AP10 Q3 Modyul1 v4-1-5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Araling Panlipunan

KONTEMPORANEONG ISYU

Ikatlong Markahan-Modyul 1
Mga Isyung Pangkasarian

1
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Mga Isyung Pangkasarian
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad sa
anumang paglabag.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng
materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon


Lokal na Pamahalaan ng Lunsod Quezon
Schools Divisiom Superintendent Dr. Jenilyn Rose B. Corpuz
Honorable Mayor Josefina Belmonte Alimurong

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Mary Grace O. Vincoy
Editor:
Tagasuri: Lory F. Perjes at Juanito G. Fonacier, Jr.
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Name of Regional Director
Name of CLMD Chief
Name of Regional EPS In Charge of LRMS
Name of Regional ADM Coordinator
Name of CID Chief
Name of Division EPS In Charge of LRMS
Name of Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Kagawaran ng edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon

Office Address: _________________________________________________________


Telefax: _______________________________________________________________

2
E-mail Address: _________________________________________________________

3
Araling Panlipunan
KONTEMPORANEONG ISYU

Ikatlong Markahan-Modyul 1

MGA ISYUNG PANGKASARIAN

4
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa araling Isyung Pangkasarian.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtataagumpayan ang pansarili, panlipunan at
pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pang-21 na siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.

5
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


ukol sa Isyung Pangkasarian.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating
mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-
aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan
ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka
sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


Alamin matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


Tuklasin iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


Suriin sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


Pagyamanin pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso

6
Isaisip kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


Isagawa upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


Tayahin antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


Karagdagang Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


Susi sa Pagwawasto gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o
Sanggunian
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

7
MODYUL 1 : MGA ISYUNG PANGKASARIAN

Sa araling ito, bibigyang-pansin ang mga pangunahing konsepto na higit na


magmumulat sa mga mag-aaral ng kanilang sariling pagkakakilanlan nang sa gayon ay
higit na magiging malinaw sa bawat isa ang kanilang magiging gampanin sa lipunang
kanilang kinabibilangan. Layunin ng mga gawain at kasanayan sa modyul na ito na
higit na palalimin ang mga paunang kaalaman tungkol sa mga paksang nakapaloob dito.
Hinihikayat din ang mga kabataang ito na pairalin ang respeto sa kapwa anoman ang
oryentasyong-sekswal nito at kasariang pagkakakilanlan.

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Ang mga mag-aaral ay makagagawa ng mga malikhaing hakbang na
magsusulong sa pagtanggap at paggalang sa iba-ibang kasarian upang maitaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga epekto ng mga isyu at hamon
na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging aktibong tagapagtaguyod ng
pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan.

KASANAYAN SA PAGKATUTO
Natatalakay ang mga uri ng kasarian at sex at gender roles sa iba-ibang bahagi
ng daigdig.

MGA TIYAK NA LAYUNIN:


1. Natutukoy ang kaibahan ng pagpapakahulugan sa mga salitang kasarian at sex.
2. Nailalahad ang mga katangian ng “sex” at “gender”.
3. Naipaliliwanag ang kaibahan ng oryentasyong-sekswal at pagkakakilanlang
pangkasarian.
4. Nasusuri ang iba-ibang uri ng oryentasyong-sekswal at ang iba pang mga katawagan
sa iba-ibang pangkakakilanlang pangkasarian.

8
5. Naiuugnay ang mga kalagayan noon ng mga kalalakihan at kababaihan sa gampanin
nila sa kasalukuyan,

GAWAIN 1 : PAUNANG PAGTATAYA


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat
ito sa iyong kuwaderno.
1. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong
emosyonal, sekswal, apeksyonal at ng malalim na pakikipagrelasyon sa tao na ang
kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya o iba ang kasarian sa kanya.
a. Heterosexual c. Oryentasyong Sexual
b. Homosexual d. Pansexual
2. Ito ang tawag sa mga taong walang nararamdamang anumang atraksiyong-sekswal sa
kahit anumang kasarian.
a. asexual b. bisexual c. cross-dresser d. transgender
3. Ito ay tumutukoy sa mga katangiang pisyolohikal at biyolohikal na nagtatakda ng
pagkakaiba ng babae sa lalaki.
a. sex b. gender c. asexual d. transgender
4. Ito ay tumutukoy sa mga gampanin, katangian at asal kaugnay ng pagiging isang babae o
lalaki ng isang indibidwal sa lipunan na kanilang kinabibilangan.
a. sex b. queer c. gender d. orientation
5. Ito ay isang uri ng oryentasyong-sekswal kung saan ang tao ay nakakaramdam ng
pagnanasang sekswal sa kasapi ng kabilang kasarian?
a. bisexual b. heterosexual c. homosexual d. lesbian
6. Alin sa mga sumusunod na simbolo ang ginagamit para sa mga kababaihan.
a. b. c. d.

7. Ito ang tawag sa taong ang pagkakakilanlang-pangkasarian ay tumutugma sa kanyang


biyolohikal na katangian (sex) pagkapanganak.
a. ally b. cisgender c. intersex d. queer
8. Ayon sa Boxer Codex, alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag na higit na malawak
ang saklaw na karapatan ng mga kalalakihan noon kaysa sa mga kababaihan?
a. Ang mga kalalakihan ay nagsisilbing hari ng tahanan.
b. Ang mga kababaihan ay walang kalayaang makilahok sa politika katulad ng mga
kalalakihan.
c. Ang mga kababaihan na nais makipaghiwalay ay kinakailangang magbigay ng handog
o alay sa kanilang mga asawa.
d. Ang mga kalalakihan ay pinapayagang mag-asawa ng marami subalit maaaring
patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae kung may makita itong kasamang ibang
lalaki.

9
9. Bago pa man dumating ang mga Kastila, ang mga lalaking babaylan ay nagbibihis-babae,
nagbabalatkayo bilang babae at ang iba naman sa kanila ay nagpapakasal din sa kapwa
lalaki. Bakit nagbago ang gampanin ng mga babaylang ito?
a. Dahil ang mga babaylan ay naging mga pari ng mga simbahan.
b. Dahil sa malawakang pagpapalaganap ng Kristyanismo sa bansa.
c. Dahil halos karamihan sa kanila ay namatay sa panahon ng pag-aalsa.
d. Dahil mas pinili nilang talikuran ang pagiging babaylan at mamuhay nang normal.
10. Hindi naging madali ang pamumuhay ng mga kalalakihan at kababaihan noon subalit
mapapansin ang ilang pagkiling sa mga kalalakihan pagdating sa mga kalayaan at
karapatan gaya sa edukasyon at politika. Ano ang ipinapahiwatig ng ganitong sitwasyon?
a. Mas iniingatan ang mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan.
b. Walang nakikitang kahinaan ang mga kalalakihan sa mga kababaihan
c. Ang mga kababaihan at kalalakihan ay pantay ang karapatan sa loob ng tahanan.
d. Mas marami ang tinatamasang karapatan ng mga kalalakihan kaysa sa mga
kababaihan sa lipunan noon
11. Bilang mag-aaral, paano mo higit na maipapakita ang pantay na pagtrato sa mga
miyembro ng LGBTQ+ ?
a. Sa pamamagitan ng panonood ng mga pelikulang may tema tungkol sa buhay ng mga
LGBTQ+.
b. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga “gay language” sa pakikipag-usap sa mga
kaibigang miyembro ng LGBTQ+.
c. Sa pamamagitan ng pagpili mo sa isang kamag-aral na miyembro ng LGBTQ+ bilang
pangulo ng klase dahil sa kanyang potensyal na mamuno.
d. Sa pamamagitan ng madalas na pakikilahok sa mga gawain gaya ng Pride March at
pagbili ng mga bagay na may mga simbolo gaya ng damit.
12. Ano ang tawag sa proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan ng walang anumang
benepisyong medikal?
a. Sexism c. Sex Reassignment Surgery
b. Female Infanticide d. Female Genital Mutilation
13. Ito ang tawag sa mga taong nakakaramdam ng atraksiyon sa dalawang kasarian.
a. heterosexual b. transgender c. bisexual d. gay
14. Ang paraan kung paano ipinapahayag ng isang indibidwal ang kanyang sarili upang
maipakita ang pagkakakilanlang pangkasarian sa ibang tao ay tinatawag na:
a. gender expression b. gender identity c. gender transition d. sexual
orientation
15. Ito ay tumutukoy sa masidhing damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng
isang tao na maaaring magkatulad o iba sa sex niya nang siya ay ipinanganak.
a. gender expression b. gender identity c. sexual orientation d. transitional

GAWAIN 2: JUMBLED LETTERS


PANUTO: Isaayos ang mga letra upang makumpleto ang tinutukoy sa bawat pangungusap.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

10
(LOFW) 1. Ang ____________________ ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga
mandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon.
(T1KO2) 2. Ipinatupad ng pamahalaan ang ____________________ Kurikulum na
naglalayong makaagapay sa sistema ng edukasyon sa ibang bansa.
(GMSRIOANY) 3. Ang ____________________ ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o
paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pang lugar maging ito man
ay pansamantala o permanente.
(IRLGERAUR GMIRASTN) 4. Ang ____________________ ay ang mga
mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang pahintulot para
magtrabaho at sinasabing over-staying sa bansang pinuntahan.
(OBLOGAN CACROD) 5. Ang ____________________ ay naglalayong ibatay ang
kurikulum upang ang nakapagtapos ng kurso sa isang bansa ay madaling matanggap sa mga
bansang nakalagda rito kung siya man ay nagnanais na lumipat dito.
(AMIRGITNO STRIONATNI) 6. Ang ____________________ ay nagaganap kapag
ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng mga mandarayuhan ay nagiging destinasyon na
rin ng mga manggagawa at refugees mula sa iba-ibang bansa.
(OATREPYMR SNRIMGAT) 7. ____________________ naman ang tawag sa mga
mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang
magtrabaho at manirahan na may takdang panahon.
(TNOSHWAING DROCCA) 8. Ang ____________________ ay isang kasunduang
pang-internasyunal sa pagitan ng mga international accrediting agencies na naglalayong
ibatay ang kurikulum ng engineering degree programs sa iba-ibang kasaping bansa.
(PNEENMART GMIRATNS) 9. Ang ____________________ ay ang mga
nagtutungo sa ibang bansa hindi lamang para magtrabaho kundi maging permanenteng
residente sa piniling bansa.
(WEN EAZALDN) 10. Ang isa sa mga bansang madalas puntahan at dayuhin ng mga tao
upang magtrabaho ay ang bansang ____________________.

GAWAIN 3: DRAW THE SYMBOL


PANUTO: Gumuhit ng isang simbolo sa inyong kwaderno na may kaugnayan sa
pagkakakilanlan pangkasarian at oryentasyong sekswal. Ipaliwanag ang kahulugan ng
simbolong napili sa tatlo hanggang limang pangungusap.

11
GAWAIN 4: WHAT’S THE DIFFERENCE
PANUTO: Ilahad ang iyong paunang kaalaman tungkol sa kahulugan ng sex at gender. Isulat
ang kasagutan sa inyong kwaderno.

KASARIAN SA IBA-IBANG LIPUNAN


Bahagi na ng ating nakagisnang pamumuhay ang pagkakaroon ng paghahati
ng mga gampanin ayon sa kasarian. Noon pa man, mataas na ang pagkilala ng lipunan sa mga
kalalakihan kung ihahambing sa mga kababaihan. Ang mga kalalakihan ay inaasahang dapat
na bumuhay sa kanyang pamilya at gumanap ng mga tungkuling mabibigat sa loob at labas
ng tahanan. Samantala, ang mga kababaihan ay itinuturing na tagapag-alaga ng mga anak at
asawa, gayundin ang pag-aasikaso ng tahanan.
Ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unting nabago ang mga gampaning ito ng
mga lalaki at babae sa lipunang kanilang ginagalawan. Idagdag pa rito ang patuloy na
pakikipaglaban ng mga miyembro ng LGBTQ+ upang tuluyan silang matanggap at kilalanin
ang kanilang mga karapatan.

PAKSA: Konsepto ng Gender at Sex


Bagamat ang gender ay nagiging pamalit sa salitang kasarian o sex, ang
dalawang salitang ito ay sadyang magkaiba.
Ang gender ay tumutukoy sa mga katangian, asal at gampanin na itinakda ng lipunan
para sa mga lalaki at babae. Ito ay nakukuha, napag-aaralan at nalilinang sa pamamagitan ng
mga institusyong panlipunan gaya ng sariling pamilya, pamahalaan, relihiyon, at paaralan.
Ang kategorya ng gender ay feminine at masculine.

12
Ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng
kaibahan ng lalaki at babae (WHO 2014). Ito ay maaaaring tumukoy sa gawain ng babae at
lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao. Ang kategorya ng sex ay lalaki at babae.

ORYENTASYONG SEKSWAL ( SEXUAL ORIENTATION)


Ang oryentasyong sekswal ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na
makaranas ng malalim na atraksiyong emosyonal, sekswal, apeksyonal at ng malalim na
pakikipagrelasyon sa tao na ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya o iba ang kasarian
sa kanya. Sa iba pang pakahulugan, ang oryentasyong sekswal ay tumutukoy sa pagpili ng
iyong makakatalik, kung siya man ay babae o lalaki o pareho.

Heterosexual – atraksiyong sekswal sa miyembro ng opposite sex

Homosexual – atraksiyong sekswal sa miyembro ng kaparehong


kasarian

Bisexual – mga taong nakakaramdam ng atraksiyon sa dalawang


kasarian

PAGKAKAKILANLANG PANGKASARIAN (GENDER IDENTITY)


Ito ay tumutukoy sa isang malalim na damdamin at personal na karanasang
pangkasarian ng isang tao na maaaring tugma o hind tugma sa sex niya nang siya ay
ipinanganak. Kabilang dito ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan at iba pang
ekspresyon ng kasarian, kasama na ang paraan ng pananamit, pagsasalita at pagkilos.

IBA PANG MGA TERMINO:


a. GENDER EXPRESSION – kung paano ipinapahayag ng isang tao ang kanyang
gender identity sa pamamagitan ng pagdadamit, kilos o gawi
b. SEX / BINARY GENDER- isang sistema na nagbibigay at
nagsasabi na dalawang kasarian lamang - isang lalaki at isang babae
ang naaangkop mula pagkapanganak.
c. INTERSEX – isang taong may gonadal tissue na pambabae at panlalaki
d. TRANSGENDER – isang tao na ang gender identity ay iba sa kanyang sex

13
e. CISGENDER – isang taong ang gender identity ay tugma sa kanyang sex
pagkapanganak

f. TRANSWOMAN – isang tao na nagpapakilala at nagbago mula sa lalaki upang


maging babae.
g. TRANSMAN- isang tao na nagpapakilala at nagbago mula sa babae para
maging lalaki
h. LESBIAN – mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki at may
pusong lalaki na nagkakagusto sa kapwa babae.
i. GAY- mga lalaking nakakaramdam ng atraksiyon sa kanilang kapwa
lalaki
j. ASEXUAL – mga taong walang nararamdamang atraksiyong sekswal sa
anumang kasarian

PAKSA: Pag-aaral sa Kasarian sa Iba-ibang Lipunan


GENDER ROLE SA PILIPINAS
Ang mga kababaihan noon sa
ating bansa anuman ang katayuan sa lipunan ay
pagmamay-ari ng mga lalaki. Isang halimbawa
nito ay ang mga binukot. Sa lalawigan ng Panay,
ay may isang kultural na kasanayan kung saan
ang mga babae ay tinuturing na prinsesa at hindi
pinapayagan makita ng kalalakihan hanggang sa
magdalaga. Sila ay kilala sa tawag na binukot. ( Ang larawan ay hango sa artikulong isinulat ni Efren J. Domingo (2020) )
Samantala, higit na malaki ang tinatamasang karapatan ng mga kalalakihan
kaysa sa mga kababaihan. Patunay nito ang nakasaad sa dokumentong Boxer Codex na
tinatayang ginawa noong 1595. Bago dumating ang mga Kastila, ang mga kalalakihan ay
pinahihintulutang makapag-asawa ng marami. Maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawa
sa sandaling makita niya itong kasama ang ibang
lalaki. May mga pagkakataon naman na kung
hihiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa ay maaari
niyang bawiin ang mga ari-arian na binigay niya
subalit, kung ang babae ang nagnanais na
makipaghiwalay ay wala siyang makukuhang
anumang pag-aari.
https://bit.ly/2W7z74

14
GENDER ROLE

PANAHON PANAHON NG KASALUKUYANG


PANAHON PANAHON
MGA PAG- PANAHON
NG MGA NG MGA NG MGA
KASTILA AALSA AMERIKANO Marami ang
HAPONES
isinasagawang
Limitado ang May mga Maraming Ang mga pagkilos at mga
karapatang kababaihang mga kababaihan isinusulong na
taglay ng mga nagpakita ng kababaihan ay kabahagi batas upang
kababaihan. kanilang ang nakapag- ng mabigyan ng
kabayanihan
aral at kalalakihan sa pantay na
gaya nina karapatan ang
nakilahok sa paglaban sa
Gabriela mga babae,
mga usaping mga
Silang, Marina lalaki, at LGBT sa
pampolitika. Hapones.
Dizon at iba lipunan.

KASAYSAYAN NG LGBT SA PILIPINAS

● Ang babaylan ay isang lider-ispiritwal na may


tungkuling panrelihiyon. Ang salitang babaylan
Ika-17 na Siglo
ay sinasabing tumutukoy sa babae ngunit mayroon
ding lalaking babaylan gaya ng mga asog sa
Visayas.
● Ang mga asog ay hindi lamang nagbibihis-babae kundi
nagbabalat-kayo ring babae upang pakinggan ng mga
espiritu ang kanilang mga panalangin.
● Ginagaya rin nila ang mismong kilos ng mga babae at
pinagkakalooban ng panlipunang pagkilala na simbolo
bilang “tila-babae”.
● Ilan din sa kanila ay kasal sa
lalaki at sila ay may relasyong sekswal.
http://bit.ly/2YZGHvO

15
● Para sa mga Espanyol, ang mga babaylan ay
kinatatakutan dahil sa kanilang makapangyarihang
Panahon ng mga Kastila
posisyon.
● Ang ibang mga babaylan ay nagbago ng gampanin dahil sa paglaganap ng Kristiyanismo.
Mula noon, ang lipunang Pilipino, ay higit sa lahat, tahimik sa mga Pilipinong hindi
tumatalima sa kombensiyonal na oryentasyong sekswal at
https://bit.ly/3lzBN5a pagkakakilanlang pangkasarian.

● Pinaniniwalaang umusbong ang Philippine Gay Culture


sa Pilipinas
Dekada 60
● Maraming mga akda ang nailimbag na tumatalakay sa
homoseksuwalidad.

● Maraming pagsulong
Huling bahagi ng dekada 80 at
ang nailunsad na
unang bahagi ng dekada 90
nagbigay-daan sa pag-
usbong ng kamalayan
ng Pilipinong LGBT
gaya ng paglabas ng akdang Ladlad.
www.kobo.com/ph/en/ebook/ladlad

● Isang malaking yugto para sa lesbian activism sa Pilipinas ang naganap nang sumali ang
di-kilalang samahan na Lesbian Collective sa martsa ng International Women’s Day
noong Marso, 1992. Ito ang kauna-unahang demonstrasyon na nilahukan ng isang
organisadong sektor ng LGBT sa Pilipinas.
● Pinaniniwalaang nagsimula ang LGBT movement sa Pilipinas

● ProGay Philippines (1993)

● Metropolitan Community Church (1992)

● UP Babaylan (1992)

● CLIC (Cannot Live In Closet)

● LeAP (Lesbian Advocates Philippines)

● LAGABLAB o Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network (1999)


www.google.com

16
● Itinatag ang ANG LADLAD, isang partidong
politikal, ni Danton Remoto noong Setyembre 21,
2003.
https://bit.ly/3fzwXB2

● Ginanap ang ika-10 anibersaryo ng LGBT pride sa Pilipinas


noong 2004 sa Maynila bilang bahagi ng Gay Pride March.
Ang kauna-unahang Pride March ay naganap noong Hunyo 26,
1994 na nilahukan ng mahigit na 30 miyembro ng LGBT.

https://bit.ly/3AfrwiG

Paksa: Gender Roles sa Iba-ibang Lipunan sa Mundo


Mahigpit ang lipunan para sa mga babae lalo
na sa mga miyembo ng LGBT sa Africa at
Kanlurang Asya.
Sa ikalawang bahagi ng ika-20 siglo nang
payagan ng ilang bansa sa Africa at
Kanlurang Asya ang mga babae na
makaboto ngunit nanatili ang Saudi Arabia
sa paghihigpit sa mga kababaihan.
http://bit.ly/3aLwwAv

FEMALE GENITAL MUTILATION (FGM)

● Ito ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng


kababaihan ng walang anumang benepisyong
medikal.
● Isinasagawa ito upang mapanatili diumano ang
babae na walang dungis hanggang siya ay
maikasal.
● Ayon sa World Health Organization, may 125
milyong kababaihan ang biktima ng FGM sa 29
na bansa sa Africa at Kanlurang Asya.
● Ang FGM ay maituturing na paglabag sa karapatang pantao ng kababaihan.

https://bit.ly/37nawuh

⮚ May mga kaso ng gang rape sa mga lesbian sa bahagi ng


South Africa dahil sa paniniwalang magbabago ang
oryentasyon nila matapos silang gahasain.

17
⮚ May mga kaso rin ng karahasang nagmumula sa pamilya mismo ng mga miyembro ng
LGBT ayon sa ulat na inilabas ng United Nations Human Rights Council noong 2011.
(hango sa teksto ng AP 10 Learners Module(2017), pahina 280)

http://bit.ly/3oZKAeB

GAWAIN 5: BAWAL JUDGMENTAL


PANUTO: (Para sa mga lalaking mag-aaral) Ano-ano ang mga katangian / kakayahan ng
mga kababaihan ang labis mong hinahangaan? Bakit? Isulat ang inyong sagot sa kuwaderno.
(Para sa mga babaing mag-aaral) Ano-ano ang mga kakayahan / katangian ng
mga kalalakihan ang nais mong tularan? Bakit?
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

GAWAIN 6 : LGBTQ+ PRIDE


Panuto: Magsaliksik ng isang balita mula sa pahayagan o online news tungkol sa mga
pangyayaring may kaugnayan sa mga miyembro ng LGBTQ+ na tunay na maipagmamalaki
sa ating bansa. Basahin at unawain ang balita at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat
ang iyong sagot sa kuwaderno.
MGA PAMPROSESONG TANONG:
1. Tungkol saan ang balitang nabasa?
2. Ano ang naiambag ng pangyayari sa kalagayan ng ating bansa?
3. Paano mo mapapayuhan ang ibang mga miyembro ng LGBTQ+ na huwag ikahiya
ang kanilang napiling pagkakakilanlang pangkasarian?

18
Gawain 7: GENDER ROLE REVEAL
PANUTO: Sa kasalukuyan, ang mga mahahalagang papel na ginagampanan ng bawat kasarian
ay unti-unting nakikilala sa iba-ibang larangan. May mga gampanin noon na bukod tanging
para lang sa isang kasarian subalit ngayon ay maaari na ring gampanan ng iba.
Gamit ang tsart sa ibaba, magbigay ng mga gampanin ng kasarian (gender role) sa
iba- ibang larangan at institusyong panlipunan. Isulat sa bilang #1 ang mga gampanin ng mga
kababaihan, sa bilang #2 ay ang gampanin ng mga kalalakihan at sa #3 ay gampanin naman
ng mga miyembro ng LGBT.

TRABAHO 1.
2.
3.

PAMILYA 1.
2.
3.

EDUKASYON 1.
2.
3.

PAMAHALAAN 1.
2.
3.

RELIHIYON 1.
2.
3.

19
GAWAIN 8: TIME TRAVEL
Panuto: Suriin ang mga gampanin ng mga kababaihan, kalalakihan o LGBT sa mga
nagdaang kasaysayan. Sagutan sa inyong kwaderno ang mga pamprosesong tanong sa ibaba.

PAMPROSESONG TANONG:
1. Mayroon bang malaking pagbabago sa gampanin ang mga kababaihan, kalalakihan o
miyembro ng LGBT mula noon hanggang sa kasalukuyan?
2. Ano-ano ang mga pagmamalabis o di-makatarungang pagtrato ang naranasan ng mga
kababaihan sa mga nagdaang panahon?
3. Bakit higit ang karapatan at pribilehiyo ng mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan
sa lipunan noon?
4. Paano patuloy na ipinaglalaban ng mga komunidad ng LGBTQ+ ang kanilang
karapatan na tanggapin sila ng lipunang kanilang ginagalawan?

Gawain 9: PANGHULING PAGTATAYA


PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat ang iyong kasagutan sa kwaderno.
_____1. Ito ang tawag sa isang taong ang gender identity ay tugma sa kanyang sex
pagkapanganak.
a. Binary gender b. Cisgender c. Homosexual d. Transgender
_____2. Ito ay tumutukoy sa isang malalim na damdamin at personal na karanasang
pangkasarian ng isang tao, na maaaring tugma o hindi tugma sa sex nang siya ay
ipinanganak.
a. Gender Identity b. Gender Role c. Sexual Orientation d. Sexuality
_____3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa oryentasyong sekswal?

20
a. Bisexual b. Heterosexual c. Homosexual d. Transition
_____4. Anong dekada pinaniniwalaang umusbong ang Philippine gay culture sa Pilipinas?
a. 60 b. 70 c. 80 d. 90
_____5. Paano ipinaglaban ng mga miyembro ng LGBT ang kanilang mga karapatan na
ituring na kabilang sa lipunan?
a. Paggiit ng kanilang kahilingan sa pamamagitan ng pagwewelga.
b. Pag-endorso ng mga pulitiko na nagpapahayag ng pagsuporta sa kanilang mga
pinaglalaban.
c. Pag-organisa ng mga panawagan at programang kikilala sa kanilang gampanin sa
lipunan.
d. Pagbuo ng sarili nilang komunidad na hindi maaaring panghimasukan ng hindi
miyembro ng samahan.
_____6. Itinatag ang ANG LADLAD, isang partidong politikal, ni Danton Remoto noong

______________________.
a. Abril 1, 2007 b. Hunyo 21, 2004 c. Mayo 21, 2002 d. Setyembre 21, 2003

_____7. Alin sa mga sumusunod ang kadahilanan naging dahilan ng pagkawala ng


kapangyarihan ng isang babaylan bilang isang lider ispiritwal?
a. Nang maging pari ang mga Babaylan.
b. Nang lumaganap ang Kristiyanismo sa Pilipinas.
c. Nang magalit si Bathala dahil sa kanilang pagpapalit-anyo.
d. Nang magsimulang dumating ang mga Amerikano sa ating bansa.
_____8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga epekto ng FGM sa mga
kababaihan?
a. nahihirapang umihi c. nawawalan ng ganang kumain
b. maaaring ikamatay ito ng babae d. maaaring mahawa ng sakit gaya ng AIDS
_____9. Saang bansa ang patuloy pa rin sa paghigpit sa mga kababaihan?
a. China b. Pilipinas c. Saudi Arabia d. South Africa
_____10. Nagsimula ang pakikilahok ng mga kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa
politika noong:
a. Panahon ng Amerikano c. Panahon ng Kastila
b. Panahon ng Hapon d. Panahon ng Rebolusyon

GAWAIN 10: PAGBUO NG TULA

21
Panuto: Bumuo ng isang tula tungkol sa kahalagahan ng gampanin ng alinman sa mga
sumusunod: mga kababaihan, kalalakihan at mga miyembro ng LGBTQI+ sa lipunan
ngayong panahon ng pandemya. Ang tula ay dapat binubuo ng tatlo hanggang apat na
saknong. Isulat ang nabuong tula sa iyong kuwaderno.

GAWAIN 11: HUGOT LINES


Panuto: Mag-isip ng isang magandang hugot lines tungkol sa iyong natutuhan sa modyul na
ito. Isulat ito sa iyong kwaderno.

22
A. Department of Education, Modyul para sa Mag-aaral (Grade 10)
B. Mula sa Internet
MGA LARAWAN

www.canva.com
https://bit.ly/3AcSVBS
www.gettyimages.com
www.icirnigeria.org/homosexual
http://bit.ly/2YZGHvO
https://astroglide.com/blog/gender-identity
https://bit.ly/3AfrwiG

KARAGDAGANG BABASAHIN
https://bit.ly/3AbcXMX
https://bit.ly/3AfrwiG (blog posted by Mong Palatino /June 11, 2021

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Schools Division Office- Quezon City
Email Address: sdoactioncenter@gmail.com
Telephone No. : 8352-6806 / 8352-6809
Telefax: 3456-0343

24

You might also like