Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
GENERAL MARIANO ALVAREZ TECHNICAL HIGH SCHOOL

GAWAING PANG-INTERBENSIYON
FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK
Linggo 8, Unang Kwarter, Ikalawang Semestre
Pangalan: ____________________________________Petsa: _____________________________
Baitang at Seksyon: _________________________
Guro:_____________________________
PAKSA: Talumpati /Posisyong -Papel
 Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat CS_FA11/12PB-0a-c-101

 Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin sa:


a. Layunin
b.Gamit
c.Katangian
d.Anyo
CS_FA11/12PN-0a-c-90
 Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at
katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko CS_FA11/12EP-0a-c-39

 Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin

KONSEPTO: Talumpati
Ang talumpati ay sining ng pagsasalita nangangatwiran, o tumatalakay ng isang paksa para sa mga
tagapakinig. Masusukat sa sining na ito ang katatasan, husay, at dunong ng mananalumpati sa paggamit ng
wika at katatagan ng kanyang paninindigan. Karaniwang nagkakaiba-iba ang talumpati, batay sa paghahanda
sa mga ito (Mangahis, Nuncio, Javillo, 2008). Sa paghahanda nito, kinakailangang tandaan na ang isang
mahusay na talumpati ay dapat nakapagbibigay-impormasyon, nakapagpapaunawa, nakapagtuturo,
nakahihikayat ng mga konsepto at paninindigan sa mga manonood at tagapakinig.
MGA BAHAGI O ELEMENTO NG TALUMPATI:
•Pambungad /introduksiyon- dito inilalatag ang pagpapakilala sa paksa
•Pangunahing ideya- inilalagay ang pinakaideyang gusting palabasin at layunin sa talumpati
•Katawan o paglalahad- ilahad ang opinyon at datos na magpapatunay sa iyong sinasabi
•Paninindigan- Pagpapanatili ng iisang stand
•Kongklusyon- Maaaring magbigay payo o manghikayat
HAKBANG SA PAGSULAT NG TALUMPATI:
1.Pagpili at paglimita sa paksa
~ may kaalaman
~ kawili-wili
~ limitado
2. Pagtiyak sa layunin
3. Pagsusuri sa tagapakinig-gulang, katayuan, kasarian, etc
4. Pagsusuri sa okasyon
5. Paglilikom ng material
6. Paghahanda ng balangkas
7. Paghahanda sa talumpati
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
GENERAL MARIANO ALVAREZ TECHNICAL HIGH SCHOOL

PORMAT SA BALANGKAS NG TALUMPATI:


I.Panimula
A.Isyu
B.Suliranin
II. Katawan
A.Mungkahing solusyon
B.Mga resulta/ epekto
III. Kongklusyon
PAGSULAT NG TALUMPATI:
a. Isinasaalang-alang ang uri ng wika at ang angkop na salita na magiging kaaya-aya at maunawaan ng
tagapakinig
b. Maghanda ng isang balangkas ng paghahanda at pagbubuod ng talumpati
c. Simulan ang pagsulat ng introduksiyon
d. Isulat ang kongklusyon
PAGSULAT NG TALUMPATI:
Bigyang-diin ang paggamit ng mga salitang tanda isang nagpapahayag ng mga kaisipang makatutulong.
Paggamit ng mga tayutay. Makatutulong ang mga tayutay na ito sa pagganyak ng mga tagapakinig
dahil naipahahayag ang mga abstraktong ideya sa pamamagitan ng konkretong kaisipan.
KASANAYAN SA PAGHABI NG MGA BAHAGI NG TALUMPATI
Ang paghahabi o pagsusulat ng nilalaman ng talumpati mula sa umpisa hanggang sa matapos ito ay
napakahalaga ring isaalang-alang upang higit na maging mahusay, komprehensibo, at organisado ang
bibigkasing talumpati.
BAHAGI NG TALUMPATI
1. INTRODUKSIYON
Naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati kaya naman dapat angkop ang pambungad sa
katawan ng talumpati
a. mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig.
b. makuha ang kanilang interes at atensiyon
c. maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa paksa
d. maipaliwanag ang paksa
e. mailahad ang balangkas ng paksang tatalakayin
f. maihanda ang kanilang posu at isipan sa mensahe
2. DISKUSYON O KATAWAN-Dito tinatalakay ang mahahalagang puntong nais ibahagi sa mga nakikinig.
Mga katangiang kailangang taglayin ng katawan ng talumpati.
a. kawastuhan
b. kalinawan
c. kaakit-akit
3. KATAPUSAN O KONGKLUSYON- Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilahad
sa
katawan ng talumpati. Ito ay kalimitang maikli ngunit malaman. Maaaring ilagay rito ang pinakamatibay na
paliwanag at katwiran upang mapakilos ang mga tao ayon sa layunin ng talumpati.
4.HABA NG TALUMPATI- Nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas o
presentasyon
nito. Malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman nito ang pagtiyak sa nilaang oras.
GAMIT NG TAYUTAY SA TALUMPATI:
Nagsasalamin ng pagpapahalaga at kaugaliang Pilipino
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
GENERAL MARIANO ALVAREZ TECHNICAL HIGH SCHOOL

Hindi tahasan ang pagpapahayag upang hindi masira ang pakikipagkapwa-tao na makikita sa mga bayanihan
Nagbibigay ng higit na makulay at pagpapakahulugang mabisa at malinaw .Higit na nagiging maganda ang
pagpapahayag.Binibigyan ng bagong kahulugan ang mga salita sa karaniwang kahulugan
Mga Sangkap ng Talumpati:
1. Kaalaman - Nararapat na maghatid ng sapat na kaalaman o impormasyon ang isang talumpati. Magiging
isang kahiya-hiya ang isang nagtatatalumpati kung kulang ang kaalamang ipinahahayag.
2. Kahandaan - Madalas na bunga ng walang kahandaan sa pananalumpati ang mawala sa kalagitnaan ng
pagsasalita, matagal na pagtigil at pangangapa ng mga salita. Ang kahandaan sa pagtatalumpati ay
kahalintulad ng tiwala sa sarili.
3. Kasanayan -Ang kasanayan ay isang mabisang sangkap upang maipakita ang kaalaman atkahandaan ng
isang mananalumpati. Magsanay na magsalitang malakas at maliwanag sa parang nakikipag- usap. Ang
pagsasalita ng malakas at maliwanag sa harap ng salamin ay isang magandang simulain. Sanayin din ang
ekspresyon ng mukha ayon sa damdaming nais ipahayag.
Uri ng Talumpati ayon sa Pamamaraan
1. Dagli - hindi pinaghandaan
2. Maluuwag - may maikling panahon na ibinibigay sa mananalumpati upang pag-isipan ang sasabihin.
Hindi isinulat at hindi isinaulo ang mga sasabihin
3. Pinaghandaan- isinulat, binabasa o isinaulo ang talumpati at may sapat na pag-aaral sa paksa.
lba't ibang Uri ng Talumpati Ayon sa Paghahanda
Nabanggit na sa unang bahagi ng araling ito na karaniwang nagkakaiba-iba ang talumpati batay sa
paghahanda
sa mga ito. May mga talumpating kinakailangang isulat at rnay hindi kailangang isulat ngunit tiyak na
susubok
sa kakayahan ng mananalumpati na magsaayos ng mga kaisipan.
1. Impromptu—Ito ang uri ng talumpati na biglaan at walang ganap na paghahanda (Mangahis, Nuncio,
Javillo 2008). Karaniwang makikita ang mga ganitong uri ng pananalumpati sa mga job interview, ilang
okasyon ng question and answer, at pagkakataon ng pagpapakilala. Hindi posible sa uring ito angpagsulat pa
ng bibigkasing talumpati ngunit mahigpit ang pangangailangan dito ng kahusayan sa pag-oorganisa,
paglilinaw, at pagtatampok ng mga ideyang nais palutangin.
2. Extempore—Sa uring ito masusubok ang kasanayan ng mananalumpati sa paggamit ng mga angkop na
salita sa loob ng sandaling panahon bago ang pagbigkas. Kaiba sa impromptu, ang mga isyu,konsepto, o
usapang paglalaanan ng talumpati ay nasa kaalaman na ng mananalumpati kung kaya maaari pa siyang
maghanda ng kaunting marka o palatandaan upang hindi magpaligoy-ligoy ang kanyang pagbigkas. Bukod pa
rito, karaniwang inoorasan ang pagsagot ng mananalumpati kaya kinakailangan ang malinaw na pag-iisip,
bilis sa pagbabalangkas, at husay sa pamimili ng salita. Isang karaniwang halimbawa nito ay ang Question and
Answer portion sa mga beauty pageant.
3. Isinaulong Talumpati—Ito ang uri ng talumpati na isinusulat muna at pagkatapos ay isinasaulo ng
mananalumpati (Mangahis, Nuncio, Juvillo, 2008). Masusukat dito ang husay sa pagbabalangkas ng
manunulat,kanyang pagpapaliwanag, at tibay ng kanyang mga argumento bukod pa sa husay niyang
bumigkas. Karaniwang makikita ang uri na ito sa mga Valedictory Speech.
4. Pagbasa ng Papel sa Kumperensiya—Higit na mas kaunti ang alalahanin ng mananalumpati sa uring ito
dahil lubusang nabigyan ng oras ang paghahanda sa balangkas ng talumpati, ganap na naisulat nang mahusay
ang mga argumento, at inaasahang na-ensayo na ang pagbigkas. Tanging aalalahanin na lamang ay ang bisa
ng tinig at bigat ng pagbanggit sa mahahalagang punto ng talumpati.
KONSEPTO: POSISYONG -PAPEL
Ang posisyong papel, kagaya ng isang debate, ay naglalayong maipakita ang katotohonan at katibayan
ng isang
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
GENERAL MARIANO ALVAREZ TECHNICAL HIGH SCHOOL

tiyak na isyung kadalasan ay napapanahon at nagdudulot ng magkakaibang pananaw sa marami depende sa


persepsiyon ng mga tao. Ang layunin ng posisyong papel ay mahikayat ang madla na ang pinaniniwalaan ay
katanggap- tanggap at may katotohanan. Mahalagang maipakita at mapagtibay ang argumentong pinaglalaban
gamit ang mga ebidensyang magpapatotoo sa posisyong pinaniniwalaan o pinaninindigan. Ang posisyong
papel ay mahalagang gawaing pasulat na nililinang sa akademikong pagsulat. Isa itong sanaysay na
naglalahad ng opinyon na naninindigan hinggil sa isang mahalagang isyu patungkol sa batas, akademiya,
politika, at iba pang mga larangan. Karaniwang isinusulat ang isang posisyong papel sa paraang
mapanghimok sa mambabasa upang maunawaan at sang-ayunan nito ang paninindigan ng nagsulat hinggil sa
isyung pinaksa. Ito ay naglalayong maipakita ang katotohanan at katibayan ng isang isyung napapanahon.
Bukod rito, ang sulat na ito ay maaari ring magdulot ng magkakaibang pananaw depende sa mga pananaw ng
tao. Ang layunin nito ay maipaglaban kung ano para sa tingin mo ang tama. Ito rin ay naglalayong itakwil ang
kamalian na hindi tanggap ng karamihan sa mga tao. Ang pagsulat nito ay dapat nasa isang pormal na format.
Sunod, dapat organisado rin ang pag lagay ng mga ideya sa iyong papel. Ito rin ay dapat nagbibigay linaw sa
panig na pinaboran.Ngunit, dapat ipinapakita rin ang pagsisiyasat sa kabilang panig.
Sa mag-aaral, isang mabuting pagsasanay ang pagbuo ng posisyong papel sa pagpapatibay ng
paninindigan o pagbuo muna ng paninindigan. Isang proseso rin ang pagbuo nito ng pagpapahusay sa
paglalahad ng mga suportang ideya, pagtitimbang ng opinyon at katotohanan, at pagsanggi sa mga antitheses
o sumasangging mga ideya mula sa paninindigan ng mga mag-aaral upang magdepensa.
1. Itinuro ka ng iyong kaklase sa iyong guro kaya ikaw ang napagkamalang naghagis ng balat ng saging sa
sahig upang madulas ang iyong kaklase.
2. Napulot mo ang wallet ng taong naiinis sa iyo. Iaabot mo sana ito sa kanya. Subalit, pinagbintangan ka niya
na ikaw ang kumuha ng wallet niya.
3. Ang iyong ama ay dating meyor ng inyong bayan na nasangkot sa graft and corruption kaya nang ikaw ay
kumakandidato bilang Kapitan sa inyong komunidad ay inaakusahan ka na isa ring magnanakaw.
Layunin ng posisyong papel na mahikayat ang mga mambabasa na magkaroon ng kamulatan sa
argumentong inihahain sa kanila. Ang mga posisyong papel ay karaniwang isinusulat mula sa pinakasimpleng
format tulad ng letter to the editor hanggang sa pinakakomplikadong academic position paper. Maaaring
isagawa ang pagsulat ng posisyong papel ayon sa isyung ipinaglalaban ng isang indibidwal o organisasyon
upang maiparating ang kanilang mga opinyon at paniniwala o rekomendasyon ukol sa isyu. Ang mga
posisyong papel ay mainam sa mga kontekstong nangangailangan ng detalyadong impormasyon upang lubos
na maintindihan ang pananaw ng isa pang tao. lto ay karaniwang ginagamit sa pampulitikong kampanya, mga
organisasyon ng gobyerno, sa mundo ng diplomasya, at mga hakbang na naglalayong baguhin ang mga
pagpapahalaga ng komunidad at organizational branding o imahen ng isang samahan o institusyon.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
1. Pumili ng paksang malapit sa puso
2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa
3. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag o tesis o posisyon
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensiya
2 Uri ng Ebidensiyang Magagamit sa Pangangatwiran ayon kay Constantino at Zafra (1997)
a. mga katunayan (facts)- tumutukoy sa mga ideyang totoo dahil ang mga katibayan ay nakabatay sa nakita,
naamoy, narinig, nalasahan at nadama.
b. mga opinyon – tumutukoy sa pananaw ng mga tao, mga ideyang nakasalig hindi sa katunayan kundi sa
ipinapalagay lamang na totoo. Hindi ito katunayan kundi pagsusuri o judgment ng katunayan. Kung
gagamiting
ebidensiya ang opinyon sa sulating-papel, kailanagang manggaling ito sa taong may awtoridad na magsalita
hinggil sa isyu o paksa.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
GENERAL MARIANO ALVAREZ TECHNICAL HIGH SCHOOL

6. Buoin ang balangkas ng posisyong papel


Halimbawang pormat:
1. Panimula
a. Ilahad ang paksa
b. Magbigay ng maikling paunang paliwanag tungkol sa paksa at kung bakit mahalaga itong pag-usapan
c. Ipakilala ang tesis ng posisyong papel o ang iyong stand o posisyon tungkol sa isyu
*Tandaan: Sa pagsulat ng panimula, mahalagang maipakilala ang paksa at maantig ang interes ng mga
mambabasa.
2. Paglalahad ng Counterargument o mga Argumentong Tumututol o Kumokontra sa iyong Tesis
a. Ilahad ang argumentong tutol sa iyong tesis
b. Ilahad ang mga kinakailangang impormasyon para mapasubalian ang mga binanggit na counterargument
c. Patunayang mali o walang katotohanan ang mga counterargument na iyong inilahad
d. Magbigay ng mga patunay para mapagtibay ang iyong ginawang panunuligsa
3. Paglalahad ng Iyong Posisyon o Pangangatwiran Tungkol sa Isyu
Ipahayag o ilahad ang una, ikalawa at ikatlong punto ng iyong posisyon o paliwanag, siguruhing may patunay
ang bawat punto
4. Kongklusyon
a. Ilahad muli ang argumento o tesis
b. Magbigay ng plano ng gawain o plan of action na makatutulong sa pagpapabuti ng kaso o isyu
KATANGIAN NG POSISYONG PAPEL
• Naglalarawan ng posisyon sa isang partikular na isyu at ipinapaliwanag ang basehan sa likod nito.
• Nakabatay sa fact (estadistika, petsa, mga pangyayari) na nagbibigay ng matibay na pundasyon sa mga
inilalatag na argumento.
• Gumagamit ng mga sangguniang mapagkakatiwalaan at may awtoridad
• Sinusuri ng manunulat ang mga kalakasan at kahinaan ng sariling posisyon maging ang sa kabilang panig.
• Gumagamit ng akademikong lengguwahe.
• Posisyong Papel
• Pinaglilimian ng manunulat ang lahat ng maaaring solusyon at nagmumungkahi ng mga maaaring gawin
upang matamo ang layunin.

GAWAIN:
Bumuo ng isang halimbawa ng isang talumpati at posisyong papel tungkol sa mga isyu .
 Pagkakaroon ng lisensya ang mga nagmamaneho ng e-bike
 Patuloy na pagtaas ng mga bilihin
 Mainit na panahon

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY DI-GAANONG


MAHUSAY
NILALAMAN Mahusay na nakilala ang Di-masyadong nakilala Hindi nakilala ang a.
a.Layunin b.Gamit ang a. Layunin b. Gamit Layunin b. Gamit
c.Katangian d.Anyo na c. Katangian d.Anyo na c.Katangian d.Anyo na
gagamitin sa talumpati gagamitin sa talumpati gagamitin sa talumpati at
at posisyong-papel(5) at posisyong-papel (4) posisyong-papel
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
GENERAL MARIANO ALVAREZ TECHNICAL HIGH SCHOOL

PAGKAMALIKHAIN Naipakita ang pagigingDi -masyadong naipakita Walang naipakita ang


malikhain sa
ang pagiging malikhain pagiging malikhain sa
pamamagitan ng pagpilisa pamamagitan ng pamamagitan ng pagpili
sa mga salita o pahayag
pagpili sa mga salita o sa mga salita o pahayag
sa ginawang gawain pahayag sa ginawang sa ginawang gawain
gawain
KAAYUSAN/ May kaugnayan Iilan lamang ang Walang kaugnayan
KAISAHAN /kaisahan ang bawat pahayag na may /kaisahan ang bawat
pahayag sa ginawang kaugnayan/kaisahan sa pahayag sa ginawang
gawain ginawang Gawain gawain

Inihanda ni:

KIMBERLY ANN N.AURE


Guro II

You might also like