga dagat sa Japan.

a. Labag sa b. Alinsunod sa c. Ukol sa

4. ___________ batas ang pagtapon ng basura___________ ilog.

a. Labag sa, sa mga b. Alinsunod sa, sa c. Hinggil sa, sa mga

5. Ang pagsusulit ay___________ mga impluwensiya___________ Kastila sa ating kultura.

a. laban sa, sa mga b. tungkol sa, ng mga c. ukol sa, ng

6. Uuwi ako nang maaga ___________ bahay para makapagbasa ng aralin sa Filipino.
a. ng b. sa c. tungkol sa
7. Ang kalusugan at edukasyon ___________ kabataan ay ang priyoridad___________ pamahalaan.

a. ng, ng b. sa, ng c. ukol sa, ng

8. Magkakaroon ng libreng bakuna___________ mga sanggol ng barangay, ___________ Kapitana.

a. para sa, ayon kay b. alinsunod sa, ayon sa c. ng, ukol kay

9. Ang pagsusulit ay ___________ sa impluwensya ng ibang mga lahi sa ating kultura.

a. laban sa b. para sa c. tungkol sa

10. Ang ipinaglalaban nila ay ___________ pagkamit ng katarungan ng mahihirap.

a. laban sa b. tungo sa c. tungkol sa


11. Bibili ang tatay ng regalo ____________ kanyang inaanak.
a. para sa b. para kay c. kay
12. Ang klase ________ Ginang Cruz ay manonood ng pelikulang Jose Rizal.
a. ni b. nina c. kay
13. ________ Melissa, pinag-aralan nila ang pagsakop ng mga Hapones.
a. Ayon kay b. Tungkol kay c. Para kay
14. Ang Intramuros ay isang makasaysayang pook na matatagpuan ________ lungsod ng Maynila.
a. kay b. sa c. ni
15. Ang paghihiwalay ng nabubulok at hindi nabubulok na basura ay ________ utos ng barangay.

a. alinsunod sa b. tungkol sa c. para sa

You might also like