Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Old Age Home: Kalidad ng Buhay

Kabanata I

PANIMULA

Ang Suliranin at Sanligan

Sa napakabilis na takbo ng buhay, tumitigil ba tayo para magnilay – para mag-isip

tungkol sa walang-hanggang katotohanan? Ano nga ba ang kahulugan ng buhay?

Ang buhay ay isang paglalakbay, saan ka man mapunta at gaano man kalayo ang iyong

narating may mga bagay kang matututunan. Ang panahon ng pagtanda ay itinuturing na isa sa

mga yugto ng landas ng buhay ng isang tao, na kung saan ay nailalarawan sa pamamagitan ng

isang kayamanan ng karanasan na naipon sa nakaraan Malalaman natin ang kahulugan ng buhay

sa layo ng ating narating. Ibig sabihin malalaman natin ang tunay na kahulugan ng buhay kung

tayo ay may edad na o matanda na. May karangalang nakapaloob sa proseso ng pagtanda dahil

normal na kaakibat ng pagtanda ang paglago sa karunungan at karanasan. Ayon sa Kawikaan

16:31 “Ang ulong may uban ay putong ng kaluwalhatian, masusumpungan sa daan ng

katuwiran”. Bahagi ng buhay ng tao ang pagtanda. Habang tumatanda ang mga tao ay

nagsisimulang sumibol ang matalinong pagharap sa pagtanda at sa mga isyung nakapaloob dito.

Sa ganitong sitwasyon hindi natin maipagkakailang dala ng pagtanda ay ang mga

karamdamang nakakaapekto sa ating pisikal, emosyunal at mental na pamumuhay. Dahil dito

kinakailangan natin ng mga taong magsusuporta at mag-aalaga sa atin. Sapagkat lahat ba tayo ay

mapalad na maaalagaan at masusuportahan ng ating pamilya?


Sa huli, ang katanungan tungkol sa pagtanda ay hindi maihihiwalay sa katanungan

tungkol sa kahulugan ng buhay.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang kalidad ng buhay sa old age home

bilang gabay para sa community resources. Ito’y paraan upang mabigyan ng kaalaman at

kamalayan ang mga tao sa isang komunidad, lalong lalo na ang may mga matatanda sa isang

pamilya.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang kalidad ng buhay sa old age home.

Ito rin ay naglalayong malaman kung paano ito nakakaapekto sa pisikal, emosyunal at mental na

pamumuhay ng mga matanda sa old age home.

Nilalayon ng pag-aaral na ito na masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang kalidad ng buhay sa old age home?

2. Ano-ano ang paraan ng pamumuhay sa old age home?

3. Ano ang epekto ng pagtira ng mga matatanda sa old age home ayon sa:

a. Pisikal

b. Emosyunal

c. Mental
Palagay na Pag-aaral

Ang pagtanda ay bahagi na ng buhay ng tao. Hindi natin maipagkakailangan lahat tayo ay

patungo sa pagtanda. Mula rito ibinatay ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sa " Teorya

ng Pagsasapanlipunan" - na nilikha ng mga Amerikanong siyentipiko na sina E. Cumming at W.

Henry. Isang socio-psychological theories ng pagtanda na ang motibasyon ng aktibidad ng

paggawa ay nagbabago sa isang matandang tao.

Sa teoritikal na pananaw na " Teorya ng Pagsasapanlipunan" nina E. Cumming at W.

Henry. Ang lahat ng matatandang tao ay maaaring hatiin sa tatlong grupo depende sa psychic

energy na mayroon sila.

Kasama sa unang grupo ang mga nakakaramdam ng lubos na kagalakan at masigla,

patuloy na nagtatrabaho, gumaganap ng mga tungkulin sa lipunan, na nananatili sa parehong

lugar ng trabaho tulad ng sa kanilang mga mature na taon.

Ang pangalawang grupo ay kinabibilangan ng mga hindi nagtatrabaho, hindi gumaganap

ng mga pampublikong tungkulin, ngunit nasisiyahan sa kanilang sariling negosyo na tinatawag

na libangan. Ang mga taong ito ay may sapat na lakas upang manatiling abala.

Ang ikatlong grupo ay kinabibilangan ng mga taong may mahinang psychic energy, na

talagang abala lalo na sa kanilang sarili.

Kaya, ang pagtanda ay isang proseso ng paglipat mula sa extroversion tungo sa

introversion, na nagreresulta sa pagkawala ng mga relasyon sa lipunan.


Epistimolohiya at Teoritikal na Pananaw

Epistimolohiya

Ang "teorya ng aktibidad" (A. Havigharst at J. Maddox) bilang modelo ay nagpapahayag

na, ayon sa kung saan ang mga tao, sa pagpasok ng katandaan, ay nagpapanatili ng parehong

mga pangangailangan at pagnanasa tulad ng nasa gitnang edad, at nilalabanan ang anumang mga

intensyon, na ang layunin ay upang ibukod sila mula sa lipunan. Samakatuwid, ang pag-alis sa

pampublikong buhay ay hindi maaaring maging isang katangian ng isang masayang katandaan.

Sa pamamagitan lamang ng pagpapanatili ng aktibong aktibidad at pagtanggap ng mga

bagong tungkulin upang palitan ang mga nawala, sa lipunan o sa loob interpersonal na

komunikasyon ang isang tao ay maaaring makaramdam ng kasiyahan sa katandaan. Ang

maunlad na pagtanda ay kinabibilangan ng pananatiling aktibo at kakayahang pigilan ang

"pagbawas" ng mga ugnayang panlipunan. Ito ay maaaring makamit alinman sa pamamagitan ng

pagpapanatiling aktibo sa gitnang edad hangga't maaari, o sa pamamagitan ng pagretiro at

pamumuhay para sa isang asawa o mga kaibigan.

Teoritikal na Pananaw

Ang pagtanda ay isang makabuhulang bahagi ng buhay ng tao. Ang balangkas ng

katandaan ay palaging magiging kondisyon, dahil sikolohikal, biyolohikal o mga hangganan ng

lipunan ay palaging mananatiling indibidwal. Higit pa rito, habang tayo ay tumatanda, ang

pagkakaiba-iba at indibidwal na organisasyon ng bawat tao ay pinalalakas. Kahit na sa loob ng

parehong panlipunang grupo, may mga mahusay na pagganap at iba pang mga pagkakaiba.
Sa "Teorya ng Minorya" ni A. Rosas. Itinuturing ang mga matatandang tao bilang isang

grupong minorya sa istruktura ng populasyon, na nagpapahiwatig ng diskriminasyon, mababang

katayuan sa lipunan at iba pang mga phenomena na nagpapakilala sa mga panlipunang minorya.

Kaya, lahat ng mga teoryang ito, posible na iisa ang mga pangkalahatang ideya tungkol

sa mga isyung sosyo-sikolohikal: ang proseso ng pagtanda ng isang tao bilang isang miyembro

ng isang grupo at ang karanasan ng katandaan sa agarang panlipunang kapaligiran, ang lugar ng

isang matatandang tao sa lipunan, ang saloobin ng isang indibidwal sa kanyang proseso ng

pagtanda, panlipunang pagbagay sa proseso ng pagtanda, mga pagbabago sa katayuan sa lipunan

at mga tungkulin sa lipunan, ang posisyon ng lipunan na may kaugnayan sa pagtanda at

matatanda, ang aktwal na lugar ng mga matatanda sa gitna ng ibang mga pangkat ng edad, ang

kanilang mga tungkulin sa lipunan.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay ang pag-alam sa kalidad ng buhay sa old age home. Sa

pangkalahatan ang pananaliksik na ito ay pakikinabangan ng mga sumusunod.

Lokal na pamahalaan. Ang resulta ng pag-aaral ay isang salik sa pagbigay ng wastong

programang pangaligtasan at kapakanan para sa mga matanda.

Old age home organizations. Ang resulta ng pag-aaral ay makakatulong sa mga old age

home organizations upang mapaunlad ang serbisyo para sa mga matatanda.

Komunidad. Ang resulta ng pag-aaral ay makakatulong sa isang komunidad upang

magkaroon ng dagdag kaalaman at kamalayan sa kalidad ng buhay sa loob ng old age home.
Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay ang labin-limang (15) tagatugon na inuri ayon sa

sampong (10) matandang nakatira sa old age home at limang (5) kawani ng old age home o mga

nagtatrabaho sa old age home. Ang pag-aaral na ito ay gagawin sa loob ng isang buwan upang

makalap ang mga datus mula sa mga tagatugo.

Katuturan ng mga Salita

Old age home. Isang pasilidad na kung saan ditto binibigyan ng pangangalaga ang mga

matatanda. (google.com)

Sa pag-aaral na ito, ang old age home ang pangunahing paksa sa pag-alam sa kalidad ng

buhay ng mga matatanda sa old age home.

Kalidad. Tumutukoy sa uri o klase ng isang bagay o pangyayari. (KWF Diksyunaryo ng

Wikang Filipino)

Sa pag-aaral na ito, ang kalidad ay tumutokoy sa uri ng pamumuhay mayroon ang mga

matanda sa old age home.

Buhay. Ayos o gawi ng tao. (KWF Diksyunaryo ng Wikang Filipino)

Sa pag-aaral na ito, ang buhay ay tumutukoy sa ayos o gawi ng mga matatanda sa old age

home.

Community resources. Mapagkukunan ng kaalaman ng isang komunidad na

makatutulong sa pagtugon ng ilang partikular na pangangailangan ng isang pamayanan.

(google.com)
Sa pag-aaral na ito, ang community resources ay dagdag na kaalaman at kamalayan sa

mga tao sa isang pamayaan na makakatulong na matugunan ang kanilang mga suliranin at

pangangailangan.

Komunidad. Mga táong nakatirá sa isang tanging lugar o rehiyon at karaniwang

nauugnay sa interes ng pamayanan. (KWF Diksyunaryo ng Wikang Filipino)

Sa pag-aaral na ito, ang komunidad ang isa sa makakabenipisyo sa resulta ng

pananaliksik na ito.

You might also like