Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

KAGAWARAN NG EDUKASYON

TANGGAPAN NG MGA PAARALANG PANSANGAY


LUNGSOD NG MANDALUYONG

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN


Baitang 9
TAONG PANURUAN 2018- 2019

Pangalan :______________________________________Taon /Antas_________________

Paaralan: ________________________________Petsa:_____________Iskor__________

PANGKALAHATANG PANUTO : Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na aytem. Piliin at itiman ang letra ng
pinakatamang sagot.

1. Ang Ekonomiks ay may dalawang sangay, ang Maykroekonomiks at Makroekonomiks. Ang Makroekonomiks ay nag-
aaral sa:
A. Maliit na yunit ng ekonomiya
B. Kabuuang ekonomiya ng bansa
C. Pagpapalago ng negosyo ng pamahalaan
D. Pagkakaloob ng sebisyong pampubliko

2. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?


A. Kita at gastusin ng pamahalaan C. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
B. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya D. Transaksyon ng mga bangko

3. Ano ang gampanin ng sambahayan sa ekonomiya ng bansa?


A. Nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyon
B. Nagkakaloob ng mga tapos na produkto at serbisyo
C. Lumilikha ng mga produkto at serbisyo
D. Nagtatayo ng mga negosyo

4. May iba’t ibang aktor ng paikot na daloy ng ekonomiya, Alin sa sumusunod ang nagkakaloob ng mga yari o tapos na
produkto?
A. Bangko
B. Sambahayan
C. Pamahalaan
D. Bahay- Kalakal
5. Lumalahok sa sistema ng pamilihan ang pamahalaan sa pamamagitan ng pangongolekta ng buwis. Sa paanong paraan
ginagamit ng pamahalaan ang buwis na ibinabayad ng mga mamamayan?
A. Pagpapautang
B. Paggawa ng mga Produkto
C. Paglalagak ng pera sa negosyo
D. Pagbibigay ng pampublikong serbisyo

6. Ang sambahayan ay walang kakayahang lumikha ng produkto samantalang ang bahay kalakal ay bumibili o umuupa ng
mga salik ng produksiyon sa sambahayan. Ano ang tawag sa kabayarang tinatanggap sa paggamit ng paggawa bilang
salik ng produksiyon?

A. Sahod B. Upa o Renta C. Tubo D. Interes


7. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, sa papaanong paraan nagkakaroon ng ugnayan ang sambahayan at bahay- kalakal
sa isa’t- isa?
A. Sa sambahayan nagmumula ang salik ng produksiyon na sumasailalim sa pagpoproseso ng bahay kalakal
B. Ginagamit ng sambahayan ang nakolektang buwis upang makapagkaloob ng mga produkto sa bahay kalakal
C. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang may trabaho para sa bahay- kalakal
D. Pinapautang ng bahay- kalakal ang sambahayan ng mga tapos ng produkto

8. Ang lupa, paggawa at kapital ay mga mahalagang salik ng produksiyon. Sa anong uri ng pamilihan maaaring magkaloob
nito?
A. Goods market C. Financial Market
B. World Market D. Factors Market

9. Sa paikot na daloy ng ekonomiya ay may uri ng pamilihan. Anong uri ng pamilihan binebenta ang mga tapos o yaring
produkto?
A. Factor Market C. Capital Market
B. World Market D. Commodity/ Goods Market

10. Ang Pilipinas ay nakikipag- ugnayan sa ibat ibang bansa sa pamamagitan ng pakikipagkalakan. Anong sektor ang
tinutukoy dito?

A. Panlabas na Sektor C. Sektor ng Paglilingkod


B. Sektor ng Agrikultura D. Sektor ng Industriya

11. May mga modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya. Sa anong modelo naipapakita na ang pag –iimpok at
pamumuhunan ay nagiging mahalagang gawaing pang- ekonomiya?
A. Unang modelo
B. Ikalawang Modelo
C. Ikatlong Modelo
D. Ikaapat na Modelo

12. Si Jonel ay hindi lamang iniisip ang gumasta kundi pag- iimpok din para sa hinaharap. Idinedeposito nito ang perang
inipon sa bangko. Ano ang nararapat na gawin upang ang inimpok na salapi sa bangko ay pumasok na muli sa paikot
na daloy ng ekonomiya?

A. Magpataw ng mataas na interes ang bangko sa mga sambahayan


B. Magbigay ng insentibo sa mga depositor upang upang lumaki ang reserba
C. Ibaba ang interes sa mula 10% sa 5% upang madagdagan ang panggastos ng tao
D. Ipautang ng bangko ang ideneposito upang magamit na puhunan ng mga bahay kalakal

13. Ang Pilipinas ay nagluluwas o naglalabas ng mga produkto sa ibang bansa upang higit na makilala ang gawang Pinoy.
Anong tawag sa prosesong ito ng pakikipagkalakan?
A. Import C. Deport
B. Export D. Entrepot

14. Ito ay isa sa ginagamit na pagsukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng
mga mamamayan sa loob at labas ng bansa.

A. Consumer Price Index C. Gross Domestic Product


B. Gross National Income D. Net Factor Icome
15. Si Mr. hiroko , isang Chinese National ay nagtatrabaho sa kompanya na nasa Pilipinas. Saan dapat isama ang kanyang
kita?
A. GDP ng China
B. GDP ng Pilipinas
C. GNP ng Pilipinas at China
D. GDP ng Pilipinas at China

16. Sa pagsukat ng kabuuang produksyon ng bansa, kailangang bilangin ng isang beses lang ang mga nagawang produkto
at serbisyo. Anong produkto ang handang ikonsumo at isasama sa pagsukat ng GNI?
A. Substitute Goods C. Final Goods
B. Complementary Goods D. Intermediate Goods

17. May tatlong pamamaraan sa pagsukat ng pambasang kita sa isang ekonomiya. Alin sa sumusunod ang kinapalolooban
ng Sektor ng Industriya, Agrikultura, Serbisyo at NFIA ng isang bansa?

A. Pamamaraang Batay sa Kita (Factor Income Approach)


B. Pamamaraang Batay sa Gastusin (Final Expenditure Approach)
C. Pamamaraang Batay sa Ekonomiya (Base on Economy Approach)
D. Pamamaraang Batay sa Pinagmulang Industriya (Industrial Origin / Value Added Approach)

18. Alin sa sumusunod ang pormula sa pagkuwenta ng Gross National Income sa pamamaraang batay sa Gastos o Final
Expenditure Approach?

A. GNI = C+I+G+(X-M)+SD+NFIA
B. GNI = KEA+KG+KEM+KK+CCA+IBT
C. GNI = Price Index (base year) x Current GNI
Price Index (Current year)
D. GNI = Agrikultura+Industriya+Serbisyo+NFIA
Para sa bilang 19 – 20

GROSS NATIONAL PRODUCT AT GROSS DOMESTIC PRODUCT AYON SA MGA


GASTUSIN SA MILYONG PISO

Mga Gastusin Taon 2016

1. Personal P270 m
2. Pamahalaan P180 m
3. Capital Formation P120 m
4. Export P20 m
5. Import P22 m
6. Statistical Discrepancy P3m
7. Net Factor Income from Abroad P105m

19. Ano ang GDP sa taong 2016?

A. 450 milyon B. 500 milyon C. 571 milyon D. 600 milyon


20. Ano ang GNP sa taong 2016:

A. 500 milyon B. 550 milyon C. 600 milyon D. 676 milyon


21. Saan kabilang ang mga gastos ng mga OFW’s at gastos ng mga dayuhang nasa loob ng bansa?
A. Consumer’s Consumption
B. Government Consumption
C. Capital Formation
D. Net Factor Income From abroad

22. Ginagamit ito upang masukat ang halaga ng produksyon sa dalawa o higit pang taon sa pamamagitan ng paggamit ng
basehang taon bilang basehang presyo.
A. Real GNI B. Potential GNI C. Nominal GNI D. Actual GNI

23. Bagamat may mga economic indicators na ginagamit ang pamahalaan sa pagsukat ng paglago ng ekonomiya hindi pa
rin ito perpektong batayan dahil may mga gawaing hindi naibibilang.Alin sa sumusunod ang HINDI KABILANG sa mga
limitasyon sa pagsukat ng pambansang kita sa:

A. Impormal na sektor C. Kalidad ng Buhay


B. Sektor ng Paglilingkod D. Hindi pampamilihang Gawain

24. Anong pormula ang ginagamit sa pagkompyut ng Real GNI?


A. Real GNI = price index base year Current/ Nominal GNI
price index current year
B. Real GNI = price index current year Current/ Nominal GNI
price index base year
C. Real GNI = Current GNI Current/ Nominal GNI
price index base year
D. Real GNI = Current GNI Current/ Nominal GNI
price index current year

Para sa bilang 25 at 26, Kompyutin ang Real GNI gamit ang basehang taon 2012(Price Index =100)

Taon Nominal GNI Price Index Real GNI


2013 8,600,000 137 6,277,372
2014 9,500,000 140 6,785,714
2015 10,000,000 145
2016 11,000,000 150

25. Ano ang Real GNI ng taong 2015?


A. 5,585,000 C. 7,000,000
B. 6,896,551 D. 8,000,053

26. Ano ang Real GNI ng taong 2016?


A. 6,656,200 C. 7,333,333
B. 6,700,000 D. 8,000,054
27. Suriin kung anong pormula ang ginagamit sa pagkompyut ng Growth Rate.
A. Growth Rate = GNI kasalukuyang taon- GNI nakaraang taon 100

GNI nakaraang taon

B. Growth Rate = GNI kasalukuyang taon- GNI nakaraang taon 100

GNI kasalukuyang taon

C. Growth Rate = GNI kasalukuyang taon- GNI kasalukuyang taon 100

GNI nakaraang taon

D. Growth Rate = GNI nakaraang taon- GNI kasalukuyang taon 100

GNI kasalukuyang taon

28. Kailan masasabi na positibo ang Economic Performance ng bansa?


A. Kapag madaming walang trabaho
B. Kapag lumaki ang utang panlabas ng bansa
C. Kapag tumataas ang presyo ng mga bilihin
D. Kapag may pag- angat sa Gross Domestic Product ng bansa

29. Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya, dapat bang gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang mapataas ito?
A. Oo, dahil magiging kahiya- hiya ang bansa sa buong daigdig.
B. Oo, dahil repleksiyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng ekonomiya
C. Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin
D. Hindi , dahil walang kaugnayan ang ekonomiya ng bansa sa ekonomiyang pandaigdigan

30. Ano ang tawag sa halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyo o paglilingkod na kanyang ibinibigay?

A. Puhunan B. Kita C. Tubo D. Interes

31. Ang mga salapi o pera na iniipon ay maaaring iimpok sa mga financial intermediaries upang maging matatag ang ating
ekonomiya. Ang sumusunod ay halimbawa ng financial intermediaries MALIBAN sa:
A. Pawnshops C. Savings and Loans
B. Finance Companies D. Commercial Banks

32. Sa loob ng isang taon nakaipon si Rachel ng Php 5,000.00 kasama na ang interes nito, kung 5% ang interes ng bangko,
magkano halagang kanyang naipon?

A. Php 4,750 B. Php 4,000 C. Php4,700 D. Php 4500


33. Anong ahensiya ng pamahalaan ang nagbibigay proteksyon sa mga depositor
sa bangko sa pamamagitan ng pagbibigay seguro (deposit insurance) sa kanilang deposito hanggang sa halagang
Php500,000.00 bawat depositor?

A. Philippine Deposit Insurance Company (PDIC)


B. Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
C. Development Bank of the Philippines (DBP)
D. Bank of the Philippine Island (BPI)

34. Nanalo sa lotto ang iyong ina ng kalahating milyon at binigyan ka ng isandaang
libong piso. Paano mo ito pamamahalaan?

A. Ibabangko ito at ang ilan ay ipang-nenegosyo


B. Ibibili lahat ang salapi hanggang maubos
C. Itatago sa piggy bank o alkansya para di-maubos
D. Magiging impulse buyer at bilhin ang kagustuhan

35. Bilang isang mag- aaral , alin ang nararapat na gawin kung maliit lamang ang baon na ibinigay ng iyong magulang?
A. Bilhin ang nararapat bilhin at humingi na lamang kapag kulang ang salapi
B. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.
C. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga
D. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.

36. Si Mr. Santos ay may BDO account, may isang ginang ang lumapit sa kanya sa isang fastfood at nagpakilala na staff
sya ng BDO at hinihingi ang detalye nito sa bangko. Bilang isang wise saver, ano ang dapat isaalang –alang ni
Mr.Santos?
A. Kilalanin ang iyong bangko
B. Alamin ang produkto ng iyong bangko
C. Alamin ang serbisyo at mga bayarin sa iyong bangko
D. Makipagtransaksiyon lamang sa loob ng bangko at awtorisadong tauhan nito

37. Sa kasalukuyang panahon, nakararanas ang bansang Pilipinas ng pangkalahatang pagtaas ng presyo ng mga produkto
at serbisyo. Anong konsepto ang tinutukoy dito?
A. Depresasyon B. Implasyon C. Deplasyon D. Resesyon

38. Anong karaniwang ginagamit upang masukat at mapag- aralan ang pagbabago sa presyo ng mga produkto.

A. Purchasing Power C. GNP Implicit Price Index


B. Antas ng Implasyon D. Consumer Price Index

39. Ang Implasyon ay nakilala sa iba’t ibang klasipikasyon. Isa rito ay nagaganap kapag mas mataas ang demand ng mga
produkto at serbisyo kaysa sa supply ng nasa pamilihan. Anong uri ito?
A. Cost-Push Inflation B. Structural Inflation
B. Contractionary Inflation D. Demand Pull Inflation
40. Alin sa mga dahilan ng implasyon ang tumutukoy sa isang sistema na nagaganap kung saan ang isang kompanya ay
may pagkontrol ng presyo at dami ng produkto?
A. Monopolyo
B. Pagluluwas
C. Pag- aangkat
D. Pagtaas ng suplay ng salapi

41. May iba’t ibang uri ng price index, alin sa sumusunod ang hindi kabilang ?
A. Individual Price index
B. Producer Price Index
C. Consumer Price Index
D. GNP implicit Price Index

42. Ang Consumer Price Index (CPI) ay ginagamit na pansukat sa average na pagbabago ng presyo ng mga produktong
karamihang ginagamit at binibili ng mga tao. Ano ang pormula sa pagtuos ng CPI?

A. CPI = TWP ng kasalukuyang taon 100


TWP ng nakaraang taon
B. CPI = TWP ng nakaraang taon 100
TWP ng kasalukuyang taon
C. CPI = 100 TWP ng kasalukuyang taon
TWP ng nakaraang taon
D. CPI = 100 TWP ng nakaraang taon
TWP ng kasalukuyang taon

Para sa bilang 43- 44

Basehang taon 2015


Taon Total Weighted Price CPI
2014 1500 -
2015 1600
2016 1800

43. Kompyutin ang CPI ng taong 2015.


A.106.67 C. 112.10
B. 110.10 D. 115.50

44. Kompyutin ang CPI ng taong 2016.


A.100 C. 120
B. 112.5 D. 150

45. Sa pagsukat ng Antas ng Implasyon, ito ay ginagamitan ng pormulang:

A. Antas ng Implasyon= CPI kasalukuyang taon- CPI ng Nagdaang taon 100


CPI ng Nagdaang taon
B. Antas ng Implasyon= CPI kasalukuyang taon- CPI ng Nagdaang taon 100
CPI ng kalukuyang taon
C. Antas ng Implasyon= CPI kasalukuyang taon- CPI ng Nagdaang taon 100
100
D. Antas ng Implasyon= CPI kasalukuyang taon- 100 100
CPI ng Nagdaang taon

46. Kung ang CPI ng 2015 ay 251.20 at ang CPI ng 2016 ay 310.55. Ilan ang antas ng implasyon?

A. 20.20% B. 23.62% C. 21. 20% D. 24.20%

47. Magkano ang purchasing power of peso (PPP) kung gagamitin ang CPI ng 2015 na 251.20?

A. .45 B. .50 C. .40 D. .45


48. Ang sumusunod ay mga taong nalulugi sa pagkakaroon ng implasyon , MALIBAN sa:
A. may tiyak na kita
B. Speculators
C. Nag- iimpok
D. Nagpapautang

49. Sa papaanong paraan malulutas ang demand-pull inflation?

A. Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya


B. Pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang output ng produksyon
C. Pagpapautang na may mababang interes upang mahikayat ang karagdagang paggasta
D. Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa ekonomiya

50. Bilang isang mamimili, paano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?

A. Bumili lang kung bagsak ang presyo ng mga bilihihin sa pamilihan


B. Bumili lamang sa supermarket or grocery upang matiyak ang presyo
C. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan.
D. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan.

You might also like