Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

ELEMENTO NG PAGSULAT

Ang pagsulat ay hindi isang hiwalay na proseso kundi kaugnay ng iba't ibang gawaing
pangkomunikasyon tulad ng pakikinig pagsasalita at pagbasa. Gayundin, kasama pa rin sa prosesong
ito ang pagpaplano, pag-aayos ng mga datos, pagpapalawak ng paksa, pagsusulat, pagrerebisa at
muling pagsulat.

1. MANUNULAT
Ang isang nagsusulat ay kinakaulangang may sapat na kaalaman sa proseso ng pagsulat. Mayroon
siyang istilo na naiba sa iba upang kalugdan ng mambabasa ang anumang akdang kanyang
isinusulat. Bilang manunulat, lagi siyang nagtatanong nang ganito:
Anu-ano ang layunin ko sa pagsulat? Bakit ako nagsusulat? Anu-ano
ang katangian ng mabisang pagsulat?
Anu-ano ang mga simulain sa pagsulat?

2. PAKSA
Walang bago o lumang paksa para sa isang mahusay na manunulat. Ang anumang paksa ay
nagagawa niya ng kawili-wili sa pamamagitan ng kanyang sariling istilo sa pagsulat. Batid nating
napakayaman ng ating paligd sa mga paksang maaaring isulat at ibahagi sa mga mambabasa.
Gayundin, dahil sa teknolohiya, malaya na ang bawat isa na makapag-internet at makakuha ng mga
ideya at paksang maaaring pagbuhusan ng oras at panahon upang maisulat at maibahagi sa higit na
nakararaming mambabasa.

3. LAYUNIN

Batay sa pag-aaral ni James Kinneavy (197), may limang layunin sa pagsulat at ito ay ang mga
sumusunod:

1. Ekspresiv – pagpapahayag ng niloloob o nararamdaman ng isang tao.


2. Formulari – pagsulat ng mga kasulatan at kasunduang pangnegosyo,
transaksyong legal, at politikal.
3. Imaginativ – malikhaing pagsulat na pinag-uugatan ng mga tula, maikling kwento, dula, awit at
iba pa na likha ng mayamang guniguni ng manunulat
4. Informativ- pagsulat ng mahahalagang impormasyon at ebidensya tulad ng balita at iba pang
sulatin na batay sa mga tiyak na paksa at pangyayari.
5. Persweysiv - pagsulat upang makahikayat, makapagpaniwala sa mambabasa tungo sa
isang nagkakaisang opinyon tulat ng editoryal.

4. MAMBABASA
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mambabasa. Sila ang tagatanggap ng anumang produkto
o output ng isang manunulat. Kung gayon, dapat magkaroon ang manunulat ng background ng
kanyang mga mambabasa. Dapat ay alam niya kung sino ang kanyang mga mambabasa. Maaaring
ito ay ayon sa lebel o antas ng mga maasahan niyang babasa ng kanyang akda. Propesyunal ba o
karaniwang mga mamamayan. Bata ba o may sapat na gulang. Ang mahalaga, nabatid niya ang
pangangailangan ng kanyang mga mambabasa upang sa gayon ay di nasayang ang anumang likha ng
kanyang isip at panulat.
5. WIKA O LENGGUWAHE

Higit sa anumang elemento, ito ang pinakamahalaga. Ito ang tulay upang magkaunawaan ang
manunulat at ang mambabasa. Kailangang batid ng manunulat ang wikang ginagamit ng kanyang
mambabasa. Magiging walang kabuluhan ang anumang produkto ng panulat kung hindi naman ito
mauunawaan ng babasa.

Ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang nakapokus sa akto ng pagsulat. Kasangkot dito ang mga
manunulat sa pag-iisip, pagtalakay, pagbabasa, pagpaplano, pagsulat, pag- eedit at pagsulat muli ng
nabuong sulatin. Ang pagsulat ay isang prosesong paulit-ulit na pagsulat at pagkatapos ay pagsulat
muli hanggang sa mabuo ang sulatin.

ANG PROSESO NG PAGSULAT

Sa pagsulat natin ng teksto ay nagsisimula tayo sa isang blankong papel patungo sa isang kumpletong
sulatin. Kaya lang, nagkakaroon tayo ng suliranin kung paano at saan kukuha ng mga kailangang
impormasyon na siyang pupuno sa mga pahina. Sinasabing mahirap ang magsulat lalo na kung hindi
natin alam ang ating isusulat.

A. ANG PAGKUHA NG PAKSA

Sa pagsulat, walang taong magtatangkang sumulat kung walang plano sa dapat isusulat. Dapat isaisip
at planuhin ang susulatin sa gayon kailangan ang pagkokolekta ng mga impormasyon kaugnay sa
nabuong ideyang isusulat. Dapat tandaan sa pagsulat ang magiging epekto ng akda sa mambabasa.

Hindi madaling magsimula ng susulatin dahil kaharap mo ang isang blankong papel. Naghihintay ka
sa pagdaloy ng isip o talagang wala kang maisip. Ito ang karaniwang nasusumpungan ng mga
manunulat lalo na ang mga baguhan.

Ang isang manunulat ay maaaring makakukuha ng mga ideya o paksa sa: (a) iba’t ibang uri ng
babasahin tulad ng mga magazine, pahayagan, peryodikal; (b) ,midya – radyo, telebisyon, internet; (c)
mga pelikula o dokumentaryo; (d) mga sining biswal; (e) mga panaginip o alaala; (f) diskusyon at
palitang-kuro; (g) pagsasatao at pagsasadula; (h) pananaliksik; (i) interes ng sarili o ng klase.

B. MGA YUGTO NG PAGSULAT


Hindi lahat ng manunulat ang nakabubuo ng magandang sulatin sa isang upuan lamang. Ang isang
magandang sulatin ay dumadaan sa ilang yugto ng pag-unlad mula sa burador hanggang sa pinal na
papel.

Isang hamon sa mga estudyante ang mga gawaing pasulat. May mga estudyante na nahihirapan sa
gawaing ito sapagkat hindi nila nakasanayan, nakakatamaran, o hindi nila nakakahiligan ang pagsulat.
Ang mga katuwirang ito ay maaaring palagay lamang. Ang totoo nito, magagawa natin ang pagsulat
nang maayos kung susundin natin ang pagsulat na isang proseso at hindi isang gawain na dala
lamang ng pangangailangan.

Bilang isang proseso, ayon kina Graves (1982), Murray (1985), at Arrogante (2000), ang pagsulat ay
binubuo ng mga sumusunod na hakbang: (A) Bago Sumulat; (B) Pagsulat ng Burador; (C)
Pagrebisa; (D) Pag-eedit; at (E) Paglalathala.
1. BAGO SUMULAT (PRE-WRITING)
Ito’y isang estratehiya tungo sa pormal na pagsulat. Ito ang unang hakbang na isasagawa sa
pagpapaunlad ng paksang isusulat. Ang gawaing ito ay maaaring ginagawa nang isahan o nang
pangkatan.
Sumasagot sa mga tanong na;
a. Paano ko sisimulan?
b. Saan ako mag-uumpisa?

LIMANG TEKNIK NA MAKATUTULONG SA PAGDEDEBELOP NG HUSAY SA PAGSUSULAT:


a. Malayang Pagsulat (Freewriting) – pagsusulat ng mga pangungusap o parirala sa papel nang
tuloy-tuloy hanggang makabuo ng burador
b. Pagtatanong (Questioning) – pagbuo ng mg katanungang may kinalaman sa paksang
naisip.
c. Paglilista (Listing) – pangungulekta ng mga ideya at detalye na may kaugnayan sa paksang
susulatin mula sa nabuong burador
d. Pagkaklaster (Clustering) – sa ibang katawagan, ito ay diagramming; mabisa kung nais ipakita
ng nagsusulat ang ideya sa paraang biswal
e. Pagbabalangkas (Preparing an Outline) – pagbuo ng isang pinag-isipan nang mabuti

2. PAGSULAT NG BURADOR (DRAFT WRITING)

✓ Ito’y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi isinasaalang-alang ang maaaring


pagkakamali.
✓ Ang mga kaisipan at saloobin tungkol sa paksang sinusulat ay malayang
ipinahahayag ng estudyante.
✓ Ang guro ay nakaantabay sa maaaring maitulong o tanong na maaaring hingin ng mag-aaral
kung nasa klasrum ang gawain.
✓ Matapos maisagawa, maaaring balikan at suriin ng estudyante ang natapos na sulatin upang
maaayos at malinaw ang ginagawang paglalahad.

3. PAGREBISA
✓ Ito’y pagbabago at muling pagsulat bilang tugon sa sagot sa mga payo at pagwawasto mula
sa guro, kamag-aral, editor o mga nagsuri.
✓ Pangunahing konsern ng rebisyon ang pagpapalinaw sa mga ideya. Ginagawa ito upang suriin
ang teksto at nilalaman para matiyak ang kawastuhan, kalinawan at kayarian ng katha na
madaling maunawaan ng babasa.
✓ Sa bahaging ito, iniwawasto ang mga inaakalang kamalian, binabago ang dapat baguhin at
pinapalitan ang dapat palitan.

ISAALANG-ALANG ANG MGA SUMUSUNOD SA PAGREREBISA:

A. KOHIRENS – ugnayan ng mga ideya


B. KAISAHAN – pagpapakita ng malinaw na ideya na magkaugnay sa isa’t isa at umiikot ang
talakayan sa isang sentral na ideya
C. EMPASIS – ang mga mahahalagang salita o punto ay kinakailangang nabigyang-diin
D. KASAPATAN – sapat ang mga materyal tulad ng halimbawa, detalye, paliwanag at mga
ebidensya o datos, para masuportahan ang paksang tinatalakay
E. KASANAYAN SA PANGUNGUSAP – obserbahan ang estraktura ng gramar na ginagamit
tulad ng tamang pagbabantas, ispeling at maging ang tamang pormat

4. PAG-EEDIT
✓ Ang bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, estruktura ng pangungusap, wastong
gamit ng salita at mga mekaniks sa pagsulat.
✓ Sa bahaging ito pinapakinis ang papel upang matiyak na ang bawat salita at pangungusap ay
naghahatid ng tamang kahulugan. Sa pag-eedit, ang mga di- magkaugnay na pangungusap
ay muling isinusulat upang higit na maipakita ang kaugnay na mga ideya.

5. PAGLALATHALA

Ang paglalathala ay pakikibahagi ng nabuong sulatin sa mga target na mambabasa. Kabilang sa


gawaing ito ang mga sumusunod:
1. Paglalathala ng mga piling sulatin sa pahayagang pangkampus
2. Pagbabasa sa harap ng klase at pakikinig sa pagbasa ng iba
3. Paggawa ng isang buklet, album o portfolio ng mga naisulat

MGA BAHAGI NG TEKSTO

Ang isang teksto o sulatin ay binubuo ng tatlong pangunahing bahagi: (A) introduksiyon o panimula,
(B) gitna o katawan, at (C) wakas o kongklusyon.

A. INTRODUKSIYON

Ang introduksiyon ang pinakamukha ng sulatin. Kailangan itong maging kaakit-akit upang maganyak
ang mambabasang basahin ang buong katha. Ito ay maaaring pangungusap o talata. Ito ay dapat
ibagay sa haba ng katha. Ito’y dapat maging malinaw, maintindihan, makaapekto at mabisa dahil
maaasahan ang atensyong ibibigay ng mambabasa.

Mahalaga ang pagsisimula sa pagsulat ng makabuluhang komposisyon. Nakasalalay dito ang


pagtatagumpay ng isang sumusulat ng komposisyon na maakay ang kanyang mambabasa upang
tuluyang basahin ang akda. Ang haba ay ibagay sa haba ng komposisyon. Kung maikli lamang ang
komposisyon, ang isang talataan o maging isang pangungusap ay sapat nang introduksiyon.

B. GITNA O NILALAMAN

Ito’y pinakakatawan ng sulatin. Ang mga talata nito ay kinapapalooban ng mga pangunahing kaisipan
at mga pantulong o pansuportang detalyeng maayos ang pagkasunod-sunod tungo sa malinaw na
ikapaliliwanag ng paksa.

Sa pagbuo ng bahaging ito ng komposisyon, alalahaning dapat na mapanatili ang kawilihan ng mga
mambabasa. Ang nakalilito at malabong pagpapahayag ng mga ideya ay makababagot sa mga
mambabasa. Kailangang mapagsama ang mga kaisipang magkakatulad, magkakauri at
magkakaugnay upang maging maliwanag at hindi nakalilito ang pagpapahayag.

Ilang pangkalahatang paraan sa pagsasaayos ng katawan ng komposisyon ay ang mga sumusunod


(Arrogante, 1994):
Mga Paraan

1. Pakronolihikal

Ito’y pag-aayos sa mga pangyayari na magkasunod-sunod mula sa pinakamatagal hanggang sa


pinakasalukuyan.

Halimbawa:

Kung ang paksa’y tungkol sa talambuhay, ito’y simulan sa paglilihi ng kanyang inay hanggang sa
kasalukuyan niyang buhay.

2. Paanggulo

Ito’y pagsasaayos na ibinabatay sa personal na masasabi o reaksiyon ng bawat tao tungkol sa mga
bagay-bagay o isyu tungo sa isang obhektibong paglalagom. Sa isang isyu, ang tatlong anggulo ay
sapat na para makabuo ng isang komposisyon.

Halimbawa:

Kung ang paksa’y tungkol sa Bitay o Hatol, ang mga anggulo ay maaaring kunin sa; mga kriminal
mismo na pagtutol di pagsang-ayunan; bawat sektor ng mamamayan na magkaroon ng iba’t ibang
pagpapasya. Sa pamamagitan ng pagtitimbang-timbang sa bilang ng reaksyong nakuha ang
kongklusyon ay madaling magagawa.

3. Paespasyal o Paagwat

Pinauunlad ang paglalahad sa malapit na sinisimulan dahil ang mga bagay-bagay dito’y alam na
alam, patungong malayo o palayo kung saan man ang mga bagay-bagay ay hindi gaanong kilala o
“vice versa”.

C. WAKAS O KONGKLUSYON

Kung dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang makabuluhang sulatin ang wastong pagsisimula,
nararapat ding pagtuunan ng pansin ang maayos na pagwawakas. Mawawalan ng saysay ang
kagandahan ng komposisyon kung ang sumulat nito ay nakalimot sa katangian ng isang maayos na
pagwawakas. Ang maayos na pagwawakas ay lumalagom sa mga kaisipang inilahad sa
komposisyon.

Ang wakas ay dapat na maikli dahil kung ito’y pahahabain, di na ito mabisa at di kasiya- siya. Ito ang
pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at mga katwirang iniisa-
isa sa gitnang bahagi. Kailangang mag-iwan ito ng kakintalan o bisang pangmatagalan sa mga
mambabasa.

URI NG SULATIN

1. AKADEMIK
Ginagamit sa mga pag-uulat sa iba't ibang displina o kurso ayon sa hinihinging pamantayan o
istandard. Ito ay maaaring rebyu ng isang field work sa mga asignatura sa agham panlipunan, book
report o ulat sa mga kurso sa wika, business report sa mga kursoosa pangangalakal.

Samakatwid, ito ang mga uri ng pagsulat na kinakailangan ang mga tiyak na datos sapagkat dito
sasandig ang kabuuan ng tekstong iuulat. Pormal ang istruktura ng uring ito.
• Ito ay isang intelektwal na pagsusulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad at kaalaman ng
mag aaral.

• Isang awtor ang nagsabing ang akademikong pagsulat ay yaong ginagamit sa mga kursong
komposisyon o malikhaing pagsulat na kalimita’y sariling opinyon,ideya o karanasan ang isinusulat
ditto, bagamat maituturing ding akademiko ang pagsusulat ng reaksyon sa sinulat ng iba gaya ng
pagsulat ng takdang- aralin.

Halimbawa: kritikal na sanaysay, laboratory report eksperimento o term paper

2. PROPESYUNAL
- Uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusib sa isang tiyak na propesyon

Halimbawa : Police Report, Invetigative Report, Legal Form, Medical Report

3. TEKNIKAL
Ito ay kinikilala bilang isang may mataas na antas ng pagsulat na nangangailangan ng mga angkop
na salita o jargon hinggil sa isang tiyak na paksa o isyung sayantipiko o teknikal. Karaniwang gamit
ang sulating ito sa larangan ng agham, matematika, medisina at iba pa. Kung minsan tinatawag din
itong transaksyunal na sulatin.

Pormal, maayos ang pagkakabuo, at binibigyan-pokus ang impormasyon o mensaheng nais ihatid
dahil komunikasyon ang pangunaing layunin ng ganitong sulatin. Kabilang dito ang liham pangalakal,
panuto, memorandum, plano, proposal, patakaran o tuntunin, ulat, abstrak at papel pananaliksik

Halimbawa: ulat panlaboratoryo, kompyuter at iba pa.

Mga Katangian ng Graphs

Sa pamplet na ‘’Ang Wikang Filipino sa Information Age’’ (1997) ni Ponciono


B.P. Pineda, dating Punong Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino,inaamin niyang
‘’ang mga katawarang kemikal ay maari nang tapatan sa ating wika ngunit kailangang
panatilihin ng mga sagisag internasyonal gayang sumusunod’’

Mga Kemikal

Iron (bakal) - Fe Water(tubig) - H2O


Table salt (asin) - NaCiCalcium
(kalisyum) -Ca
Muriatic acid (asido-muryatiko) – NCIAmmonia
(amonya) – NH3
Tincture of iodine (tintura de yodo) – I A

4. JORNALISTIK
Ito ay mga pagsulat na pampalimbagan. Maaaring balita, editoryal, lathalain, balitang pampalakasan,
anunsyo at mga katulad nito na isinusulat dahil kailangang magsaad ng katotohanan, katumpakan at
obhektibo o walang kinikilingan. Ang mga artikulo sa ilalim ng uring ito ay maaaring naglalaman ng
human interest, personality sketch, historikal na datos, analitikal at politikal na pag-aanalisa,
pangkalusugang panawagan at iba pa.
Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editorial,kolum anunsyo at iba pang akda ng karaniwang makikita sa mga
pahgayagan o magasin.

Ang dyaryo o pahayagan, maging broad sheet o tabloid ay nagtataglay ng mga sulating iba sa nilalaman at
paraan ng pagsulat ng mga sulating malikhain. Hindi mabubuo ang dyaryo o pahayagan kung walang balita,
editoryal, lathain, at iba pang sulating pampahayagan.

5. REFERENSYAL
Ang ganitong uri ng pagsulat ay makikita sa ulat na ibinabatay sa mga naunang ulat na may
kaugnayan dito bilang sanggunian. Dito ay binabanggit ang ilang tala na mula sa naunang report o
ulat na maaaring mula sa isang mapagkakatiwalaang source-isang awtoridad, ahensya ng
pagbabalita o iba pang mapagsasanggunian upang maging kapani-paniwala ang ulat.

Sa mga ulat pananaliksik, makikita naman ito sa bibliyograpi o talaan ng mga sanggunian na
karaniwang makikita sa hulihang bahagi ng ulat.

Halimbawa: bibliography, index, notecards at iba pa.

Alcaraz, Cid V. et. al. 2005. Filipino I – Komunikasyon sa Akademikong


Filipino. Quezon City: Lorimar Publishing Co., Inc.

Alejandro, Rufino. 1980. Ang Sining ng Pagsasaling-wika. Quezon City: Rex


Book Store.

Jocson, Magdalena O. et. al. 2005. Filipino 2 – Pagbasa at Pagsulat Tungo


sa Pananaliksik. Quezon City: Lorimar Publishing Co., Inc.

6. MALIKHAIN
Masining na paglalahad ng naisip o nadarama at karaniwang binibigyang pansin ang wikang
ginagamit sa sulatin. Ito'y ginagawa ng ilang tao bilang midyum sa paglalahad ng kanilang sariling
pananaw sa mga bagay sa paligid o di kaya'y isang libangan.lto ang uri ng pagsulat na ang
imahinasyon ng manunulat ang gumagana upang makalikha ng karakter, senaryo, o pangyayari
upang makabuo ng kwento o tumalakay sa isang uri ng sentral na paksa.

Ayon kay Genoveva Edroza Matute, ang malikhaing pagsulat ay nagmula sa wala, patungo sa
mayroon, patungo sa pag-unlad.

Halimbawa: tula, nobela, maiikling katha atbp.

You might also like