Narrator: Labing-apat na binate ang nagsama-sama sa bulwagan ng Pansiteria Macanista de Buen Gusto. Dito mag dadaos ng piging na iminungkahi ni Padre Irene alang-alang sa kapasiyahang iginawad ni Don Custodio tungkol sa akademya ng wikan Kastila. Naghalong tawanan at iyakan ang naramdaman ng mga binata. Sandoval: “Luwalhati nawa kay Custodio dahil sa kaniyang katalinuhan at pansit sa lupa para sa mga Binatang may mabubuting kalooban! Lalake 1: “Narito si Isagani.” Tadeo: “Si Basilio na sana ang inaanyayahan natin sa halip na si Juanito. Sana’y nalasing natin upang magsabi ng ilang lihim, mahahalagang lihim. Mga lihim na pangyayari ukol sa nawawalang mongha.” Macaraig: sisigaw. “Mga ginoo! Ihandog natin kay Don Custodio ang mga buto ng manok sa pansit-lanlang; ang lumpiyang Instik sa lama’y baboy ay patungkol kay padre Irene. Ang tortang alimango’y ipatungkol sa prayle at ang ika- apat na upam na pansit gisado ay ipatungkol sa pamahalaan at bayan.” Lahat: “Ipatungkol!” Isagani: “Tutol ako.” Macaraig: “Magtalumpati ka Tadeo!” Tadeo: “Talumpati na lamang na natutunan ko sa klase.” Sandoval: “Hindi maaari, manggagaya ng pagiging ganun.” Narrator: Nagkaroon ng talumpatian dahilan kung bakit may mga lumapit sa durungawan at nanood sakanila. Pecson: Tatayo. “Kung walang prayle at walang Indiyo sa Pilipinas, ano ang nangyayari sa kahabag-habag na pamahalaang mapapasakamay ng mga Instik?” Isagani: Kakain ng tortang alimango, tila naiinip. Narrator: Napansin ng mga mag-aaral na may nagmamanman na binata kasama ang isang taong di-kilala na lumulan sa isang sasakyang naghihintay. Ang sasakyan ay kay Simoun. Mag-aaral: Sisilip sa bintana. “Minamanmanan tayo!” Isagani: Tatayo siya at sisilip sa bintana. Macaraig: “Ah! Ang alipin ng bise-sektor ay pinaglulungkuran ng panginoon ng heneral.