Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ESP 10 Q3 EXAM

1. Ito ay pagkilala sa likas na karapatan at dignidad ng tao na mabuhay mula konsepsiyon hanggang
kamatayan.
A. Pro-life B. Pro-choice C. Life D. Pro-line
2. Ito ay tumutukoy sa pagpapasiya at pagpili batay sa sariling paniniwala, kagustuhan, at iniisip na
tama.
A.Pro-life B. Pro-choice C. Life D. Pro-line
3. Ito ay isyu ng moral na tumutukoy sa pagpapalaglag o pag-alis ng fetus o sanggol sa sinapupunan
ng ina.
A. Pagpapatiwakal B. Alkoholismo C. Euthanasia D.
Aborsiyon
4. Ito ay isang pamamaraan ng paggamit ng modernong medisina upang wakasan ang buhay ng
taong may malubhang sakit na kailanman ay hindi na gagaling pa.
A. Lethal Injection B. Suicide C. Euthanasia D. Abortion
5. Dahil sa droga, ang isip ng tao ay nagiging ________________. Nahihirapan ang isip na
maiproseso ang iba’t ibang impormasyon na dumadaloy dito.
A.Blank Space B. Blank Spot C. Blank Sheet D. Tabula Rasa
6. Isang uri ng mercy killing na kung saan ito ay ilegal dahil ginagamitan ito ng gamot upang
makapagdulot ng kamatayan.
A. Euthanasia B. Active Euthanasia C. Passive Euthanasia

D. Active-Passive Euthanasia
7. Mahalagang mapagtibay ang ____________________ ng mga taong nagnanais na tapusin ang
sariling buhay.
A. Life Support B. Pagmamahal C. Support System
D. Mental Support
8. Ito ay itinuturing na lehitimong uri ng Euthanasia sapagkat tinatanggap lamang na ang
kamatayan ng tao ay hindi maaaring pigilan.
A.Euthanasia B. Active Euthanasia C. Passive Euthanasia
D. Active-Passive Euthanasia
9. Isang uri ng aborsiyon na tumutukoy sa natural na mga pangyayari at hindi ginagamitan ng
medikal o artipisyal na pamamaraan.
A. Kusa (miscarriage) B. Sapilitan (Induced) C. Pro-choice D.
Pro-life
10. Sa pamamagitan ng pag-opera o pagpapainom ng mga gamot ay nagwawakas ang buhay ng
sanggol sa sinapupunan ng kanyang ina.
A. Kusa (miscarriage) B. Sapilitan (Induced) C. Pro-choice D.
Pro-life
11. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa?
A. “Bakit ba nahuli ka na naman?”
B. “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana kasi umalis ka
ng bahay nang mas maaga.”
C. “Sana sa susunod hindi ka na mahuli sa usapan natin.”
D. “Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa iyo.”
12. Mayroon kayong bagong kaklase mula sa isang malayong lugar, lagi siyang nag-iisa dahil wala pa
siyang kaibigan. Ano ang iyong gagawin?
A. Kakausapin at kakaibiganin ko siya.
B. Lalayuan ko siya at hindi kakausapin.
C. Hindi ko siya papansinin.
D. Sasabihan ko siya na bumalik na sa lugar nila.
13. Dumating ang inyong kamag-anak na nasalanta ng baha. Wala silang matutuluyan dahil naanod
nang baha ang kanilang bahay. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sasabihin ko na masikip na ang aming bahay.
B. Papaalisin sila kapag umalis sina nanay.
C. Tatanggapin sila ng maayos.
D. Hindi sila papansinin.
14. Araw-araw ay nagsisimba si Aling Jomalyn at hindi nakalilimot na magdasal. Siya rin ay
nagbabasa ng Bibliya bago matulog sa gabi. Kahit ganito, malupit si Aling Jomalyn sa kaniyang
kasambahay. Pinarurusahan niya ito kapag sila ay nagkakamali. Nagsasabuhay ba si Aling
Jomalyn ng kaniyang pananampalataya?
A. Oo, dahil ginagawa naman niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos.
B. Oo, dahil ang kaniyang pagsisimba, pagdarasal, at pagbabasa
ng Bibliya ay ikinalulugod ng Diyos.
C. Hindi, dahil siya ay nagpaparusa sa kaniyang kasambahay.
D. Hindi, dahil nababalewala ang kaniyang ugnayan sa Diyos kung
hindi maganda ang ugnayan niya sa kaniyang kapuwa.
15. “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang kapatid ay
sinungaling.” Ang pahayag ay______.
A. Tama, dahil dapat mahalin ang kapwa.
B. Mali, dahil maipakikita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng
pagdarasal at pagsisisimba.
C. Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipakikita sa mabuting
ugnayan sa Kaniya.
D. Tama, dahil maipakikita lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos
kung minamahal din ang kapwa.
16. Ang pagmamahal sa kapwa ang susi ng pagpapalalim ng tao ng kaniyang pagmamahal at
___________________.
A. pagiging matagumpay
B. relasyon sa kanyang kumunidad
C. pananampalataya sa Diyos
D. pagkakaroon ng samahan
17. Ano ang kahulugan ng pahayag? Ang mga biyayang bigay ng Diyos ay isang paraan ng
pasasalamat sa Kanya.
A. Ialay ang mga biyayang mula sa Diyos sa tuwing nagsisimba.
B. Kailangang mag-aral tayo habang buhay para ialay sa Diyos.
C. Kailangang mag-aral tayo habang buhay para ialay sa Diyos.
D. Mahalagang gamitin natin ang mga biyayang kaloob ng Diyos sa
pag- unlad ng sarili at pagtulong sa kapwa.
18. Ano ang diwa nag pahayag na ito ni Leo Buscaglia?“Ang iyong buhay ay biyayang galing sa Diyos.
Kung paano mo isasabuhay ang biyayang iyan ay iyong ihahandog sa Kanya.”
A. Ang paraan ng pagsasabuhay ng tao ang ibabalik sa lumikha ng buhay.
B. Higit na matutuwa ang nagbigay ng buhay kung magpapasalamat
tayo sa Kanya.
C. Mabuti lamang ang buhay na ihahandog natin sa Diyos.
D. Kailangang ibalik natin ang buhay sa lumikha nito.
19. Huwag mo nang hangaring tumulad pa sa iba o hangaring mapasaiyo ang katangian na nasa
ibang tao. Ang ibig sabihin ay:
A. higit na mabuti ang magpakatotoo ka.
B. ang bawat tao ay mayroong mga katangiang natatangi lamang para sa
kanya.
C. ang tao ay magiging maligaya kung susundin niya ang kanyang gusto.
D. marami ang katangian ng tao kaya huwag kang mainggit sa iba.
20. Ito ay ang “prinsipyong ipinapairal sa mga sitwasyong parehong may epekto sa kilos na gagawin
ng ina sa bata”.
A. prinsipyo ng double effect
B. prinsipyo ng double season
C. prinsipyo ng double merit
D. prinsipyo ng double action
21. Ang mga sumusunod ay hindi maituturing na mabuting layunin ng pagpapalaglag maliban sa isa.
A. paglilimita ng paglaki ng pamilya
B. pagkakaroon ng problema sa kalusugan
C. pagpapanatili ng hubog ng katawan
D. pag-iwas sa kahihiyan dulot ng di-inaasahang pagbubuntis
22. Ito ay isa sa mga paraan upang mapigilan ang pagpapakamatay o suicide.
A. isipin ang mga bagay na nagpapalungkot sa iyo
B. ipilit ang sarili sa mga taong ayaw sa iyo
C. pakialaman ang problema ng iba
D. maging positibo sa buhay
23. Ano ang iba pang tawag sa Euthanasia?
A. assisted suicide B. No Mercy C. voluntary suicide D.
involuntary suicide
24. Ito ay isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng isa o higit pang mga panig o posiyon
na magkasalungat at nangangailangan ng mapanuring pag-aaral upang malutas.
A. mga bata sa kasalukuyan
B. personal na problema
C. isyu ng buhay
D. kuro-kuro o opinyon
25. Ito ay mga epekto ng paggamit ng droga maliban sa isa.
A. pagkasira sa kinabuksan
B. paggawa at pagtaas ng krimen
C. nagpapahina sa tao
D. nagdudulot ng tagumpay sa buhay ng tao
26. Alin ang hindi angkop na kilos ng isang nagmamahal sa bayan?
A. Pagiging tapat sa sarili, sa kapuwa, sa gawain, at sa lahat
ng pagkakataon.
B. Pag-awit sa Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
C. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sarili.
D. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa.
27. Ano ang elemento na bumubuo sa kabutihang panlahat, naipakikita kapag ang karapatan ng
isang mamamayan ay hindi natatapakan at naisasabuhay ayon sa tamang gamit nito at
napangangalagaan ang dignidad niya bilang tao?
A. Paggalang B. Dignidad C. Pagmamahal sa Bayan D. Integridad
28. Ano ang pinangangalagaan sa lahat ng oras at pagkakataon?
A. Paggalang B. Dignidad C. Pagmamahal sa Bayan D. Integridad
29. “Ang _____________ ng persona ng tao ay kasama sa kaniyang karapatan na maging bahagi sa
aktibong pakikilahok sa lipunan upang makapag- ambag sa kabutihang panlahat.”
A. Kusa (miscarriage) B. Sapilitan (Induced) C. Pro-choice
D. Pro-life
30. Paano napalalawak ng pagmamahal sa bayan ang pakikipagkapuwa?
A. Nagmumulat ng kamalayan sa mga tao sa mga isyu at problema ng
bayan.
B. Gumagamit ang midya at teknolohiya sa pagpapalawak ng kawilihan at
kaalaman.
C. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na
magkaisa, magtulungan, at magdamayan.
D. Nagtataguyod ng reporma ng pamahalaan para sa mas mabuting
pamumuno.
31. Alin sa mga sumusunod na kilos ang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan?
A. Mangopya at magpakopya para sa mga kaibigan.
B. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at huwag magtapon ng
basura kahit saan.
C. Iwasan ang anumang gawain na nakakapagod para maglibang.
D. Bumili ng produktong peke o smuggled.
32. Ang mga sumusunod ay mga pagpapahalagang dapat linangin ng bawat Pilipino, maliban sa.
A. Paggalang B. Kapayapaan C. Pagmamahal sa Sarili D. Katarungan
33. Ano ang kahulugan ng "Pater" na pinagmulan nga salitang patriyotismo?
A. Katatagan at kasipagan
B. Kabayanihan at katapangan
C. Pinagkopyahan o pinagbasehan
D. Pinagmulan o pinanggalingan
34. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?
A. Pagiging tapat sa sarili, sa kapuwa, sa gawain, at sa lahat ng
pagkakataon.
B. Pag-awit nga pambansang awit ng may paggalang at dignidad.
C. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling
pamilya.
D. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa.
35. Anong isyung moral sa buhay ang tumutukoy sa pagpapalaglag at pag-alis ng isang fetus o
sanggol na hindi maaaring mabuhay sa pamamagitan ng kaniyang sarili sa labas ng bahay-bata
ng ina?
A. Aborsiyon B. Alkoholismo C. Euthanasia
D. Pagpapatiwakal
36. Ito ay ang pagkawala ng isang sanggol bago ang ika-20 linggo ng pagbubuntis. Ito ay tumutukoy s
anatural na nangyayari, at hindi ginamitan ng medical o artipisyal na pamamaraan.
A. Kusa (Miscarriage)
B. Euthansia (Mercy Killing)
C. Sapilitan (Induced)
D. Sikiko (Psychic)
37. Isang gawain kung saan napapadali ang kamatayan ng isang taong may matindi at wala nang
lunas na karamdaman. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga modernong medisina at kagamitan
upang tapusin ang paghihirap ng isang may sakit.
A. Aborsiyon
B. Alkoholismo
C. Euthanasia
D. Pagpapatiwakal
38. Tulad ng paggamit ng pinagbabawal na gamot, ang ________ ay may masamang epekto sa tao.
Ito ay unti-unting nagpapahina sa kaniyang enerhiya, nagpapabagal ng pag-iisip, sumisira sa
kaniyang kapasidad na maging malikhain.
A. Aborsiyon
B. Alkoholismo
C. Euthanasia
D. Pagpapatiwakal
39. Ang mga sumusunod ay pisikal na epekto ng labis na pag-iinom ng alak maliban sa:
A. Nagpapabagal ng isip
B. Nagpapahina ng enerhiya
C. Nagiging sanhi ng iba't ibang sakit
D. Nababawasan ang kakayahan sa pakikipagkapuwa
40. Anong uri nga aborsiyon ang nagtutukoy ng pagwawakas ng pagbubuntis ng isang sanggol sa
pamamagitan ng pag-opera o pagpapainom ng mga gamot?
A. Kusa (Miscarriage)
B. Sapilitan (Induced)
C. Pro-life
D. Pro-choice

You might also like