AP-10 Q2 Module-1 Globalisasyon v4-1-1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

10

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Globalisasyon
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Globalisasyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: EDGARDO DEL MUNDO CRUZ


Editor: Elena G. Estabillo, Juliet D. Biogan, Dr. Rodolfo F. De Jesus
Tagasuri: Michelle P. Bartolome, Nerissa V. De Leon, Cristina A. Norberte, Alona A.
Millares, Peter Paul Eting, Dexter P. Jino-o
Tagaguhit: Micah G. Estabillo
Tagalapat: Brian Spencer B. Reyes, Heidee F. Ferrer
Tagapamahala: Jenilyn Rose B. Corpuz, CESO VI, SDS
Fredie V. Avendaño, ASDS,
Ebenezer A. Beloy, OIC-CID Chief
Heidee F. Ferrer, EPS – LRMS
Ederlina D. Baleṅa, EPS - AP

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon


Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
10
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Globalisasyon

3
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Globalisasyon!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Globalisasyon!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

4
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.
Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
Balikan kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
Pagyamanin ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
Isagawa bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na

5
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
Tayahin pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.
Susi sa Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

6
7
Alamin

Sa nakaraang markahan ay iyong napag-aralan ang mga sanhi at implikasyon


ng mga hamong pangkapaligiran na nakaaapekto sa pamumuhay ng tao.
Nakatulong nang malaki ang mga kaalamang ito upang maging lantad ka sa mga
paraan na maaaring magamit ng tao sa pagtugon niya sa mga suliraning hatid ng
kaniyang kapaligiran. Bilang mag-aaral inaasahan ko na ang anumang iyong
natutuhan ay magagamit mo upang makabuo ka ng mga angkop na plano sa
pagtugon mo sa mga hamong hatid sa iyo ng kapaligiran o pamayamang iyong
kinabibilangan.
Ang susunod na aralin ay tatalakay naman sa mga sanhi at implikasyon ng mga
lokal at pandaigdigang isyung pang-ekonomiya na nakakaapekto sa pambansang
kabuhayan. Inaasahan ko na ang anumang malalaman mo sa araling ito ay
makatutulong nang malaki sa iyong matalinong pagpapasya tungkol sa mga isyung
pang-ekonomiya na maaaring makaapekto sa iyong pamumuhay.

A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard)


Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga lokal at
pandaigdigang isyung pang ekonomiya upang mapaunlad ang kakayahan sa
matalinong pagpapasya tungo sa pambansang kaunlaran.

B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard)


Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung pang-
ekonomiyang nakaaapekto sa kanilang pamumuhay.

Pagkatapos mong basahin ang modyul na ito, inaasahan na iyong:


1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng Globalisasyon;
2. Natatalakay ang dahilan at dimensyon ng globalisasyon;
3. Nasusuri ang mga epekto ng globalisasyon sa pamumuhay ng tao;
at
4. Nasasagot nang buong husay ang tanong na “Paano nakaapekto
ang mga isyung pang-ekonomiya na tulad ng globalisasyon sa
pamumuhay ng mga Pilipino?"

8
Subukin

Paunang Pagsusulit:
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat
ang iyong sagot sa papel.
1. Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao,
bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na nararanasan sa iba’t
ibang panig ng daigdig. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan
sa globalisasyon?
A. Marami sa mga magsasaka ay gumagamit pa rin ng kalabaw sa
pagsasaka
B. Masayang namamasyal ang isang pamilya sa Rizal Park
C. Madali nang nakakausap ng magkapatid ang kanilang magulang sa Dubai
sa pamamagitan ng Skype
D. Maayos na naisagawa ang mga programa at pagtatanghal sa mga
paaralan
2. Ang Pilipinas ay isa sa mga nangungunang outsourcing destinations sa buong
daigdig. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tuwirang positibong epekto
ng Business Process Outsourcing (BPO) sa kalagayang pang-ekonomiya ng
bansa?
A. Lumikha ito ng 1.2 milyong trabaho at nagpasok ng $22 bilyong dolyar
noong 2015.
B. Pagkakaroon ng malaking kita ng mga Call Center Agents.
C. Paglaki ng savings at investment ng mga institusyong pinansyal.
D. Nabigyang-trabaho ang mga fresh graduates na walang mapasukang
trabaho.
3. Isa sa negatibong epekto ng globalisasyon ay ang pagtaas ng antas ng
kahirapan sa ating bansa dahil sa mataas na antas ng kawalan ng trabaho at
mataas antas ng kompetisyon sa trabaho sa pamilihan. Anong suliranin ang
maaaring ibunga nito sa lipunan?
A. Mas lalong lalaki ang agwat ng mahirap at mayaman.
B. Maraming lokal na negosyo ang magsasara dulot ng malakas na
kompetisyon ng mga dayuhang negosyo.
C. Tataas ang bilang ng kriminalidad bunga ng kawalan ng pagkakakitaan ng
malaking bilang ng tao.
D. Bababa ang halaga ng sahod ng mga manggagawa dahil sa pagkalugi ng
mga negosyo.
4. Ito ay tumutukoy sa pag-aalis o pagbawas ng mga paghihigpit sa libreng
pagpapalitan ng mga kalakal sa pagitan ng mga bansa na nagbunga ng
pagbubukas ng lokal na ekonomiya sa dayuhang pamumuhunan.
A. Liberalisasyon
B. Deregulasyon
C. Pagsasapribado

9
D. Outsourcing
5. Ang pagkakaimbento ng internet ay nakatulong nang malaki sa larangan ng
komunikasyon at pagpapalaganap ng mga impormasyon. Ngunit nagbunga ito ng
negatibong epekto sa Pambansang Seguridad nang gamitin ito ng mga terorista
sa pagpapalaganap ng takot at karahasan sa bansa. Anong batas ang ginawa ng
Kongreso ng Pilipinas upang malutas ang suliraning ito?
A. Cyber Crime Prevention Act of 2012
B. E-Commerce Act of 2015
C. Anti-Cyber Prevention Act of 2013
D. Anti-Bullying Act of 2016

Balikan

Ang mga hakbang sa pangangalaga ng kapaligiran


ay nagsisimula sa pag - unawa sa mga sanhi at
bunga ng suliraning nararanasan natin sa
kasalukuyan. Punan ng kaukulang datos ang mga
kahon sa ibaba na may kinalaman sa mga hamong
pangkapaligiran at ang tamang pagtugon upang ang
mga suliraning pangkapaligirang ito ay mabigyan ng
kaukulang solusyon.

Gawain 1: Natandaan Ko!


Panuto: Punan ng tamang sagot ang mga kahon. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

Mga dahilan ng mga Suliraning Mga mungkahing solusyon sa


Pangkapaligiran. mga Suliraning Pangkapaligiran.
1.________________________ 1.________________________
_________________________ __________________________
_________________________ __________________________
_________________________ __________________________
_________________________ __________________________
2.________________________
2.________________________ __________________________
_________________________ __________________________
_____________________ __________________________
_________________________ _____
___________ 3.________________________
__________________________
__________________________

10
Tuklasin

Gawain 2: Mahalaga ang Opinyon Ko!


Panuto: Magbigay ng mga salita na may kaugnayan sa salitang
Globalisasyon. Dapat na magsimula ang mga salita sa mga letra na
bumubuo sa salitang Globalisasyon. Gamitin ang mga naisulat na
salita upang makabuo ng pangungusap upang makapagbigay ng
pansariling kahulugan ng Globalisasyon. Gawin ito sa hiwalay na
sagutang papel.

G
L
O
B
A
L
I
S
A
S
Y
11
O
N
Ang Globalisasyon ay tumutukoy sa
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Suriin

KAHULUGAN NG GLOBALISASYON

Ang Globalisasyon ay tumutukoy sa malaya at malawakang pakikipag-ugnayan


ng mga bansa sa mga gawaing pampulitika, pangkabuhayan, panlipunan,
panteknolohiya, at pangkultural. Ayon kay Ritzer (2011) - ito ay proseso ng
mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa
iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. Batay naman
sa sinabi ni Macromer Luis (2018), ang globalisasyon ay ang kaparaanan kung
paano nagiging global ang mga lokal na produkto o serbisyo. Nakatulong ang
globalisasyon sa malayang pag-ikot ng mga produkto at serbisyo sa bawat bansa sa
daigdig.

Sinasalamin ng globalisasyon ang makabagong mekanismo upang higit na


mapabilis ng tao ang ugnayan sa bawat isa. Itinuturing din ito bilang proseso ng
interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o maging ng
mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan
sa tulong ng makabagong teknolohiya at larangan ng impormasyon. Paano nga ba
nagsimula ang globalisasyon?

KASAYSAYAN NG GLOBALISASYON SA DAIGDIG


Nakatulong nang malaki sa pagsisimula ng globalisasyon ang tinatawag na Silk
Road. Malaki ang ginampanang papel ng mga rutang ito sa kalakalan sa pagitan ng
Tsina at mga bansa sa Gitnang Silangang Asya at Europa sa pagitan ng Ika-12 Siglo
hanggang Ika-18 Siglo. Hindi matatawaran ang kontribusyon nito sa pagpapalawak
sa palitan ng mga kaalaman at ideya ng mga tao kasama ang mga produktong
nagmula sa Tsina tulad ng telang seda, mga porselana at mga sangkap pampalasa
o spices na mula sa Silangan patungo sa Europa.
Isa pang pangyayari sa kasaysayan ng daigdig na nagpalakas sa paglawak ng
globalisasyon ay ang ginawang pananakop ni Alexander the Great sa Timog-
Silangang Asya, Hilagang Aprika at Katimugan ng Europa dala ang kultura ng

12
makalumang Gresya. Nagbunga ito ng pagsasama ng Kulturang Kanluranin at
Silanganin na higit na kilala sa tawag na Kulturang Hellenistiko.
Pinalakas din ng Panahon ng Pagtuklas at Pananakop ang globalisasyon.
Itinulak ng panghahangad ng mga Europeo na makatuklas ng mga panibagong
rutang pangkalakalan patungo sa Silangan ang pagsisimula ng kapanahunan na ito
mula unang bahagi ng ika-15 siglo hanggang mga unang bahagi ng ika-17 siglo.
Ang mga bansang Europeo tulad ng Spain, Portugal, Netherlands at England
ay naging masigasig sa panggagalugad ng mga bagong lupain na mapagkukunan
ng mga likas na yaman at produktong madadala nila sa pamilihan ng Europa. Sa
pamamagitan ng pananakop, nagkaroon sila ng mga bagong kolonya na magagawa
nilang mga pamilihan at mapagdadalhan ng kanilang mga sobrang produkto.
Ang pagsilang ng Rebolusyong Industriyal sa England noong Ika-19 na siglo ay
isa rin sa mga pangyayaring nagpayabong sa globalisasyon. Maraming makabagong
imbensyon at makinarya ang lalo pang nagpaunlad sa industriyalisasyon sa Europa.
Sumilang ang sistema ng pagpapabrika na nagbunga ng malawakang
pangangailangan sa mga hilaw na materyales.
Ang pag-unlad ng teknolohiya noong Ika-20 siglo ang lalo pang nagpabilis ng
paglaganap ng globalisasyon sa daigdig. Naging mabilis ang komunikasyon nang
maimbento ang telepono at paglawak ng sistema ng koreo. Bumilis din ang
paglalakbay dahil sa pag-unlad sa larangan ng transportasyong panghihimpapawid.
Sa pagsisimula ng ika-21 siglo lalong lumawak ang malayang kalakalan sa daigdig
kasabay ang pagsilang ng Information Age na nagpabilis sa paglilipat ng mga
kaalaman sa mga kontinente dulot ng paggamit ng mga satellite at fiber optic na
nagkokonekta sa mga bansa sa World Wide Web.

DAHILAN NG PAGSILANG NG GLOBALISASYON


Ang pagsilang ng globalisasyon ay bunga na rin ng paghahangad ng tao na
matustusan ang lahat ng kanyang pangangailangan upang mabuhay. Dahil dito
kinikilala ng mga bansa sa daigdig na hindi sila mabubuhay nang walang pakikipag-
ugnayan sa bawat isa. Ito ang dahilan upang ang mga bansa ay humanap ng mga
paraan upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga mamamayan.

MGA DIMENSYON NG GLOBALISASYON


Makikita ang impluwensya ng globalisasyon sa iba’t ibang dimensyon ng
pangkabuhayan, pulitika, teknolohikal at sosyo-kultural at ekolohikal ng mga tao.

DIMENSYONG PANGKABUHAYAN (EKONOMIYA)


Ang mabilis na pagbabagong naganap sa buong daigdig sa pagsisimula ng Ika-
20 siglo ay nagpasigla sa pandaigdigang ekonomiya. Maraming bansa ang umunlad
bunga ng mga makabagong teknolohiya sa larangan ng transportasyon,
komunikasyon at Information Technology. Ang pagkakaroon ng mga bago at
mabibilis na paraan ng transportasyon sa himpapawid at kalupaan kasabay ng
pagbaba ng presyo ng krudo ay lalong nagpasigla sa kalakalang panlabas ng mga
bansa. Ang mga ugnayang panlabas na ito sa kalakalan ay nagbunga ng mga Free
Trade Agreements ng mga bansa na nagpaluwag sa kalakalang pandaigdig.

Ang pagkakaroon ng mga Free Trade Agreement sa pagitan ng mga bansa


ang nagpalakas sa liberalisasyon sa kalakalan. Ito ay tumutukoy sa pag-aalis o
pagbawas ng mga paghihigpit sa libreng pagpapalitan ng mga kalakal sa pagitan ng
mga bansa. Nagbunga ito ng pagbubukas ng lokal na ekonomiya sa dayuhang

13
pamumuhunan. Dahil dito lumuwag at tuluyang nalansag ang mga restriksyong
humahadlang sa malayang pagpasok ng kalakal sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Bukod sa liberalisasyon sa kalakalan, pinasigla rin ng globalisasyon ang


deregulasyon at pagsasapribado. Ang deregulasyon ay tumutukoy sa pagbibigay ng
pamahalaan ng isang bansa sa mga pribadong negosyo ng mas malayang
pagpapasya at pagpapatakbo ng operasyon ng kanilang negosyo. Ayon sa mga
nagtataguyod ng deregulasyon, nakasasama sa kabuuang operasyon ng pribadong
negosyo ang mahigpit na regulasyon na ipinatutupad ng pamahalaan. Maaari itong
maging balakid sa pagiging produktibo at pagiging malikhain ng mga pribadong
negosyo.

Ang pagsasapribado ay tumutukoy naman sa paglilipat ng kontrol ng mga


korporasyong itinayo at pinapatakbo ng pamahalaan sa kamay ng mga pribadong
negosyante. Ang pagsasapribado ng mga negosyo ng pamahalaan ay nakababawas
sa gastusin nito at makaiiwas sa pagkakaroon ng deficit o kakulangan ng pundo ng
pamahalaan.

Bunga din ng globalisasyon sa ekonomiya ang pagsulpot ng mga korporasyong


transnasyunal at multinasyunal. Ang Korporasyong Transnasyunal
(Transnational Corporation) ay malalaking korporasyon na pagmamay-ari ng mga
dayuhan at may malawak na operasyon sa labas ng kanilang mga teritoryo o
bansang pinagmulan. Kumikita nang malaki ang pangunahing nagtutulak sa mga
korporasyong transnasyunal na maging agresibo sa pagpapalawak ng kanilang
operasyon sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ang mga produkto o ang mga serbisyong
ipinagbibili ng ganitong uri ng korporasyon ay nakabatay sa pangangailangang lokal
ng pamilihan ng mga bansang pinagtayuan nito. Marami sa kanila ay kompanyang
petrolyo tulad ng Caltex, Petron, at Shell, mga I.T. consulting companies,
pharmaceuticals, at marami pang iba.

Ang mga Multinasyunal na Korporasyon (Multinational Corporations)


naman ay ang pangkalahatang katawagan sa mga namumuhunang korporasyon sa
ibang bansa ngunit ang mga produkto o ang mga serbisyong ipinagbibili ay hindi
nakabatay sa pangangailangang lokal ng pamilihan ng mga bansang pinagtayuan
nito. Ang mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod: McDonalds, Kentucky,
Starbucks , Coca Cola, Pepsi, Unilever, Proctor & Gamble, Google, UBER, Seven-
Eleven, Ford, Toyota at Mitsubishi Motors, Panasonic at Samsung Corporation at
marami pang iba.

Isa rin sa impluwensya ng globalisasyon ay ang pagdami ng mga kompanyang


outsourcing. Hindi na bago ang konseptong ito sa ekonomiya dahil marami na ang
gumagamit nito lalo na sa malalaking pribadong kompanya. Tumutukoy ang
outsourcing sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya
na may kaukulang bayad.

Maaaring uriin ang outsourcing batay sa uri ng ibinibigay na serbisyo nito tulad
ng Business Process Outsourcing o BPO na tumutugon sa prosesong pangnegosyo
ng isang kompanya. Ang paniningil sa utang ng mga credit card holder ng mga
bangko ay karaniwang ipinapasok sa mga BPOs. Ang Knowledge Process

14
Outsourcing o KPO ay nakatuon naman sa mga gawaing nangangailangan ng
mataas na antas ng kaalamang teknikal tulad ng pananaliksik, serbisyong legal at
pagsusuri ng impormasyon.

DIMENSYONG PULITIKAL
Maituturing na globalisasyong pulitikal ang pagkakaroon ng malapit na ugnayan
sa pagitan ng mga bansa gaya ng pagtatayo ng mga samahang rehiyunal at ang
pagkakaroon ng mga pandaigdigang samahan ng mga bansa sa daigdig.
Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga kasunduang bilateral at
multilateral sa pagitan ng mga bansa.

DIMENSYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-KULTURAL


Hindi maihihiwalay ang epekto ng globalisasyong teknolohikal sa Sosyo-
Kultural na aspekto ng pamumuhay ng tao. Ang pagkakaimbento ng cellular phone o
mobile phone at internet, kasabay ng paggamit ng social media ang lubusang
nagpabago sa dimensyong sosyo-kultural ng mga tao sa daigdig. Mabilis na binago
at binabago ang buhay ng mga taong gumagamit ng mobile phone, mas malaking
pagbabago ang dala ng pagkakaimbento ng computer at internet sa buhay ng mga
tao.

Bagamat maraming positibong naidudulot ang mga pagbabagong ito sa ating


lipunan at pamumuhay ay hindi maitatatwa na may mga kaakibat din itong mga
suliranin tulad ng pagkalat ng iba’t ibang uri ng computer viruses at spam na
sumisira ng electronic files na kalimitan ay nagiging sanhi ng pagkalugi ng ilang mga
negosyo sa daigdig. Bukod dito, naging talamak din ang intellectual dishonesty dahil
sa madaling pagkopya ng mga impormasyon mula sa internet. Ginagamit na ngayon
ng mga terorista at iba pang masasamang loob ang internet bilang kasangkapan sa
pagpapalaganap ng takot at karahasan sa mga bansa. Bilang pagtugon sa mga
suliraning ito sa bansa ay isinabatas ng Kongreso ng Pilipinas ang Cyber Crime
PreventionAact of 2012 or RA 10175 bilang tugon sa mga pagbabagong ito sa ating
lipunan.

DIMENSYONG EKOLOHIKAL
Ang mabilis na pag-unlad sa larangan ng ekonomiya sa lahat halos ng panig ng
daigdig ay nagbunga ng pagkasira ng mga likas na yaman lalo na sa mahihirap at
papaunlad pa lamang na mga bansa. Lubos na naabuso ang mga pinagkukunan ng
enerhiya at mga hilaw na sangkap dahil ito ang nagpapatakbo sa ekonomiya.
Nagbunga ito ng pagkasira ng mga biodiversity at ecosystem sa maraming mga
bansa na siyang naging taga-suplay ng mga hilaw na materyales upang gawing
yaring produkto.

Naging palasak na ang Climate Change na siya raw ang dahilan kung bakit
nagbago ang takbo ng panahon at klima sa lahat halos ng panig ng daigdig.

Noong Hunyo, 1992, naganap ang isang pandaigdigang pagpupulong sa Rio


De Janeiro, Brazil tinawag itong “Conference on Earth” o “Earth Summit”. Sa
pagpupulong na ito ay nag-usap ang mga pinuno ng iba’t ibang bansa upang pag-
usapan ng mga isyung pangkapaligiran at pangkaunlaran na epekto ng

15
globalisasyon. Mahigit 100 pinuno ng mga bansa at 170 na delegado ng mga bansa
ang dumalo sa nasabing pagpupulong.

Dahil sa Earth Summit natalakay ang hinggil sa global warming at mga isyu sa
biodiversity. Nabalangkas at napagtibay ng mga dumalo sa pagpupulong ang “A
Declaration of Environment and Development”. Nabalangkas at napagtibay din sa
nasabing pagpupulong ang “Agenda for the 21st Century” o “Agenda 21” na
parehong naglalayon na maturuan ang mga tao sa lahat ng panig ng daigdig sa
kalagayan ng kapaligiran at kung paano maipagpapatuloy ang pagpapaunlad ng
ekonomiya na hindi magbubunga ng pagkasira ng kapaligiran.

MGA EPEKTO NG GLOBALISASYON


Sa kasalukuyang panahon, nanatili pa rin na isang kontrobersyal na isyu ang
globalisasyon. Hati ang pananaw ng mga tao tungkol dito. Ang mga sumusunod ay
mga positibo at negatibong epekto ng globalisasyon:

POSITIBONG EPEKTO
1.) Umunlad ang kalakalang pandaigdig na nauwi sa paglago ng pandaigdigang
transaksyon sa pananalapi bunga ng pagkaroon ng Pandaigdigang
Pamilihan.
2.) Lumaki ang produksyon ng mga kalakal at serbisyo kasabay ang pagtaas ng
bilang ng mga trabaho na bunga ng paglawak ng pamumuhunan ng mga
dayuhang mangangalakal. Dumami ang mga Transnasyunal at Multinasyunal
na mga korporasyon.
3.) Nalansag ang epekto ng “Cold war” na nagbunga ng malapit na ugnayan ng
mga bansa. Nagbunga ito ng pagtatayo ng mga pandaigdigan at panrehiyong
samahan ng mga bansa tulad ng UNITED NATIONS, ASEAN, APEC at
marami pang iba.
4.) Umunlad ang larangan ng agham na nakatulong sa pagtuklas ng mga gamot
sa iba’t ibang sakit at mga epidemya. Sa kasalukuyan ay patuloy ang pag-
aaral upang makatuklas ng gamot at vaccine para sa Covid 19.

NEGATIBONG EPEKTO

1.) Nalugi ang mga lokal na industriya dulot ng malakas na kompetisyon mula sa
mga dambuhalang korporasyon. Lalo pang humina ang mga lokal na negosyo
dahil sa pag-aalis ng mga patakarang nagbibigay proteksyon sa mga ito.
Nagbunga ito ng malawakang kawalan ng trabaho at pagtaas ng antas ng
kahirapan.
2.) Bumaba ang halaga ng sahod ng mga manggagawa dahil sa paglakas ng
kompetisyon sa paggawa. Maraming mga pabrika ang gumagamit na ng mga
makinarya sa paggawa ng produkto na lalong nagpababa sa
pangangailangan sa mga manggagawa.

16
3.) Pagkasira ng kalikasan dahil sa hindi tamang paggamit sa mga pinagkukunan
ng mga sangkap sa paggawa ng produkto. Naging talamak na suliranin ang
polusyon sa hangin at tubig dulot ng industriyalisasyon.
4.) Dahil sa pag-unlad sa larangan ng transportasyon naging mabilis ang
paglalakbay ng mga tao sa halos lahat ng sulok ng daigdig. Nagbunga ito ng
pagkakaroon ng mga pandaigdigang pandemya. Noong 2003 kumalat sa
buong daigdig ang SARS (Severe Acute Respiratory Syndrome) na nagmula
sa Hongkong at Tsina. Noong 2014 kumalat ang Ebola mula sa Aprika.
Noong 2015 ang MERS-CoV or Middle East Respiratory Syndrome na
nagmula sa mga bansang Arabyano particular na ang Saudi Arabia kung
saan naitala ang unang kaso nito noong 2012 at ngayong 2019 ang New
Corona Virus o mas higit na kilala sa tawag na COVID-19 na mula sa Tsina.

Pagyamanin

Gawain 3: Paghambingin
Panuto: Paghambingin ang mga sumusunod na konsepto. Gawin ito sa bukod
na sagutang papel.
A. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Multinational Corporation (MNCs)
sa Transnational Corporations (TNCs)?

Transnational Corporations
Multinational Corporations
_______________________________________
______________________________________
_______________________________________
______________________________________
_______________________________________
______________________________________
_______________________________________
______________________________________
_______________________________________
______________________________________
_______________________________________
______________________________________
_______________________________________
______________________________________
_______________________________________
______________________________________
_______________________________________
______________________________________

Pamprosesong Tanong:
1. May mabuti bang naidudulot ang mga Multinational at Transnational
Corporations sa ekonomiya ng isang bansa? Patunayan ang sagot.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

17
______________________________________________________________
2. Bilang mag – aaral, paano ka makatutugon sa lumalalang suliranin ng ating
bansa sa mga maliliit na negosyante o Small and Medium Enterprises
(SMEs)?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Isaisip

Gawain 4: Hanapin ang mga Epekto.


Panuto: Magbigay ng mga halimbawa ng mga naging epekto ng globalisasyon
na nakapagpabago sa pamumuhay ng tao sa iba’t ibang aspekto ng
pamumuhay. Ilagay ang iyong sagot sa bukod na sagutang papel.

SOSYO-
KULTURAL

PULITIKAL

EKONOMIYA

EKOLOHIKAL

18
Isagawa

Gawain 5: Timbangin
Panuto: Magbigay ng positibo at negatibong epekto ng globalisasyon. Gawin ito
sa hiwalay na sagutang papel.

POSITIBONG EPEKTO

NEGATIBONG EPEKTO

Pamprosesong Tanong:

19
1. Bakit mahalaga ang globalisasyon sa pag -unlad ng ekonomiya ng isang
bansa?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
2. Paano nakatutulong ang mga makabagong teknolohiya sa pagkakamit ng
pambansang kaunlaran?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Tayahin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa papel.
1. Ang konsepto ng globalisasyon ay isa sa mga isyung may malaking epekto sa
pamumuhay ng mga tao sa buong daigdig. Alin sa mga sumusunod ang
pinakaangkop na pakahulugan sa salitang globalisasyon?
A. Proseso ng pagdaloy at paggalaw ng tao, bagay, impormasyon at
produkto sa iba’t ibang panig ng daigdig.
B. Mabilis na pagbabago sa larangan ng pulitika at kabuhayan sa mga
mahihirap na bansa sa lahat ng panig ng daigdig.
C. Malawakang pagbabago sa sistemang pangkabuhayan sa mga mauunlad
na bansa.
D. Pangkalahatang pagbabago sa larangan ng ekonomiya na bunga ng pag-
unlad sa teknolohiya.
2. Ang paglaganap ng makabagong teknolohiya sa larangan ng komunikasyon ay
isang positibong epekto ng globalisasyon sa daigdig. Paano nakatutulong sa pamilya
ng maraming Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa ang pangyayaring ito?
A. Napabilis ang paglalakbay ng mga Pilipino mula sa Pilipinas patungo sa
bansang kanilang pinagtatrabahuhan.
B. Napaglapit nito ang ugnayan ng mga miyembro ng pamilyang Pilipino
bunga ng modernong paraan ng komunikasyon.
C. Napabilis nito ang palitan ng mga produkto sa lahat ng panig ng daigdig.
D. Napadami nito ang mga produktong imported sa lokal na pamilihan.
3. Ito ay tumutukoy sa pag-aalis o pagbabawas ng mga paghihigpit sa libreng
pagpapalitan ng mga kalakal sa pagitan ng mga bansa na nagbunga ng pagbubukas
ng lokal na ekonomiya sa dayuhang pamumuhunan.
A. Liberalisasyon
B. Deregulasyon
C. Pagsasapribado
D. Outsourcing
4. Isa sa negatibong epekto ng globalisasyon ay ang pagtaas ng antas ng kahirapan
sa ating bansa dahil sa mataas na antas ng kawalan ng trabaho at antas ng

20
kompetisyon sa trabaho sa pamilihan. Anong suliranin ang maaaring ibunga nito sa
lipunan?
A. Mas lalong lalaki ang agwat ng mahirap at mayaman.
B. Maraming lokal na negosyo ang magsasara dulot ng malakas na
kompetisyon ng mga dayuhang negosyo.
C. Tataas ang bilang ng kriminalidad bunga ng kawalan ng pagkakakitaan ng
malaking bilang ng mga tao.
D. Bababa ang halaga ng sahod ng mga manggagawa dahil sa pagkalugi ng
mga negosyo.
5. Ang pagkakaimbento ng internet ay nakatulong ng malaki sa larangan ng
komunikasyon at pagpapalaganap ng mga impormasyon. Ngunit nagbunga ito ng
negatibong epekto sa Pambansang Seguridad nang gamitin ito ng mga terorista sa
pagpapalaganap ng takot at karahasan sa bansa. Anong batas ang ginawa ng
Kongreso ng Pilipinas upang malutas ang suliraning ito?
A. Cyber Crime Prevention Act of 2012
B. E-Commerce Act of 2015
C. Anti-Cyber Prevention Act of 2013
D. Anti-Bullying Act of 2016

Karagdagang Gawain

Gawain 6: Opinyon ko…Pakinggan nyo?


1.) Sagutin ang tanong na ito at isulat sa papel ang iyong sagot.
“Paano nakaaapekto ang mga isyung pang-ekonomiya tulad ng
globalisasyon sa pamumuhay mo?"

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
21
__________________________________________________________
__________________________________________________________
___________________________________________
Susi sa Pagwawasto

Subukin Gawain 1 – Gawain 4- Hanapin


C Natandaan ko. ang mga Epekto
A Magmumula sa mga Magmumula sa mga
C mag-aaral ang sagot. mag-aaral ang sagot.
A
A Gawain 2 – Mahalaga Gawain 5- Timbangin
Tayahin ang Opinyon ko.
Magmumula sa mga
A Magmumula sa mga mag-aaral ang sagot.
B mag-aaral ang sagot.
A Gawain 6 – Opinyon
Gawain 3 - ko…Pakingan nyo!
C Paghambingin
A
Magmumula sa mga
Magmumula sa mga mag-aaral ang sagot
mag-aaral ang sagot.

Sanggunian
Antonio, Eleanor, et al. KAYAMANAN, Mga Kontemporaryong Isyu. Binagong
Edisyon, 2017. REX Book Store, Inc.
Sebastian, Adelina A. Baleña, Ederlina D. and Lucero, Dolores M., Araling
Panlipunan 10: Mga Kontemporaryong Isyu, Educational Resources
Corporation, 2018.

22
23

You might also like