Ang Panalanging May Tyaga May Kalakip Na Biyaya.

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

text: romans 12: 10- 12

Romans 12:10 .Sa pagibig sa mga kapatid ay mangagmahalan kayo; sa kapurihan ay ipagpauna ng isa't isa
ang iba;
Romans 12:11 .Huwag mga tamad sa pagsusumikap; maningas sa espiritu; mapaglingkod sa Panginoon;
Romans 12:12. Mangagalak sa pagasa; magmatiisin sa kapighatian; magmatiyagain sa pananalangin.

topic : Ang Panalanging may tyaga may kalakip na biyaya.

intro:
- may kasabihan sa ating panahon na kapag may tyaga may nilaga.
- ang lahat ng bagay kapag ginawa na may kalakip na tyaga cgurado sa dulo may biyaya at pagpapala.
- kahit sa isang company kapag nakitaan k ng boss mo na matyaga ka sa work mo, matutuwa ang boss
mo.
- sa school kapag matyaga ka sa pag aaral, matutuwa ang mga teacher natin.

doon sa mga tamad walang natutuwa doon, bagkus inis ang mararamdaman mo doon.

Sa bible maliwanag na huwag tayo dapat mga tamad,bagkus dapat maningas tayo sa espiritu, maging
mapaglinkgod sa Dios.

* sa panalangin,lahat pwede natin hingin sa Dios.


james 1:5- . Nguni't kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, na
nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito'y ibibigay sa kaniya.
- pati karunungan sabi bible pwede hingiin sa Dios.

Jeremiah 33:3 .Tumawag ka sa akin, at ako'y sasagot sa iyo, at ako'y magpapakita sa iyo ng mga dakilang
bagay, at mahihirap na hindi mo nangalalaman.
- Ang Dios nka abang lng sa atin kung tayo tatawag, at ang sabi magpapakita ng mga bagay na imposible.

* Dito makikita natin mga kapatid na sa prayer ang Dios tumutugon.

Body:
* Ano ang mga panalanging dapat natin tyagain.?
1.) Mga leaders
a. sa gobyerno (1tim2:1-2)
1 Timothy 2:1 .Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan,
at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao;
1 Timothy 2:2 .Ang mga hari at ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan; upang tayo'y mangabuhay na
tahimik at payapa sa buong kabanalan at kahusayan.
- magulo cla pati tayo nadadamay, kaya need natin cla tyagain na isama sa prayer,
- walang kapayapaan sa atin kapag ang ating mga leaders sa government ay mga magugulo.

b. sa church (Heb13:17-18)
Hebrews 13:17 .Magsitalima kayo sa namiminuno sa inyo, at kayo'y pasakop sa kanila: sapagka't pawang
nangagpupuyat dahil sa inyong mga kaluluwa, na parang sila ang mangagsusulit; upang ito'y gawin nilang
may kagalakan, at huwag may hapis: sapagka't sa ganito'y di ninyo mapapakinabangan.
Hebrews 13:18 .Idalangin ninyo kami: sapagka't kami'y naniniwalang lubos na kami ay may mabuting
budhi, na nagnanasang mabuhay na marangal sa lahat ng mga bagay.
- kaya tayo unang una natin pinagppray ang mahal na Apostle kasama ng mga church leaders natin,
sapagkat need nila ang prayer natin.
- tao lng den cla nagkakasakit,

2.) mga kapatid col1:9-10


Colossians 1:9 .Dahil dito'y kami naman, mula nang araw na aming marinig ito, ay hindi kami nagsisitigil
ng pananalangin at ng paghingi na patungkol sa inyo, upang kayo'y puspusin ng kaalaman ng kaniyang
kalooban, sa buong karunungan at pagkaunawa ayon sa espiritu,
Colossians 1:10 .Upang kayo'y magsilakad ng nararapat sa Panginoon, sa buong ikalulugod niya, at
magsipamunga sa bawa't gawang mabuti, at magsilago sa kaalaman ng Dios;
- mahalin natin ang ating kapatid sa church huwag tayo pala away.

3.) ang ating sarili (awit 51:9- 10)


Psalms 51:9 .Ikubli mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan, at pawiin mo ang aking lahat na mga
kasamaan.
Psalms 51:10 .Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios; at magbago ka ng isang matuwid na
espiritu sa loob ko.
- ang ating mga sarili, lalo na ang ating mga puso,
- minsan tayo maiksi lng ang pasensya, dapat pala talaga isama natin sa prayer natin tyagain natin ang
ating mga sarili.
- sabi nga nila ang pinakamahirap sa lahat na kalaban ay ang sarili.

Mark 7:21 .Sapagka't mula sa loob, mula sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang pagiisip, ang
mga pakikiapid, ang mga pagnanakaw, ang mga pagpatay sa kapuwa-tao, ang mga pangangalunya,
Mark 7:22.Ang mga kasakiman, ang mga kasamaan, ang pagdaraya, ang kalibugan, ang matang masama,
ang kapusungan, ang kapalaluan, ang kamangmangan:
Mark 7:23 AAng lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob nagsisipanggaling, at nangakakahawa sa
tao.
- ito ang tao, ito tayo, kaya dapat tyagain talaga ntin ang ating mga sarili sa pananalangin.

Matthew 26:41 Watch and pray, that ye enter not into temptation: the spirit indeed is willing, but the
flesh is weak. Kayo'y mangagpuyat at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso: ang
espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwa't mahina ang laman.
- need natin malabanan ito sa pamamagitan ng prayer.

conclusion: tyagain ang prayer. may biyaya at pagpapala.

praise the Lord

You might also like