Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

BUOD NG WALANG PANGINOON

Ni Deogracias A. Rosario

Ang kuwento ni Deogracias A. Rosario, Walang Panginoon, ay umiikot sa isang maralitang pamilya at
sa kanilang pakikipagtunggali sa mga mayayamang nagsasamantala sa kanila. Mababatid ang pagtatagisan ng
dalawang puwersa, ang naghaharing uri na kinakatawan ni Don Teong at ng mababang uri na makikita sa
tauhang si Marcos. Dahil sa pangunahing temang ito, maaaring suriin ang kuwentong ito ayon sa Marxismong
kritisismo.

Kung susuriing mabuti ang pangunahing suliranin tungkol sa pag-agaw, pagbuwis at paglisan mula sa
saka, makikita ang isyu ng class struggle kung saan ang matataas na uri ay may kakayahang samsamin kung
anuman ang mayroon ng mga mahihirap. Hindi rin binigyang halaga ang karapatan o katwiran ng pamilya ni
Marcos ng sistemang judicial dahil sa pagiging mahirap nila. Bunga nito ang pang-aapi at pagsasamantala ni
Don Teong sa pamilyang hindi na aahon pa mula sa kahirapan, habang patuloy na yumayaman si Don Teong.
Ito rin ay pumapatungkol sa malaking agwat ng mahihirap at mayayaman sa isang lipunan na siyang tinutuligsa
ng Marxismo. Mahalaga ring tingnan ang pag-iibigan nina Marcos at Anita na tila isang kasuklam-suklam na
kasalanan para kay Don Teong na naitulak pa ang sariling bugbugin ang anak pagkatapos mabatid ang pag-
iibigan ng dalawa. Dito pumapasok ang pagbubukod ng mga mayayaman sa mga mabababang uri
o alienation mula sa lipunan. Panghuli, ang paghihiganting ginawa ni Marcos ay isang pagtugon sa teorya ng
Marxismo sa kamatayan ng kapitalistang uri dulot ng pag-aalsa ng mga manggagawa. Sa huling talata ng
kuwento ipinahayag ang pagbuwag ng isang kapangyarihang mapang-api at ang paglaya ng isang mahirap sa
mga kamay ng mataas na uri.

Isang kasangkapan ang pamagat sa pagpapatingkad ng pangkalahatang tema ng kuwento-ang pagpatay


sa isang sistemang walang katarungan at isang kalakarang tagilid at pabor lamang sa mayayaman. Ang
pagbanggit ng ’walang panginoon ’ sa hulihan ng kuwento ay isang pag-asam ng isang lipunang walang mataas
at walang mababa, isang lipunang komunismo. Ang panginoon ay kumakatawan sa mga tao o bagay na
pinagmumulan ng kapangyarihan na nagbubunga sa isang mapang-aping sistema na sanhi naman ng pagdurusa
ng mga mahihirap. Sa pagpatay kay Don Teong sa hulihan ng kuwento ay isang paraan ng pagpapahayag ng
mensahe na ang patuloy na pang-aabuso ng isang tao sa mga mabababa sa kanya ang siyang maghahatid sa
kanya sa ilalim ng lupa. Mangyayari lamang ito kapag may mga nakatataas at may naaapi kung kaya’t ang
pamagat ng kuwento ay ang pagnanais na walang panginoon.

Talasalitaan:
1. maralita- mahirap
2. pakikipagtunggali – pakikipaglaban
3. paglisan- pag-alis
4. samsamin- damahin
5. tinuligsa- pinupuna
6. kasuklam-suklam -karumaldumal
7. pag-aalsa – pagwewelga

Mga tanong:

1. Mahalaga ba ang maging makuntento sa anong may meron ka?


2. Bakit mahalaga na maging pantay pantay ang mga tao?
3. Ano ang kahalagahan sa paglaban sa ating mga karapatan?
4. Ano ang gagawin mo para maging maginhawa ang iyong buhay sa hinaharap?

You might also like